Tahimik lang ako buong biyahe pauwi.Mula ospital hanggang sa bahay, wala akong imik. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw sa daan.Tahimik din si Reynan sa tabi ko na hindi naman niya gawain. Bibo nga siya, madalas akong pinapasaya at pinapatawa. Siguro ramdam niya na kailangan ko muna ng sandaling katahimikan. Napasil ko naman ang aking noo at pigil na bumuga ng hangin. Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga salitang binato ni Marianne sa akin kanina.“Madumi ka.”“Lalabas din ang baho mo. At pag nalaman ni Reynan, mandidiri siya sa’yo.”Mapait akong napangiti. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Kilala ko ang sarili ko, wala akong masamang ginagawa kaya wala akong baho na lalabas.Pero bakit ginigiit niya na madumi ako? Noong una, hindi ko iyon masyadong pinansin. Inisip ko lang na paraan niya lang iyon na galitin ako. Kaya lang ngayon, bothered na ako. Paulit-ulit na kasi.“Reynan, bihis muna ako,” sabi ko nang makapasok kami.Tumango lang si Reynan, marahang
Walang salita na iniwan kami ni Anna, pero sumulyap naman siya kay Reynan bago tuluyang naglakad palayo. Napatitig naman ako kay Reynan na nakatingin kay Anna na ngayon ay palabas ng gate. Iba talaga ang kutob ko. May kakaiba sa kinikilos nila. Tingin ko may tinatago sila at nagkasundong ‘wag sabihin sa akin. "’Yan ba ang sinasabi mong tungkol lang sa trabaho ang pinag-uusapan n’yo?” Basag ko sa katahimikan at napabuga pa ako ng hangin. “Napatulala ka na nga, Reynan.” Agad niya akong nilingon. “Akala ko naniniwala ka na. Hindi pa pala.”“Rinig na rinig ko ang sinabi ni Anna, Reynan, at sa hitsura mong ‘yan…hindi ka pani-paniwalang nagsasabi ka ng totoo.” Pinag-cross ko ang aking mga kamay sa dibdib.Lumapit naman agad siya sa akin, humawak sa mga balikat ko. “Cherry, nagsasabi nga kami ng totoo…”“Hindi nga ‘yon ang nararamdaman ko.” Nakapa ko naman ang aking dibdib. “Ayaw kong magsinungaling ka, Reynan. Ayaw kong darating ang araw na malalaman ko na lang na may nangyari sa sa’yong
REYNANAraw ng aking pag-alis. Namamawis na ang kamay kong hawak ang kamay ni Cherry. Hindi ko siya mabitiw-bitiwan. Ilang minuto na lang kasi ay airport na. Napalingon ako sa kanya. Pikit ang mga matang nakalapat ang ulo niya sa aking balikat. Ilang beses ko na ring nararamdaman ang mahina niyang pagbuntong-hininga. “Mag-iingat ka do’n, Reynan…” Malungkot ko siyang tinitigan at mapait na ngumiti. “Ikaw ang dapat mag-ingat.” Nilapat ko ang kamay niya sa labi ko. Mapait na ngiti naman ang sagot niya at tiniim ang mga mata niyang halatang umiiwas na tumingin sa akin. Siguro ayaw niyang ipakita sa akin na nalulungkot siya. Gusto niyang iparamdam sa akin na hindi siya ganoon ka apektado na aalis ako. Kaya lang hindi gano’n katatag ang pagpapanggap niyang matapang. Ramdam ko, malungkot siya. Kaya kahit malungkot din ako dahil iiwan ko siya rito. May saya pa rin akong nararamdaman dahil alam kong nag-aalala siya sa akin. Alam kong ma-mi-miss niya ako. Hinaplos-haplos ko ang balikat n
