Share

Chapter 5

Author: Moon Grey
last update Last Updated: 2025-09-09 13:51:16

“Wow! Ang bongga pala rito!” namamangha kong sabi at napatakip pa sa bibig ko.

Nakalabas na ako sa lungga ko at bumababa na ngayon sa isang malaking hagdan.

Grabe! Hindi ako makapaniwalang malapalasyo pala sa laki ang bahay na ‘to. Mansyon pala ito.

Napanganga lang ako at hindi naiwasang mamangha dahil sa ganda at laki nito. Parang na-ignorante ako bigla. Nakatingala ako ngayon at iniikot-ikot ang paningin sa mataas na kisame na may naglalakihang chandeliers. Grabe! Sobrang elegante!

Ay, puta!

Muntik pa akong madulas dahil sa marmol nitong sahig. Walang 'ya! Nahilo ako ro'n, ah!

Pero bumalik na agad ako sa wisyo ko at ginawa na ang pakay ko rito. Tinuloy ko na agad ang paglalakad at pasimpleng tinatahak ang koridor nitong mansyon. Napangiti ako dahil may malalaki itong bintana sa gilid, at nakabukas pa.

Pero kailangan pa ring pagplanuhan dahil may mga armadong nagbabantay sa labas at may mga K9 dog pa.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa isang silid na may dalawang pinto, at malalaki pa. Sumilip ako rito at nakita ko si boy afam na nakaupo at parang prinsipeng kumakain sa mahabang mesa.

Kasama niya ‘yung dalawang tauhan niya na sina Franco at Alex. Nakaupo rin sila at kumakain.

Papasok na sana ako nang marinig kong biglang nagsalita si boy afam.

"Kumusta ang pinapagawa ko sa inyo?" tanong niya sa mga tauhan habang naghihiwa ng steak.

"Okay na ang lahat, boss. Maayos naman naming nailipat si Mrs. Rosario Caballero sa private hospital," sagot nung Franco na ikinagulat ko.

"Anong sabi mo? Nanay ko ba ang pinag-uusapan niyo?" sabat ko agad, at sabay silang napalingon sa ‘kin.

"Gising kana pala. Come here, mag-break fast ka na," sagot lang ni boy afam saka sinubo ang hiniwang steak.

"Sagutin niyo ang tanong ko?! Nanay ko ba ang pinag-uusapan niyo?!" matapang kong tanong nang makalapit na ako sa kanila.

Nagsalubong naman agad ang mga kilay ni boy afam, dahil sa tono ng pananalita ko. Habang sina Franco at Alex naman ay tila nagulat sa inasal ko. Napanganga sila.

Padabog namang binitawan ni boy afam ang hawak na tinidor at kutsilyo, saka tumayo at matalim akong tinitigan. Gano'n din naman ako. Kuyom pa ang mga kamao ko.

"Ano?! Sagutin mo 'ko?! Nanay ko ba tinutukoy niyo?!" Maangas ko pa ring tono at wala man lang katakot-takot.

"Yes, siya nga!" Tinaasan na ako ng boses ni boy afam, pero bakas pa rin ang pagpipigil niya.

"But do'nt worry, nilipat lang namin siya sa private hospital para mas matutukan siya nang maayos,” dugtong pa niya at mahinahon na ngayon ang boses niya.

“At anong karapatan mong ilipat siya? Sino ka ba talaga, ha?! Ba't mo ba 'to ginagawa?" Sobrang naku-curios na talaga ako.

"Dahil mag-ina kayo ni Philip!" sagot niya na mas ikinagulat ko pa.

"K-kilala mo rin ang Tatay ko?!"

"Yes, dati ko siyang secret bodyguard at naging best friend na rin," seryoso niyang sagot.

"Kung gano'n, nasa’n ngayon ang walang k’wenta kong Tatay, ha?! Gusto ko siyang sermonan dahil sa pang-iiwan niya sa ‘min ni nanay!” tanong ko at may bahid ng galit ang tono ko.

Huminga naman muna nang malalim si boy afam bago ako sinagot.

"He's gone, Rox. Patay na ang Tatay mo,” sagot niya at bakas sa mukha niya ang lungkot nang bigkasin iyun.

"A-ano?!” Napaatras na lang ako dahil sa narinig ko. Nanlamig rin ako at nanlambot ang mga tuhod ko.

