Dear readers, kung nagustuhan po ninyo ang ating kwento, palambing po ako ng rating at review sa mismong aklat. Maraming salamat po sa suporta!
Mainit ang araw nang huminto ang itim na sasakyan sa tapat ng Roxas Medical Facility.Agad bumaba si Sebastian, pawis na pawis at halatang walang tulog.Diretso siya sa reception counter, hawak ang ID ni Jenny at ang papel na iniwan sa ospital kanina.“Excuse me,” halos hindi na niya maitago ang kaba sa tinig. “I’m looking for Jenny Robles Tuazon. She was transferred here this morning. Nasaang room siya?”Ngunit nagkatinginan lang ang dalawang receptionist.“Sir, sorry po, but we don’t have any patient under that name.”Parang may biglang may mabigat na dumagan sa loob ng dibdib niya.Napakunot ang noo niya. “Impossible. Check again. She was brought here today, pregnant, post-critical case. Under Roxas name, maybe private listing.”Muling tiningnan ng staff ang computer, nag-scroll, nag-type, saka umiling.“Wala po talaga, sir. Baka po ibang branch? O baka po hindi dito dinala.”Biglang sumabog ang boses ni Sebastian. “How can that be?! She’s supposed to be here! I saw the papers myse
Isinugod sa ospital si Jenny ni Sebastian. Ang bawat tibok ng puso niya ay parang bomba sa dibdib.“Emergency! buntis siya, please, tulungan n’yo siya!” halos pasigaw niyang sabi habang karga si Jenny, maputla, walang malay, at may bakas ng dugo sa kanyang mga hita.Agad silang sinalubong ng mga nurse at itinakbo sa emergency room.“Sir, dito lang po muna kayo.”At tuluyang nagsara ang pinto sa harap niya.Tumigil ang oras. Naiwan siyang mag-isa sa corridor, basang-basa, nanginginig, at walang magawa kundi maghintay. He has never been this hopeless in his entire life, ngayon lang, kay Jenny.Sa unang pagkakataon, ramdam ni Sebastian ang tunay na takot, hindi bilang CEO, kundi bilang lalaking baka mawalan ng babaeng hindi pa man niya lubusang nauunawaan, ay alam niyang pinakaimportanteng tao sa buhay niya.Nakasandal siya sa pader, hawak ang sariling buhok, paulit-ulit na sinasampal ng mga eksena sa isip, ang galit niya, ang mga salitang ibinato niya kay Jenny, at ang mga luhang nakita
Dahan-dahan nagmulat ng mata si Jenny, ramdam ang bigat at init sa kanyang gilid.Napasinghap siya nang mapagtantong ang kamay ni Sebastian ay mahigpit na nakayakap sa kanya, ang braso nitong nakapulupot sa baywang niya na parang ayaw siyang pakawalan.Ilang sandali siyang natigilan, pinakikiramdaman ang tibok ng puso niya.Hindi niya alam kung tatanggalin ang yakap o manatiling ganoon lang. Pero sa huli, marahan niyang inalis ang braso ng lalaki.Nang bumangon siya ay dumilat din si Sebastian.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Walang nagsasalita.“Sorry,” mahina niyang sabi, halos pabulong.Ngumiti si Sebastian ng pilit, sabay umupo. “Don’t be. I guess old habits die hard.”Hindi siya umimik. Lumapit siya sa veranda, nakatingin sa dagat. Ang umagang dapat ay payapa, ngayon ay tila pinupuno ng mga tanong sa isipan niya.Hanggang sa marinig niya ang boses ni Sebastian sa likod niya.“Jenny,” tawag nito.“Hmm?”“May tatanungin ako. Pero gusto kong sagutin mo nang totoo.”Huminga siya nan
Sumulyap kay Jenny si Sebastian, may mapanuksong ngiti. “Yes, babe. I’ll call you later, promise.”Naglakad palayo si Sebastian habang may kausap sa cellphone.“Hello, Seb. Bakit mo ako tinawag na babe? Kinilabutan ako, bro!”“Heh, pinarinig ko lang kay Jenny para maasar siya. Paano ba naman kausap yun si Andrei. Pakikalkal nga ang baho ng gagong iyon ng makaganti ako.”“Bro, nangangamoy selos ah.”“Hindi! Gusto ko lang makapanakit!”“Saan? You’re hurting, bro. Hay, kaya ako never nagpakaseryoso sa babae. Kayong dalaw ni Kyle, biglang mga naging hopeless romantic. That won’t happen to me!”“Huwag kang magsalita ng tapos. Kapag nakita mo ang katapat mo, ewan ko lang.”“So parang inaamin mong in love ka kay Jenny?”“Hindi nga! Ang kulit mo.”“Nangangamusta lang ako. Enjoy your honeymoon!”Agad niyang naibaba ang telepono ng tumikhim sa likod niya si Jenny at may dalawang staff sa likod nito na may dala ng gamit nila.“Sir, magpapaalam lang po kami na ipi-feature po kayo sa page namin bi
Nagpunta si Sebastian sa banyo upang maghilamos. Kinapa niya ang cellphone. Wala sa bulsa! Binalikan niya ang table. Nakaupo si Andrea na naghihintay sa kanya. Agad niyang dinampot ang cellphone at inilagay sa bulsa.“Andrea, si Jenny ang ia-assist mo. Huwag kang lalapit sa akin. I’m married,” aniyang ipinakita ang wedding ring.“Nauunawaan ko, sir, ihahatid na po kita baka hindi ninyo kayang mag-drive.”“No, thanks. Umuwi ka na,” aniyang tumalikod na.Nilingon niya ang paligid, magulo ang isip niya.Lumabas siya ng bar, mabilis ang hakbang at muntik na siyang madapa. Umuulan pa din sa labas.Pagpasok niya sa kotse, nagdesisyon siyang hindi siya uuwi. Hindi niya kayang makita si Jenny. Baka mag-away lang sila.Pinaandar niya ito patungo sa condo unit niya, ang dating tinutuluyan bago pa sila magsama ni Jenny.Pagdating doon, diretso siya sa loob, ibinagsak ang coat sa sofa, at tumitig sa kawalan.Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, naramdaman niyang talagang mag-isa siya. Dahil
Tahimik sa loob ng sasakyan, hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ni Sebastian.Napalingon si Jenny, “Andrea calling...” ang pangalan sa screen.Walang pag-aatubiling sinagot ito ng CEO, “Andrea, yes?”Halata niya ang bahagyang lambing ang boses nito.“Hmm... sige, I’ll see you in a bit. Same restaurant as last time? Okay. Take care!”Tumigas ang katawan niya. Pinilit niyang tumingin sa labas ng bintana, ngunit bawat salitang naririnig niya ay parang tinutusok ang puso niya.“Late dinner? Hindi pa ba sapat ang maghapong kasama mo siya sa opisina? Baka ikaw naman ang nasa headline bukas? Sayang ang pinaghirapan natin.”“It’s business. Hindi kagaya ninyo ni Andrei. Don’t start another scene, Jenny. Pagod na akong makipagtalo sa’yo.”Walang sumunod na salita. Bumigat ang hangin sa loob ng kotse.Tahimik sila habang nasa byahe, parehong walang gustong magsalita.Pagdating nila sa bahay, agad siyang bumaba at halos hindi na lumingon. Malakas na isinara niya ang pinto ng kotse.Diretso