CHERRYHalos hindi ako mapakali buong araw.Pagkatapos ng tawag ko kay Reynan kagabi, ramdam kong may kakaiba sa kanya. Oo, lagi naman siyang pagod—lagi siyang seryoso pagdating sa trabaho. Pero this time, ramdam ko sa boses niya na may mabigat siyang dinadala. Ibang klaseng bigat. Parang may halong galit na pilit niyang tinatago sa mga paglalambing at ngiti niya.“Dok Cherry, oras na po ng round mo,” sabi ni Gelene habang iniaabot sa akin ang chart ng aking pasyente.Napatingin lang ako sa kanya at kinuha iyon nang wala sa sarili. “Thanks, I’ll go.”Habang papunta ako sa room, panay naman ang tingin ko sa aking cell phone. Hinihintay ko kasi ang tawag ni Reynan. Dapat kasi ay kanina pa siya tumatawag, pero wala. Sinubukan ko rin siyang tawagan, kaya lang hindi siya sumasagot.Napabuga na naman ako at napiling ang ulo. Worried ako kay Reynan, but I had patients to attend to. Hindi ako puwedeng ma-distract ngayon. Nang matapos na ang rounds ko at makabalik ako sa clinic, agad ko naman
Natigil ang pagwawala ni Joseph nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking sa tantiya ko ay nasa late 50’s ang edad, ngunit bakas sa awra na may dignidad at kapangyarihan—ang CEO ng Miluna Corporation, si Mr. Damian Sadeja.Tumahimik ang lahat habang ang tingin ay nasa kanya na.Lumapit naman sa akin si Aaron, bahagyang yumuko, sabay bulong, “they are here, para e-settle ang kahihiyan na ginawa ni Palma.” Hindi ako sumagot, nanatili lang akong nakatingin kay Mr. Sadeja na ngayon ay papalapit na sa conference table. Kampante siyang naglalakad. Walang bakas ng takot o pag-aalinlangan sa kanyang hitsura, kahit wala siyang dalang media, walang PR representative, walang bodyguards. Tanging ang executive assistant at legal counsel ang kasama niya. Isang senyales na seryoso siya sa kanyang pakay.Tumayo ako mula sa aking kinauupuan, bahagyang tumango bilang paggalang, at tinanggap ang kanyang kamay na nakalahad. “Mr. Cuevas…” sabi niya. Seryoso pa rin ang titig niya sa akin, mag
CHERRY “Pumunta ka rito ngayon din,” sabi ng lalaking tumawag sa akin—si George, my boyfriend, my live-in partner for five years. “George, pagod ako. Kararating ko lang mula sa medical mission.” “Wala akong pakialam, pumunta ka rito. I’ll send you the address!" giit niya, at agad nang pinutol ang tawag. Napatingin ako sa cell phone ko nang mag-vibrate ito. Sinend na niya ang location niya na mapait kong ikinangiti, pero walang pag-aatubili na nagmaneho papunta roon. Wala naman kasi akong choice, magagalit siya kapag hindi ako sumunod. Lalaki ang away at pagbabantaan na naman niya akong hihiwalayan. Tatlong taon na mula no’ng magbago ang lahat sa amin. At heto nga kumakapit pa rin ako sa pangako namin sa isa’t-isa na habang-buhay kaming magsasama. Umaasa ako na balang araw ay huhupa din ang pag-e-explore niya, manumbalik ang pagmamahal niya, at maging masaya kaming muli. Napabuntong-hininga ako nang marating ko na ang lugar na sinabi ng boyfriend ko, isang hotel sa
Isang linggo na ang lumipas mula noong eksena sa hotel. At heto, pinili ko pa rin na patawarin siya at manatili sa tabi niya. Napangiti ako nang mailapag ang cake sa lamesa. Maya’t maya rin ang sulyap ko sa orasan, hinihintay ang pagdating ni George. Ikalimang anibersaryo namin ngayon, kaya naghanda ako ng surpresa para sa kanya. Napangiti ako nang makarinig ng busina ng kotse at pagbukas ng gate. Kaagad akong tumayo at nagtago ako sa likod ng pinto. Matiyaga akong naghihintay sa pagpasok niya habang hawak ang party popper. “Surprise!" bulalas ko, na ikinagulat niya. Nasurpresa siya, kaya lang, hindi saya ang nakikita kong ekspresyon, kundi galit. “Anong ginagawa mo rito?" tanong niya na sumabay sa paglipad ng mga confetti. "Hindi natuloy ang medical mission, kaya umuwi ako…” sagot ko, pero nawala na ang ngiti sa aking labi. Ako kasi ang mas nasurpresa dahil may iba siyang kasama. “Bakit mo siya dinala rito?" "Wala kang pakialam!” sagot niya. Winaksi niya ako, at gin
Kahit kinakabahan, agad akong bumaba ng kotse at pumunta sa harap ng kotse. “Sorry…” nauutal kong sabi sa lalaking nagsisimula nang tumayo. Kaagad naman akong yumukod at inalalayan siya. Pinagpagpag ko ang damit nito, at muling nag-sorry. “May masakit ba sa’yo?” tanong ko pa habang sinusuri kong nasugatan ba siya o may pasa o gasgas. Pero pahapyaw na tawa ang sagot nito na ikinaangat ng tingin ko. “Nabangga ka na nga, nakuha mo pang tumawa.” “Ayos lang po ako,” inuunat-unat ang braso na sagot niya. “Halika, dadalhin kita sa hospital.” Hinawakan ko siya. Nakatitigan kami. Bumakas ang gulat sa mukha niya. “Doktora Cherry.” Nakangiting sabi ng lalaki. Kinunutan ko naman siya ng noo. “Kilala mo ako?” tanong ko. Kahit kasi anong titig ko sa kanya ay hindi ko siya maalala, pero parang pamilyar ang mukha niya. “Ang bilis mo naman makalimot,” nakangisi pa rin nitong sagot na lalo lang ikinakunot ng noo ko. “Reynan Cueves…brother-in-law ni Atty. Onse Lazaro na friend mo.” Pa
Natigil ang pagwawala ni Joseph nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaking sa tantiya ko ay nasa late 50’s ang edad, ngunit bakas sa awra na may dignidad at kapangyarihan—ang CEO ng Miluna Corporation, si Mr. Damian Sadeja.Tumahimik ang lahat habang ang tingin ay nasa kanya na.Lumapit naman sa akin si Aaron, bahagyang yumuko, sabay bulong, “they are here, para e-settle ang kahihiyan na ginawa ni Palma.” Hindi ako sumagot, nanatili lang akong nakatingin kay Mr. Sadeja na ngayon ay papalapit na sa conference table. Kampante siyang naglalakad. Walang bakas ng takot o pag-aalinlangan sa kanyang hitsura, kahit wala siyang dalang media, walang PR representative, walang bodyguards. Tanging ang executive assistant at legal counsel ang kasama niya. Isang senyales na seryoso siya sa kanyang pakay.Tumayo ako mula sa aking kinauupuan, bahagyang tumango bilang paggalang, at tinanggap ang kanyang kamay na nakalahad. “Mr. Cuevas…” sabi niya. Seryoso pa rin ang titig niya sa akin, mag
CHERRYHalos hindi ako mapakali buong araw.Pagkatapos ng tawag ko kay Reynan kagabi, ramdam kong may kakaiba sa kanya. Oo, lagi naman siyang pagod—lagi siyang seryoso pagdating sa trabaho. Pero this time, ramdam ko sa boses niya na may mabigat siyang dinadala. Ibang klaseng bigat. Parang may halong galit na pilit niyang tinatago sa mga paglalambing at ngiti niya.“Dok Cherry, oras na po ng round mo,” sabi ni Gelene habang iniaabot sa akin ang chart ng aking pasyente.Napatingin lang ako sa kanya at kinuha iyon nang wala sa sarili. “Thanks, I’ll go.”Habang papunta ako sa room, panay naman ang tingin ko sa aking cell phone. Hinihintay ko kasi ang tawag ni Reynan. Dapat kasi ay kanina pa siya tumatawag, pero wala. Sinubukan ko rin siyang tawagan, kaya lang hindi siya sumasagot.Napabuga na naman ako at napiling ang ulo. Worried ako kay Reynan, but I had patients to attend to. Hindi ako puwedeng ma-distract ngayon. Nang matapos na ang rounds ko at makabalik ako sa clinic, agad ko naman
