Share

Chapter 4

Hapon na ng maka uwi kami pabalik at dumiretso na rin sa kanya-kanyang bahay. Magkasabay lang umuwi sina Sam at Grey dahil iisa lang naman ang village na tinitirhan ng dalawa, while ang bahay namin mula sa kanila ay kalahating oras din ang layo pag byinahe.

Nagtaka ako dahil ang daming sasakyan ang nakaparada sa tapat ng bahay namin kaya hindi nalang ako kumatok at dire-diretsong pumanhik sa loob. Pagka bukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang nagtatawanang mga taong kabilang sa polita galing pa sa ibang lungsod at mga kasama ni papa sa trabaho. Maging ang kasama ni ate sa team nila ay nandito rin.

Hindi ko alam kung ano na naman ang okasyon na ipinag diriwang nila.

Natanaw ko sa dining area si mama na busy sa paghahanda ng mga pagkain, si kuya at papa naman ay nakikitawa sa grupo ng mga lalaki, namumukhaan ko ang mga hitsura nila dahil minsan na din naman silang pumarito pag may okasyon.

Inilibot ko ang paningin at dumako ang mga mata ko sa babaeng kapatid at napailing nalang ng makitang kasama nito ang long term boyfriend niya.

Napa irap nalang ako ng wala sa oras ng halikan ni kuya Nash ang pisngi ni ate.

Ah wala akong laban wala akong jowa. Tsk. Ang bagal kasi ni Grey!

"Oh anak andito ka na pala!" Rinig kong sigaw ni papa, dahilan para mapunta sa'kin lahat ng mata na nandito sa loob ng bahay.

Ngumiti ako at bumati isa-isa sa mga bisita at nagmano kay mama at papa ng mapunta ang gawi ko sa kanila.

Napa singhap na lang ako ng makitang pasimpleng umirap si mama sa'kin bago ngumiti.

I began to feel the tension between us again.

"Ang swerte mo talaga sa mga anak mo Gregorio! Bukod sa mga mababait na nga ay matatalino pa! Tingnan mo ang panganay, sumusunod sa mga yapak mo sa pagiging gobernador, 'yong pangalawa naman ay propesyonal ng isang ganap na architect at ito namang bunso niyo ay kahit nag-aaral pa lamang sa kolehiyo, ay nakikita ko nang maging isang ganap itong psychologist balang araw!"

Masiglang sigaw ng lalaking katabi ni papa na siyang ikina ngisi ng lahat. Ngumiti na lang ako just to suit myself with them.

Dumako ang tingin ng pamilya ko sa gawi ko. I sighed as I know kung ano ang pinapahiwatig ng mga tingin na 'yan. In this kind of situation, they wanted to make these people believe that we are a perfect family, while we're not.

My family wanted me to act perfectly kapag kaharap ang mga tao galing sa labas.

Ngumiti na lamang ako sa lahat at nag paalam na tutulungan ko si mama sa paghahanda habang patuloy sila ni papa na nagkakatuwaan.

Hindi ko maiwasang mapansin ang suot ni mama. Kahit kitang-kita ko ang pawis na namumuo sa kanyang noo ay ka pansin-pansin pa din ang kagandahan niya at elegente niyang pagkilos. Namana lang ni ate kay mama ay ang katangkaran niya at ang buhok niyang straight. Sa feature ng mukha ay ka papa ito, namana ko naman ang halos sa mukha ni mama at hindi ko alam kung bakit kulot ang buhok ko. Namana naman ni kuya ang mukha ni mama at papa, bali hati ito. Ate and kuya are both tall while I'm just at the average.

Hindi lang ako tumunganga at mabilis akong tumulong sa kanya upang maayos na ang lahat.

Napa lunok na lang ako matapos ihanda ang lahat ng pagkain sa hapag, ang daming pagkain ngayon.

That's when sadness began to fill my heart again. Kapag may bisita silang ibang tao ay parang ang saya-saya nila kapag kaharap ito, but they would actually back stab those people kapag naka talikod ito.

"Hon, kumain na tayo. The food is ready." Saad ni mama kay papa. Hindi nagtagal ay nagtipon tipon na din ang lahat sa mahaba at malaking mesa, sapat na para magkasya kaming lahat. Bali 30 ka tao din ang nandidito that includes my family.

