Share

Chapter 7

"Mabuti at bumaba ka na. Let's eat there."

Bungad sa'kin ni papa as I step down the stairs from my room. Sabay kaming pumunta ni papa sa dining area. Naka ligo na rin naman na ako at naka bihis. 

Nagulat ako ng makarating sa hapag dahil biglang tumayo si mama, ate at kuya sa kinauupuan nila at yumakap sa'kin, greeting me for the good morning.

Napangiti ako ng biglaan dahil sa ipinakita nilang kilos.

This is so sudden that I want to freeze the time for a moment. Embracing the sudden hug made me feel that I am loved for a moment. 

This is so good to be true.. If only they had it intentionally.

Pero alam kong hindi. Alam kong ganito sila dahil may ibang tao sa bahay. But it somehow flatters my heart na kahit peke lamang ang pagyakap na bungad nila sa akin, kahit sandali man lang ay naramdaman ko ang pagmamahal na lagi kong hinahanap sa kanila. And it's sad to know that I can't feel them. I know I shouldn't feel this way dahil pamilya ko pa din sila. Alam kong pamilya pa din ang turing nila sa akin kung walang ibang taong nakakakita. Sana nga..

Pero naniniwala parin ako na kahit ganito ang nararamdam ko sa kanila, alam kong mahal nila ako. That maybe they aren't able to make such actions to make me feel loved. Naniniwala parin akong pamilya pa din naman nila ako. Na mahal din nila ako.

We sat as I roamed my glance to everyone and from what I am imagined, may ibang tao galing sa labas. And that is because my sister's boyfriend is here in our house. 

"Today's Kyera's funeral, you didn't get that away from your mind right?"

My mother started the conversation. She even smiled at me at malumanay pa niya itong sinabi. I just nod and smile in response. I started getting foods and started to eat.

"Pagkatapos ng funeral, do you have plans today? I knew that your final exams are over."

My sister asked while his boyfriend is busy putting some foods to her plate.

"I need to attend school ate, I still have a lot of responsibility to carry on."

I smile again and said it calmly.

"Cancel that out honey. We need to be at Yella's house to help her at any means and you need to be there. Hindi pwede ang ate at kuya mo, kami lang dalawa ng mama mo ang makakapunta, kaya isasama ka namin. After all I am the governor of this town at responsibilidad ko 'yon."

Papa added while getting slices of fruits at the other side of the table at inilagay sa gitna ng lamesa for everyone.

"Pa, hindi pwede eh. I really need to go there."

I sincerely said and looked at him to make him feel my sincerity. 

Kailangan ko talagang pumunta sa university namin as I am assigned to lead the decorations of every booth dahil start na ng school fest. Pinatawag pa naman din ako ng dean sa department namin to be early as much as I can dahil na rin sa student's assistant ako.

"Your father just made it clear Mira, can you just obey him?"

Matigas pang sabi ni mama na ngayon ay prenti ng naka upo sa kinauupuan niya ngayon.

I sighed and trying to calm myself before this thing would make me angry. Hindi na lang din ako umimik at tumango na lang sa kung anong gusto nilang gawin. At the first place wala din naman akong magagawa kung sabihin ko man ang totoo kong nararamdaman.

Wala din akong mapapala kung dapat ko bang ikagalit ang bagay na ito.

After all, hindi naman talaga ako madaling magalit. Kaya kahit kung ano-anong naririnig ko, hangga't makakaya kong pigilan ang pagsabog, pinipigilan ko.

My course in college did really help me a lot. 

"You're just studying kaya 'wag ka nalang umangal pa diyan Mira. Ano 'yan kapag sa university na pinapasukan mo ang dami mong magagawa? Pero pagdating sa pamilya mo ang dami mong sinasabi?"

Ate entered the conversation again and I just sighed.

"Wala po akong sinasabing gano'n ate. Pumayag na nga ako sa gusto nina papa't mama."

I calmly said.

"Pero bakit iba ang pinapahiwatig ng mga tingin mo? Na para bang may napapa tunayan ka na sa sarili mo? Bakit meron na ba? May I remind you Mira ha? Wala ka pang napapatunayan sa'min kaya 'wag na 'wag kang maging rason para ikahiya kita!"

She shouted while grinning at me and his boyfriend saying things to make him calm.

