ログインLoveless Deal reached 900,400 reads! At hindi ko mararating ito kung hindi dahil sa walang sawang suporta ninyong lahat! Thank you so much for making my dream bigger than I imagined.
“Gustong-gusto mo talaga?” tanong ni Felicity.Naramdaman ni Damon ang mga kamay nitong nakahawak pa rin sa kanyang mga balikat. Magkalapit ang mukha nila, at nang bumaba ang tingin nito sa kanyang mga labi, inakala niyang nagtagumpay na rin siya.Akmang hahalikan niya ito nang itulak siya ni Felicity sa dibdib.“Tigilan mo na ako dahil hindi ako papayag,” sabi nito habang lumalayo.Bumalik ito sa sofa, kinuha ang bowl ng popcorn, at ipinagpatuloy ang panonood.Nanatiling nakatayo si Damon sa harap ng television.“Hindi pa tapos ang araw,” sabi niya. “Hindi mo pa nakikita ang pinakaepektibo kong paraan ng pang-aakit.”“Umalis ka nga diyan. Nakaharang ka sa palabas.”Sumilip siya sa screen. Nandoon na naman ang Korean actor na halos hindi gumagalaw ang mukha, pero kinikilig ang mga babae.“Mas gwapo ako riyan.”“Tumingin ka nga sa salamin.”Itinali ni Damon ang bathrobe at naglakad palayo na kunwari ay hindi nasaling ang pride. Kailangan niyang magmadali. Nauubos na ang araw nila sa re
Mabibilaukan si Felicity sa pasta nang marinig ang sinabi ni Damon.“Dessert?” Umubo ito habang mabilis na inilapag ang tinidor. “Ano’ng ibig mong sabihin?”Inalis nito ang braso niyang nakapulupot sa mga balikat nito, ngunit hindi siya nagpatinag. Ipinatong niya ang isang kamay sa sandalan ng upuan at inilapit ang mukha rito.“Malinaw naman kung anong dessert ang gusto ko.”“Ano nga?”“Sex,” diretsahang sagot niya. “Kung nakatikim ka na, alam mong masarap. Unless walang kuwenta ang twelve exes mo.”Nanlaki ang mga mata ni Felicity. “Ang kapal talaga ng mukha mo. Bastos!”“Sinasabi ko lang ang totoo. Baka kaya hindi ka interesado dahil wala pang nakapagpasaya sa ’yo.”Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. Isang segundo lang iyon, ngunit sapat upang lumakas ang loob ni Damon.Akmang lalapit pa siya nang kumuha ng maraming pasta si Felicity. Isinubo nito sa kanya ang isang tinidor na puno ng pesto pasta.Napalayo si Damon at napilitang nguyain ang laman ng bibig.Tumawa si Felicity.
Ibinaba ni Felicity ang cellphone at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Wala tayong dapat ipagpatuloy. Isang malaking pagkakamali lang ang nangyari.”“Talaga?” Umupo si Damon sa gilid ng kama. “Hindi mukhang nagsisisi ang mga labi mong buong pusong tumugon sa halik ko.”Namula ang mukha nito. “Nadala lang ako sa sandaling iyon.”“Dahil naaakit ka sa akin.”Napatawa si Felicity. “Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo. Kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo, hindi ako maaakit sa ’yo.”Nawala ang ngisi ni Damon.Kahit siya na lang ang natitirang lalaki? Linya na ’yon.Hindi niya matanggap na nagawa nitong tumugon sa halik niya at ngayon ay nagkukunwaring wala siyang epekto rito. Isang tingin lang niya sa ibang babae, tiyak na lalapit na ang mga iyon. Pero ang sariling asawa niya, tinawanan pa siya.Tumayo siya at isinara ang pinto.“Bakit mo isinara?” tanong ni Felicity.“Patutunayan kong sinungaling ka.”“Ano na naman ang binabalak mo?”Hindi siya sumagot. Kinuha ni
“Hindi ’yan laruan.”Mabilis na nilapitan ni Damon ang asawa at inilayo ang kamay nito sa nakabukas na bag. Kinuha niya ang baril, inilagay sa built-in lockbox ng maleta, at pinindot ang kombinasyon bago isinara ang bag.Nanatiling nakatayo si Felicity sa harap niya. “Bakit may dala kang baril?”“Lisensiyado ’yon.”“Hindi iyon ang tanong ko.”“Bahagi ’yon ng personal security ko.”“Personal security?” Tumaas ang isang kilay nito. “Ano ba talaga ang negosyo mo? Anong klaseng negosyo ang nangangailangan ng baril?”“CEO ako ng IronGate Security Agency. Hindi mo kailangang malaman ang business operations.”“Asawa mo ako.”“Sa loob lamang ng anim na buwan.”“Hindi ibig sabihin niyon na puwede mo akong ilagay sa panganib nang wala akong kamalay-malay.”“Hindi kita inilalagay sa panganib.”“Paano ako maniniwala kung ayaw mong sabihin kung bakit kailangan mong magdala ng armas kahit sa bakasyon?”“Mas ligtas ka kapag kaunti lang ang alam mo. Kaya manahimik ka diyan.”Nanigas ang mukha ni Feli