Kahit may sama ng loob ako sa tatay ko dahil sa pang-iiwan niya sa ‘min ni nanay, ay tatay ko pa rin siya.

At kahit konti lang ang mga panahong nakasama ko siya, naging mabuting ama naman siya sa 'kin. Kaya nga ako nasasaktan sa pag-iwan niya sa ‘min eh.

“B-bakit siya namatay? Anong kinamatay niya? Teka, seguro pinatay niyo siya, noh?!" Pambibintang ko bigla, at parang maiiyak na ako.

Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni boy afam at sandaling natameme sa tanong ko.

"I-I can't do that to my best friend, Rox. May utang na loob ako sa mga tapat kong tauhan lalo na kay Philip," sagot niya at may lungkot pa rin sa boses niya.

"At sa tingin mo maniniwala ako sayo?!"

"I'm telling the truth, Rox. Nagpaalam sa 'kin si Philip noon para puntahan kayo, at itago sa ligtas na lugar. Pero nagtaka na lang kami, hindi na siya nakabalik pa. Hanggang sa may natanggap kaming tawag mula sa Bungo Gang. Seguro naman nabalitaan mo na ang tungkol sa notorious group na ‘yun. Dinukot nila si Philip. Pinuntahan agad namin ang tatay mo para iligtas, pero hindi na namin siya naabutang buhay." Pagbalik tanaw niya sa nakaraan.

"Pero anong kasalanan ng Tatay ko sa kanila? Ba't nila siya pinatay? At ba't niya kami gustong itago?" mausisa kong tanong.

"Dahil minsang naka-encounter no'n ni Philip ang Bungo Gang, at napatay niya ang leader ng mga 'to. Kaya nagbanta sila papatayin din nila si Philip, at idadamay nila kayong pamilya niya," sagot niya at sandali akong natahimik. Pino-proseso ang mga sinabi niya.

"Kaya pala. Kaya pala hindi na namin siya mahanap hanap ni nanay, kasi wala na pala siya," maluha-luha ko nang sabi.

Nilapitan naman ako ni boy afam, at sinubukang yakapin, pero tinulak ko lang siya.

"H'wag mo 'kong hawakan!" galit kong sabi at mangiyak-ngiyak pa rin. Hindi pa rin ako nagtitiwala at naniniwala sa kanya.

"Rox, hayaan mong damayan kita. Gan'yan din ang naramdaman ko nang mawala si Philip. Hindi ko rin matanggap ang pagkawala niya at gustong-gusto kong patayin ngayon ang taong pumatay sa kan'ya! Kaya hindi kami tumitigigil sa pag-hunting sa kanila!”

May lungkot pa rin sa boses ni boy afam, at ramdam ko rin ang galit sa tono niya.

"Kung gano'n, tutulong ako sa paghahanap sa mga demonyong 'yun! Igaganti ko ang Tatay ko!" determinado kong sabi.

"I'm really sorry, Rox, but hindi kita mapapayagan diyan. I made a promise to your father, na poprotektahan ko kayo at hindi ipapahamak," sabi niya lang.

"Pero kaya ko namang protektahan ang sarili ko!” pagpupumilit ko.

"Really? Ni hindi ka nga makatakas sa ‘min, eh. Makinig ka na lang, at ipaubaya mo na lang ‘yun sa ‘min. Kumain ka na.”

"At sa tingin mo may gana pa akong kumain, ha?! Namatayan ako ng tatay?!” pinagtaasan ko na siya ng boses dahil nainis ako. Tinalikuran ko na agad sila at tumakbo papuntang hagdan.

Nag-lock agad ako ng pinto nang makapasok sa tinutuluyan kong kwarto. Itinuloy ko rito ang paghagulgol, habang nakaupo at nakasandal sa pinto.

Kinagabihan, muli akong lumabas ng kwarto, para ituloy ang paghahanap ng paraan kung pa’no ako makatakas sa mansiyon na ‘to.

May parte pa rin sa puso ko na hindi naniniwala sa pinagsasabi ni boy afam kanina. Hindi ko pa siya lubos na kilala. Malay ko bang nagsisinungaling lang siya.

"Ma'am Rox, may kailangan po ba kayo?" Napahinto agad ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Manang Cora.

