Lumaki ang tibo na si Roxine Caballero, na matatag at subok na ng panahon. Osto anyos pa lang siya noon nang iwan sila ng kanyang ama, at hindi na ito muling nagpakita pa, kaya labis siyang nagtanim ng sama ng loob rito. Nang ma-ospital ang kan’yang ina dahil sa isang car accident, na-comatose ito, at walang may alam kung magigising pa ba ito. Malaki na ang nagagastos ni Rox sa ospital, pero nais niya pa ring madugtungan pa ang buhay ng kan’yang ina. Kaya ginagawa niya ang lahat para kumita ng pera, kahit kumapit pa siya sa patalim. Isang gabi sa isang private port, tahimik siyang nagmamatyag sa pagdating ng bagong shipment. Nag-aabang siya doon para magnakaw ng imported products, at binibenta niya ‘to sa malaking halaga. Pero tila malas kay Rox ang gabing iyon dahil naka-enkwentro niya si Darcos Ruggieri, isang Italo-Filipino billionaire businessman, at mafia boss. Nadaig siya ni Darcos, at akmang papatayin na sana, pero isang tauhan ng binata ang biglang dumating at pumigil rito. Pinadampot agad ni Darcos si Rox, at dinala sa mansiyon nito. Doon nalaman ng dalaga na matagal na pa lang patay ang tatay niya, at matalik nitong kaibigan si Darcos. Nais ni Rox na tumulong sa paghahanap sa pumatay sa tatay niya, pero hindi siya pinayagan ni Darcos. Nangako ang binata sa kanyang best friend na aalagaan niya ang mag-ina nito, at poprotektahan dahil may gusto ring pumatay sa mga ito. At dahil nga parehong mga siga, at palaban sina Rox at Darcos. Nagmustula silang Tom and Jerry, habang magkasama sa iisang bubong. Ngunit sa huli ay nagka-in love-ban din naman.
View MoreA little fast forward, nakarating na sila isang high-end hotel, at naglalakad na ngayon sa entrance ng venue. Si Rox ay nakakapit sa makisig na braso ni Darcos, at maayos na ang paglalakad nito dahil naka-flat sandals na siya."Darcos, my friend!" Bungad agad ni Mayor Del Mundo sa kanila, at bahagya namang nagulat ro'n si Rox. "Tsk. Nandito rin pala ang corrupt na mayor na 'to!" nainis na anito sa kanyang isip. "Happy birthday, Mr. Mayor," bati naman ni Darcos, at nakipag-hand shake agad kay Del Mundo."Ah, siya pala ang may birthday. Tsk, hindi na ako magtataka kung pera ng taong bayan ang ginamit niyang panghanda rito!" sabi muli ni Rox sa kanyang isip."Here's my gift to you, Mr. Mayor," dagdag pa ni Darcos, sabay kinuha sa mga kamay ni Franco ang hawak-hawak nitong wine gift box."Wow! Alam na alam mo talaga ang gusto ko, my friend." Masaya namang reaksiyon ni Del Mundo. Kinuha nito agad ang gift ni Darcos at binigay sa bodyguard."Anyway, who is this beautiful woman with you?"
Kinaumagahan, nagulat na lang si Rox pagkagising niya, marami ng tao sa loob ng kwarto niya."Good morning, hija! Dinalhan na kita ng break fast mo, kumain ka na," ani Manang Cora, habang nasa tabi nito ang isang food cart trolley, at may mga laman itong international dishes."S-sino po sila, manang?" nagtakang tanong naman ni Rox."Ah, sila ang mag-aayos sayo, hija. Mga sikat na stylist sila rito sa Pinas.""Po? Mag-aayos? Bakit, ano pong okasyon?" tanong muli ni Rox. Sasagot na sana si Manang Cora, pero may biglang pumasok at si Darcos ito."We're going to attend a birthday party later, kaya aayusan ka nila to make you look presentable," sagot ng binata."Ano? Bakit kasama pa ako?!" Gulat na reaksiyon agad ni Rox. "Everyone, please, iwan niyo muna kami," magalang na ani Darcos.Nagsialis naman agad ang mga stylist, pati na si Manang Cora, at dalawa pang maid."Kailangan mo ba talaga akong isama sa party na 'yan? Akala ko ba ayaw mo 'kong makita ng ibang tao?" tanong muli ni Rox."I
