Share

CHAPTER 5

Halos idikit ko ang sarili ko sa malamig na pader ng elevator dahil sa patuloy na paglapit niya sa akin, tutungo sana ako ngunit pinigilan niya ang mukha ko gamit ang daliri niya kaya naman ngayon ay kita ko ang pagtindi ng kulay sa mga mata niya.

"Answer me Jillian," matigas niyang bulong sa akin.

"S-Sir ano po'ng i-isasagot k-ko ba?" nauutal kong sambit, dahil lumilipad ang isip ko ay hindi ko na rin masundan ang sinasabi niya. Nalipat ang tingin ko sa mga labi niyang nakabukas at halos isang dangkal na lang ang layo sa akin. Mabuti na lang at nakakapit ako sa barandilya dahil kung hindi ay baka matumba na lang ako gawa ng panghihina ng mga tuhod ko, "Sir!"

Hinapit niya ako palapit sa kanya hanggang sa ang mga labi namin ay magkadikit na, tumigil ako sa paghinga at maging ang puso ko pakiramdam ko ay huminto sa pagtibok nang magsalita siya mismo sa labi ko.

"Just say, 'Yes Master' then I'll let you go Jill..." he uttered in his natural raspy voice, his minty breath with a hint of cigarettes smells nice to him.

He's taunting my lips... at ako naman itong dalahira na parang nabibitin sa ginagawa niya at gustong magpahalik! Gusto kong umatras ngunit parang may sariling buhay ang katawan ko na mas nag-eenjoy sa pagkakalapit namin.

"I won't stop this until you say what I want to hear Jillian, do you want people to see us like this?" bulong niyang muli sa labi ko, napapikit ako dahil sa sensasyong nararamdaman.

Narinig ko ang pagtunog ng elevator kaya bigla akong napamulat at itinutulak siya ngunit para siyang taong bato dahil ni hindi siya gumagalaw man lang.

Tototohanin niya talagang ipakita sa ibang tao ang itsura namin ngayon! Hindi na ako nag-isip pa at mabilis na sumagot, "Yes Master!" pigil hininga kong sagot bago bumukas nang tuluyan ang pinto at pumasok ang mga empleyado.

"Good girl," mabilis siyang lumipat sa tabi ko ngunit hindi nakaligtas sa akin ang ngisi sa mga labi niya. This devil is enjoying this! He's making fun of me!

Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ko at napatingala, ang ilang empleyado ng SMC ay napapatingin sa amin. Bumalik na rin sa expressionless na mukha si Max na talagang katatakutan ng mga ito.

Nang makalabas ng elevator ay mabilis ang mga hakbang ko patungo sa parking lot. Hangga't maaari ay gusto kong lumayo sa kanya, hindi ko nagugustuhan ang reaksyon ng katawan ko sa kanya.

Nang makasakay kaming muli sa sasakyan niya ay nagpanggap akong tulog, pinakikiramdaman ko ang mga kilos niya at napansin na mukhang hindi na ako lalapitan nito.

Sa aking pagpikit ay parang nararamdaman ko pa ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang mga labi namin. Ang mga kamay niyang sumasalo sa pang-upo ko ay parang natural na bagay lang para sa kanya.

Naisip ko lang... kapag ba ikinasal kami, kailangan ko bang ibigay ang sarili ko sa kanya? Ilang buwan lang naman ang usapan namin hindi ba? Siguro naman ay hindi siya yung klase ng namimilit...

Marahang tapik ang nagpadilat sa akin, nag-angat agad ako ng likod at nakitang nasa parking lot na kaming muli ng Lopez Inc. Bababa na sana ako nang pigilan niya ang braso ko at hatakin palapit sa kanya.

Lumapit siya sa akin na tulad kanina, inilapit niyang muli ang mukha niya ngunit hindi katulad kanina na halos magkapalit kami.

"You still have seatbelt on Ms. Alfonso," bulong niya saka lumayo sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang makalas niya ang seatbelt, hindi na ako nagpapigil muli at nagmamadaling tumakbo na ako pabalik sa opisina.

Hindi na umakyat pa si Max sa building at sinabing may meeting pa ito kay Kyler Salvador, isang sikat na artista at car enthusiast. Mayroon itong showrooms para sa mga ibinebentang mga sasakyan na ang parts ay mula pa sa ibang bansa.

Kaibigan ito ni Maximillian at miyembro din ng Young CEO's Club, samahan ito ng mga batang bilyonaryo at puro mga CEO at executives ng mga kumpanya ang miyembro. Kabilang na roon si Maximillian Lopez na isa sa co-founders niyon.

Ang dating boss ko na si Serena Valerie Lopez ay miyembro rin niyon na pinamumunuan ng dati nitong asawa na si Calvin Sanders.

Maghapon akong hindi mapakali at parang gusto ko nang umuwi, unang araw ko pa lang na nakakasama si Maximillian ay parang ang dami nang nangyari sa buhay ko. Paano pa sa mga susunod na araw? Hindi ba nagpapadalos-dalos lang ako sa pagpayag sa kagustuhan niya? Handa ba akong pumasok sa isang sitwasyon na tulad niyon?

Hanggang sa makauwi ay iniisip ko kung dapat ko bang tawagan si Max at bawiin ang pagpayag ko. Hangga't maaari ay ayaw kong linlangin ang mga taong tumulong sa pamilya ko, higit sa akin.

Halos sabunutan ko ang sarili at paikot-ikot ako sa higaan dahil hindi ako makatulog sa dami ng iniisip ko. Nandiyan ang dumapa ako, tumagilid, itinaas ang paa sa headboard, at saka tumihaya habang nasa tiyan ang mga kamay ko. Napatitig ako sa kisame ng kuwarto, nang maalala ang eksena namin ni Maximillian sa elevator kanina ay may kakaibang nabubuhay sa pagkatao ko.

Naalala ko ang mabango niyang hininga, ang malalambot niyang labi ang asul niyang mga mata na nirarahuyo ako. Ipinilig ko ang ulo at muling sinabunutan ang sarili ko.

"Tama na! Ayoko na! Umalis ka na sa isip ko!" sumipa ako ng ilang ulit at parang bulate na nagkakakawag sa kama dahil sa inis.

Nang makaramdam ng pagod ay muli akong napatitig sa kawalan, "Tama bang pumayag ako? Magiging maayos nga ba talaga ang buhay ko, o magugulo lang ang mundo ko?"

Iyon ang huling tanong sa isip ko bago ako tuluyang nilamon ng antok.

Araw araw ay kasama ako ng bago kong amo sa mga meeting niya. Ang lahat ng naiwang trabaho ni Serena ay mabilis niyang tinapos. Ilang araw na rin ang nakalipas mula nang hingiin niya sa akin ang ilang dokumento at identifications ko para umano sa 'kasal' namin. Wala pa akong naririnig na kahit ano mula sa kanya tungkol do'n kaya naman tuloy lamang ako sa trabaho.

"Hi Jill," napaangat ang tingin ko sa lalaking bumati sa akin. Nang makita ito ay gustong umikot ng mga mata ko.

"Yes?" malamig kong tanong kay Joe na mula sa purchasing department.

Manhid yata ang isang ito at hindi pinansin ang matatalas kong tingin, bagkus ay umupo pa ito sa lamesa ko at feeling close na yumukod. Agad akong umatras nang ilang pulgada na lamang ang pagitan ng mga mukha namin.

Natawa ito nang mas lalong lumalim ang mga gatla sa noo ko.

"Bakit ba masyado kang mailap Jillian? Wala ka namang boyfriend na magseselos kung ligawan kita 'di ba?" nakangising tanong nito.

Hindi makapaniwalang tinitigan ko ito, naririnig niya ba ang sarili niya? Nakalimutan niya yata kung sino ang kausap niya. Oo at guwapo ito, marami ring mga kababaihan dito angnahumaling sa kanya dahil isa siya sa may pinakaguwapong mukha sa kumpanya, ngunit ni minsan ay hindi ko pinansin ang mga pagpapalipad-hangin nito. May pagkamahangin at hambog kasi ito na mga ugaling 'red flag' para sa'kin.

"Go back to your office Mr. Cabrera. Nagsasayang ka lang ng oras, hindi ako interesado," tugon ko rito at muling ibinalik ang tingin sa laptop ko. Maraming trabahong iniwan kanina si Maximillian dahil may kailangan umano itong asikasuhin sa negosyo ng kanyang ina.

Tumawa ng nakakaloko ang lalaki at napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko at inilapit ako sa kanya, "Masyado kang pakipot, baka isang umaga magulat ka na lang sinasamba mo na 'ko," mayabang na turan nito.

Naiinis na pilit kong pinapalis ang mga kamay niya ngunit ayaw niya akong bitawan, "Ano ba?" sikmat ko rito ngunit mas lalo niya lamang diniinan ang pagkakahawak niya sa'kin, "Kapag hindi mo ko binitawan magpapatawag ako ng mga guwardiya Joe!"

"Ano ba'ng inaaya-" hindi na niya nagawang tapusin pa ang sasabihin niya nang may biglang umagaw ng kamay ko mula sa kanya.

Napatingin ako sa kararating lang na si Maximillian, gustong manginig ng tuhod ko sa kaba nang makita ang madilim na ekspresyon sa mukha nito. Napamaang din si Joe nang mismong big boss ang pumigil sa kanya.

"S-sir-"

"What's your name?" malamig na tanong ni Max dito.

"B-boss-" pigil ko rito ngunit agad na sumagot si Joe na hindi nag-iisip.

"Joe Cabrera Sir," matapang na sagot nito. Gusto kong dagukan ito ngayon dahil hindi makaramdam sa reaksyong ipinapakita ng boss namin.

"Okay Mr. Cabrera, you're fired," walang buhay na turan ni Max na nagpalaki ng mga mata ko.

Nalaglag ang panga ng lalaki at hindi makapaniwalang nakatingin kay Max, "B-but Sir-"

"I won't tolerate employees who don't respect their co-workers," tuloy ni Max na hindi binibitawan ang kamay ko. Inilabas ni Max ang cellphone niya at may tinawagan doon, "Come here at my office, now."

"Sir Maximillian w-wait."

"Huwag ka nang lalapit kay Jillian you understand? If a woman says no, then no."

Dumating ang dalawang tauhan ni Maximillian at inilayo na si Joe mula sa amin. Hindi pa ako nakakahuma sa bilis ng mga pangyayari, naramdaman ko na lamang na hinatak ako ni Maximillian papasok sa opisina niya at agad na sinuri ang mga braso ko.

"Damn that rat!" he hissed in irritation when he saw that both of my wrist is with hand marks, "Did he hurt you?"

Napatingala ako sa kanya at nagkasalubong ang mga mata namin, nabakas ko ang inis at pag-aalala sa mga mata niya. Am I hallucinating? Maximillian Lopez is worried about me?

"I-I'm fine boss..."

"Sabihin mo sa'kin kapag ginulo ka pa ng lalaking 'yon. No one messes with a Lopez," tumalim muli ang mga mata niya at napahinga ng malalim. Lumapit siya sa lamesa niya at umupo sa swivel chair. Naiwan ajkong nakatayo na parang tuod habang naghihintay ng sasabihin niya.

Nang tumingin siyang muli sa akin ay wala na ang galit sa mga mata niya, seryoso at walang buhay na ang mga iyon.

"Pack your things, we're getting married tomorrow."

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
O napabilis tuloy ang kasal nyp ng dhl sa nangyari...ang lupeeet mo max...thanks Ms.A
goodnovel comment avatar
Filipinas Caluza
Ang bangis Ng mga moves mo papa max,,ayiii, thank you author ...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status