LOGIN“Mommy! I made a new friend!”Napahinto si Prince sa paglakad patungong elevator. May babaeng nakatalikod habang inaayos ang butterfly clip ni Alex. Hindi niya makita ang mukha nito, ngunit pamilyar ang mahabang buhok at tindig.Stefie?Limang taon na niyang hindi nakikita ang asawa. Hindi niya alam kung gaano na ito nagbago, ngunit may kung anong nagpabilis sa tibok ng kanyang puso.Humakbang siya palapit. “Excuse me—”“Emergency! Please make way!”Mula sa kabilang pasilyo, may mga medical staff na nagtutulak ng stretcher. Pinatatabi nila ang mga taong nakaharang sa daan upang makadaan ang pasyente.Napaurong si Prince sa gilid ng waiting area.“Sir, please keep the hallway clear,” sabi ng isang staff.Nakita niyang hinawakan ng babae ang kamay ni Alex. Lumapit din ang babaeng kasama ng bata upang alalayan ito. Napagitna sa kanila ang stretcher at mga tauhang nagmamadaling magbukas ng pinto sa dulo ng pasilyo.Sinubukan niyang sumilip sa pagitan ng mga medical staff, ngunit hindi pa
FIVE YEARS LATERLimang taon na mula nang umalis si Stefie, ngunit hanggang ngayon ay may isang bagay na hindi kayang bilhin ni Prince kahit gaano pa kalaki ang kinikita ng Altavera, ang kapayapaan at saya na naranasan niya noon sa piling ni Stefie.Nasa opisina siya, nagrerepaso ng kontrata para sa bagong proyekto. Mas lumawak ang negosyo, dumami ang empleyado at responsibilidad. Halos wala na siyang panahon para sa anumang bagay maliban sa trabaho.Gayunman, mag-isa pa rin siyang umuuwi gabi-gabi.Wala na silang personal na komunikasyon ni Stefie. Hindi na siya nakipagrelasyon sa iba at iniwasan niyang makibalita tungkol dito. Patuloy pa rin ang usaping legal kaugnay ng pagkamatay ng kanyang ama, at ayaw na niyang muling idamay ang asawa sa kasong isinampa niya laban kay Don Severo.Sa daliri niya, nandoon pa rin ang wedding ring. Hindi pa napapawalang-bisa ang kanilang kasal.Minsan, naiisip niyang tawagan si Stefie. Ngunit ano naman ang sasabihin niya? Limang taon na ang lumipas,
Hindi maituon ni Prince ang pansin sa mga dokumentong nakalatag sa mesa niya sa Altavera. May meeting siya kinahapunan, ngunit paulit-ulit niyang tinitingnan ang cellphone.“Prince, please. Kailangan talaga kitang makausap.”Huling mensahe iyon ni Stefie bago niya tinanggihan ang tawag nito at tuluyang i-block ang numero. Sinadya niya iyon. Kapag nag-usap pa sila, baka hindi na niya kayaning panindigan ang paghihiwalay.Ngunit bakit ganoon kapilit ang asawa? Hindi ugali ni Stefie ang magmakaawa. Mas madalas nitong salubungin ng biro ang kanilang pagtatalo. Noong huli silang magkita, nakita lamang niya ang pilit nitong ngiti bago umalis.Naalala niya ang biglang pagdating ni Eloise sa opisina. Niyakap siya ng dating nobya bago siya nakaiwas. Kitang-kita niya ang pagbabago ng ekspresyon ni Stefie.“Yes, I'm happy without you.”Sarili niyang mga salita. Kasinungalingan iyon. Mula nang umalis siya sa Santillan mansion, wala siyang naging payapang gabi. He missed home. She is his home. Ngu
“Gusto ko pong magbakasyon sa ibang bansa, Daddy. Kahit saan, basta malayo rito.”“Of course, my princess. Gusto mo bang samahan kita?”“Hindi na po. Kailangan ko lang munang mapag-isa.”“Kailan mo gustong umalis?”“Sa lalong madaling panahon.”“May ginawa na naman ba si Prince?”“Wala na po siyang magagawa sa akin. Tapos na kami.”“Tutulungan kitang maghanap ng matutuluyan. Sabihin mo lang kung saan.”Pagkababa ng tawag, naghanap si Stefie ng mga flight papunta sa ibang bansa. Dalawang buwan muna ang plano niyang bakasyon. Sinuri niya ang mga kinakailangan sa paglalakbay at mga matutuluyan bago nagpareserba ng biyahe papunta roon at pabalik. Hindi niya alam kung gugustuhin niyang bumalik pa. Bahala na.***Kinabukasan, habang inaayos ang passport at mga dokumento, kumatok ang kasambahay.“Ma'am, may bisita po kayo sa sala. Si Kelvin daw po.”Pagbaba niya, nakita niya ang assistant ni Prince na may dalang sobre.“Ma'am Stefie, ipinadala po ito ni Sir Prince.”Binuksan niya iyon. Liham
“Stefie—”Huminto si Stefie sa pintuan ng opisina ni Prince. Nakatayo pa rin si Eloise sa tabi ng asawa niya.“Bakit, Prince?”“Hindi mo pa sinasabi kung bakit ka pumunta rito.”Napahawak siya sa bag na may resulta ng kanyang pagbubuntis. Kanina, ilang salita na lamang sana at malalaman ni Prince na magiging ama ito. Ngunit hindi niya kayang sabihin iyon sa harap ng dating nobya nito. Lalo at hindi niya alam ang magiging rekasyon ni Prince.“Wala na. Hindi na importante.”“Akala ko malinaw na ang lahat. Tapos na tayo.”Napatingin siya sa asawa.“I just came kasi baka malungkot ka, nakukunsensya ako na pinaglaruan ko ang feelings mo kagaya ng ginawa mo sa akin. Anyway, congratulations. Mukhang masaya ka naman.”Tumigas ang panga ni Prince. “Yes, I'm happy without you. Ikaw, masaya ka ba?”Itinaas ni Stefie ang baba. Hindi niya hahayaang makitang nasaktan siya.“Yes, of course. Happier than ever. Goodbye, Prince.”Lumabas siya bago pa muling makapagsalita ang asawa.Sa loob ng elevator,
Wala pa ring sagot si Prince.Nakatitig si Stefie sa cellphone habang nakaupo sa kotse sa parking area ng clinic. Nasa kanyang kandungan ang resulta ng pagsusuring nagpapatunay na buntis siya.Hindi niya gustong isipin nitong ginagamit niya ang bata para makipagbalikan. Ngunit may karapatan ding makilala ng anak nila ang ama. Hindi niya iyon ipagkakait dahil lamang nasaktan siya.Isinilid niya ang resulta sa bag. Wala nang saysay ang isa pang mensahe. Nang maging maayos ang pakiramdam, nagmaneho siya pauwi sa mansyon.Pagdating sa kuwarto, kinuha niya sa drawer ang dalawang pregnancy test at inilagay sa tabi ng medical result. Naupo siya sa kama at hinawakan ang tiyan.“Baby, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa amin ng daddy mo. Pero hindi kita pababayaan.”Hindi iyon pangakong babalik si Prince. Pangako iyon na pangangalagaan niya ang anak kahit magkahiwalay silang mag-asawa.Isinara niya ang drawer at nagpasyang kumain bago magpahinga. Hindi na niya maaaring balewalain ang sari







