Share

Chapter 9

"Owemjiiii!!" 

Sigaw pa ni Raf nang makita ang lalaking kadarating lang, nilingunan naman ito ni Amy at Leo.

"And why are you here Nathan?"

Tanong pa ni Leo na parang nagtatanong lang sa isang kapatid dahil sa tono ng boses nito.

"Hindi mo naman sinabing darating dito ang kapatid mo Leo, edi sana naka pag prepare man lang ako sa suot ko."

Bulong pa ni Raf. 

So kapatid nga ni Leo 'tong lalaki na'to? Ba't 'di ko alam? 

Ay bakit ko naman dapat malaman? Psh.

"Gaga ka! Ang landi mo talaga kahit kailan noh. Eh kahit nga ako hindi alam na darating 'yan ngayon. Osya! Bakit ka nga nandito?"

Taas noo pang sabi ni Leo.

"Visiting our mom? Dumaan ako kanina sa office but she's not there yet. But it's okay, may magandang babae naman akong nakita."

He smirked and slightly gazing at my direction. 

Aba ha! This jerk! maganda ako oo alam ko 'yan pero kapag siya ang nagsabi ang manyak pakinggan! 

Pero.. Wait.

He's one of the son ni Mrs. Valdez? Akala ko ba only child lang si Leo? Nalaman ko kanina dahil sinabi ni Raf at kinon-firm naman ito ni Leo.

"Ba't hindi ka nagsabing darating ka ngayon? Edi sana sinundo ka namin sa airport ni mommy."

Sungit pang tanong ni Leo habang kinukuha ang dalang box galing sa kapatid. 

"Ametheist?"

Takang tanong naman ng lalaki nang makita ang pinsan kong prenting naka talikod sa gilid ng booth. Lumingon naman ito at masungit na sinunggaban ang lalaki ng tingin.

"Ikaw nga!"

At dali-dali naman siyang yumakap kay Amy and I saw how her eyes changed. 

"M-magkakilala kayong dalawa?"

Takang tanong naman ni Raf.

"Gaga! Malamang! Nagkayakapan nga eh kaya malamang sa malamang Rafael! Nasaan naba ang utak mo?"

Tawang-tawa pang usal ni Leo na ngayon ay binatukan na ni Raf.

"Kaya nga nagtatanong noh? Ang epal talaga ng mukha mo. Baklang teeeh!"

Nag bangayan na ang dalawa kaya nilingon ko nalang si Amy at ang lalaking kasama. 

Looks like they're quite close dahil naka ngiti silang dalawa. It's a reunion for them pala ah. 

Habang ang dalawang bakla ay nagbabangayan pa din, kinuha ko nalang ang mga natapon sa sahig na mga gamit galing sa box kanina na kinuha ni Leo. Habang busy kong kinukuha iyon isa-ida ay 'di ko namalayang may tumulong na pala sa'kin. At sa rami-rami talaga ng pupwedeng tumulong siya na naman ulit. Epal talaga itong lalaki na'to.

"A beautiful lady like you must need a helping hand. So I am here miss, at your service."

Sabay wink niya pa at iniripan ko lang siya ng mata. 

Seriously? Who would buy that words sa ganitong year at sa edad namin ngayon? Is he trying hard picking up on me or or it's just jejemon siya? 

I heard him chuckles and I heard a familiar one kaya napaangat ako sa mukha niya.

"See? I know hindi mo rin matiis ang ka gwapohan ko."

He added.

What the hell? Seriously??

Si Mrs. Valdez ba talaga ang magulang nito? Kasi para siyang kulang sa aroga at kung ano-ano nalang ang sinasabi. 

"Ano 'di ka makapag salita dahil totoo?"

He smiled habang nilalagay ang mga gamit box.

"Hindi mo gugustuhing magsalita ako dahil ikaw lang ang mapapahiya. Tabi."

Naka harang kasi siya sa way kung saan ko ilalagay ang mga flowers at aba hindi siya nagpa tinag at doon lang siya prenting naka tayo sa dadaanan ko. Madali naman akong kausap kaya sa isang direction ako dumaan kung nasaan si Amy.

Kaka rating ko lang sa kinaroroonan niya ng bigla siyang magsalita.

"So you're a whore now huh?" 

