Share

Kabanata IX

INUBOS nila ang oras sa paglalangoy sa pool at hapon na nang umalis sila doon. Pareho nilang hindi napansin ang paglipas ng oras at sobra silang nag-enjoy habang magkasama. Walang kapilyuhan o kalokohang ginawa si Angelo sa kanya at kakaibang side ang ipinakita nito nang araw na iyon. 

Namayani ang tawa at halakhak nila at parang mga batang nagpaligsahan sa paglalangoy at pagsasabuyan ng tubig. Tila bumalik sila sa nakaraan dahil noong mga bata pa sila ay nangyari na rin iyon sa ilog. Nagtatawanan at nagkukulitan lang sila ni Angelo at hindi niya itatanggi na sobra niyang nagustuhan ang gano’ng side nito. 

Kasalukuyan siyang nasa kitchen at nagluluto ng dinner ni Angelo. Isa iyon sa dahilan kung bakit humingi ng pabor sa kanya ang kapatid nito dahil hindi ito marunong magluto. 

Alam na niya 'yon sa simula pa lang at isa iyon sa hindi kayang gawin ng isang Carl Angelo sa kabila ng pagiging perpekto nito sa mata ng nakararami lalo na sa mata ng mga babaeng nahu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status