Maaga akong pumunta sa hospital, gusto pa sana akong ihatid ni Reynan, pero hindi na ako pumayag. Alam ko may meeting na naman siya. At saka, plano ko ngang kausapin ang director, kaya hindi pwedeng kasama ko siyaa ngayon. Ngayon nga ay nandito na ako sa labas ng office ni Mr. Norman. Kumatok muna ako ng isang beses bago pumasok.“Good morning, Mr. Norman,” bati ko sa may katandaan naming boss. “Good morning, Doktora Villafuerte,” bati nito at iminuwestra ang kamay sa upuan na katapat ng inuupuan niya. Nagpasalamat ako at umupo. “Mr. Norman, tungkol po sa mensahe ko sa inyo kahapon,” simula ko na ngiti naman ang sagot nito. “Hindi ko alam kung ano ang kaugnayan mo sa bata, pero masaya ako na may isang doktor na gaya mo na nagmamalasakit.” Ngumiti ako. Hindi ko sinabi sa kanya kung ano talaga ang dahilan ko sa pagtulong sa bata. Wala rin akong intensyon na pati siya ay madamay sa aming problema ni Reynan.“Bilang doktor po, masaya akong makatulong sa mga nangangailangan.”“Alam mo
Nanlalamig ang palad ko habang nakasiksik sa sulok ng madilim at tahimik na restroom. Rinig na rinig ko ang bawat pintig ng aking puso. Dumadagundong sa maliit na espasyong kinasiksikan ko.Napigil ko ang aking hininga, takip ang mga palad sa aking bibig habang nakatingin sa marahang pag-ikot ng doorknob. Ni kaunti, hindi ako gumalaw. Naipikit ko ang aking mga mata nang kaunting bumukas ang pintuan.“God…” Tamihik kong tawag sa panginoon habang pigil pa rin ang hininga. Napakapit ako sa lababo. Tila tumigil din ang oras habang nakikiramdam sa galaw sa labas.“Sigurado ka bang dito siya pumasok?” tinig ni Grace pino ngunit may bakas ng pagkainis.“Wala na sa hallway, dito lang siya pwedeng magtago,” sagot ni Anthony, kalmado ngunit may halong iritasyon. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ang aking dibdib.“Sigurado ka bang tao ang nakita mo? Baka namamalikmata ka lang—” sabi ni Anthony na pinutol sa biglang pag-ring ng cell phone.“Tara na nga…” iritan
Tahimik lang si Reynan sa loob ng sasakyan. Walang salita, walang tanong. Nakatitig lang sa harapan, habang ang kaliwang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko.Hinayaan ko lang siya. Sapat na ang pagkakahawak namin para maramdaman niya na kahit walang nagsasalita sa amin, kasama niya pa rin ako.Pagdating sa ospital, dumiretso kami sa ICU kung saan sinabi ni Anna na naghihintay si Riza. Kaya lang, unti-unting bumagal ang lakad ni Reynan nang matanaw namin si Riza. Nakatayo siya sa tapat ng salaming pinto, at hindi siya nag-iisa.Kasama niya si Grace na nakasandal sa gilid ng pinto at katabi ang isang lalaki na hindi ko kilala. Pareho silang nakatingin sa amin—matalim at malamig.Napalingon ako kay Reynan. Humigpit kasi ang paghawak niya sa kamay ko.Pigil din siyang huminga nang malalim bago muling lumakad, kasabay ko. Hanggang sa huminto kami sa tapat nila Riza na hindi pa agad napansin ang aming pagdating.“Gusto mo akong makausap?” malamig ang boses ni Reynan, parang ye
Tahimik sa loob ng eroplano, tanging mahinang ugong ng makina at bulungan ng mga pasahero ang maririnig. Yakap ko ang braso ni Reynan habang nakasandal ang ulo ko sa kanyang balikat. Ramdam ko ang bahagyang tensyon sa kanyang katawan—hindi dahil sa hindi siya komportable, kung hindi dahil sa mga iniisip niya.Kahit hindi naman kasi ako magtanong, alam ko...ramdam ko na hindi siya mapakali. Bumabagabag sa kanya ang posibilidad ng mga problemang maari naming kakaharapin, mga balitang maaaring bumago na naman sa takbo ng aming mga araw.Pero sa kabila ng pananahimik niya, ramdam ko pa rin naman ang init ng pagmamahal niya. Hinaplos-haplos niya ang balikat ko, at paminsan-minsang nilalapat ang labi niya sa aking noo. Napangiti at napatingin ako sa kanya. Nakapikit na siya, pero nando’n pa rin ang bahagyang pagkunot ng noo niya. Patunay na hindi nga siya kuportable. Naipikit ko na lang din ang aking mga mata. Nag-flash sa isip ko ang araw na muli kaming nagtagpo. ‘Yong mga araw na nagmis
“Good morning, asawa ko,” sabi ko sa mahimbing pa ring natutulog na si Cherry, sabay halik ko sa noo niya. Nilingon ko pa siya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto na nakangiti. Sa kabila ng nangyari kahapon, ay payapa pa rin siyang nakatulog. At iyon nga gusto ko. Ayaw kong manatili sa sistema niya ang tensyon na naganap kahapon.Nagpaalam ako kay Leo na aalis ako, at binilin ko sa kanya si Cherry. Kahit pa nag-iwan na ako ng mensahe sa kanya na may aasikasuhin lang ako saglit, gusto kong siguraduhin na hindi siya mag-aalala kung nasaan ako.“Sir Reynan…magandang umaga,” nakangiting salubong sa akin ng katiwala ng bahay. “Magandang umaga po, Mang Raul,” sagot ko. Nangiti habang nakatingin sa tricycle na dala niya.Kahapon, nagkataon na nakausap ko siya kaya sinamantala ko na ang pagkakataon na magpasama sa kanya sa bayan.“Alis na po tayo?” tanong niya, pinaandar ang tricycle. “Tara na po, para makabalik agad tayo.” Tahimik lang ako habang nasa byahe, ngunit nag-eenjoy naman ako s
“Reynan… ang anak ko… si Liza—”Napakunot ang noo ko, lalo nang marinig ko ang hagulgol ni Riza. Magtatanong na sana ako kung ano ang nangyari, kaya lang, bigla na lang naputol ang linya. Ngunit bago iyon, isang galit, paos, at kapos sa hiningang boses ng lalaki ang narinig ko. Tinatawag niya si Riza. Parang may nangyayari. Parang may delubyong nagaganap at si Riza ang kanyang sinisisi.Napatitig lang ako sa screen ng cell phone na parang naghihintay na muli itong tumunog. Pero wala na. Ilang minuto na ang dumaan. “Reynan…” untag sa akin ni Cherry, habang hinaplos-haplos ang braso ko. Hinawakan ko ang kamay niya, at mapait na ngumiti. Ramdam ko kasi ang pag-aalala niya. Kitang-kita rin sa mga mata niya.“Ayos ka lang ba? Bakit siya tumawag?” tanong niya. “Anong kailangan niya?”Hindi agad ako sumagot. Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung anong emosyon ang mababasa sa mukha ko ngayon. Ang alam ko lang at sigurado akong nararamdaman ko ay kaba. Oo, kinakabahan ako—nag-