Share

Kabanata XX

MABILIS na lumipas ang mga araw buhat nang makabalik si Vanessa at Angelo sa lungsod. Nagsimula na rin ang klase nila at sa iisang school sila pumapasok. Iyon na ang huling taon nila sa kolehiyo at sabay silang magtatapos. At pareho silang pursigido at excited na mangyari 'yon.

Maayos naman ang lahat mula noong araw na bumalik sila sa lungsod. Parang normal days din lang katulad ng mga araw nila sa Isla Montellano. Lagi silang magkasama sa bahay, sa school at kahit saan sila magpunta. 

Alam sa school na pinapasukan nila na mag-asawa sila ni Angelo dahil noong unang araw pa lang nila roon ay gumawa ito ng isang eksena na kung saan ay ipinangalandakan nito na silang dalawa ay mag-asawa. Kilig at hiya ang naramdaman niya noon dahil unang araw pa lang niya roon ay umani na agad sila ng atensyon.

Ang iba ay masaya at karamihan ay naiinggit dahil kilala pala si Angelo sa school na pinapasukan nito. Totoo ang sinabi nito noon sa kapatid na habulin ito ng babae dahil gwapo at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status