INICIAR SESIÓN“This marriage has served its purpose,” sabi ni Fiona.Parang may kung anong nabasag sa katahimikan ng silid.Nanatiling nakatingin si Theo sa kanya. Hawak na nito ang brown envelope na inabot niya.“Purpose?” ulit nito.Kumurap siya ng ilang ulit, baka tuluyang bumagsak ang luhang kanina pa niya pinipigilan.“You protected me,” sabi niya. “I’ll pay you. We’re done.”Unti-unting nagbago ang mukha ni Theo.Hindi galit ang unang nakita niya.Sakit.At mas kinamuhian niya ang sarili dahil doon.Dahan-dahan itong lumapit sa kanya.“Anong nangyayari sa’yo?”“Tapos na tayo.”“No.”Isang salita lang.Nadurog ang puso niya.Pero pinilit niyang tumawa nang malamig.“Yes.”Lumapit ito. “You’re lying.”“I’m not.”“Fiona, look at me.”Ayaw niya.Pero tumingin pa rin siya.Dahil ito na ang huling pagkakataon na makikita niya ang mukha ng lalaking mahal niya bago niya ito tuluyang sirain.“Pirmahan mo na ‘yan. Let’s get over this.”Binuksan nito ang envelope. Nakita ang annulment papers. Ilang segu
Bago pa makakilos si Fiona, nawala na ang lalaki sa dami ng tao.Nanginginig ang kamay ni Fiona nang buksan niya ang sobre.Isang maliit na papel lang ang laman.Pero sapat para mamatay ang natitirang lakas sa mga tuhod niya.Leave Theo Alarcon.Or the next bullet will be on his head.Hindi siya nakahinga.Muling nakita ni Fiona sa isip ang dugo sa braso ni Theo. Ang pagharang nito sa kanya. Ang pilit na ngiti nito kahit nabaril na ito.Napakapit siya sa poste sa labas ng botika.May banta sa buhay ni Theo. At kaya lamang buhay pa ito ngayon ay dahil pinili ng kriminal na sa braso lamang ito tamaan.At kung mananatili ito sa tabi niya at sa kumpanya, baka sa susunod, hindi na daplis ang tama.Hindi niya hahayaang may mangyaring masama kay Theo.Nagmamadali siyang pumasok sa kotse niyang nakaparada sa harap ng ospital.Nanginginig ang kanyang katawan. Pumikit siya.Umiiyak na siya, tahimik, halos walang tunog.Doon niya naintindihan ang lahat.Ginamit siya ni Theo.Sinaktan ng pamilya
Nawala ang kulay sa mukha ni Theo.Isang saglit lang. Isang iglap na kung hindi nakatitig si Fiona, baka hindi niya napansin.Nakita niya kung paano tumigil ang kamay nito sa gilid ng tray. Kung paano bahagyang kumunot ang noo nito. Kung paano nawala ang lambot sa mga mata nito nang sabihin niya ang mga salitang hindi na niya kayang pigilan.“Anong ibig mong sabihin?” ani Theo.Napakurap si Fiona. Para hindi tumulo ang luha. Para hindi nito makita na ang bawat segundo ng katahimikan nito ay parang kutsilyong unti-unting iniikot sa dibdib niya.“Wala,” sabi niya. “Mali lang ang salitang ginamit ko.”Hindi kumilos si Theo.“Baka kako…” Pilit siyang ngumiti. “Baka may gusto ka lang sabihin sa akin.”Nanatili ang tingin nito sa kanya.At sa unang pagkakataon, kinapitan ni Fiona ang isang maliit, mapanganib na pag-asa.Say it.Sabihin mo na ngayon.Sabihin mo kung bakit ka lumapit.Sabihin mo na ginamit mo ako noon, pero mahal mo na ako ngayon.Sabihin mo kahit masakit.Basta ikaw ang mags
“Sino si Alexander Alarcon?” tanong niya.Hindi agad sumagot si Neil.Doon pa lang, alam na niyang may mas mabigat pa sa likod ng pangalang iyon.“Base sa records na nahanap ko,” maingat nitong sabi, “siya ang dating may-ari ng lupa. At kung tama ang family registry na naka-attach dito…”Huminto ito.“Neil.”Lumunok ito.“Ama siya ni Theodore Alarcon. Ng asawa mo.”“May pangalan ba ng representative ng Stonebridge?” tanong niya.“Alexander Alarcon ang registered owner. May isa pang pangalan sa attached old correspondence, Damian Alarcon. Possibly father niya or older relative.”Napapikit si Fiona.Kung lupa ito ng pamilya ni Theo… paano napunta sa mga Ayala?At kung alam niya iyon, bakit hindi niya sinabi?Mas masakit na tanong ang sumunod.Kaya ba ito lumapit sa kanya noon pa lang dahil dito?Hindi ba siya talagang minahal nito?Siya ba ang pinakamadaling daan papasok sa pamilya Ayala?“Fiona?” tawag ni Neil.Minulat niya ang mga mata.“May iba pa ba?”“A few scanned correspondence.
