Share

Chapter 9

ABALANG nag aayos ng gamit si Samantha ng araw na iyon. Naghahanda siya dahil uuwi siya bukas sa probinsya upang bisitahin ang mama niya. Matagal tagal na din niyang hindi ito nakikita. Mag iisang taon na rin, dahil naging busy siya sa pag aaral pero kahit naman ganun ay hindi siya nagpapabaya rito. Lagi pa rin niya itong kinakamusta sa telepono at pinadadalhan ng pera pag may sobra siya. Sana ay nasa maayos itong kalagayan. Sana ay hindi na rin ito binububog ng amain niya.

Maya maya ay tumunog ang cellphone niya hudyat na may nag text sa kanya. Agad naman niya iyong dinampot upang tingnan kung sino ang nagtext sa kanya.

Nang makita kung sino ito ay agad siyang napangiti. Si Jared pala iyon.

'From: My Loving Jared

Busy ka ba? Bakit hindi ka nagte-text? Kanina pa ako text ng text sayo hindi ka nagrereply? Hindi mo na babako mahal?'

Natawa siya habang binabasa ang text nito. Mansan ay hindi niya alam kung maiinis ba o matutuwa sa inaasal nito. Sino bang mag aakala na ang tinaguriang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status