Share

Kabanata 19

Penulis: sweetjelly
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-03 23:12:42

Nang bumukas ang elevator, agad niya akong hinila palabas, at hindi na sinagot ang aking tanong. Ang higpit rin ng hawak niya sa aking kamay at panay ang lingon na parang takot na mahabol na naman kami ni George.

“Reynan…” Binawi ko ang aking kamay.

Napalingon naman siya at nahinto sa paglalakad. “Cherry, sa bahay na lang tayo mag-usap, pwede ba?”

Umiling-iling ako. “Hindi ako uuwi kasama mo. Hindi ako tiitira sa bahay ng lalaking may tinatago sa akin.”

Bumagsak ang balikat niya. Nahagod niya rin ang kanyang buhok, pero lumapit naman sa akin. “Cherry…”

Mahina ko siyang itinulak. “Ano ba talaga ang motibo mo sa paglapit sa akin, Reynan? Bakit mo alam ang nangyari sa hotel?

“Cherry, wala akong motibo…maniwala ka naman, oh.”

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko na rin halos mapigil ang mga luha ko. Nadidismaya ako. Nagsisimula na akong magtiwala sa kanya, tapos malalaman kong alam pala niya ang isa sa mga nakakahiyang pangyayari ng aking buhay.

“Kung totoong wala kang motibo, magpaliwanag
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Ano kaya Ang mangyari na alam na ni Cherry ... Ang pagkatao ni Reynan? Sana magtiwala nalang siya Kay Reynan total mag-asawa Naman Sila
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 56

    REYNANTahimik akong napatitig sa mga mata niyang puno ng pag-aalinlangan at lungkot.“Reynan…” Nanginginig ang labi niya. Hinaplos ko ang pisngi niya, at nginitinian siya ng matamis. Gusto kong burahin ang lungkot na nakikita sa mga mata niya. “‘Wag ka nang malungkot…naiintindihan ko.” Puno ng pag-iintindi kong sabi.Bahagyang kumislap ang mga mata niya ngunit nando’n pa rin ang lungkot.Hinalikan ko ang noo niya, pilit na isinisingit sa puso ko ang unawa kahit ang totoo ay medyo mabigat sa dibdib.“Cherry…” mahina kong sambit sa kanyang pangalan. “Naiintindihan ko. Hindi rin kita pinipilit. Kung ayaw mo...ayos lang.”Napayuko siya. Parang nahihiya. Inangat ko ang mukha niya. “Hindi sa ayaw ko, Reynan. Gusto ko. Pangarap ko rin magkaroon ng anak, at bumuo ng pamilya kasama ka…” pumipiyok ang boses niya, nilalabanan ang sariling luha. “Takot ako. Sobrang takot.”Hinawakan ko ang kamay niya, pinisil iyon ng marahan para iparamdam na hindi siya nag-iisa. “Cherry, wala ka dapat ikatakot

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 55

    CHERRYHindi ko na matandaan kung paano kami napunta sa kama. Basta ang alam ko, mainit ang hininga niya sa leeg ko, at ang mga labi niya ay parang apoy na dahan-dahang tinutunaw ang lahat ng katinuan ko.“Reynan…” bulong ko habang lumulubog ang likod ko sa malamig na bedsheet.Pero ang katawan ko—mainit. Umiinit sa bawat halik niya, sa bawat sagi ng palad niyang mapag-aruga ngunit mariin na nilalamas ang buong parte ng katawan ko.Mula leeg, bumaba ang labi niya sa balikat ko, dahan-dahang hinahalikan ang balat ko na para bang sinasaulo ang bawat hubog nito.“Alam mo ba kung gaano kita na-miss, Cherry?” tanong niya sa gitna ng kanyang mga halik. Hindi ko na nasagot. Nakapikit lang ako, habol ang hininga.Ang mga daliri niya, humagod sa tagiliran ko. May sinserong pag-iingat, ngunit may halong pananabik na hindi niya mapigilan. Para bang bawat galaw niya ay sinasabing, “Mahal kita. Ikaw lang.”Hinubad niya ang suot kong damit—dahan-dahan, na dumagdag sa pananabik ko. Hindi siya nagma

