Mag-log inPlease read my other books in GoodNovel. 1. Secret Affair with my Hot Ninong – Ongoing (latest) 2. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 3. Love for Rent (1.2M views-Book1-7) - Completed 4. The CEO's Cold Ex-Wife - Ongoing 5. Unlove Me Not - Completed 6. The Ex-Convict Billionaire - Completed Maraming salamat po sa suporta! Love you all!
Nanatiling nakatayo sa ulan si Daryl, hawak ang payong na wala nang silbi.Habang pasakay siya sa loob ng kotse, naramdaman niyang bumigat ang dibdib niya. Isinara niya ang pinto, umupo sa driver’s seat, at matagal na nakatitig lang sa manibela.Napatingin si Candice sa kanya mula sa passenger seat. Nakahalukipkip, may halong biro pero may lambing ang boses.“May problema ba?”Umiling si Daryl. Pilit ang ngiti.“Wala naman.”Tumaas ang kilay ni Candice. “Talaga? Tara na nga, shot puno na ’yan. Mukhang brokenhearted ka simula nung dumating si Harvey.”“Hindi ah,” mabilis na depensa niya.Napangiti si Candice, parang matagal nang alam ang sagot. “Hay naku, Daryl. Halata naman kaya huwag ka ng magdeny.”Nanlaki ang mata ng binata. “Ha? Halata ang alin?”“Na may gusto ka kay Iris,” diretso nitong sabi.Parang may kumalabog sa dibdib niya. “Paano mo nalaman?”Tumawa si Candice, saka tumingin sa harap. “Obvious. Kapag kasama mo siya, nag-iiba ka. Ang mga mata mo… kay Iris lang talaga nakatu
Pero napahinto si Daryl.Ngumiti na lang siya, pilit upang itago ang damdamin.“Wala,” sabi niya. “Hindi importante.”"Eto naman, pag-iisipin pa ako. Ano ba sasabihin mo? Huwag kang mahiya. Kailangan mo ba ng funding or investor sa bagong negosyo mo?”“Iris, kapag kailangan ko ng tulong, magsasabi ako agad. For now, okay naman ang lahat.”“Eh ano nga ba ang sasabihin mo?”“Actually, nakalimutan ko nga kung ano ang sasabihin ko,” aniyang sinabayan ng tawa.Nagpatuloy sila sa paglalakad sa loob ng park.Hindi na itinuloy ni Daryl ang sasabihin niya kanina. Pinili niyang itago sa puso ang damdaming muntik nang kumawala. Iris deserve the best. At mas bagay ito kay Harvey. Matagal na niyang minamahal si Iris mula sa malayo. Marahil, hanggang doon na lamang.Tahimik ang gabi. May iilang streetlights na nagbibigay ng dilaw na liwanag sa daanan. May mga batang tumatawa sa malayo, may magkasintahang magkahawak-kamay.“Maganda ang gabi,” sabi ni Iris, pilit binabasag ang katahimikan.“Oo,” sago
“Dad, anong ginagawa ninyo dito?” nagtatakang tanong ni Iris.“Hinahanap ka talaga namin ni Daryl, yayain ka namin para sa family dinner ng mga Tan.”Napatingin siya kay Daryl.“Don Apollo, mauuna na po ako. Goodnigh, hon,” ani Daryl. Muntik siyang matumba ng halikan siya sa pisngi ng binata. Aba, tumatapang ito.Tumalikod ito at siya naman ay hinila na ng ama.“Iris,” malamig ang tono ng ama, nakaupo sa kotse. “Ire-reassign ko si Daryl. Temporary lang. Hindi na siya dapat laging nasa tabi mo.”Nanigas ang balikat niya.“Reassign?” ulit niya. “Dad, hindi puwedeng basta --”“Puwede,” putol ni Don Apollo. “At gagawin ko.”Tahimik si Iris, pero sa loob niya, may kumukulong galit.“Kung aalisin mo siya sa kumpanya,” mariin niyang sabi, “ipinakita ninyo lang sa tao ang pagiging matapobre ninyo. Matalino at magaling si Daryl kaya baka idemanda pa niya kayo.”Hindi na siya nagsalita pa. Pinagmasdan ang mga ilaw sa labas ng sasakyan.***Kinabukasan, pagpasok niya ng opisima, nakita niya si
“Iris,” mababang sabi ni Don Apollo. “Nagsabi na sa akin si Harvey.”Nanikip ang dibdib niya.“Ano po ang sinabi niya?”“Sinabi niyang dati na pala kayong may koneksyon,” sagot ng ama. “High school pa lang. Mga liham. Pangako. First love.”Tumigil ito sandali. “Harvey is the best choice for you. Tadhana na pala ang nagtagpo sa inyong muli.”Parang may humila sa sikmura niya.“Dad--”“Give him a chance,” putol ni Don Apollo. “He has the history. The status. The future. Hindi mo kailangang ipaglaban ang mundo kung siya ang pipiliin mo.”Tahimik si Iris.Sa loob niya, magulo.Nakita na niya ang first love niya.Naroon na ang sagot na matagal niyang hinintay.Pero bakit parang… hindi pa rin siya makahinga nang maayos?“Makipaghiwalay ka na kay Daryl,” mariing sabi ng ama. “Tapusin mo na ang relasyon ninyo. Hindi mo na siya kailangan.”Kung ganoon, bakit parang may kumirot sa dibdib niya sa mismong ideya ng pagtapos sa ugnayan nila?“Dad,” mahina niyang sabi, pero matatag. “Bigyan mo ako n
Bumitaw si Iris. Kailangang makahanap siya ng timing kung paano masasabi kay Daryl na nakita na niya ang first love at si Harvey pala.Lumapit siya sa mahabang mesa roon kung saan nakahilera ang mga bar ng All Naturals, nakabalot sa brown paper at tinatali ng simpleng twine.“Pwede pa-try magbalot?”Nakatayo si Iris sa harap ng mesa, medyo alangan sa galaw habang sinusubukang balutin ang isang piraso ng sabon.“Ganito ba?” tanong niya, hawak ang papel na parang natatakot mapunit.“Medyo,” sagot ni Daryl, may ngiti. Lumapit ito mula sa likuran niya.Tumayo ito sa likod niya, bahagyang yumuko para makita ang ginagawa ng dalaga. Inabot niya ang mga kamay ni Iris, ginabayan ang mga daliri nito.“Dapat pantay ang tiklop, tapos dito mo ilalagay ang label.”Napahinto si Iris.Magkalapit sila. Ramdam niya ang init ng katawan ni Daryl sa likod niya. Ang boses nito, mababa at kalmado, parang himig na kayang patahimikin ang isip niya.“Ah, ganito pala,” bulong niya.Nagpatuloy sila sa pagbalot.
Nakatayo pa rin si Iris sa harap ng mini-forest, nakatanaw sa lugar na minsang naging Teatro at minsang naging bangungot.Halos hindi siya makahinga.“Wait, Iris, huwag mong sabihing… ikaw si Mysterious Girl?” pabulong na tanong ni Harvey.“Ako nga si Mysterious Girl,” sabi ni Iris. “Ikaw… ikaw ang hinihintay ko?”Lumapit si Harvey at niyakap siya.Hindi niya alam kung yayakap pabalik o itutulak palayo ang lalaki. Ang katawan niya, nanigas. Pero ang isip niya, tuliro. Ang puso niya, humahabol sa lahat ng taon na nawala.“Noong araw ng sunog…” nanginginig niyang tanong, halos hindi lumalabas ang boses. “Ikaw ba ang nagligtas sa akin?”Bahagyang umatras si Harvey para makita ang mukha niya. Pinagmasdan siya nito na parang binabasa ang bawat piraso ng emosyon.“Nandoon din ako,” panimula nito. “Papalapit na ako sa isang babaeng may suot na red ribbon…” tumigil ito sandali, parang sinisigurado ang bawat salita.Namulagat si Iris.May pumitik na memorya sa utak niya, isang pulang ribbon, s







