MasukPlease support my latest book, The Billionaire's Exclusive Maid. Maraming salamat po sa walang sawang suporta. Love you all!
“Nagpunta na dito si Daryl,” dugtong ni Cassandra, parang nagbibilang pa. “Twice.”Candice fought the urge to smile too wide.This time, natuwa siya sa stepsister.Kailangan ni Brent ng fuel para ituloy ang relasyon sa kanya. Kailangan hindi muna nito maisip na safe siyang iwan. Kailangan magpatuloy ang pag-aakala nitong may gusto siya kay Daryl.At nakita niya nga.Yung expression ni Brent, nag-freeze for a split second. Umigting ang panga. Tumalim ang mata.Then bumalik sa normal.Nagpatuloy ang kwentuhan sa sala.Nagpunta siya sa kusina para hatiin ang cake. Pero natulala na naman siya.Kapag nagpakasal na sila at nagkaanak, doon lang niya ito papakawalan.Ngunit paano?Bigla niyang narinig ang bulong ni Brent sa tabi niya.“I will erase all the memories of Daryl in your heart.”Nanlamig si Candice.Hindi siya kumurap.“Okay ka lang?” mahinang tanong ni Brent nang mapansin na tahimik siya.Humugot ng hangin si Candice. Pinilit niyang ayusin ang mukha, tinanggal ang bahid ng gulat a
Nanlaki ang mata ni Candice, pero pinigil niya ang reaksyon. Hindi dahil nahiya siya, kundi dahil alam niyang sinasadya ni Cassandra. Gusto nitong makita kung ano ang sasabihin ni Brent. Gusto nitong makahanap ng butas.Pero si Brent… hindi nagulat. Hindi rin nagmukhang na-corner.Sa halip, ngumiti lang ito nang kalmado, parang sanay humarap sa board meeting at mas sanay humarap sa mga taong mapanghusga.“Hindi pa ngayon,” sagot ni Brent, mahinahon, pero may diin. “Pero seryoso ako. At doon din ang tungo namin, tiyak. Gusto ko planado ang lahat to give Candice the best.”Parang may dumaan na malamig na hangin sa batok ni Candice.Hindi dahil sa takot.Kundi dahil… kahit siya, gusto nang maniwala.Napansin niya ang biglang pag-iba ng aura sa sala. Si Don Carlos, bahagyang tumuwid ang upo. Ngumiti si Leah na parang may nakitang pagkakataon.“Ay wow,” sabi ni Cassandra, kunwaring kinikilig. “Brent, just in case ma-bored ka sa kapatid ko, I’m available.”“Pasensya ka na, Brent, palabiro t
Sa isip ni Brent, bumalik ang imahe ni Candice.At yung halik na pinagsaluhan nila kagabi.Biglang bumigat ang hangin sa dibdib niya.“Bro?” tawag ni Jacob. “Hello? Narinig mo ba ‘ko?”“Bro, usap tayo mamaya. Dami lang emails na dumating baka may urgent.”Dahan-dahan lang niyang ibinaba ang cellphone.May pumasok na bagong message sa phone niya, message mula kay Candice. Nagpadala ito ng larawan nilang magkahawak-kamay at isa pang habang nagsasayaw.Agad niya itong pinusuan at nag-chat siya agad upang bumati. Pero bigla siyang nahulog sa malalim na pag-iisip kung paano kakalas kay Candice.May kurot sa dibdib niya. Guilt.“Shit,” bulong niya, saka hinimas ang batok.Kung may natitira pang konsensya, dapat tapusin niya ‘to ng mas maaga. Hindi na three months. Isa o dalawang buwan na lang.Pero biglang sumulpot ang isa pang problema. Yung lupa. Yung matagal nilang gustong bilhin. Pag-aari na pala ng mga Rosales. Kung magagalit si Candice, baka hindi niya makuha ang lupa.So, hindi pwede
“Hindi ako nagsinungaling o naglihim. You didn’t ask,” sabi ni Candice.Hindi siya nag-deny. Hindi rin siya nag-explain nang mahaba.“Sa totoo lang… akala ko walang halaga sa’yo ang katayuan ko sa buhay.”Brent flinched slightly. “Hindi sa ganoon…”“Paano ka naging business partner at employee sa Eternity Perfume kung ikaw ang may-ari ng Golden Holdings? Napakayaman ng Golden Holdings, hawak ninyo ang mga imprastraktura sa loob at labas ng bansa,” dagdag ni Brent.Huminga siya nang malalim. Saka siya nagsalita, kontrolado, pero may laman.“Pumasok ako sa Eternity Perfume dahil sa research ko,” paliwanag niya. “PhD. Malapit na ang defense ko next month.”Kumunot ang noo ni Brent. “PhD?”Tumango siya. “Gusto kong gumawa ng blueprint kung paano magtayo ng negosyo mula sa scratch. Walang nakakabit na pangalan ng mommy ko. Walang safety net. Yung totoong hirap. Ang matututunan ko ay ibabahagi ko sa iba.”Dumilim ang mata niya sandali nang banggitin ang dahilan.“Para sa Aurora Rosales Foun
