LOGINDear readers, kung nagustuhan po ninyo ang ating kwento, pasuyo po ako ng rating at review sa mismong aklat. Maraming salamat po sa suporta!
Saglit siyang tinitigan ni Zion.“Wow, grabe, salamat sa pizza at pasta!” ani Cassandra na namimilog ang mata.“M-may pinuntahan akong birthday,” malamig nitong sagot. “Sobra lang ‘yan.”“Sinong may birthday?”“Hindi mo kilala.”Napangiti na lamang siya.“Buti sakto ang naiuwi mo, favorite pasta at pizza flavor ko pa. Pakisabi happy birthday,” mahinang sabi niya.“Just eat.”Umupo siya at kumuha ng pasta. “Thank you.”Tumitig si Zion sa kanya. Pagkatapos ay umiwas ng tingin.Pagkatapos nilang kumain, hindi agad nawala ang ngiti sa labi ni Cassandra.Kahit pagod ang katawan niya mula sa unang araw sa trabaho, kahit masakit pa rin ang paa niya sa sapatos, kahit may parte ng utak niyang nagre-replay sa mga sinabi ni Fiona, mas malakas pa rin ang init na iniwan ng maliit na hapunang iyon.Hindi ito nagsabing proud sa kanya.Pero gusto lang niyang maniwala na magandang simula na ito sa pagsasama nila.“Maliligo lang ako,” malamig na sabi ni Zion habang kinukuha ang tuwalya.“Gusto mo sabay
Naka-office attire din si Neil, may ID, at may ngiting friendly.“Neil? Natanggap ka rin?”“Apparently.” Itinaas nito ang ID. “Same department tayo. Two rows away,” anito habang itinuturo ang puwesto niya.Napangiti siya. “Good. May kakilala na ako.”“Kaya nga. Masyadong seryoso mga tao dito?” Napatingin ito sa paligid at sa mga kasamahang busy lahat.Napangiti siya. “Alam mo, Neil, para kang nakakabatang kapatid sa akin.”Agad itong napakunot-noo. “No way. I’m older than you. You’re twenty-three and I’m twenty-four.”Napakurap siya. “Paano mo nalaman?”“Nakita ko sa CV mo. Nahulog, remember?”“Ah. So, binasa mo talaga?”“Hindi lahat. Name and age lang.”Natawa si Neil, at hindi niya napigilang matawa rin nang mahina. Magaan kausap ang lalaki.“Anyway,” sabi nito, “good luck sa first day natin.”“Good luck din. Sana hindi tayo mahirapan.”“Too late. Corporate Communications na tayo. Lahat ng reklamo sa kumpanya, tayo raw ang gagawing panangga.”“Wow. Motivating.”Bago pa ito makasagot
Oo naman. Noong binibili siya ni Zion ng gomang tsinelas. Kapag kinakain nito ang luto niya kahit sunog. Kapag nakikita niya ang matipid nitong ngiti.Pero may mga sandaling parang gusto na niyang sumuko.“Sinusubukan ko maging masaya, kasi ginusto ko ito. Pero alam mo, kung bibigyan ako ng pagkakataon na ulitin, I will still do it again. Gusto ko lang ng pagkakataon na mahalin ni Zion. Alam mo namang kapag isang taon na at wala pa din, aalis na ako at babalik sa pamilya ko,” bulong niya.Para hindi na lumalim ang usapan, umorder si Blessie ng pagkain. Napuno ang maliit na mesa ng chicken, pasta, at drinks na parang mini-celebration. Nagkuwentuhan sila tungkol sa high school days, sa mga crushes dati, at sa mga kabaliwan nilang nagawa noon.Pero kahit tumatawa si Cassandra, paminsan-minsan ay nahuhuli niya si Blessie na nakatingin sa mga kamay niyang namumula at may gasgas.Nang umuwi si Blessie, mahigpit siya nitong niyakap sa pinto.“Call me anytime,” bulong nito. “Kapag gusto mong
“Who is he again?” tanong ni Zion.Napakurap si Theo.“Neil Madrigal, sir. Kamag-anak yata ni Don Julian.”“Find out everything about him.”“Sir, may I remind you… aplikante lang siya.”Dahan-dahang lumingon si Zion.“Of course. Full background check. Very normal HR process.”Binalik ni Zion ang tingin sa monitor.Sa screen, naglalakad na si Cassandra palabas ng lobby. Magaan ang mukha nito.“Sir.”Hindi inalis ni Zion ang tingin sa malaking monitor sa loob ng private office niya. Nasa screen pa rin ang paused footage ng lobby, si Cassandra, hawak ang folder, nakangiti habang kausap ang lalaking aplikante.Si Neil Madrigal.Hindi niya gusto ang ngiti ng lalaki.Mas lalo niyang hindi gusto na ngumiti pabalik si Cassandra.“What?” malamig niyang tanong.Pumasok si Theo dala ang tablet. “Full exam result ni Mrs. Saavedra.”Doon lang bahagyang gumalaw ang mga mata ni Zion.“Written communication, almost perfect. Client response, excellent. Situational judgment, impressive. Grammar, above
