Share

Chapter One Hundred Sixty Four 

"KAMUSTA na nga pala kayo?" Biglang tanong ni Gray kay Silver. Sa palagay niya'y sa simpleng pagtatanong niyang iyon ay makakahagilap siya ng maraming sagot. Ang kailangan lang ay pagtuunan niya ng pansin ang bawat ekspresyon nito. 

Iyon ang turo sa kanya noon ni Hannah para malaman niya kung ang isang tao ay nagsasabi ng totoo o hindi. Sabi nga, eyes are the window of your soul kaya sa pagtitig pa lang sa mata ng isang tao ay malalaman na kung nagsasabi nga ba ito ng totoo o hindi. Kaya, iyon ang gusto niyang gawin ngayon kay Silver. 

Nagdududa nga ba siya sa pinsan? 

Ayaw niyang magsabi ng 'oo' ngunit hindi niya kayang balewalain ang nararamdaman niya. Alam niyang may mali kaya dapat lamang na pag-ukulan niya ito ng pansin. 

Nag-chat naman siya kay Your Princess na may bisita siya kaya mamaya na siya magri-reply dito. Gusto muna niyang pag-ukulan ng pansin si Silver. Ewan niya pero parang may nagsasabi sa kanyang may itinatago ito.&n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status