Madiing pagkasabi niya na siya namang naka pukaw sa atensyon ko. Ametheist may be harsh pero never kong inakala na sasabihan niya ako ng ganito!

"Anong sabi mo?"

Tumagilid ako at kusa siyang hinarap. Ayoko ng away kaya pinakalma ko ang sarili ko. Nilinga ko ang paligid at mabuti na lamang at medyo ma layo-layo kami nina Raf at Leo.

"So you want me to put the words twice? You are whore yes! Kalat na nga sa buong school na may 'something' kayo ni Grey tapos ngayon makikita kong nakikipag landian ka sa ibang lalaki habang wala ang isa? Kating-kati te?"

She mocks at akma na sana siyang tatalikod nang hawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. 

"What you saw is just your own judgment Amy. Ni wala ka ngang ebidensya na 'nakipag landian' ako sa lalaking 'yon."

Matigas kong sabi at inirapan niya lang ako.

"Whatever. I'll just wrap it that way kasi alam ko naman kong anong klaseng tao ka."

She added at mabilis naman siyang nag lakad paalis ng court. 

Itinuloy ko na lamang ang pag lagay ng mga flowers ngunit nahulog 'yong iba na nakabit na kanina kaya kumuha ako ng upuan upang gawing hagdanan ko. May LED lights pa din pala akong ilalagay sa loob nitong photo booth. 

"Where are you going? Let's eat muna, I bought snacks."

Saad pa ng taong kadarating lang at si Amy ang tinutukoy. 

Nang ma recognize ko ang boses niya ay napa igtad ako nang magsalita pa ulit siya exchanging hi and hellos to Raf and Leo. Dahil sa gulat ko ay naging dahilan ito upang mag shake ang upuan na tinatayuan ko at alam ko na ang susunod na mangyari kaya pumikit ako upang damhin ang sakit ng pagkakahulog. 

Ngunit lumipas ang ilang minuto nang wala akong maramdaman na kahit ano.

Wait..

Hindi pa naman siguro ako patay diba? 

Nooo!

What? Really? 

"Ays, feel na feel mo na naman ako. You can stand up now, woah I didn't know that you're this heavy since you're so thin."

Nagulat ako sa boses ng lalaking kanina pa nakakapag inis sa akin. Kaya kusa kong iminulat ang talukap ng aking mga mata at bumungad sa akin ang naka pout na mukha ni Nathan. 

"Hoy Nathan! Bitawan mo na nga 'yan si Almira at nandito ang boylet niya!" 

Sigaw naman ni Leo kaya dali-dali akong tumayo nang mapagtanto ang naging posisyon naming dalawa.

Bakit ba kasi sa lahat ng taong pwedeng sumalo sa akin ay siya pa!

Pulang-pula ang mukha ko nang malaman ko na gano'n nga ang pagka salo niya sa akin.

Paano ba kasi ay literal na naka bridal style niya akong sinalo!

Natigil ang pagkapahiya ko sa sarili when I heard someone fake a cough and realizing that Grey is here. 

Nanlamig ako habang dahan-dahan akong pumunta sa direksyon niya. Para tuloy akong gumawa ng kasalanan na ikinagagalit niya. Para kaming mag jowa na naaktuhan niya akong nag che-cheat sa kaniya dahil sa reaksyon niya ngayon.

I don't know or I'm just assuming pero napalitan ng cold atmosphere ang mukha niya ngayon. Habang dahan-dahan akong pumupunta sa kaniya ay siya namang ikinagulat ko sa inasta ni Amethiest kay Grey dahilan upang huminto ako.

Amy just hugged Grey..

When did they got closed to make Amy hugged him? 

Wait. Do I even have the right to question that? 

I fake a smile at tumabi na lamang kina Raf at Leo upang uminom ng tubig. 

Why do I have this feeling na parang nagseselos ako? I don't even have the right to feel this way! 

Ano pa bang aasahan ko kay Grey? He's so friendly to the point that it makes me jealous dahil hindi niya na ko-kontrol iyon. Hindi rin naman niya alam ang nararamdaman ko so why jealous Mira? 

Magkaibigan lang naman kayo and it ends that way. I should've known that long ago. Before my love for him grows. 

I should've known that para hindi ganito ang nararamdaman ko sa kaibigan ko..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status