Home / Romance / Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO / Kabanata 32 Overtime with Pay

Share

Kabanata 32 Overtime with Pay

last update Last Updated: 2025-08-07 13:43:17
Ang liwanag ng desk lamp lang ang nagsisilbing ilaw sa pagitan nila Kyle at Mira. Habang nakatitig ang binata sa kanya, hindi na niya malaman kung ano ang susunod na mangyayari. Ramdam niya ang init ng pisngi niya at ang bilis ng tibok ng kanyang puso.

“Gusto mo pa bang marinig ang sagot ko… o nararamdaman mo na?” masuyo nitong tanong ang ihiwalay ang labi sa kanya.

Napayuko siya, nangingiti habang nilalaro ang sariling mga daliri. Hindi siya makatingin nang diretso sa boss.

“Pwede bang sabihin mo ng deretso? Baka kasi nananaginip lang ako.”

“Sige, gigisingin kita.”

At bago pa siya makasagot, marahan nitong hinawakan ang kanyang baba, at dumampi ang mga labi nito sa kanya, banayad sa una, hanggang sa naging mas malalim ang halik, naghahanap ng katugon. Marunong na siyang humalik kaya naman gumanti siya at ginaya ang paraan ng paghalik nito.

Napapikit siya, hinayaan ang sarili sa sandaling iyon. Ang halik ni Kyle ay tila pag-amin, hindi lang sa pagpapatuloy ng kasunduan, kundi sa lahat
Maria Bonifacia

Dear lovely readers, if nagustuhan po ninyo ang ating kwento, palambing po ako ng rating at review sa mismong book ng Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO. Maraming salamat po!

| 12
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Chimbie Sibe
sana naman totoong mahal ni Kyle si Mira
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks so much po!
goodnovel comment avatar
Jesse Cejas
naku parang ngkunwari lng itong c kyle,.ingat ka mira dahil hindi papayag c kyle na mapunta ang 50% share ng kompanya nila sayu
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 43 Helping a Friend

    Abala si Mira sa pagbubukas ng laptop nang mapansin ang papalapit na hakbang. Sa peripheral vision niya, nakita niya ang pigurang tila naglalakad sa runway hawak ang cup ng kape.“Good morning, Mira. Para sa’yo… peace offering,” ani Sofie na nakangiti, may bahid ng excitement ang tinig.Napatingin siya, bahagyang nagulat, at nag-alangang tanggapin ang kape.“Teka lang, wala bang lason ‘yan?”“Wala, grabe ka naman sa akin.”“Mahirap magtiwala, matapos mo akong ipahamak ng ilang beses,” aniyang tinanggap ang kape.Umupo si Sofie sa tabi ng mesa niya, nakasandal pa sa gilid na parang kampante sa presensya niya.“Gusto ko lang linawin… kagabi, nung tumawag ako… totoo ba yung sinabi mo? Na mahal pa rin ako ni Kyle?”Ramdam niya ang kabog ng dibdib, pero pinanatiling kalmadong boses.“Oo… yun ang sabi ko, ‘di ba?”Nagliwanag lalo ang mukha ni Sofie, para bang nakakita ng liwanag sa dulo ng madilim na tunnel.“Paano mo nasabi?”“Teka, akala ko lasing ka kagabi? Bakit tandang tanda mo ang sin

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 42 Too Much Love

    Umaga pa lang, nakaupo na si Mira sa kanyang desk, maingat na nire-review ang final presentation para sa meeting mamaya. Gusto niyang siguraduhin na maayos ang lahat, lalo na kasama ang CEO at board members at unang beses niyang mag-pi-present sa meeting. Mainam itong training niya.Pagkatapos ng ilang minuto, tinawag siya ni Sofie.“Mira, naiwan ko ang laptop ko sa bahay. Pwede bang pahiram ng laptop mo sandali? Kailangan ko lang i-check yung format ng isang file para compatible sa projector natin,” anitong seryoso ang mukha.Ilang araw ng mabait si Sofie. Baka nagbago na ito. At wala din naman siyang mapapalang awayin ang babaeng minamahal ni Kyle.“Ah, sige. Sandali lang, i-save ko lang ‘tong ginagawa ko.”Habang abala siya sa pag-aayos ng ibang papers sa mesa, mabilis na pinihit ni Sofie ang laptop palayo sa kanya, kumikilos nang tila nagta-type lang. Pero sa likod ng mabilis na paggalaw ng mga daliri nito, binubuksan na nito ang presentation file para mamaya.Mabilis nitong binag

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 41 Worth the Risk

    Pagbalik ni Mira sa opisina, bitbit ang ilang folders at ang brown envelope, pilit niyang pinanatili ang normal na kilos. Nakaupo si Kyle sa swivel chair, nakasandal at abala sa pagbabasa ng reports.“Nakuha mo ba ‘yung hinihingi kong project file?”“Yes. Nasa folder na ‘to.”Lumapit siya sa desk, marahang inilapag ang folders, at kasabay nito ay sinadya niyang ilaglag ang ballpen mula sa kanyang kamay.Gumulong ito pababa, tuwid na dumiretso sa ilalim ng desk ni Kyle.“Ay, wait lang…”Lumuhod siya para abutin ito. Sa ilalim ng desk, agad niyang nakita ang hinahanap na maliit na wiretapping device na nakakabit sa gilid ng table frame. Halos hindi pansinin kung hindi hahanapin.Sinadya niyang magtagal ng bahagya, parang nahihirapan abutin ang ballpen, para siguradong makita rin ito ni Kyle.Nakita niyang sumilip si Kyle pababa, kunot-noong napatingin sa tinitigan niyang device.Nagkatinginan silang dalawa. Hindi siya nagsalita, pero sapat na ang tingin niya para ipahiwatig na may ibang

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 40 Foolish Love

    Pagkabukas ng gate ng mansyon, halos wala sa sarili si Mira habang naglalakad papasok. Sa bawat hakbang, ramdam niya ang bigat ng lihim na ngayon ay bumabalot sa kanyang dibdib.Pagdating niya sa pintuan, agad bumungad si Kyle na nakapantulog na.“Mira? Anong nangyari? Saan ka ba galing?! Naiwan mo ang cellphone at bag mo sa opisina,” humahangos si Kyle na nag-aalala.Gusto niyang palakpakan ito sa galing ng akting. Mukhang totoong concern. Nagpanggap siyang kalmado. Pero tila nag-aalburotong bulkan ang kanyang damdamin. Iniwas niya ang mga mata.“Naglakad lang… tapos umuwi ako sa amin. Kinumusta ko lang sila nanay at tatay,” aniyang nag-crack ang boses.“Teka, umiyak ka ba? May problema ba sa bahay? Sabihin mo lang. Nakahanda akong tumulong. Alam mo namang ayokong malungkot ka,” anitong hinawakan siya sa balikat.Nagkiskis ang mga ngipin niya sa tindi ng itinatagong emosyon. Putang-ina. Nakuyom niya ang palad.“Okay lang ako. Ngkakwentuhan lang kami kaya nagkadramahan ng konti kaya n

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 39 Broken into Million Pieces

    Kinabukasan ng hapon, inihatid ni Kyle si Mira sa mentorship session nito. Wala pa ang professor kaya ninakawan pa niya ng halik ang asawa.“Kyle! Umalis ka na at padating na ang professor ko,” nakangiting taboy ni Mira. Niyakap pa niya ito ng mahigpit bago umalis.Bumalik na siya sa opisina sa dami ng trabahong nakatambak. Nagulat siya sa pagdating ni Lucas, ang matagal ng kaibigan at isang magaling na negosyante din.Nagyakap silang dalawa.“Long time no see, bro!” masayang bungad ni Lucas na inabot ang isang bote ng wine.“Tikman na natin ‘yan,” aniyang nagtungo sa mini bar at kumuha ng dalawang baso at nagsalin ng alak. Ibinigay sa kaibigan ang isa.Umupo siya sa leather couch, hawak ang basong may yelo at alak. Tumapat sa kanya si Lucas."Bro, kumusta? Nawala lang ako ng ilang buwan pagbalik ko may asawa ka na. At hindi ang kinababaliwan mong si Sofie kundi ang assistant mo. Anong nangyari? Gulat na gulat ako!"Tumahimik siya, sumimsim ng alak at saka tumingin sa bintana."Ang to

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 38 Shine the Brightest

    Katatapos lang ng mentorship session nang bumukas ang pinto at sumilip ang assistant ni Sofie."Sir Kyle, emergency po. May tawag galing sa ospital, naaksidente daw po si Miss Sofie. Hinahanap niya kayo."Nagbago ang anyo ng mukha ni Kyle, bahagyang nag-alala, pero kalmado. Napagtanto ni Mira, he still cares for her. Pero tama lang naman dahil may pinagsamahan sila.Tumayo agad ang lalaki. “I have to go. Wala siyang pamilya dito, nasa abroad lahat.”“Okay lang, sige puntahan mo na siya,” sabi niyang tila galing sa ilong.Tumango si Kyle at naglakad palayo, ngunit bago pa tuluyang makalabas ay lumingon ito.“I’ll chat you. Don’t overthink. Babalik ako agad,” anitong hinalikan siya sa noo.Nang dumating si Kyle, agad nagpunta sa silid ni Sofie. Naka-hospital gown ang babae at may benda sa braso. Walang sugat sa mukha, ngunit halatang umiyak. Tumayo ito agad nang makita si Kyle at mahigpit na hinawakan ang kamay ng lalaki.“Kyle, you’re still the only person I want to see when I’m in pai

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status