Share

Kabanata 49 The Scandal

last update Last Updated: 2025-08-11 16:35:04
Pagbukas ng telebisyon, biglang umalingawngaw ang boses ng anchor.

“Breaking news! Nasa hotel ngayon si Ms. Katrina Lopez, ang babaeng nasa larawan kasama umano si Kyle Alvarado kagabi. Live po tayong makikibalita mula sa aming reporter sa lugar.”

Lumabas sa screen ang live feed, isang magulong lobby ng hotel na pinapalibutan ng media. Hawak ni Katrina ang panyo, nanginginig habang nakaupo sa harap ng mga mikropono. Sa likod nito, makikita ang banner ng press conference na halatang minadali.

“Ms. Lopez,” tanong ng isang reporter, “kayo po ba ay biktima ng pananamantala ni Mr. Kyle Alvarado? Ang CEO ng Megawide Corporation? Totoo po bang nagkaroon ng pamimilit?”

Umiwas ng tingin ang babae. Tila litong lito. Nagsimula ng umiyak. Lalong nagkislapan ang mga camera.

“Ako po…” huminto ang babae, huminga nang malalim at muling umiyak.

“Ms. Lopez, maaari mo bang idetalye sa amin kung paano napagsamantalahan ng CEO ng Megawide ang iyong kahinaan bilang babae?”

“Ms. Lopez, totoo bang binabayaran
Maria Bonifacia

Every page you unlock is a gift to me. Thank you so much po sa suporta!

| 99+
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (7)
goodnovel comment avatar
Adglen Ji Tiongco
baka nmn may iBang way para mag unlock Po ang iBang chapter's ang tagal Po kase Bago ma open..at ilang Po lahat Ang kabanata pra idea nmn Po km
goodnovel comment avatar
Berna Pida Abergos
Ilan po lahat Ang kabanata?
goodnovel comment avatar
Evelyn Deguinion Cinco
next chapter please ang ganda na ng story.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 521 Before Saying I Do

    Nagdalawang-isip si Iris bago sagutin ang tumutunog na cellphone.Tumango si Daryl bilang pagpayag na sagutin niya kahit hindi niya tinatanong.Huminga siya nang malalim, tumayo at lumayo ng konti saka pinindot ang screen.“Hello? Anong kailangan mo Harvey?”Sa kabilang linya, may katahimikan muna, tapos isang hingang putol-putol. Parang pinipigilan ang iyak.“Iris…” basag ang boses ni Harvey. “Please… just listen.”Nanlamig ang mga daliri niya, pero hindi niya ibinaba ang tawag.“Nakikinig ako,” sagot niya, mahinahon.“I know it’s late,” mabilis na dugtong ni Harvey. “I know I messed up. Pero mahal kita. Mahal na mahal. Hindi mo pwedeng itapon ‘yon basta-basta. Ikaw ang first love ko na matagal ko ng hinahanap. At ako din ang first love mo, di ba?”Pumikit si Iris. Hindi dahil naaantig, kundi dahil nakakapagod.“Harvey,” sabi niya, mababa pero malinaw. “Hindi ko itinatapon ang kahit ano. Wala lang talagang tayo. Mga bata pa tayo that time. Marami ng nagbago.”“Pero pwede pa--” naputo

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 520 Priceless

    Bukas na ang kasal. Kabadong excited si Iris.Dapat puno ng anticipation at kilig ang araw.Pero para kay Iris, parang hinahabol sila ng gulo sa bawat oras. Daming aberya kung kailan bukas na ang kasal.“Ma’am Iris,” halos pabulong na sabi ng coordinator sa phone, nanginginig ang boses. “Yung cake supplier po… umatras.”Nanlamig ang batok niya. “Umatras? Bakit?”“Hindi po sinabi kung bakit.”Napapikit si Iris. “Okay. Sige, hahanap ako ng bago. Balikan kita mamaya. Salamat.”Hindi pa siya nakakahinga nang maluwag, sunod-sunod na ang pumasok na messages.Florist backed out.Sound system supplier unreachable.Host refuses to attend due to sickness.Pati catering umatras dahil sa hindi inaasahang pangyayari.Nanlumo siya. Ayaw sana niyang isipin ngunit tila may nananabotahe sa kasal nila. Nagmessage siya sa group chat kung may kakilala ang mga kaibigan.Ilang minuto lang, may mga message na.“Relax. We got this, kayang kaya ‘yan,” chat ni Mira.Kasunod noon, halos sabay-sabay na ang tulong