"Shh, tama na 'yan babe, Almira is still studying kaya don't pressure her baka akala niya hindi mo 'yan mahal. I know you did and I saw that."

Her boyfriend added just to make my sister calm. 

I sighed. Kuya Nash was never been aware of how my family really treated me if nobody's watching us.

I looked at kuya's direction at parang wala siyang kasama sa bahay sa kaka type niya sa cellphone niya at maya-maya din namang itong sumusubo ng pagkain. While my father is excusing himself from getting a phone call.

"Nash is right Cello. Malaki na ang bunso natin at nag-aaral pa lang naman ito. I'm sorry for witnessing this iho, I'm sure my daughter is just stressing herself sa trabaho."

My mother added and looked at my sister's direction.

I saw my sister sighed in frustration and I saw how her face changed back to its sweet tone.

"Sorry Mira. Pag pasensyahan mona ang ate ha? Mom is right, stress lang talaga ako sa work. Sorry din babe."

Ate Cello uttered. 

With that, the conversation ended. 

Makalipas din ang ilang minuto ay bumalik na rin si papa sa hapag at sinabihan kaming magmadali na at mag sta-start na daw ang mass.

Kaya no'ng matapos naming magligpit at maghugas ay pumunta muna ako sa kwarto upang magbihis ulit dahil natapunan ko ng tubig ang sinuot ko.

I just picked a plane black t-shirt and a simple jeans, that I think this will do enough to fit on me. Hindi ako maarte sa mga isinusuot ko, sa kung saan lang talaga ako komportable ang pinipili kong sinusuot at feeling ko naman na babagay sa'kin. Sam and the rest of my classmates were teasing me often pa nga about how do I chose my clothes on. 

I'm not a fashionista pero lahat naman daw ng sinusuot ko ay bagay sa'kin even if they really find it weird sometimes, but it's something daw din kasi na na fi-fit talaga sa'kin dahil sa maputi ako.

"Let's go!"

Rinig ko pang sigaw ni papa kaya nagmadali na akong bumaba at sumakay sa kotse ni papa. Si ate naman ay sa sasakyan ni kuya Nash, habang si kuya ay may dala ring sariling sasakyan. 

Mga 20 minutes lang kapag byinahe ang layo galing sa bahay namin papunta sa gaganapin na mass at libing. Papa started the engine at isinandal ko ang ng ulo sa upuan. From there, I saw a lot of people passing by having their own business. Some are walking papuntang mall and some are at the bus stop waiting for a ride. 

"Kami nalang ng mama mo ang pupunta kina Yella Mira. We still have things to do pagkatapos ng libing at siguro pupunta na lang kami doon kapag natapos na."

Biglaang usal pa ni papa while concentrating driving.

"Sige po pa."

Pag sang-ayon ko pa. That means that I am able to attend school today. Maaga pa naman ngayon dahil seven o'clock pa at nine pa naman mag sta-start ang program.

Humikab ako sa kadahilanang kulang ako ng tulog, inayos kong hiniga ang ulo sa upuan at umidlip muna saglit.

Naalimpungatan na lang ako ng niyuyugyog ako ni mama at mabilis naman akong lumabas sa kotse. 

Nag start na ang mass nang makarating kami kaya dahan-dahan nalang kaming umupo sa bandang likod. Hindi ko na tinapunan pa ng tingin kung sino ang nandidito at tumingin nalang ako sa harap kung sino ang nagsasalita. 

Natapos ang mass at sumunod naman ang pagbibigay mensahe ng pamilya, kamag-anak at kaibigan sa yumaong minamahal. Unang nagbigay ng eulogy si aling Yella na ngayon ay mugtong-mugto ang mga mata. Kahit wala pa man sinasabi ay naiiyak na siya. 'Di nagtagal ay nagsalita rin ito ngunit hindi din nito kinaya at humagulhol na ito. Tinulungan naman siya ng mga anak upang maupo na muna at.

Matapos makapag bigay ng mensahe sa lahat ng mga kaanak ay nakita kong tumayo ang isang babae na may katangkaran. Sa tindig at awra pa lang ay nakikita kong elegante na ito, ngunit nang makatayo at sumilip sa kabaong ni Kyera ay bigla itong nanlumo at umiyak. Nakita ko kung paano niya pinakalma ang sarili at nagsimula ng magsalita.

