Home / Romance / Loving Dr. Cherry: Chain to Love / Chapter 3 — Emalyn the Manang

Share

Chapter 3 — Emalyn the Manang

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2025-10-03 12:35:36
Matapos ang ilang segundong katahimikan, biglang kumawala ang tawa ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o dahil sa kabaliwan na tanong niya. Tumayo ako mula sa upuan at mariing umiling.

“No,” sabi ko, sabay hagod sa buhok ko na medyo magulo na rin sa halos isang oras naming pag-inom. “Why would I marry a man I barely know?”

Napangiti siya. Hindi ‘yon ngiting bastos o ngiting nanlilibak. Ngiting natutuwa, parang bata. Tumayo rin siya, saka naglahad ng kamay.

“I’m Eliezar Mendaz. Thirty-eight. May stable job, may car, at may sariling bahay… and currently looking for a new girlfriend.”

Napailing ako, napatawa. Ayos din siya, ‘ah. Kanina lang, parang madudurog siya sa lungkot—may pa-iyak-iyak pa—pero ngayon, lumabas ang pagkapilyo.

Napahawak ako sa ulo ko. Ramdam kong may tama na ako, pero parang biglang nawala ang hilo ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang nakalahad pa rin.

At damn! Nanoot sa balat ko ang mainit niyang palad na bahagyang pumisil sa kamay ko.

“I’m Emalyn Villanueva, thirty-
sweetjelly

May nagbabasa pa ba? Sensya kung putol-putol ang update rito. May dalawa pa kasi akong ongoing... chill-chill lang 'to. Salamat...

| 2
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Nan
Totoo ang kasabihan na kusang darating ang iyong kapariha kahit hindi mo hanapin,gumawa ito ng paraan.
goodnovel comment avatar
sweetjelly
thank you. Sarap sa feeling kapag alam kong may nagbabasa pa rin kahit, hindi consistent ang update.
goodnovel comment avatar
Tagulyangen Kaman
hanggat mAg a update kapa miss author magbabasa paren kami dito
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Chapter 4 – Emalyn the Manang

    “Thanks for saving me back there,” mahina kong sabi, halos ayaw pang lumabas ng boses ko.Malapit na kami sa bahay. Kanina pa kami tahimik, at ngayon lang ako nakapagsalita. Nahihiya ako — lahat ng nangyayari ngayong gabi, first time ko. Parang nawala bigla ang tama ko dahil sa nangyari. Hindi ko na alam kung paano dalhin ang sitwasyong ‘to.He looked at me for a second, then smiled. “You don’t have to thank me. I couldn’t just leave you with that jerk.”Napangiti ako. “Ang totoo, hindi mo dapat ginawa ‘yon. I can handle myself, you know.”“Hindi ‘yon ang nakita ko,” tugon niya, may kasamang ngiti. “You couldn’t even break free from his grip.”Napailing ako. “You’re unbelievable.”“Teka, iparada mo na lang d’yan,” turo ko sa itim na gate. Bigla namang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Bukas pa kasi ang ilaw sa sala. At ayon — dalawang ulo ang nakasilip sa bintana. Ang kambal.Oh, great.Paghinto ng kotse, halos agad akong bumaba. Pero bumaba rin siya.“Uh, thanks for the ride, ha,” sabi

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Chapter 3 — Emalyn the Manang

    Matapos ang ilang segundong katahimikan, biglang kumawala ang tawa ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa alak o dahil sa kabaliwan na tanong niya. Tumayo ako mula sa upuan at mariing umiling.“No,” sabi ko, sabay hagod sa buhok ko na medyo magulo na rin sa halos isang oras naming pag-inom. “Why would I marry a man I barely know?”Napangiti siya. Hindi ‘yon ngiting bastos o ngiting nanlilibak. Ngiting natutuwa, parang bata. Tumayo rin siya, saka naglahad ng kamay.“I’m Eliezar Mendaz. Thirty-eight. May stable job, may car, at may sariling bahay… and currently looking for a new girlfriend.”Napailing ako, napatawa. Ayos din siya, ‘ah. Kanina lang, parang madudurog siya sa lungkot—may pa-iyak-iyak pa—pero ngayon, lumabas ang pagkapilyo.Napahawak ako sa ulo ko. Ramdam kong may tama na ako, pero parang biglang nawala ang hilo ko.Hinawakan ko ang kamay niyang nakalahad pa rin.At damn! Nanoot sa balat ko ang mainit niyang palad na bahagyang pumisil sa kamay ko.“I’m Emalyn Villanueva, thirty-

