Share

Chapter 23

Chapter 23 | Greet

Walang ibang tao sa sala kung hindi ako, sina Aphro, mama, papa, lolo at ang bisita ko umanong si Marcus. Lumabas si Aphro sa terrace habang busy si mama paupuin si Marcus sa sofa. Si papa naman ay na sa tabi ni lolo na nakaupo sa harap ng dining table at mukhang abala rin si papa aliwin si lolo.

“Hindi naman nasabi ni Ian na may bisita pala siyang dadating,” natatawang sabi ni mama kay Marcus na halatang hindi komportable sa pag-upo.

Hawak niya ang mga regalong para sa akin daw na kanilang hinanda. Naka-polong maroon lang si Marcus at black jeans ngunit dahil sa maayos niyang porma at mukha ay hindi magkakamali ang kahit sino na mayaman ang isang ‘to. Sana lang talaga at hindi siya kinulit ng mga tao sa labas kanina dahil nakakahiya para sa akin iyon.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status