Bago pa masagot ni Fiona ang tawag, may bagong mensahe mula kay Angel na lumitaw sa screen.“Theo, nasa atin na ang certified copy ng old title at deed of sale ng kinatatayuan ng Ayala Tower. Malinaw na peke ang pirma ng daddy mo. Malaking ebidensya ito para mabawi mo ang lupa sa mga Ayala.”Nanlamig ang mga daliri niya.Stonebridge.Ayala Tower.Muling nag-vibrate ang phone. Isa pang mensahe.“Don’t wait too long. If you’re filing against the Ayala transfer, you need a lawyer who can handle land recovery and corporate fraud.”Parang biglang huminto ang tibok ng puso niya.Dahan-dahan siyang napatingin kay Theo.Mahimbing pa rin itong natutulog sa tabi niya. Payapa ang mukha. Nakasandal ang isang kamay sa unan niya, na para bang kahit sa pagtulog ay hinahanap pa rin siya.Ilang oras lang ang nakalipas, hinawakan siya nito na para bang siya ang tahanan.Ngayon, hindi na niya alam kung tahanan ba siya.O daan lamang para sa pansariling kapakanan nito.Muling tumawag si Angel.Ibinalik n
“Theo?”Hindi agad sumagot si Theo sa tanong ni Fiona.“Kailan mo pa ako minahal?”Sa halip na tumingin sa kanya, itinuon nito ang mata sa dagat. Tahimik ang seaside café, maliban sa mahihinang alon at musikang halos nilulunod ng hangin.“Mas matagal kaysa sa iniisip mo.”“Gaano katagal?”Bahagyang humigpit ang hawak nito sa kamay niya.“Long enough to know I never really stopped.”Nanikip ang dibdib ni Fiona.Bago pa siya makapagtanong muli, yumuko si Theo at hinalikan siya nang marahan sa noo.Pagkatapos ng café, dinala siya ni Theo sa condo unit nito malapit sa seaside. Tahimik ang lugar, may tanaw sa madilim na tubig at ilaw ng malalayong bangka.“Theo, ang ganda ng view dito sa condo mo.”“Mas maganda ka.”Inirapan niya ito. “Nambola ka pa.”Binigyan siya nito ng kaunting wine.“To more nights like this,” sabi ni Fiona.“To us,” bulong ni Theo.May lumang love song na tumugtog mula sa speaker. Inabot ni Theo ang kamay niya.“Dance with me?”Tumango siya.Sa gitna ng sala, dahan-d
Binasa niya ang mensahe mula sa head ng security.“Sir, nakatakas po ang suspect. Hindi namin siya nahuli. Malinis ang galaw. Mukhang professional.”Humigpit ang hawak ni Daryl sa cellphone. Tumayo siya at lumabas sa balcony. Tahimik ang paligid, tanaw niya ang dagat na kumikislap sa ilalim ng buwan
Hindi agad sumagot si Iris.Nakatitig lang siya kay Daryl, nakatayo sa harap niya sa tabing-dagat, may araw na sumasalamin sa buhok nito at dagat na kumikislap sa likuran. Ano ba ang nararamdaman mo sa akin?Isang tanong na parang simple pero biglang naging mabigat.“Bakit ka biglang seryoso?” sabay
Tahimik ang gabi sa ospital.Mahina ang ilaw sa private room ni Daryl, sapat lang para makita ni Iris ang mahinahong pag-angat-baba ng dibdib nito habang mahimbing ang tulog. Nakaupo siya sa gilid ng kama, may kumot sa balikat, hawak ang cellphone pero mas nakatutok ang mga mata niya kay Daryl.Tum
Hindi na nakapagtanong pa si Iris.Kinabig siya ni Daryl, walang babala. Isang hakbang lang ang pagitan nila bago magtagpo ang mga labi. Hindi madalian ang halik, malalim, at puno ng pangakong ayaw munang pangalanan. Ang kamay ni Daryl ay naglakbay sa likod niya, marahan pero tiyak, parang inuukit s