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   (Emalyn the Manang) 2

    Pagkatapos ng tanong niya, sumingit ang katahimikan sa pagitan namin. Ramdam ko pa rin ang bigat ng mga salitang binitiwan niya. Para bang biglang bumigat ang hangin sa pagitan namin. Hindi ko alam kung paano sasagot. Hindi ko rin maintindihan kung bakit may kung anong kumurot sa dibdib ko.Ako na ang unang umiwas ng tingin. Inikot ko ang baso ng alak sa mga daliri ko, para bang may sagot akong mahahanap sa loob ng pulang likido. Pagkatapos ay inisahan kong lagukin. At saka mapait akong napangiti.“Life is unfair,” bulong ko, halos hindi ko namalayang lumabas sa labi ko. “Binigay mo na lahat, but it’s still not enough. Hindi nila nakikita ang totoong ikaw… And the worst part? Pinagtatawanan ka pa.”Tahimik lang ang lalaki, pero kita kong inangat niya ang baso at inisahan ding lagukin ang laman.“So… you’ve loved someone, too? You’ve been hurt?” tanong niya, mababa at may alinlangan.Napatawa akong mapait. “Hindi ba kapani-paniwala na someone like me knows how to love?”Umiling-iling s

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   (Emalyn the Manang) 1

    EMALYN“Manang.” “Expired.”Iyan ang mga bansag sa akin ng mga kaibigan at kamag-anak ko. Kesyo trenta’y singko na raw ako at wala pa ring boyfriend—wala pang asawa. At sa bawat salu-salo, sa bawat reunion, lagi akong tampulan ng biro. Para bang kasalanan kong hindi pa ako humaharap sa altar.Hindi man halata, pero nasasaktan na ako sa mga sinasabi nila. Iba kasi—parang personal na. May tinatagong galit sa akin… o baka ako lang ang nag-iisip ng gano’n. Ewan kung mali man ako. Kasi, minsan, may magtatapon ng linya na parang balang tumatama sa puso ko.“Emalyn, paano ka pa mabubuntis niyan? Pa-expire ka na.” “Sayang ka, maganda ka sana… kaso wala eh, hindi ka marunong mag-ayos. Ang manang mo.”At madalas, ngiti lang ang sagot ko. Kahit na ramdam ko na parang mga karayum ang bawat salita nilang, tinutusok-tusok ang puso ko.Kapag hindi ko na kaya, dinidipensahan ko ang sarili ko. “Eh ano ngayon kung tumandang dalaga ako? Masaya naman ako. Mas okay na ‘yon kaysa may asawa nga, miserabl

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Special Chapter 5 (Jerome and Anne)

    Hawak ko ang kamay ni Anna habang naglalakad kami sa baywalk. Padalim na, pero mang-ilan-ilan lang ang mga tao. Tahimik ang buong paligid, maliban sa tunog ng alon na sumasalpok sa breakwater. Napangiti ako. Tumingin sa kanya. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niyang tumabon sa kanyang mukha sa bawat mahinang hampas ng hangin. This is surreal. A month ago, umiwas-iwas pa ako sa kanya. Puno pa ako ng doubt sa sarili. Ngayon, hindi na. “Hoy, matutunaw na ako kakatitig mo…” Iniwas niya ang kanyang mukha, pero napangiti naman. “E kasi naman, ang ganda mo… ang sexy pa…” Kagat ko ang ibabang labi habang hinaplos at marahang pinisil ang baywang niya. “Hay naku, Jerome… ayan ka na naman…” Napabungisngis ako. Masaya kasi ako. Sobra! Walang paglagyan ang sayang nararamdaman ko. Hindi ko nga akalaing mangyayari ‘to—na makakahanap ako ng babaing handa akong tanggapin—ang nakaraan ko, at kung ano man ang kulang sa akin. Inangat ko ang kamay niya. Nilapat ang palad niya sa labi ko. Patun

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love    Special Chapter 4 (Jerome and Anna)

    Napayuko ako, pilit na iniiwas ang tingin kay Anna. Para bang bawat segundo ng pagtitig niya ay tinatanggal ang depensa ko. “Anna…” humugot ako ng malalim na hininga. Ramdam ko ang paninikip sa dibdib ko. “Ang hirap… hindi ko alam kung ano ang sasabihin… kung paano magpapaliwanag.” “Mahirap? Hindi alam kung ano ang sasabihin? Kaya umiwas ka na lang… mas madali nga naman ‘yon! ” tumaas ang boses niya, halatang nagpupuyos sa galit. “Anna, hindi… hindi gano’n ‘yon…” Napabuntong-hininga ako. Mapait na ngiti naman ang ganti niya. Napalingon ako nang marinig ko ang ugong, bulungan sa paligid. Pinagtitingan na kami ng mga tao. Hinawakan ko ang kamay niya. Hinila siya palabas ng restaurant. Pero paglabas namin binawi niya ang kamay niya. “Jerome, hindi mo na kailangang mag-explain. Sinabi ko na kanina, ito na ang huling beses na makikita mo ako. Kaya ‘wag ka ma-pressure. Ano man ang sabihin mo, keep mo na lang sa sarili.” “Anna, teka lang…” Pinigil ko siya. Aalis na naman kasi sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status