Pinahanda talaga ito ni papa noon para daw kapag may ganitong okasyon. May isa din naman kaming dining area, nasa kabilang way at do'n kami madalas kumakain na pamilya kung kami lang naman.

Pagkatapos mag pray ni mama ay masayang kumain ang lahat.

Nabigla ako ng lagyan ni mama ng kanin ang plato ko at lahat ng mata ay nasa amin. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin ni mama.

"Si Helena naman talaga oh, maalaga sa bunso." Saad ng sekretaryang lalaki ni papa dahilan para purihin ng lahat si mama.

"Ayaw ko lang na nagpapa gutom iyan lalo na't malapit na ang finals nila. I mean, I know that my daughter is able to pass that exam pero hindi ko pa din iwasan mag alala dahil lately kakaunti nalang ito ng kinakain dahil nagiging busy with her studies and her work." Malambing kunyaring saad ni mama tyaka tumingin sa'kin na para bang totoo talaga ang mga lumalabas sa bibig niya.

"That's so kind of you Helena. Your family is so perfect Gregorio!" Masiglang saad ng katabi ng sekretarya ni papa.

"Speaking of iha, bakit kailangan mo pang mag trabaho kung kaya ka namang buhayin ng pamilya mo? I mean it's not wrong to have a part-time job but I find it very rare sa mga kabataan ngayon knowing na may kaya naman ang pamilya niyo."

Saad ng isang Ginang-asawa ng malapit na kaibigan ni papa.

I startled at her words, gusto kong sabihin.. How I wish ganiyan ang buhay ko na walang trabaho na inaalala. Pero hindi. Kailangan kong mag trabaho, hindi para sa pamilya ko. Para sa sarili ko.

That made me think..

Ginagawa ko nga ba 'to para sa sarili ko? I hate to admit it but it really looks like sa pamilya pa din pala talaga ako babagsak.

"Hind--" natigil ang dapat na sasabihin ko ng pinutol ito ng ate.

"At first hindi kami pumayag of course tita! Hindi naman namin kaya na makita si lil sis na nahihirapan. But what she said puts us in awe. She said that she wanted to help us, that even she's still studying, she could help us financially and she wanted to provide her own needs na at her age." Mangiyak-ngiyak at proud kuno na sabi ng ate ko sa lahat.

"And really looks like our bunso is trying to be independent." My father chuckles a bit at pinuno na naman ang hapag ng samo't saring papuri.

----

Natapos ang gabi na puno ng tawanan nila. Ang lahat ay naging masaya. Maliban sa'kin.

"Pa'no ba 'yan Gregorio, dito na lang at mauuna na kami ha? Salamat sa gabing ito at sa susunod uli." Sambit ng isa.

Isa-isang nag paalam ang lahat at nagsi alisan.

I sighed. Mabuti nga't ayaw ko nang mag panggap pa. Kasabay ng paglaho ng mga tao sa bahay ay ang pagka laho ng mga ngiti ng pamilya ko at dumiretso ng pumunta sa taas sina ate at kuya.

"Alam mo na kung ano ang gagawin mo Almira." Mapang asar na sabi ni mama at kaagad din nilisan ang lugar kasabay si papa.

I sighed once again as I roamed my sight sa kung nasaan ako ngayon.

Kita ko ang mga naka ambak na hugasin sa lababo at mga tira-tirang ulam sa hapag. Isa-isa ko itong niligpit at nagsimulang maglinis.

Una kong nilinis ang mesa sunod na nag map sa sahig. Pagkatapos naman ay ang mga hugasin. Nakalantad ang buhok ko kanina pa kaya pinusod ko muna ito bago magsimula.

Nang makitang malinis na uli ang bahay ay agad akong umakyat sa taas upang makapag pahinga na din sa wakas. Dumiretso ako sa kama at agad na humilata. Napa ugong ako dahil sa biglaang sakit na naramdaman sa may paanan ko.

Geez 'yong paa ko nga pala! Nang tanggalin ko ang sapatos ay napangiwi ako, namamaga na naman.

Ang tagal ko nga kasi talagang naka tayo kanina. Agad-agad akong uminom ng gamot at nang matapos ay napansing ko din agad na hindi pa pala ako nakakapag bihis mula no'ng naka uwi ako.

Nawala sa isip ko.

Naligo na din ako at pagkatapos ay pumunta sa switch ng ilaw upang i off ito, in-on ko ang isa pa at pumunta sa study table ko.