Inalis ni Damon ang mga braso ni Stefie sa pagkakayakap sa kanya at pumasok sa villa. Kontrolado ang mukha nito, ngunit matigas ang panga at mabigat ang bawat hakbang.Huminto ito sa harap nina Felicity at Prince.Tahimik nitong inalis ang kamay niya mula sa dating manliligaw. Pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang pulsuhan.“Mag-usap tayo.”Hindi siya binigyan ni Damon ng pagkakataong tumutol. Dinala siya nito sa silid at isinara ang pinto.“Bakit mo hinawakan ang kamay niya?” tanong nito.“Bakit hindi?”“Asawa kita.”Napatawa siya. “Naalala mo na asawa mo ako matapos mong hayaang yakapin ka ni Stefie?”“Hindi ko siya niyakap pabalik.”“Hindi na kailangan. Halata namang gustong-gusto mo ang yakap niya.”“Wait, nagseselos ka ba?”“Excuse me?” Binawi niya ang pulsuhan. “Wala akong dahilan para magselos.”“Talaga? Kaya hinawakan mo ang kamay ni Prince sa mismong harap ko?”“Hindi ba puwedeng na-miss ko rin si Prince, my love? Baka ikaw ang nagseselos.”Saglit itong natahimik. “Pinopro
Hindi agad nakapagsalita si Damon.Nanatili itong nakatitig kay Felicity, halatang hindi inasahan ang pagpayag niya. Ngunit mabilis ding bumalik ang pilyong ngiti sa mga labi nito.“Sigurado ka?” tanong ni Damon.Nawala ang pang-aasar sa tono nito. Hindi ito lumapit, na para bang hinihintay ang malinaw niyang sagot.Sa halip na magsalita, hinawakan ni Felicity ang kuwelyo ng shirt nito at hinila palapit sa kanya.Nagtagpo ang kanilang mga labi.Isang maingat na pagdampi lamang iyon, mainit at tila sinusubukan kung hanggang saan sila maaaring lumampas. Ngunit nang lumayo nang kaunti si Damon, hindi siya bumitaw sa kuwelyo nito.Nanatiling nakapikit si Felicity. Hindi niya alam kung alin ang mas nakakahiya, ang amining gusto pa niya o ang magkunwaring sapat na sa kanya ang maikling halik.Muling yumuko si Damon.Sa pagkakataong iyon, mas madiin na ang pag-angkin ng mga labi nito. Pumulupot ang isang braso nito sa kanyang bewang at inilapit siya hanggang wala nang espasyo sa pagitan nila.
“Huwag mong sagutin,” ani Lucas.“Naku, mangungulit ‘to.”“Sabihin mo, hindi mo ako kasama at hindi mo alam kung nasaan ako.”Sinagot ni Daryl ang tawag.“Where is he?” bungad ni Camille. “Tell me where Theodore Lucas Esguerra is, Daryl.”Nagkatinginan ang dalawa.“Hello, Ma’am Camille, hindi ko po
“Hello, Lucas? Nasaan ka na? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” anang babae sa kabilang linya.Tumigil ang mundo ni Maya. Ang boses, kalmado pero may talas, si Ma’am Iris ng HR.Bago pa niya maproseso, mabilis na lumapit si Lucas, inabot ang phone, pero huli na. Nakatingin na si Maya sa kanya,
Maya’s hands trembled as she flipped through Camille’s medical folder.Inside was an ultrasound photo, but the name on top wasn’t Camille Montemayor. Her heart pounded. Pagbuklat niya, meron pang isa na nasa pangalan nito na kamukha ng resulta sa naunang papel. Hindi totoong buntis ito. Nagsinungali
“Maya! Lucas! Halika na, nagsimula na ang bonfire!” sigaw ni Divine.Nakahilera ang mga tiki torches, may gitara, at bote ng alak na umiikot. Sa gitna, may bonfire na unti-unting umaapoy at sumasayaw sa hangin.Music. Laughter. Waves. Everything felt like freedom.Maya sat beside Divine, trying to