"R-Rox na lang po, manang. Hindi niyo naman ako amo,” may kasungitan kong sagot sa kanya.

“Nasa'n nga pala ang walang hiya niyong boss?" tanong ko pa.

"Kaaalis lang ni Sir Darcos, hija. May importante lang pinuntahan," tugon niya.

"Tsk, Darcos pala ang pangalan ng hayop na 'yon!” sabi ko at nangunot ang noo.

"Pagpasensiyahan mo na lang ang amo ko, hija. Hindi kasi siya sanay na may sumusuway sa kan'ya, kaya lumalabas ang masama niyang ugali. Sumunod ka na lang para 'di na kayo nag-aaway," pakiusap ni manang.

"Hindi ko 'yan mapapangako manang. Saka sino ba talaga siya? Anong klaseng tao ba siya? Sindikato ba siya? Kasi may inaangkat silang smuggled na mga armas?" mausisa kong tanong.

"Si boss na lang ang tanungin mo tungkol diyan, hija," sagot niya lang sa 'kin, tapos tumalikod na.

Tsk. Ba’t pa ba ako nagtatanong, eh halata namang may illegal na gawain ang Darcos na ‘yon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lover Of The Mafia Boss    Chapter 54

    Rox's POV “A-aray, ah!” daing ni Wendy habang ginagamot ko ang mga pasa niya sa katawan. Nandito na kami ngayon sa loob ng dati kong kwarto. "S-sorry, masyado bang mahapdi?” tanong ko at tumango lang siya. Kaya dinahan dahan ko na lang ang pagdampi ng cotton sa mga pasa niya. Pa-simple ko siyang pinagmamasdan at aaminin kong maganda siya. Makinis at maputi ang balat niya…medyo may pagka-pinkish pa. Malalaki rin ang mga dyögä niya at maganda ang hubog ng katawan niya. Pero wala naman akong ibang naramdaman. Talagang pusong babae na ako ngayon, kasi hindi na ako naa-attract sa babae. “Tok! Tok! Tok!" Sandali akong napahinto sa ginagawa nang may biglang kumatok at si Manang Corazon ang pumasok. “Hi, Manang Cora! Long time no see!” bati agad ni Wendy sa kanya. Teyka, kilala niya rin si manang? Sino ba talaga ang babaeng ‘to? Tahimik lang na tumango si Manang Cora at hindi siya inimikan. “Heto na ang mga damit na pinapakuha mo, hija,” aniya at nilapag na sa bedside ta

  • Lover Of The Mafia Boss    Chapter 53

    Darcos's POV "Ano bang nangyari, Wendy? Ba’t ka nila hinahabol?” Franco asked while Wendy was drinking water. Nakayuko siyang nakaupo sa sofa at nanginginig ang mga kamay. We're at the living room now here in my mansion. "M-mga tauhan ‘yon ng boyfriend ko. Tinakasan ko siya kasi lagi niya akong binubogbog," she replied at bakas ang takot sa mukha niya. We can see it naman. Marami nga siyang mga pasa at bugbog sa katawan. Wala pa ring nagbago sa mukha niya. Maganda pa rin siya at sexy, but wala naman akong ibang naramdamang kakaiba. Kung dati libog na libog ako pag nakikita ko na ang katawan niya, ngayon wala nang epekto sa 'kin. "Franco, kayo na ang bahala sa kanya." I was about to turn my back para lapitan si Rox at umalis na rito, but Wendy suddenly grabbed my hand. “Ah, Darcos, sandali! P’wede bang dito muna ako? Wala na kasi akong ibang mapuntahan, eh. Natatakot ako na baka mahuli ako ng mga tauhan ng boyfriend ko!” pakiusap niya. I glanced at Rox, and she raised he