REYNANAraw ng aking pag-alis. Namamawis na ang kamay kong hawak ang kamay ni Cherry. Hindi ko siya mabitiw-bitiwan. Ilang minuto na lang kasi ay airport na. Napalingon ako sa kanya. Pikit ang mga matang nakalapat ang ulo niya sa aking balikat. Ilang beses ko na ring nararamdaman ang mahina niyang pagbuntong-hininga. “Mag-iingat ka do’n, Reynan…” Malungkot ko siyang tinitigan at mapait na ngumiti. “Ikaw ang dapat mag-ingat.” Nilapat ko ang kamay niya sa labi ko. Mapait na ngiti naman ang sagot niya at tiniim ang mga mata niyang halatang umiiwas na tumingin sa akin. Siguro ayaw niyang ipakita sa akin na nalulungkot siya. Gusto niyang iparamdam sa akin na hindi siya ganoon ka apektado na aalis ako. Kaya lang hindi gano’n katatag ang pagpapanggap niyang matapang. Ramdam ko, malungkot siya. Kaya kahit malungkot din ako dahil iiwan ko siya rito. May saya pa rin akong nararamdaman dahil alam kong nag-aalala siya sa akin. Alam kong ma-mi-miss niya ako. Hinaplos-haplos ko ang balikat n
Walang salita na iniwan kami ni Anna, pero sumulyap naman siya kay Reynan bago tuluyang naglakad palayo. Napatitig naman ako kay Reynan na nakatingin kay Anna na ngayon ay palabas ng gate. Iba talaga ang kutob ko. May kakaiba sa kinikilos nila. Tingin ko may tinatago sila at nagkasundong ‘wag sabihin sa akin. "’Yan ba ang sinasabi mong tungkol lang sa trabaho ang pinag-uusapan n’yo?” Basag ko sa katahimikan at napabuga pa ako ng hangin. “Napatulala ka na nga, Reynan.” Agad niya akong nilingon. “Akala ko naniniwala ka na. Hindi pa pala.”“Rinig na rinig ko ang sinabi ni Anna, Reynan, at sa hitsura mong ‘yan…hindi ka pani-paniwalang nagsasabi ka ng totoo.” Pinag-cross ko ang aking mga kamay sa dibdib.Lumapit naman agad siya sa akin, humawak sa mga balikat ko. “Cherry, nagsasabi nga kami ng totoo…”“Hindi nga ‘yon ang nararamdaman ko.” Nakapa ko naman ang aking dibdib. “Ayaw kong magsinungaling ka, Reynan. Ayaw kong darating ang araw na malalaman ko na lang na may nangyari sa sa’yong
Tahimik lang ako buong biyahe pauwi.Mula ospital hanggang sa bahay, wala akong imik. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw sa daan.Tahimik din si Reynan sa tabi ko na hindi naman niya gawain. Bibo nga siya, madalas akong pinapasaya at pinapatawa. Siguro ramdam niya na kailangan ko muna ng sandaling katahimikan. Napasil ko naman ang aking noo at pigil na bumuga ng hangin. Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga salitang binato ni Marianne sa akin kanina.“Madumi ka.”“Lalabas din ang baho mo. At pag nalaman ni Reynan, mandidiri siya sa’yo.”Mapait akong napangiti. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Kilala ko ang sarili ko, wala akong masamang ginagawa kaya wala akong baho na lalabas.Pero bakit ginigiit niya na madumi ako? Noong una, hindi ko iyon masyadong pinansin. Inisip ko lang na paraan niya lang iyon na galitin ako. Kaya lang ngayon, bothered na ako. Paulit-ulit na kasi.“Reynan, bihis muna ako,” sabi ko nang makapasok kami.Tumango lang si Reynan, marahang
Ayaw ko mang aminin pero sandaling tumigil ang mundo ko nang makita ko si Reynan na kasama si Riza. Ayaw ko sa aking nakikita, gusto kong umalis pero hindi ko na naman magawa. Hindi maalis ang tingin ko sa kamay niya na hawak ang kamay ni Riza. Napakurap lang ako nang binitiwan na niya iyon.Itong si Reynan naman ay talagang nakuha pang ngumiti. Siguradong napansin niyang napatulala ako kanina, kaya namukadkad ang atay. Ngayon nga ay lumapit na siya sa akin, ngumiti ng matamis at hinawakan ang aking kamay na noong una ay gusto kong bawiin, pero naisip kong baka magduda si Riza at mabuko kami na nagpapanggap lang.Kaya hinayaan ko na lang siyang hawakan ang kamay ko na lalong nagpapalakas ng kabog sa dibdib ko na maskit ako ay hindi ko naiintindihan kung bakit ganito ang aking nararamdaman."I'll…I'll get going,” sabi ni Riza at agad-agad nang umalis.Binawi ko naman agad ang aking kamay pag-alis niya. Nagulat si Reynan, pero maya maya ay ngumiti na naman. Sekrito naman akong napam
