LOGINPara po sa mga bagong mambabasa, please read my other books in GoodNovel. 1. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 2. Love for Rent (1.2M views-Book1-7) - Completed 3. The CEO's Cold Ex-Wife- Ongoing 4. Unlove Me Not - Completed 5. The Ex-Convict Billionaire - Completed Maraming salamat po sa suporta!
“Prince, endless contract na ang pagsasama natin, ah?”Nananatili ang mga palad ni Stefie sa magkabilang pisngi ng asawa. Kanina lamang, ipinakita nito ang kanilang selfie na ginawa nitong wallpaper. Ngayon, gusto niyang marinig kung hanggang saan sila dadalhin ng pagbabagong iyon.Ngumiti si Prince. “Wife, bakit? May expiration date pa ba tayo?”“Meron sa original contract. One year, remember?”“Naalala ko.”“Then let's change it.”Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Ayoko ring matapos ang kung ano ang mayroon tayo ngayon, wife. Gusto kong manatili tayong magkasama.”“Talaga?”“Oo.” Hinalikan nito ang kanyang palad. “Masaya ako kapag kasama kita.”Napangiti siya at niyakap ito. Hindi nabanggit ni Prince kung ano ang mangyayari pagkatapos ng isang taon, pero ayaw niyang sirain ang gabi sa pangungulit. Dati, kailangan pa niyang hulaan kung gusto nitong makasama siya. Ngayon, kusa na nitong sinasabi.“Good,” bulong niya. “Kasi hindi ko na balak ibalik ang husband ko.”“May return policy
“Basta kayang patunayan.”Iyon ang huling narinig ni Stefie mula sa ama nang lumabas siya sa garden. Nakatayo sa ilalim ng ilaw sina Don Severo at Prince, magkaharap at kapwa seryoso.“Husband! Daddy! Nandito pala kayo.”Sabay silang napalingon. Sa loob ng ilang segundo, hindi kumibo si Prince. Nagtaas tuloy siya ng kilay. Kanina pa siya naghihintay sa kuwarto, at nang hindi bumalik ang asawa, naisip niyang baka may tinawagan ito tungkol sa trabaho. Hindi niya inaasahang narito pala kasama ang kanyang ama. Lumapit siya kay Prince at yumakap sa braso nito.“Kanina pa kita hinahanap. Ano'ng pinag-uusapan ninyo?”“Kinukumusta ko lang ang pagsasama ninyo,” sagot ng ama.“Daddy, binibigyan mo na naman ba ng sermon ang husband ko?”“Hindi ko naman siya pinapagalitan.”“O baka naman pinag-uusapan ninyo ako! Baka pinagkakaisahan ninyo ako.”Napatawa ang ama. “Ikaw pa talaga ang pinagkakaisahan?”Hinawakan niya ang kamay ni Prince. Mainit ang palad nito, pero hindi pa rin nawawala ang seryoson
“Si Don Severo Santillan.”Hindi kaagad nakapagsalita si Prince. Nakaupo siya sa tapat ni Ronaldo, ngunit tila mas mabigat ang pangalang iyon kaysa sa lahat ng dokumentong ilang buwan nilang sinuri.“Sinabi ba mismo ni Daddy?”“Oo. Tinanong ko pa kung bakit kailangan niyang kausapin ang chairman ng Santillan Foundation. Hindi niya ipinaliwanag nang buo.”“Sinabi ba niyang may kasalanan si Don Severo?”“Hindi. May kailangan lang daw siyang linawin.”Sumandal si Prince. Hindi akusasyon ang pagbanggit sa pangalan. Ngunit lalo nitong pinagtibay ang hinalang may alam si Don Severo tungkol sa mga huling araw ni Alexander.“Tungkol ba iyon sa mga transaksiyong sinusuri niya?”“Posible. Iyon ang pinag-uusapan namin bago niya nabanggit ang pangalan. Kilala mo ang impluwensya ng mga Santillan.”“Ikuwento mo ulit ang huling pagkikita ninyo. Mula sa pagdating mo.”Huminga si Ronaldo. “Dumaan ako sa opisina niya nang hapon. May mga papel sa mesa. Itinabi niya ang isang folder nang umupo ako. May m