"Kyera is a friend of mine."

panimula niya pa saka binalingan ng tingin si aling Yella na ngayon ay tumigil na sa kakaiyak at pina kinggan nalang ang sinasabi ng babae sa harap.

"Alam namin ang sikreto ng isa't isa. Kapag may problema ako sa kanya ako unang-una lumalapit at gano'n din naman siya."

She added at sinabi ang naging memories nila sa isa't isa. But what caught my attention the most is when she say..

"She changed. Hindi na siya kumikibo tuwing kinakausap ko siya sa room, lagi na rin siyang umiiwas sa mga tao and what hurts me the most is I became a useless friend to her. Sanay akong lagi siyang nag ce-cellphone dahil chine-check niya lagi ang comments sa I* post niya. We all know that Kyera is famous. Pero ibang-iba ang Kyera na nakikita ko sa mga panahong iyon. Lagi siyang nakatingin sa cellphone niya pero hindi gaya ng dati na palagi itong naka ngiti."

Nawala ang ngiti ng babaeng nagsasalita at napalitan ito ng awa at pagka lungkot.

"Sorry kung ngayon ko lang ito sinabi tita kasi nangako ako kay Kyera na hindi ito makakarating sa'yo. Sabi niya ay ayaw ka raw niyang pag-alalahanin pa."

She sobbed at patuloy na pinupunasan ang luhang lumalabas sa pisngi niya. 

"I-I don't know kung ano ang naging problema ng kaibigan ko, ang b-bait niyang tao para maranasan niya ang gano'n to the point that she took herself gone for a li-lifetime. If only I knew, If only I k-knew.. S-sana ay napigilan ko s-siya. S-sana ay masaya pa r-rin kaming nag kwe-kwentuhan ngayon."

She said between her cries and I began to feel the mournings of all the people na nandidito.

"S-sorry tita kung naghihintay lang ako na s-sabihin sa'kin ni Kyera kung anong nangyari sa k-kanya. S-sana ay k-kinulit ko nalang siya hanggang sabihin niya sa akin kung a-ano man ang pinagdadaanan niya. I should've done something para m-maiwasan n-niyang magpakamatay."

She sobbed once again na ngayon ay yinakap naman ni aling Yella. 'Di rin nagtagal ay sinimulan ng ilibing ang katawan ni Kyera. 

Natapos ang libing na puno ng mga iyak at pagdadalamhati. 

Samo't saring mga iyak ang bumalot sa lugar nang maglakad na ang lahat papauwi at nakita namin kung paano tanggihan ni aling Yella ang mga kaanak na umuwi. Naka tunganga lang siya sa puntod ng anak.

I sighed.

Tinawag ako ni papa at sinabing mag commute nalang daw ako at nagmamadali sila kaya tumango ako. 

Pinagmasdan ko ang sementeryo.

"Iniiyakan ba ng pamilya lahat ng taong nililibing dito?"

Tanong ko sa sarili habang kinakapa ang pisngi. Ang matagal kong pinipigilang luha kanina ay kusang nagbagsakan isa-isa. 

"Kasi kung oo, ang swerte niyo naman."

Tukoy ko pa sa mga nailibing na.

"Ako kaya? Iiyakan din kaya ako ng mama't papa ko kapag patay na ako? Eh ang ate at kuya? Pagsisisihan din kaya nila na hindi man lang nila ako nakilala ng lubusan pag nawala na ako?"

I said between my cries.

I witnessed another funeral today and everytime nakaka kita ako ng pamilyang nagdadalamhati sa pagkamatay ng anak, lagi lang akong napapatanong sa sarili. Parati lang akong naiiwan sa pagbabakasakaling ganoon nga ang gagawin ng pamilya ko. 

Some daughters didn't want to see their family cry because of them and some daughters want to. At isa ako doon na gusto ko silang makitang umiyak ng dahil sa akin. I know it may sound crazy at siguro baliw nanga siguro ako. Even in that way, even in that cry, maramdaman ko man lang na mahal nila ako kasi iniiyakan nila ako. 

Even in that single tear basta galing sa kanila, masaya akong maramdaman man lang 'yon na umiiyak sila. Hindi dahil lang sa iniingatan nila ako, kundi anak at kapatid nila ako..

Kahit iyon lang...

Kahit 'yon lang.. 

Kilalanin man lang nila ako bilang parte sa pamilyang kinabibilangan ko..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status