Share

Chapter 8

"Hey." Napalingon si Samantha kay Georgina na ngayon ay nakaupo na sa tabi niya. "No class?"

Nasa canteen sila ngayon at dahil wala ang prof niya sa first period ay na pag-pasyahan niyang dito na lang muna pumunta. Nagugutom din siya dahil hindi siya nakapag almusal kanina.

Hindi siya nakatulog buong magdamag kakaisip sa napag usapan nila ni Jared. Nagkasundo kasi sila na bibigyan niya ng pagkakataon ang binata. 'Isang buwan.' Sa isang buong buwan ay liligawan siya ng lalaki.

Sa totoo lang ay hindi niya alam kung tama ba ang naging desisyon niya. Dapat niya ba talagang pagbigyan si Jared? Naiisip niya na baka lalo lang nitong paguluhin ang buhay niyang magulo na. At paano kung masaktan lang siya sa huli? Alam niyang mag kaiba ang estado ng buhay nila ni Jared at masyadong maimplowensya ang tatay nito. Paano na siya?

'Manliligaw pa lang si Jared. Ang layo na nang narating ng utak ko.' ipinilig niya ang ulo sa naisip.

Umiling siya. "Wala yung prof namin sa first period kaya pumunta
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status