“Prince, nasa amin na ang witness na matagal nating hinahanap.”Napahigpit ang hawak ni Prince sa cellphone. Mula sa tabi ng bintana, napatingin siya kay Stefie na nakaupo sa kanilang kama.“Noah, sigurado ka? Si Ronaldo Ramos?”“Oo. Nasa pangangalaga na natin siya. May paunang impormasyon na siyang ibinigay, pero gusto ka niyang makausap bago magbigay ng buong salaysay.”Si Ronaldo ang matagal nang kaibigan ni Alexander at huling taong kilalang nakausap nito bago pinatay. Matapos ang pagkamatay ng ama, naglahong parang bula ang lalaki. Ngayon, maaari na niyang malaman kung bakit.“Paano ninyo siya nahanap?”“Isang dating contact niya ang nakatanggap ng mensahe mula kay Ronaldo at ipinasa iyon sa amin. Kinumpirma namin ang pagkakakilanlan niya gamit ang lumang larawan at mga impormasyon sa records natin. Personal din siyang nakilala ng contact bago namin siya inilipat sa ligtas na lugar.”“Paano ninyo natiyak na hindi nagpapanggap ang nakipag-ugnayan?”“May mga personal na detalyeng t
Napasandal si Prince sa upuan matapos ang tawag kay Noah. Si Don Severo pa rin ang pangunahing pinaghihinalaan nila sa pagkamatay ni Alexander.Dati, gusto niyang mapatunayan ang kasalanan ng matanda. Ngayon, may bahagi sa kanyang umaasang sana ay mali ang kanilang hinala.Napamura siya. Hindi maaaring baguhin ng isang gabing kasama si Stefie ang dahilan kung bakit siya nagsimula. May pumatay sa kanyang ama. Kailangang managot ang may kagagawan.Ngunit hindi na estranghero ang pamilya Santillan. Ang anak ng lalaking pinaghihinalaan niya ang babaeng naghihintay sa kanya tuwing gabi.Binuksan niya ang mga financial report na ipinasa noon ni Stefie. Hinanap niya ang mga pahinang minarkahan nila ni Noah tungkol sa pondong nagmula sa Meridian Capital Holdings at inilaan sa isang proyekto ng Santillan Foundation.May isang entry na hindi niya nabigyang-pansin noon. Sa tabi ng halaga ay may reference number at nakasulat na “Approved - Office of the Chairman.” Walang pangalan o pirma sa pahin
“Husband, mahal mo rin ba ako?”Natigilan si Prince habang nakasandal si Stefie sa kanyang dibdib. Nakatingala ito, naghihintay ng sagot.Mahal ba niya?Hindi kailanman naging bahagi ng plano niyang umibig. Pinakasalan niya si Stefie upang makalapit sa pamilya Santillan at maimbestigahan ang pagkamatay ni Alexander.Ngunit paano niya ipaliliwanag ang saya tuwing kasama niya ito? Ang pangungulila kapag wala ito sa kanyang tabi?Hindi niya alam kung pagmamahal na ba iyon o dahil nasanay na lamang siya sa presensiya ng asawa. Ayaw niyang sirain ang kaligayahan nito.Hinawakan niya ang pisngi ni Stefie.“Wife, yes. I love you.”Nanlaki ang mga mata nito bago napangiti.“Husband, seryoso ka?”Hinalikan niya ang noo nito sa halip na salubungin ang tingin ng asawa.“Oo, wife.”Niyakap siya ni Stefie.“Husband, puwede mong ulitin?”Napangiti siya. “Hindi mo ba narinig?”“Narinig ko. Gusto ko lang marinig ulit.”“I-I love you, wife.”“Again?”“Wife, ilan bang beses?”“Unlimited. Kagaya ng kisse