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 54

    CHERRYHindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang tibok ng puso ko para kay Reynan.Siguro… noong mga panahong lagi siyang sumusulpot para iligtas ako.O baka ‘yong panahong inamin niya sa akin na mahal niya ako ng tunay. Hindi ko ma pin-point kung kailan ko siya minahal, hindi ko na namamalayan na sa araw-araw na magkasama kami, unti-unti na pala akong nahulog. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Focus na focus siya sa workout niya ngayon sa harap ko. Pini-flex ang maganda niyang katawan. Ang yummy niya. Hindi ko namamalayan na napapakagat labi na pala ako. “Nag-e-enjoy ka?” ngisi niyang tanong na tawa’t iling lang ang sagot ko.Alam na naman niyang nag-e-enjoy nga ako. Kahit sinong babae ay talagang mag-e-enjoy na panoorin ang gwapong yummy na tulad niya. “Tapusin ko lang ang workout ko…mamaya ikaw naman ang tatrabahuin ko…” Pilyo siyang kumindat sa akin. “Puro ka kalokohan!’ Nasabi ko. Ang mga banat niya kasing gano’n ay isa rin sa nagpapalambot ng puso ko—nahuhu

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 53

    REYNANHindi ko alam kung ilang segundo na akong nakatitig kay George. Pero bawat hakbang ko palapit ay may kasamang apoy sa dibdib—ang klase ng galit na hindi mo maipaliwanag, kundi mararamdaman mo lang. Mainit. Mabigat. At handa nang sumabog.Ilang beses ko nang sinabihan ang lalaking ito na layuan si Cherry. Ilang beses ko nang ipinakita na sa akin na ang babaing dati niyang sinayang. Pero heto siya’t muling sumulpot sa hospital, walang takot, mayabang, at walang respeto.Handa na akong sumugod. Kahit pa ginagawa ng bodyguard lahat, hindi lang makalapit si George kay Cherry. Hindi pa rin ako kontento. Gusto ko, ako mismo ang tataboy sa kanya. Ako mismo ang magtataboy sa kanya sa buhay namin ng aking asawa.Handa na akong sugurin siya, ngunit napatigil ako nang marinig ko ang tinig ni Cherry—matatag, puno ng tapang at galit.“Kamuhian mo ako hangga’t gusto mo, pero tigilan mo na ang panggugulo sa buhay ko—sa buhay namin ng asawa ko.”Bawat salitang lumabas sa kanyang bibig ay tila m

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 52

    “George…” Hinawakan ni Marriane ang aking kamay at niyugyog niya. “Sabi mo, gagawin mo lahat, hindi ba? Babawi ka…” Sunod-sunod na pumatak ang mga luha niya, nagmamakaawa at determinado ang mga matang makuha ang gusto.Binitiwan ko ang kamay niya. Tumayo at umupo sa upuan na katabi ng kama. Mapait akong ngumiti habang hindi siya nilulubayan ng tingin. Guilty ako. Totoong malungkot ako sa pagkawala ng aming baby, pero hindi ako gago na hahayaang matali ang sarili sa babaing hindi ko gusto—sa babaing parausan ko lang.“George...‘Yun lang ang hinihingi ko sa’yo, iyon lang ang paraan para makabawi ka…” mariing sambit ni Marriane, ang isang kamay ay nakahawak sa tiyan niya habang ang isa ay hawak pa rin ang kamay ko. “‘Yon lang ang paraan, makalimutan ko lang ang sakit sa pagkawala ng ating anak.”Napapikit ako, mariing pinigil ang bugso ng inis na gusto nang sumabog mula sa dibdib ko. Habang tinititigan ko kasi siya, nababasa ko sa hitsura niya. Ginagamit niya ang sitwasyon ngayon upang

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 51

    Hindi ko na kinaya na panoorin sila. Pinaharorot ko ang kotse, pero hindi ko naman napigilan ang mapaklang tumawa. Si Cherry ang gusto kong magdusa. Ngunit ako parang nalulukmok ngayon. “George…” bungad ni Marriane. Akmang yayakapin ako, ngunit hindi ko siya pinansin. Umiwas rin ako sa yakap niya at dali-daling pumasok sa kwarto. Binalibag ko ang aking suit sa kung saan kasabay ang impit na sigaw, at paulit-ulit na hinagod ang buhok. Pumasok ako sa banyo. Hinayaang mabasa ng malamig na tubig ang nag-iinit kong katawan sa galit. Maya maya ay humarap ako sa salamin. Mapait na naman akong napangiti. Maging ako ay halos hindi na makilala ang sarili. Wala na ang lalaking puno ng kumpyansa. Ang dating preskong mukha, napalitan ng masungit na awra. Klarong-klaro rin ang nangingitim kong eyebags. Tanda na hindi ako masaya sa buhay na ako rin ang pumili. Padabog akong lumabas ng banyo suot ang bathrob at dumiritso sa balcony. Nagsindi ako ng yosi habang tanaw ang mga sasakyan na dumadaan

