Share

Kabanata XIX

"IKAW na ang bahala sa anak namin, Angelo. Ingatan at alagaan mo siya sa lungsod. Bantayan mo siya sa baliw niyang ama. Huwag mong hahayaan na makalapit sa kanya si Clemenso," wika ng mama ni Vanessa kay Angelo. Kasalukuyan siyang nasa sala at kausap ng mga magulang ng kanyang asawa. 

Bukas na ang alis nila patungong lungsod at naiintindihan niya kung bakit gusto siyang makausap ng masinsinan ng mga ito bago sila umalis. Normal lang iyon dahil malalayo sa mga ito ang anak lalo na at malaya pang nakakagalaw sa labas ang baliw na ama nito. Nag-aalala ang mga ito para kay Vanessa.

"Huwag po kayong mag-alala. Ako na po ang bahala sa anak niyo. Hindi ko po hahayaang may masamang mangyari sa babaeng mahal ko. Ako po muna ang masasaktan bago si Vanessa," wika niya at sinulyapan ang kanyang asawa na kasalukuyang nasa kusina at naglilinis ng plato. Katatapos lang nilang maghapunan at walang alam si Vanessa sa pinag-uusapan nila ng magulang nito.

"Mabuti kung ganoon, hijo. Ipaal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status