  • Lover Of The Mafia Boss    Chapter 52

    Rox's POV Gusto ko pa sanang makasama ng mga ilang araw si nanay sa mga natitira niyang sandali, pero hindi na ako pinayagan ni Darcos. Masyado na raw delikado pag nagtagal pa ako sa labas. Baka maulit raw ‘yung pamamaril kahapon. Kaya heto…nandito kami ngayon sa isang private cemetery para ilibing na si nanay. Durog na durog ako ngayon at hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala niya. Akala ko makakasama ko na siya matapos niyang magising mula sa coma. Nakakapagtaka talaga na bigla na lang siyang nawala. Okay na okay pa siya no’n eh, at ramdam kong may pag-asa pa siyang lumakas at gumaling. Pasimple akong lumingon sa gilid ko at hinanap ang presensya ni Darcos. Natagpuan ko siyang g’wapo pa rin kahit malungkot na ang mukha niya. Nakatingin lang siya sa kabaong ni nanay. Naka-black leather jacket siya at gano'n din ang kulay ng trouser niya. May suot rin siyang itim na shades na lalong nagpa-gwapo sa kanya. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung ba’t gano'n na lang reaksiyon ni

  • Lover Of The Mafia Boss    Chapter 51

    "D-Darcos, dapa!” Nagulat na lang ako nang bigla siyang sumigaw at tinulak ako. We both fell, and she landed on the top of me. “Shit! Ahh!" daing ko, sabay napahawak sa braso ko. “D-Darcos, may tama ka.” Bumangon agad si Rox, at ni-check ako. Nakita ko sa ekspresyon niya na nag-aalala siya, kaya medyo nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. "Shh, I'm okay, darling," sabi ko, sabay hinawakan ang pisngi niya. She saved me again from danger. "Boss!” Dumating agad sila Franco at inalalayan akong umupo. "Hanapin niyo ‘yong sniper!" kunot noo kong utos. Namimilipit pa rin ako sa sakit, at nanghihina na dahil sa nawawalang dugo sa 'kin. “Delikado na rito, darling. Umuwi na muna tayo sa mans'yon," sabi ko kay Rox. “P-pero pa'no si nanay?" “Sila Alex muna ang bahala rito. Let's go.” Nakinig naman siya at pinaakbay na nila ako ni Franco sa mga balikat nila. *** “Boss,” ani Franco nang makapasok. We're currently at the clinic here in my mansion, my doctor is treating the g

  • Lover Of The Mafia Boss    Chapter 50

    Iniwanan ko na lang muna si Rox to gave her some space. I headed to the parking lot and got into my car. Napabuntong hininga akong sumandal sa driver's seat at napahilot sa noo ko.I pulled out my phone from my pocket and dial my private investigator's number. “Hello, Greg. May pa-i-imbistigahan ako sayo,” I said…my tone was serious and devastated.Hindi naman ako nagtagal rito sa parking lot at binalikan ko agad si Rox, but I frowned when I noticed she wasn't in her seat.I asked Franco, "Where is she?" My brows still furrowed. “Nasa may garden siya, boss, magpapahangin daw muna siya.”Tumungo agad ako ro'n at natagpuan kong humahagulgol si Rox, habang hawak-hawak pa rin ang picture ng mom niya.“Darling." I tried to hug her, para damayan siya, but I was shocked when she pushed me away. Nasasaktan na ako sa mga ikinikilos niya sa 'kin, at hindi ko na ‘to kayang tiisin. I hugged her again at hinigpitan ko na para hindi siya makawala. “Darcos ano ba! Bitawan mo ‘ko!" she said tear

  • Lover Of The Mafia Boss    Chapter 49

    Darcos's POV I don't know what the hell is going on right now. I thought everything would be okay dahil gising na ang mom ni Rox, pero ano ‘tong nangyayari ngayon…the doctors are suddenly giving her mom a CPR. “Darling, si nanay.” Rox is tearful now habang yakap-yakap ko siya. We're in front of the ICU room, and waiting. “Shh, calm down, okay? Your mom will be fine,” sabi ko habang hinihimas ang likod niya. Maya-maya, napabitaw na siya sa 'kin when the doctor came out of the ICU. “Doc, ang nanay ko?" tanong niya habang bakas ang lungkot sa mukha ng doctor. “We're really sorry Miss Caballero and Mr. Ruggieri. Ginawa na namin ang lahat, per—” “Hindi! Hindi p’wede ‘yan, doc! Hindi siya p’wedeng mawala! Okay na okay pa siya kanina, eh!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Rox at agad siyang kumaripas nang takbo papasok ng ICU. Natulala lang ako at hindi siya nagawang sundan. Rinig ko ang paghagulgol ni niya nang malakas mula sa loob ng ICU. I felt sad for her, at nasasaktan akong nakik

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status