There..

I saw it again.

It really looks like a real meteors that brings me comfort inside.

Tumingala lang ako sa kisame and I slowly closed my eyes.

I don't know for whom do I lived for, for whom do I fight for. For whom I want to stay in this world.

Lumaki ako na ang lola lang ang nasasandalan sa lahat as my family failed to give me their attention. Pero no'ng namatay si lola, I just found myself finding my purpose in life. Gaya ng tanong ni tita Camella kanina, why do I need to work?

It's awkward to tell this but I don't even know. Ang alam ko lang kung bakit ako nag tra-trabaho ay dahil hindi kayang ibigay ng pamilya ko ang mga pangangailangan ko.

They have the money and power pero pagdating sa'kin ay para bang isang malaking kahibangan kapag pinag aral nila ako sa sarili nilang pera.

Hindi naghirap ang pamilya ko, may kaya naman talaga sila. Ako lang ang hindi.

Nang tumuntong ako ng college ay nagsimula na akong mag hanap buhay. Kung saan-saan ako pumasok. Sa convenient store, became a tutor, became a baker, tried freelancing job and here I am, currently working as a call center agent.

Nang mapunta ako sa bahay na'to, they made me believed that I'm useless and no fit for the family.

Hindi ko namalayan na kusang lumalabas ang luha sa pisngi ko kaya mabilis ko din itong pinahid.

I don't want to be weak.. Not now.

Naniniwala pa din ako na someday, my family will see me as their daughter and a sister.

Mabilis kong pinakalma ang sarili at itinuon ang atensyon sa pag re-review. I don't want failing my academic grades lalo pa't mini-maintain ko ang spot ko sa DL, dahil iyan nalang ang maipagmamalaki ko sa pamilya ko.

----

Minulat ko ang mga mata nang tumunog ang alarm ko sa phone. Mabilis akong bumangon at ginawa ang morning routine ko.

Pagkababa ko ay nagtaka ako ng nagmamadali sila mama paalis. Ni hindi man lang nila natapos ang pinagkainan nila.

"Ma anong nangyayari? Saan kayo pupunta?"

Takang tanong ko at pa balik-balik ang tingin ko sa kanilang apat.

"Patay na ang anak ni Yella Mira! Nagbigti si Kyera!"

Bahalang tugon ni mama.

"Pupunta lang kami do'n, nako talaga 'yong bata na'yon! Bakit dinaan pa sa pagpapakamatay kung pwede naman malutas kung ano man ang problema niya." Singit ni ate at nag paalam sila sa'kin bago umalis.

Tila ba hindi ma proseso sa utak ko kung ano ang nangyari. Did Kyera just kill hersef because of depression?

Kusa akong dinala ng mga paa ko sa di kalayuang bahay mula sa amin. Maraming tao ang nakapaligid. Maya-maya din ay nakita kong lumabas ang pulis akay-akay ang nakahilatang babae na wala ng ka buhay-buhay pa. Naririnig ko ang simulang pag iyak ng mga taong malapit sa kanya.

I can't help but to be sad about Kyera and feel guilty about it, kasi alam kong sa sarili ko ay may magagawa ako para maiwasan niyang magpakamatay, pero hindi ko siya nalapitan man lang. Hindi kami close ni Kyera, ni hindi pa nga kami nagkakausap, pero hindi ko pa din maiwasang ma guilty. After all, I'm a psychology student! I should've known that!

Bago pa ako tuluyang maiyak ay nilisan ko na ang lugar at mabilis na humanap ng masasakyan papuntang university.

It's sad to know that when Kyera needs someone in her deepest mourns, no one ever wanted to be with her dahil drama lang daw at nagpapa awa to get everybody's attention. But now that she's gone, everyone felt sorry for her.

Tyaka mo lang talaga makikita ang mga taong kailangan mo sa panahon na naghihirap ka kapag wala ka na sa mundo, dahil kung nabubuhay ka pa ay walang may pakealam sa'yo kung ano mang problema ang mayroon ka, people will only see you at your joyful days but not on your deepest mourns.

I sighed.

People really can't understand how really serious depression is. Someone who's being diagnosed with this case must be treated.

Kyera have been through a lot with her life. Kung ano man an naging disesyon niya, sana naging masaya siya do'n.

May You Rest In Peace Kyera.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status