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 519 The Wedding Problems

    “Ke masaya ka o hindi,” sabi ni Nanay Lily, hindi inaalis ang ngiti sa labi, “huwag mong idamay ang anak ko.”Natigilan si Donya Ester.“Ikaw ang pinili,” dagdag ni Nanay Lily. “Walang dahilan para magtanim ka ng galit sa puso.”Napangiti si Donya Ester. “Oo, ako ang pinili,” bulong niya. “Pero ikaw ang mahal noon hanggang ngayon.”“Anong bang sinasabi mo?” gulat na tanong ni Nanay Lily. “Matagal na panahon na ang lumipas. Matatanda na tayo. May sarili na tayong pamilya.”Tumikhim si Don Apollo, sinenyasan ang pagputol ng bulungan. Tumayo ito nang bahagya sa kinauupuan, ang tinig ay kontrolado ngunit malamig.“So ano ang dahilan at napasyal ang mga Ramos sa mansyon?”Huminga nang malalim si Nanay Lily. Tumayo siya, hawak ang maliit na handbag, diretso ang tindig kahit halatang kabado.“Don Apollo, una sa lahat ay nagpapasalamat kami sa pagpapaaral ninyo kay Daryl,” sabi niya, malinaw ang boses. “Tunay na hindi niya maaabot ang anumang narating niya kung wala ang tulong ninyo.”Sumunod

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 518 Wedding Preparations

    Tahimik ang gabi sa ospital.Mahina ang ilaw sa private room ni Daryl, sapat lang para makita ni Iris ang mahinahong pag-angat-baba ng dibdib nito habang mahimbing ang tulog. Nakaupo siya sa gilid ng kama, may kumot sa balikat, hawak ang cellphone pero mas nakatutok ang mga mata niya kay Daryl.Tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Nanay Lily.Agad niyang sinagot ang video call.“Iris,” bungad ng matandang babae, bakas ang pag-aalala sa mukha. Sa likod nito, nakasilip si Lola Celia, may hawak na rosaryo. “Kumusta ka na, anak? Diyos ko, nakita namin sa balita ang nangyari.”“Okay na po ako, Nay,” agad na sabi ni Iris, pilit na kalmado. “Nasa ospital lang kami. Safe naman po.”“Si Daryl? Kumusta? Hindi namin makontak,” tanong ni Lola Celia, lumalapit sa camera.Inilapit ni Iris ang phone, ipinakita ang natutulog na binata. May benda ang braso.“Eto po,” mahina niyang sabi. “Nagpapahinga. Tulog po.”Napabuntong-hininga si Nanay Lily. “Salamat sa Diyos at safe kayong dalawa.”Nagising

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 517 Choosing Him

    “Okay ka lang?” unang tanong ni Daryl, hindi alintana ang pinsala sa sarili.Tumango si Iris, umiiyak. “Kung hindi ka humarang baka--”Hindi na niya tinapos. Paano kung sa mukha niya sumaboy ang asido?Dumating ang ambulansya. Humahangos si Lucas, nanginginig sa galit ng lapitan ang kapatid.Tiningnan nito ang paso sa braso ni Daryl, saka ang basag na bote sa sahig. Nagtagis ang kanyang bagang.Yumakap siya kay Daryl, mahigpit, walang pakialam sa mga matang nakatingin.Agad silang ipinasok sa ambulansya.Tahimik ang private room sa ospital. Naupo si Iris sa gilid ng kama ni Daryl, hawak ang maliit na tray ng cotton at gamot. Maingat niyang hinila pababa ang manggas ng polo nito. Bumungad ang pamumula at paso sa braso, may benda na ang iba, pero may parte pang kailangang linisin.“Masakit ba?” tanong niya.Umiling si Daryl, pilit ang ngiti. “Kayang tiisin. Malayo sa bituka.”“Don’t lie,” aniyang seryoso, sabay dampi ng cotton sa balat. Napasinghap si Daryl, pero hindi umangal. Si Iris a

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 516 Signing the Deal

    Tahimik ang room ni Iris.May nakalatag na mga papel sa mesa at may dalawang ballpen.“Rule number one,” seryosong sabi ni Iris, naka-cross ang braso habang nakatingin kay Daryl. “Separate rooms.”Tumango si Daryl agad. “Okay.”“Rule number two,” tuloy niya, parang abogado sa korte. “Walang hahawak. Kahit kamay.”“Okay,” sagot ulit niya, walang reklamo.“Rule number three,”“Wait,” napatawa si Daryl. “Ikaw ang nag-propose ng kasal pero parang ang dami mong rules, napaka-strict.”Napatingin si Iris kay Daryl, bahagyang namula. “I just want everything clear.”“Biro lang,” anang binatang ngumiti. “Masusunod ang lahat ng gusto mo.”Napatingin siya sa lalaki. Bakit parang mas nagiging gwapo si Daryl sa paningin niya? Parang may kumalabit sa dibdib niya, pero mabilis niyang inawat ang sarili.“Rule number four,” balik-seryoso niya. “Public appearances kapag kailangan. With sweet gestures at holding hands sa harap ng media kung kailangan.”“Noted.”“Rule number five,” dagdag pa niya, “walang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status