Share

CHAPTER 4

Napipilan ako at napasinghap, "P-po?"

"I hate repeating myself Ms. Alfonso, that's one thing you need to remember about me especially we're getting married. Let's say, next Monday?" napatingin pa ito sa kalendaryo kong nakapatong sa lamesa.

Ganito ba talaga mag-alok ng kasal ang mga mayayaman? Para ka lang inayang tumambay sa kanto tapos inom kayong softdrinks? Parang gano'n ang dating eh!

Pangarap ko pa namang magkaroon ng nakakakilig at hindi malilimutang proposal katulad ng mga napapanood ko online. Pero lahat ng pangarap ko ay sinira ng lalaking mala-bato na ito...

"You've been stagnant for the last three minutes Ms. Alfonso, I need your answer right now. And FYI, I don't take NO for an answer," he's tapping his fingers in his chin while I'm still shocked, looking like an idiot still processing what he just said.

"Time is running Ms. Alfonso," he looked at his watch and tilt his head a little while staring at me. I gulped so many times that I feel like I've lost my saliva.

"But Sir-" hindi niya ko pinatapos at muling nagsalita.

"We'll both benefit from this Jillian. We just need to be married for a few months then after that I can help you start over at Switzerland, isn't it your parent's dream country?" taas-kilay na alok nito na nakapagpaumid ng dila ko.

Naguguluhang napatitig ako sa kanya, "H-how..."

"You don't need to know how, so what's your answer?"

Nakatitig ako sa asul niyang mga mata na parang hinihipnotismo ako at sinasabing wala akong ibang choice kundi pumayag.

Wala sa sariling napatango na lamang ako at nakita kong ngumisi siya ng maliit.

"We'll fly on Monday and will stay in the US for a few days. Don't worry about anything, I will arrange everything we need including he expenses, all you need to do is prepare your passport. Be ready before the meeting at 1pm," dire-diretsong turan nito na hindi na ako binigyan pa ng pagkakataon na magbago ang isip.

Nagpapanic ako ngunit wala akong masabihan kaya't hindi ako makapag-focus sa trabaho ko. Nang dumating si Candice ay hindi ako umimik at nakatulala lamang sa harap ng computer ko.

Ang ilang reports na ipinasa ng ibang departamento ay naipon sa lamesa ko dahil nag-aalangan akong pumasok sa loob. Si Candice ay isinama ni Ms. Selene sa isang meeting niya kaya naman wala akong choice kung hindi ipasok ito sa loob.

I knocked three times then I heard him say "come in" so I hastily opened the door, "S-Sir these are the reports from Finance, HR, and the Marketing," alanganin kong turan at nakitang hindi ito tumitingin sa akin at busy lang sa pagsusulat.

Nakasuot ito ng salamin habang ang ilang buhok ay tumatabing sa kanyang mukha, "Put it down on my table Ms. Alfonso. Take your lunch so we can go out to meet with Sage Salvatorre," tumango na lamang ako saka lumabas na muli ng opisina niya.

Tumungo ako sa coffee shop sa tapat ng Lopez Inc. at doon ay umorder lamang ng truffle pasta at crunchy caramel frappe. Wala akong gana kaya baka hindi ko rin masikmura ang kanin.

Hindi mawala sa isip ko ang alok ng bagong boss ko na pinakakakaiba sa magpipinsang Lopez. Si Mace Lopez Veracruz ay cold billionaire rin ngunit mas ruthless at mas masungit ang boss ko.

Ako? Pakakasalan niya? At ang kapalit ay maninirahan ako sa Switzerland? Hindi naman masama ang offer ngunit... para naming niloloko ang pamilya niya kapag gano'n.

Hindi ko naubos ang pagkain ko at bumalik na sa opisina bitbit ang natira kong frappe, inasikaso ko ang folders na dadalhin namin sa opisina ni Sage Viper Salvatorre, CEO ng Salvatorre Multi-Corp.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina at iniluwa niyon si Maximillian na nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng pantalon, walang emosyon ang mukha nito at hindi ko kayang basahin ang laman ng isip niya.