Makalipas ang halos isang oras na byahe, bumaba si Cassandra sa harap ng Silver Lining Tower.Tumingala siya sa pinakamataas na gusali sa bansa. Salamin at bakal ang kabuuan nito, kumikislap sa sikat ng araw. Sa tuktok, nakaukit ang pangalan. Silver Lining Corporation.Huminga siya nang malalim. Madalang siyang tumuntong sa kumpanya nila kahit pa lumaki siya sa pamilyang sanay magpatakbo ng negosyo.Maraming aplikante sa lobby.Pumila siya. May kaba kahit kumpyansa naman siya.Sa gilid, may dalawang empleyadong pabulong na nag-uusap.“Darating daw si Sir James today.”“Ha? Sa main floor?”“Hindi. Executive floor lang siguro. Alam mo naman ’yon, bihira magpakita.”Napakunot ang noo ni Cassandra.Sir James?Lumingon siya sa aplikanteng babae sa unahan niya. “Excuse me, si Sir James ba ang mag-i-interview?”Napatingin ang babae sa kanya na parang nakapagtanong siya kung puwede bang umakyat sa buwan.“Si Sir James?” ulit nito. “Hindi. CEO siya.”“CEO?”Tumango ang babae. “Pero bihira siya
Nabura ang liwanag sa mata ni Cassandra.“Ah,” mahinang sabi nito. “Para kay Fiona ba ’yan?”Sasabihin sana niyang hindi.Pero ang lumabas sa bibig niya ay, “Yeah. Para sa kanya.”Gusto niyang bawiin agad.Pero huli na.Ngumiti si Cassandra.“Ang ganda. Simple pero elegante. Bagay sa kanya.”Tahimik ito saglit bago muling nagsalita. “Hhmm, nga pala, nagpasa ako ng application sa Silver Lining Corporation.”Nanigas si Zion.“What?”“Maghahanap ako ng work para matulungan ka. Sayang din ang pinag-aralan ko kung hindi magagamit, di ba?”Silver Lining.Kumpanya niya.“Withdraw it,” malamig niyang sabi.Kumunot ang noo nito. “Bakit?”“Basta.”“Hindi ba dapat matuwa ka? Gusto kong makatulong. Gusto kong hindi lang ako pabigat sa’yo.”Nag-vibrate ang phone niya.“Sir, confirmed. Cassandra Saavedra submitted an application to Silver Lining Corporation. Should I reject discreetly?”Saavedra.Ginamit nito ang apelyido niya.Dahan-dahan siyang napatingin kay Cassandra.Muling nag-message si Theo
Lumabas si Lucas ng ng mansyon at sumakay sa kotse. Gusto niyang mag-unwind.Pag-upo niya sa driver’s seat, parang may sariling buhay ang katawan niya.Automatikong umandar ang sasakyan hanggang makarating sa main avenue ng siyudad.At doon… muling bumungad sa harap niya ang LED billboard ni Maya.H
“Dahlia, kailan mo pa nakita ang blink-blink lights na ‘to?”“Kahapon po wala pa yan. Ngayon lang po.”“Kapag may nakita ka pang mga ganito sa paligid, sabihin mo agad sa akin ha? Kinokolekta ko kasi ang blinking lights.”“Okay po!” anang paslit at tumakbo na uli.Agad pumasok sa kwarto si Lucas. Na
“Ma, puntahan mo siya para makita mo po itsura niya,” anas ni Dahlia, nakahawak sa laylayan ng damit ni Maya. “Totoo po sinasabi ko, ang pogi ni Daddy Dennis.”Napatingin si Maya sa anak, At gusto niyang makita kung paano magpapaliwanag si Lucas kung siya ang makakita. Aamin na kaya ito?Kumilos siy
Ibinaba ni Lucas ang cellphone na hawak nang dumikit si Camille. Huminga siya ng malalim bago pa niya maitulak ang babae ng kumapit pa sa braso niya.The hall burst into applause as the opening program starts. Flashbulbs exploded. Nagkagulo ang mga reporter. Maya stood beside Candice, smiling polit