Inaanak?Napatingin si Brent kay Candice, parang gusto nitong magtanong.Pero si Candice, hindi pa rin umiimik.Kalmado lang.Don Fausto placed a hand lightly on Candice’s shoulder. “Halika, iha. Ipapakilala kita sa ilang kaibigan. Matagal ka na nilang gustong makilala.”Ivory’s face went pale.Parang may dumaan na alon sa buong hall, mga bulong, mga napalingon, mga mata na biglang nag-iba ang tingin.Isang mahinahong ngiti lang ang ibinigay niya sa mga tao, yung ngiting sanay sa mga ballroom pero hindi naghahangad ng applause o atensyon.“Good evening po sa inyo,” sabi niya sa ilang taong lumapit para makipagkamay.Tumango si Don Fausto, tapos pinisil ang kamay niya na proud. “Matagal kitang hinintay na dumalo. Ang laki mo na. Isang napakagandang dalaga.”Sa gilid, pilit pa ring lumalaban si Ivory habang hawak na ng dalawang staff ang braso niya para ilayo.“Inaanak?!” sigaw ni Ivory, malakas, parang gusto nitong mabaliktad ang eksena. “Kahit pala magpanggap, may backer ka! Pero mask
Nakangiti lamang si Candice. Pero ang mata niya, tumalim nang bahagya.Hindi siya nagkakamali.Ito ang gusto niyang mangyari.Walang atrasan.Ngayon, kahit anong gawin ng pamilya niya, kahit anong balak ni Don Carlos, mahihirapan silang sabihing gawa-gawa ang boyfriend niya.Dahil nandito ang boyfriend niya.At malalaman ng lahat.Lumapit si Brent kay Candice. Yung lapit na protective.Yumuko ito nang bahagya.“Candice…” bulong niya, nakatitig sa kanya, “ano’ng ibig sabihin nito? Anong ginagawa mo dito?”Kalmado lang siya. “Nakatanggap ako ng imbitasyon kaya ako nandito.”“Hindi mo kailangang magpanggap na mayaman para sundan ako.”Nasamid si Jacob na nakasunod sa kaibigan.“Hindi ako nagpapanggap,” mahinahon niyang sagot.At bago pa siya makapagpaliwanag, may kumalansing na takong sa likod.May amoy na mamahaling pabango na masyadong matapang.Paglingon ni Candice, may babaeng papalapit na parang reyna ng spotlight.Si Ivory.Glamorous, makintab ang buhok, designer gown na masyadong
Parang napako si Jenny sa pagkakahiga. “G-Good morning, boss!” mabilis niyang sambit, pilit na ngumiti kahit nanlalaki ang mata.Tahimik lang ito, nakatitig pa rin sa kanya, saka mabagal na umupo. “Jenny…”“Boss?”“Nakatulog ka sa braso ko kagabi,” kalmadong sabi nito, sabay ngiti nang bahagya. “At
Napilitang lumapit si Sebastian, halatang alanganin, pero sa tindi ng sigaw at tuwa ni Katie, wala na siyang nagawa. Dahan-dahan siyang lumapit, mabigat ang hakbang, ngunit pinipilit maging maayos ang reaksyon ng mukha.Pagdating niya sa harap nina Mira at Kyle, pinakawalan niya ang isang pilit ngu
Maaga pa lang ay abala na si Kyle sa kusina. Nakasuot ito ng apron at seryosong nagpiprito ng bangus habang may sinangag sa kalan. Malakas ang amoy ng pritong isda.Pumasok si Mira na kakagising lang, naka-duster at inaantok pa. Paglapit niya sa kusina, bigla siyang napasinghap.Kunot-noo siya haban
Isang maliit na sala na halos kasya lang ang lumang sofa at folding table. May kusinang halos kasing laki lang ng cabinet, at mga nakatambak na libro at papel sa gilid. Ang sahig, may ilang basahan para sumalo ng tumutulong tubig-ulan mula sa bubong. Nakakahiya at hindi pa siya nakakapaglinis ng bah