Napalunok ako nang lumakad siya palapit sa akin, nanghihina ang tuhod ko sa bawat hakbang na ginagawa niya. Nang huminto siya sa harap ko ay naiwang nakaawang ang labi ko habang nakatingala ako sa kanya.

Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko at napansin ko ang pagtalim ng tingin niya, tumikhim siya ng malakas kaya nagising ako mula sa pagkakatulala. Ngumisi siya habang hindi inaalis ang tingin sa akin, "You should get used to our closeness Jillian, baka hindi maniwala ang mga magulang ko na sincere ang pagpapakasal natin na 'to. Remember, you need to cooperate with me if you want your parent's dream to happen."

Matagal kaming nagtagisan ng tingin bago ako sumusukong tumango habang umaatras, "I-I will S-Sir..."

"Stop calling me 'Sir' if we're together para masanay ka, Fox... call me Fox then we're good," he speak in his business tone, but a little raspy that sends shiver down my spine. I nodded absent-mindedly.

"Let' go Ms. Alfonso, hindi ako sanay ma-late sa meeting," naglakad na siya palabas ng opisina habang naiwan akong natigagal. Kung hindi siya kumatok sa glass panel ay hindi ko magagawang kumilos, nagmadali akong sumunod sa malalaking hakbang niya.

Nang makarating sa parking lot ay nakita kong naka-abang na siya sa gilid ng sasakyan, ikiniling niya ang ulo niya at iminuwestra ang passenger seat. Muli akong napalunok at kinabahan dahil mapag-iisa nanaman kami sa sasakyan niya.

Hindi ko maintindihan ngunit kapag magkalapit kami ay malakas ang hatak niya sa akin na para bang... gusto kong magpayakap sa kanya. Ipinilig ko ang ulo ko dahil kung anu ano nanaman ang pumapasok sa isip ko.

Lumakad ako ng mabilis at muntik nang matalisod, sa sobrang kaba ko ay hindi ko napansin na may madadaanan akong butas. Diretso lang ang tingin ko at nang malapit na ako ay sumabit ang suot kong hills sa butas, napapikit ako at inihanda ang braso sa pagbagsak ko ngunit may malalakas na brasong sumalo sa akin.

Agad akong dumilat at tumingala, nasumpungan ko ang mukha ni Maximillian na salubong ang kilay habang mabilis ang tibok ng puso.

"S-Sorry Sir-"

"Next time pay attention to your surroundings Ms. Alfonso, paano kung wala ako rito?" masungit na sikmat nito, hindi na ako sumagot at napatungo na lang. Itinutulak ko na siya upang lumakad na akong mag-isa ngunit inalalayan niya ako, "Let me help you walk."

Napatingala akong muli sa kanya, 'may itinatago naman palang kabaitan ang isang 'to, kala ko puro sungit lang ang laman ng katawan nito.'

Tahimik lang kami sa biyahe at kalma lang din ang tugtog sa sasakyan, wala pang sampung minuto ay narating namin ang SMC building. Mabilis siyang umibis ng sasakyan at nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pinto.

'Wow... gentleman naman pala,' bulong ng isip ko. Bumaba na rin ako habang inaalalayan niya ako at umakyat kami sa top floor kung nasaan ang opisina ni Sage Salvatorre.

"Hola Max!" salubong ng isa sa mga sikat na bachelor ng bansa. Ani ng mga kababaihan si Sage ay isa sa mga anak ni Zeus dahil sa taglay na kaguwapuhan na parang diyos sa Olympus. Ngunit para sa akin ay isa lamang siya sa mayayamang babaero tulad ni Calvin Sanders!

"Wow Ms. Alfonso mabuti at hindi ka pa nagreresign?"

"I just can't leave my job Sir especially that Ms. Serena is not around,"

Napahawak ito sa baba niya habang tumatango at napatingin kay Maximillian, "I hope you can keep up to this beast," he look at my boss playfully.

"Shut it Salvatorre. She's my fiancée so she really need to keep up with me, right babe?" he turned to me sweetly like he's the most sweetest guy ever, but I know better.