Kinabukasan, nang magising si Rox, tumungo siya sa kwarto ni Darcos, dahil gusto niya itong makausap. "Come in," tugon naman agad ng binata, matapos kumatok ng babae. Katatapos lang mag-shower ni Darcos kaya naka-tapis lang ng tuwalya ang pang-ibaba nito.At nang makapasok na si Rox, agad itong napaiwas nang tingin sa katawan ng binata."Rox, ikaw pala!" Tila natuwa namang reaksiyon ni Darcos nang makita ang babae. “Do you need anything?" tanong pa nito at ngumiti nang malaki. "M-magbihis ka muna bago tayo mag-usap," naiilang namang sagot ni Rox, at hindi pa rin ito makatingin nang deretsyo sa binata. Napansin naman agad 'yon ni Darcos, kaya naisipan niyang asarin na naman ang babae."Teyka, nasa'n na ang kaangasan mo? Why can't you look at me now? Wait, don't tell me, naa-attract ka sa katawan ko?" Panimula ng binata, habang dahan-dahang lumalapit sa babae."H-hindi, noh!" tanggi naman ni Rox, at nagsalubong agad ang mga kilay nito. Pero nanlaki na lamang ang mga mata ng baba
Itinuloy naman agad ni Rox ang paglilibot sa loob ng mansiyon, pero pasimple lang ang galawan niya dahil may mga tauhan ni Darcos ang nagbabantay sa paligid.At sa paglilibot nga niya ay napadpad siya sa may pool area. Wala masyadong bantay, roon, pero maraming CCTV camera, at tila dalawang palapag ang bakod ro’n sa taas. Mahihirapan siyang makaakyat."Arf! Arf! Arf!" Agad naman siyang napalingon sa likuran nang makarinig siya nang tahol ng aso. At nang lingunin niya 'to, isa itong kulay itim na pitbull.Napangiti naman agad siya dahil mahilig siya sa aso. “Hi, doggy, ang cute mo naman!" may ngiting aniya."Arf! Arf! Arf!" Pero tinatahula pa rin siya ng aso, at hindi na maganda ang mga titig nito sa kanya."Kalma lang, doggy, hindi kita sasaktan," aniya, at dahan-dahang nilapitan ang aso para hawakan sana ito.Pero mas lalo lang tumahol ang aso, at naglabas na ito ng pangil. Kaya unti-unti nang napapaatras si Rox, dahil akmang mangangagat na ito.Mas lalong tumapang pa nga ang pitb
Maya-maya, habang sinusuyod na ni Rox ang paligid nang mansyon, napadpad siya sa may dining room, at napahinto siya bigla nang marinig niyang may nag-uusap sa loob. Sina Darcos ito at ang tauhan na si Franco. "Kumusta ang pinapagawa ko sa inyo?" tanong ni Darcos, habang nakaupo ito sa dining chair, at naghihiwa ng steak."Okay na po ang lahat, boss. Maayos naman naming nailipat si Mrs. Rosario Caballero sa private hospital," sagot ni Franco na ikinagulat ni Roxine."Anong sabi mo? Nanay ko ba ang pinag-uusapan niyo?" sabat niya agad sa mga ito."Gising kana pala. Come here, mag-break fast ka na," seryosong sagot lang ni Darcos, saka sinubo nito ang hiniwang steak. Kumilos naman agad si Rox at lumapit na sa mga ito."Sagutin niyo ang tanong ko?! Nanay ko ba ang pinag-uusapan niyo?!" Nagsalubong naman agad ang mga kilay ni Darcos, dahil sa tono ng pananalita ng dalaga.Padabog nitong binitawan ang hawak na tinidor at kutsilyo, saka tumayo at matalim na tinitigan si Rox."Ano? Sagutin
"Manyak na lalaking 'yun! Balak pa yatang ipakain sa 'kin ang batuta niya kanina. Hayst, anong impyerno ba 'tong pinagdalhan sa 'kin? Pero ba't kilala ako ng hayop na 'yun? Sino ba talaga siya?" Mga katanungan ni Roxine sa kanyang isipan."Kailangan makahanap agad ako ng paraan kung pa'no ako makatakas dito. Kailangan ko pang puntahan si nanay sa ospital. Baka ano ng nangyari sa kanya," dagdag pa niya, at sobrang na siyang nag-aalala.Mayamaya, agad siyang napatingin sa may pinto nang gumalaw ulit ang door knob. Si Darcos agad ang nasa ispin niya, kaya agad siyang napatayo at inihanda ang sarili. Pero si Manang Cora lang pala ito, at may dala-dalang mga paper bag."Ma'am Rox, ito na ang mga damit na pinamili ni sir para sayo. P'wede ka ng maligo," may ngiting sabi ng matanda, sabay lapag ng mga paper bag sa kama. Hindi naman ito nagtagal at lumabas din kaagad.At nang makaalis na ito ay tiningnan agad ni Rox ang mga laman ng paper bag, at nangunot bigla ang noo niya."Teyka, mga sl
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments