Share

CHAPTER 2

"The meeting is adjourned, you may go back to your respective offices," malamig na turan ng bagong COO na si Maximillian, katabi niya si Don Fabian at ang kapatid niyang si Coraline na kabaliktaran niya dahil malapad ang pagkakangiti nito sa lahat.

Dinampot ko na ang folder at planner ko, si Candice ay tinapos lang ang minutes ng meeting at bumalik na sa opisina namin. Palabas na ako ng pinto nang may tumawag sa akin. Paglingon ko ay napangiti ako nang mapagsino ko ito.

"Jillian hija!" Lumapit sa akin si Mr. Aries Kale Lopez, ang panganay na anak nina Donya Elvira at Don Fabian, ama ni Maximillian. Niyakap niya ako na ikinabigla ko, nakita ko naman ang paglingon ng ilang opisyal ng kumpanya sa iginawi ng isa sa mga big boss dahil sino ba naman ako? Isang hamak na sekretarya lang tapos ay niyakap ng may-ari?

"It's so good to see you again Jill! Palagi kang ikinukwento nitong si Cora sa amin. How are you?" nakangiting salubong sa akin ng asawa ni Tito Kale na si Tita Naya.

Ngumiti ako at hinarap na sila, "G-good morning Ms. Naya."

Lumapit din si Coraline at niyakap ako, "Missed you Jill! Hindi ka sumama sa hang-out last night ang daya mo!" nagtatampong turan nito.

"Pasensya ka na, masama lang ang pakiramdam ko nitong mga nakaraan kaya hindi ako nakakasama. Ilang araw na rin wala si Ms. Serena kaya kailangan ko talagang mag-focus ngayon," nahihiya kong tugon.

Niyakap ako ni Tita Naya at hinagod ang buhok ko, "You poor child, when was the last time you went to our house? Mula nang mawala ang Papa mo hindi mo na kami dinalaw..." she pouted and look sad, I was shocked but I still smiled at her.

"My wife is right, just because Julian have died doesn't mean you can't come in our house. You are also a family so you are always welcome hija," nakangiting saad ni Tito Kale habang ka-akbay ang asawa.

Warmth is embracing my heart. Kale Lopez and my late father Julian Alfonso are the best of friends. Dating bodyguard ni Tito Kale ang Papa ko at hindi itinuring na iba. Noong nakidnap umano si Tito Kale habang nag-aaral pa ito ay si Papa ang nakahanap at nagligtas dito kaya naman hindi rin pinabayaan nito si Papa.

Maaga akong naulila sa ina dahil sa sakit nitong breast cancer, anim na taon pa lamang ako nang mamatay si Mama kaya naman si Papa ang mag-isang nagtaguyod sa akin. We had a peaceful life, katulong ang Lola ko ay napalaki ako ni Papa ng maayos at napag-aral sa magandang eskuwelahan, sa tulong na rin ng mga Lopez.

"Nakakahiya po Mr. Lopez..." 

"Jillian hija it's Tito Kale remember? Anyways we'll see you again okay? If you need anything don't hesitate to call us okay?"

Hinawakan ni Tita Naya ang dalawang kamay ko, "We're having a family dinner this coming Saturday Jillian, can you come? I'll be happy to see you there..." pag-aya naman ni Tita Naya na ikinabigla ko, kumawit sa braso ko si Cora at nauna nang sumagot sa akin.

"She'll come Mommy, akong bahala!" napayuko naman ako nang hawakan ni Tita Naya ang mga kamay ko.

"You are family Jillian don't forget that," hinalikan niya ako sa pisngi at lumabas na silang mag-asawa.

Iniharap ako ni Cora sa kanya, "Ayan ha pupunta ka! Susunduin kita by 6pm okay?" 

Kahit nagdadalawang-isip ay tumango ako. Lumabas na kami ng conference room nang may tumikhim sa likod namin. Paglingon ay ang nakakunot-noong Maximillian ang nakita namin.

"You were all so busy talking that you forgot about me," he said coldly while looking intently at me.

"Malaki ka na kuya hindi na namin kailangan alalayan ka pa," balewalang sagot ni Cora na lalong nagpalalim sa gatla sa noo ng kapatid. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Ms. Alfonso to my office now," utos nito sa akin at nauna nang naglakad papunta sa executive floor.

"Kapag may ginawa o sinabi si Kuya Max sa'yo sabihin mo sa'kin ah? Reresbakan natin 'yang lalaking 'yan!" itinaas pa ni Cora ang braso niya na akala mo talaga kaya niyang lumaban sa kapatid niyang mukhang rebulto sa tigas.

Nagtawanan na lang kami at bumalik sa opisina. Pagdating sa opisina ni Maximillian ay nakasimangot siya ngunit wala naman siyang ibang sinabi sa akin kundi humingi lang ng update sa naiwang trabaho ni Serena.

Pagkatapos noon ay nanatili na siya sa opisina niya maghapon at hindi na lumabas kahit pa noong tanghalian. Nauna nang umuwi si Candice dahil may date sila ng boyfriend niya, pauwi na rin sana ako pero tumanaw pa ulit ako sa nakapinid na pinto bago lumabas.

Paglabas ng building ay nagtatakbuhan ang mga empleyado at ilan pang tao dahil sa malakas na buhos ng ulan. Napalatak naman ako dahil wala akong dalang payong, maaraw kasi kanina kaya tinamad akong isiksik pa sa bag ko. Tumingin ako sa relos ko at nakitang halos alas-siyete na rin pala, hihintayin ko na lang tumila ang ulan.

Kinse minutos na akong naghihintay na tumila ang ulan pero mas lalo lang yata 'yon lumakas, "Langya naman kapag minamalas ka talaga! Bakit mo kasi kinalimutan yung payong Jillian?" bulyaw ko sa sarili ko.

Tatakbo na sana ako pabalik sa Lopez building nang may humintong magarang sasakyan sa harap ko. Nagulat man ay hindi ko na pinansin, baka may hinihintay lang ito o baka carpool ito.

Tumingin ako sa malayo at iniisip ang buhay ko nang sunod sunod na bumusina ang sasakyan kasabay ng pagbaba ng salamin nito. Napasilip ako ng kaunti at napanganga ako nang makitang si Maximillian pala ito.

"Damn you woman are you gonna let me wait? Hop in ihahatid na kita," pagalit na turan nito.

"P-po? Naku Sir hindi na po kaya ko na po maghinta-"

"I doubt you can go home before 10pm so if I were you I won't waste any time and just accept the offer. Or whatever! Bahala ka," nag-umpisa na siyang magmaneho nang tuktukin ko ang sasakyan niya.

"What?" masungit na tanong nito.

"I'll accept your offer," nahihiya kong sagot pero binuksan ko na ang pinto. Hindi na ako aarte pa dahil masakit na talaga ang mga paa ko sa pagtayo.

"Where to?"

"Blue Crescent Hills," deretso kong sagot at sa harap lang nakatingin. Tahimik lang kami sa biyahe hindi ko rin gustong magsalita dahil kilala ang lalaking ito na hindi masalita. Nakamasid lang ako sa bintana nang pumailanlang ang kantang Love Me Like You Do ni Ellie Goulding, yung theme song ng Fifty Shades...

Ewan ko pero kumabog bigla ang dibdib ko, hindi ko kabisado ang kantang 'to pero madalas 'tong patugtugin kapag naglalandian yung mga bida dun sa palabas. Gusto kong matawa dahil nakikinig ng mga ganitong kanta ang lalaking 'to?

Hindi ko sinasadyang mapalingon sa gawi ng driver's seat at napansin kong gumagalaw ng marahan ang ulo niya, sinasabayan yata ng lekat na 'to ang tugtog. Bukod sa pagtawa ay may iba pa akong nararamdamang aura sa loob ng sasakyan, aura na alam kong sa aming dalawa nanggagaling.

'Tigilan mo na ang pag-iisip mo Jillian, huwag kang ilusyonada. Lopez 'yan, hindi tumitingin 'yan sa mga katulad natin kaya ibahin mo ang takbo ng isip mo,' pananaway ko sarili ko dahil tamang ilusyon ako na may 'something in the air' sa amin ngayon.

Ang mga sumunod na kanta ay tamang relax na lang, sakto lang sa malamig na panahon kaya parang bumibigat ang mga mata ko. 

Marahang tapik sa braso ko ang nagpagising sa'kin, napatingin ako sa labas at nagulat na nasa tapat na ako ng bahay ko. Napansin ko na salubong nanaman ang kilay ng lalaki nang mapatingin ako sa kanya.

"S-sorry nakatulog pala ako, thank you sa paghatid Sir Maximillian ingat ka po," wika ko bago bumaba ng sasakyan. Mabilis niyang pinaharurot iyon na parang madaling-madalinna makalayo sa akin.

Naligo na ako at naghanda para matulog, pero bago ako pumikit ay naglalaro pa sa isip ko ang mukha ng bagong boss ko.

"Guwapo ka sana kung marunong ka lang ngumiti..."

MAXIMILLIAN

It's been fifteen minutes but this snoring woman is still sleeping, hindi ko naman maatim gisingin dahil ang sarap ng hilik niya.

Mabuti na lang at nakasukbit pa sa kanya ang company ID niya kaya naman nalaman ko ang exact location ng bahay niya.

I was staring at her face when my phone rang, I saw that my Dad is calling so I answered it immediately.

"Dad,"

"Can you come home tonight? Your Mom and I need to tell you something,"

Kinabahan ako dahil seryoso ang boses niya, muli akong napatingin sa mukha ng babae bago huminga ng malalim. Alam ko na kung anong gustong sabihin ng mga magulang ko.

"If this is about mar-"

"You will do it Fox, whether you like it or not. We're aging fast anak so it's just natural that we'll want to have grandchildren."

"Akala ko ba tapos na tayo sa usapang 'to? Why bring this up again? I told you I don't wanna marry Lorraine and I will never marry anyone," I said while gritting my teeth. This conversation is getting into my nerves and my Dad knows it, he's pushing my limits.

"I've found the right woman for you Fox, believe me when I say that I will never give you a cent if you won't grant our wish,"

"I'll talk to you when I get there," mabilis kong ibinaba ang tawag dahil ayoko nang marinig ang iba pang sasabihin niya.

Ginising ko na ang babae at mabilis na pinatakbo ang sasakyan pauwi sa mansyon ng mga magulang ko.

"Fox anak I'm happy you came in short notice!" nakangiting salubong ni Mommy sa'kin. H*****k ako sa pisngi niya at tinanong kung nasaan si Dad.

"I'm here Maximillian, and please excercise your face mas mukha pa akong bata kesa sa'yo," he said while smirking. Tama naman din siya, sa edad niyang singkuwenta ay mas mukha siyang bata kaysa sa akin dahil sa magaan at palangiti niyang personalidad.

"Why did you call me here? Where's Cora?"

"She's at Selene's house right now, she don't wanna leave Yna so she said she'll have a sleep over there. And please, kumain muna tayo I'm starving," inakbayan niya ako at sabay na kaming pumasok sa komedor.

Inilapag na ni Mommy ang Kani Salad na paborito ko at umupo na sa tabi ni Dad at kaharap ko.

"I miss having you here for dinner Fox. Please visit us more often," lumambot naman ang puso ko para kay Mommy na kahit kuwarenta'y-siyete na ay iisipin mong nasa treinta pa lang ang edad dahil hindi tumatanda ang itsura.

"I'll try Mom, you know how busy I was with Tierra Queens, now I'm also handling Lopez Inc." ang Tierra Queens ay ang rancho ng pamilya ni Mommy sa Ilocos. Nag-eexport sila ng magagandang klase ng meat at ibinebenta sa merkado tulad ng negosyo ni Tito Claude Veracruz. Mayroon ding mga Bed and Breakfast doon ang pamilya Queens hanggang Batanes maging sa Isabela.

"Relax sometimes anak, malapit ka nang mag-treinta dapat ngayon pa lang naghahanap ka na ng mapapangasawa mo," wika niya bago napatangin kay Dad. I just knew this will happen, at tulad ng sinabi ko kay Daddy kanina ay wala akong balak mag-asawa.

Kailangan ko pang bantayan ang mga pinsan kong babae lalo na ang kapatid ko at magagawa ko lang 'yon kung walang babaeng mapapaugnay sa akin.

I hate commitments, they'll just give me headaches, at ayokong matali pa dahil marami pa akong gustong i-explore sa buhay ko.

And I doubt if the woman I'll marry can keep up with my bed preference. Iilang babae pa lang ang nakaya ang taste ko pagdating sa kama at hindi pa sila lalagpas sa lima. Yeah, I'm that meticulous.

"Are you listening to me Maximillian Fox?" untag ni Mommy na nagpa-angat ng tingin ko sa kanilang dalawa. I sighed deeply before asking.

"Who is she?" tanong ko na ikinangisi ni Dad, alam kong iyon ang dahilan ng pagpunta ko rito kaya hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.

"Jillian Alfonso."

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
thanks Ms.A
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
lagot ka ngaun Max, kay Jillian ka pla ipakakasal.....
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status