Sabay kaming nanlaki ang mga mata ni Sage sa sinabi niya, muntik akong malaglag sa kinauupuan ko habang si Sage ay napanganga habang nakatingin sa kanya.

"Did I hear it right? Y-you're getting married?" hindi makapaniwalang tanong ni Sage habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa amin ni Max.

Ang lalaking bato naman ay tumango lang habang binubuksan ang laptop niya at iniharap iyon kay Sage na hindi pa rin makahuma sa sinabi ng kaibigan. Muli niya akong tiningnan at ang mga mata niya ay parang tinatanong ako ng, 'are you sure?'

Ngumiti lang ako ng pilit at umupo na sa couch sa likod ni Maximillian, nag-umpisa na sila sa meeting habang ako ay nakikinig lang at isinusulat ang mga pinag-uusapan nila maging ang mga napagkakasunduan nila para sa project na pagsasamahan ng SMC at Lopez Inc.

Pakiramdam ko ay hindi makapag-focus si Sage dahil maya't maya ay napapailing ito kapag napapatingin siya sa akin. Sa kanyang itsura ay parang gusto ko nang magback out sa usapan namin ni Maximillian.

"Thanks for listening Sage," my boss talked sarcastically, "And please... stop staring at my fiancée, she's getting uncomfortable," Max uttered coldly and get up then got out of Mr. Salvatorre's office.

Inimis ko na ang mga files na hawak ko at akmang lalabas na nang magsalita si Sage, "Think about it thoroughly Ms. Alfonso, I know I'm not in the position to tell you this and I shouldn't care but..." binitin niya ag anumang sasabihin saka huminga ng malalim, "Just take care of yourself okay? And if Max..."

Hindi nito maituloy ang sasabihin at bakas ang pag-aalala sa mga mata, ano ba'ng meron kay Maximillian at parang natatakot siya para sa buhay ko?

"Anyways, I know you'll be fine. If you need anything, everyone in our club will be happy to help you," may iniabot itong tarheta sa akin nang tumayo ito at inipit sa kamay ko.

Nabasa ko roon ang pangalan niya at pangalan ng isa pang kaibigan nila na si Hunter Saavedra. Tumango na lamang ako at mabilis na sumunod sa amo ko, siguradong nakasimangot nanaman ito ngayon kaya halos takbuhin ko ang elevator.

Naabutan ko siyang nakasandal sa gilid ng elevator habang nakakiling ang ulo at nakatitig sa akin, malamig ang mga tingin niya na nagpalunok sa akin ng ilang beses. Pinindot niya ang button ng elevator na hindi inaalis ang tingin sa akin, inipit ko ang card na ibinigay ni Sage at nakita kong napatingin siya roon bago ako muling tinitigan ng matiim.

'Galit ba siya? Pero bakit naman siya magagalit wala naman akong ginawa ah? Bakit ba ang tagal ng elevator? Para na akong matutumba rito oh!'

Nang bumukas ang elevator ay iminuwestra niya ang kamay at pinauna ako, nag-aalangan man at kahit nanghihina ay lumakad ako patungo roon at isinandal ang sarili ko sa dulo.

Pumasok si Max at pinindot ang close button, nakatitig pa rin siya sa akin at nang sumara ang pinto ay parang kidlat sa bilis siyang nakalapit sa akin at mas ipininid ako sa elevator.

Nakatungo siya sa akin habang ako ay nakatingala at kinakabahang nakatingin sa kanya.

"S-Sir..." I uttered breathlessly, I'm astounded when he suddenly grabs the card that I was tryin to hide in my tablet.

Ipinakita niya sa akin ang nakuhang card at sa nagngangalit na bagang ay nagtanong, "Bakit ka binigyan ni Sage nito?"

"H-hindi ko alam-"

"Another thing you need to learn about me Jillian, I hate sharing my woman. You're marrying me and whether you like it or not, you can't talk to any other man privately except me. You understand?"

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
ay wow max, hnd pa man hinihigpitan mo na c jillian ,e wla nmang 'kau' simula pa lng....db nga force marriage ang peg nyo.....thanks author
goodnovel comment avatar
Filipinas Caluza
grabe ka max,taong bato talaga......... thanks author ...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status