Sandali kong napigil ang aking hininga nang makita si Cherry na nakatitig na sa kamay ko na hawak pa rin ang kamay ni Riza. Ngunit imbes na kabahan ako dahil nakita niya kami. Natuwa ako. Seryoso siya. Ni konting ngiti ay hindi niya ginawa. Parang nagseselos.Buong pagpipigil ko na hindi ngumiti, pero puso ko, dumadagundong na sa tuwa.Dahan-dahan kong inangat ang kamay ni Riza at tuluyang binitiwan. I saw the flash of hurt and embarrassment in her eyes. Napatingin din siya kay Cherry at nahihiyang ngumiti.Dapat lang siyang mahiya. Alam niyang galit ako, pero nagawa pa rin niya akong hawakan.Tinalikuran ko siya at lumapit ako kay Cherry at sabay naming hinarap si Riza habang hawak ko na ang kamay niya. Ramdam ko ang ilang niya. Medyo nanginig ang kamay, pero hindi naman niya binawi."I'll…I'll get going," nauutal na sabi ni Riza, at agad-agad nang umalis, hindi na hinintay ang sagot namin.Nilingon ko naman si Cherry nang wala na sa Riza. Ngunit nagmaldita ang aking asawa. Hinablot
I walked away from Riza without looking back. Galit pa rin ako, pero medyo napanatag na naman ang aking loob. Naging malinaw na ang tungkol sa DNA test result. Nakatulong na rin ako kay Liza. It was over. Mabilis akong naglakad papunta sa kotse. Gusto kong makalayo na, at makabalik na kay Cherry."Riza!"Napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ni Riza—si Grace. Patakbo siyang lumapit kay Riza at agad na yumakap. As if the meeting was some happy accident. Halata naman sa ekspresyon ni Riza ang pagkabigla ng makita ang kaibigan."What are you doing here? Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ni Riza, at kumawala sa pagyakap ni Grace. Mahinang tumawa si Grace. Hinawakan ang mga kamay ni Riza. "I didn’t know you were here!" sagot niya.Medyo umatras naman si Riza, parang naiilang sa pinapakitang kabaitan ng kanyang kaibigan. Pasimple din siyang sumulyap sa akin. And Grace caught the movement and turned her eyes toward me as well. Bago pa man ako makaalis, agad na niyang hinila si
Hinanap ko agad si Riza pagpasok ko sa coffee shop, at nakita ko nga siya sa dulong bahagi, nakayuko, at parang ang lalim ng iniisip. Mahigpit rin ang paghawak niya sa tasa ng kape. Bumuga ako ng hangin at sandaling tiniim ang mga mata. Ang bigat rin ng mga paa kong humakbang palapit sa kanya. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng paglilinaw tungkol sa natanggap kong DNA test, hinding-hindi ako makipagkita sa kanya.“Anong gusto mong pag-usapan?” diretso kong tanong nang makalapit ako sa table.“Reynan…” Tumayo siya, nag-aalangang ngumiti. “Umupo ka…ipag-o-oder kita.”“No…don’t bother. Hindi ako na rito para makasama kang magkape,” malamig kong sagot na ikinatiim ng labi niya. But still, umupo ako. “Ano ang kailangan mo?” tanong ko ulit na sumabay din sa pag-upo niya at muling humawak sa tasa ng kape."Reynan, sorry kung naabala man kita...hindi ko talaga gustong kontakin ka o isturbuhin ka, pero kasi…" Napakunot ang noo ko, at pahapyaw na tumawa. Siya na ang pinaka-ipokretang bab