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 50

    GEORGEHumigpit ang paghawak ko sa manubela, habang nakapako ang matalalim na tingin kay Cherry at Reynan. Magkahawak kamay sila at mabagal na naglalakad papasok sa isang venue. Kung tingnan ko sila ay para silang naglalakad papunta sa altar. Panay pa ang tingin nila sa isa’t isa.“Damn it!” Ilang beses kong nasuntok ang manubela. Hindi ko maawat ang pagtangis ng aking bagang. Akmang bubuksan ko na ang kotse, susugurin sila, ngunit tumunog naman ang cell phone ko. “What?!” singhal ko sa tumawag. “George nasaan ka na ba?” iritang tanong ni Marriane sa kabilang linya. Hindi ako sumagot. Mas naagaw ang pansin ko sa eksenang nakikita ko ngayon. Si Cherry at Reynan, masaya at panay ang ngiti habang kumakain. “Bakit, Cherry?” tanong ko sa sarili. Humigpit ang paghawak ko sa aking cell phone na nakalapat pa rin sa aking tainga. “George, nasaan ka ba? Kanina pa ako naghihintay sa’yo. Pinapapak na ako ng lamok rito!” matining ang boses na sabi ni Marriane sa kabilang linya. Bahagya ko p

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 49

    "Asawa… tinatanggap na ba talaga niya ako bilang asawa?"Tanong ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ko ang mukha niyang payapa na sa pagtulog. Gusto ko sanang itanong ‘yon, gusto kong malinawan, pero napangiti na lamang ako nang marinig ang mahinang hilik niya.Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya, saka ko siya niyakap nang mas mahigpit."Good night, asawa ko..." mahinang bulong ko sa tainga niya.At sa ganoong yakap, tuluyan na rin akong nakatulog.Kinabukasan, sa kabila ng pagod sa byahe, at pagod sa ginawa namin ni Cherry, maaga pa rin akong nagising. Ngayon ay tanaw ko na naman ang magandang mukha ng aking asawa. Ang lapit ng mukha niya sa akin, nakasampay ang isang hita sa akin. Napangiti ako. Hindi naman kasi siya ganito ka kumportable sa aking tabi noon. Pero ngayon, kahit tulog siya, makikita sa mukha ang pagiging panatag niya. Pinindot ko ang tungki ng kanyang ilong. "Good morning, asawa ko," bulong ko habang hinahalikan ang kanyang noo.Tumiim ang mga mata niya, sa

  • Loving Dr. Cherry: Chain to Love   Kabanata 48

    REYNANMula sa himpapawid, tanaw ko na ang makukulay na ilaw ng siyudad. Napangiti ako. Hindi pa man lumapag ng tuluyan ang eroplanong sinasakyan ko, pero ang matanaw ang paliparan sa ibaba ay palatandaan ng pagbabalik ko. Higit sa lahat, palatandaan ng pag-uwi sa taong pinakamamahal ko. Dahil sa agarang aksyon ng Miluna Corporation, ay agad naisampa ang kaso laban kina Joseph at Anthony. Naglabas din sila ng opisyal na pahayag na ang disenyo ng Dialysis Machine ay pagmamay-ari ng kumpanya ko. Kasabay nito, naglabas din sila ng dokumentong nagsusulong sa intelektwal na karapatan ko sa produkto.Pero sa gitna ng tagumpay, hindi naman mapakali ang puso ko. Ang tawag na narinig ko mula kay Anthony—sigurado akong mula sa Pilipinas. Binanggit nga niya na si Liza ang gagamitin niya. Paano? Paano niya gagamitin ang batang may sakit? Habang iniisip ko na Liza ay nasa hospital kung saan nag-tatrabaho si Cherry, kinukutuban ako. Nag-aalala ako... Paano kung siya ang balikan ni Anthony? Kaya

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status