Share

Chapter 10

We managed to finish the whole booth at ilang minuto na lang din ang hinhintay namin to finally start the event.

“Amy and I. We’re very good friends.”

Agad na sambit ni Grey nang maka lapit sa akin at taka ko naman siyang sinundan ng tingin.

I just feel like explaining that to you.

Dugtong niya pa sabay tingin ng diretso sa aking mga mata.

No need na iyan. Tsaka bakit naman?

I chuckled sabay inom uli sa binuksan niyang juice para sa akin. Hindi siya kumibo at ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

Why are things so hard para sa aming dalawa? Hindi ba pu-puwedeng magmahalan na lang kami ng walang ibang taong na nai-involved? But I guess that’s not the case at all.

Nang tinawag naman ako ni Raf ay tumayo na agad ako ngunit nabigla ako nang bigla akong hilahin ni Grey sa kina-tatayuan ko papunta sa kina-uupuan niya at agad akong yinakap. Gulat din akong napa yakap sa kaniya pabalik.

And now wala akong pakialam kung may nakakakita man sa amin because all I feel right now is the rushing beat of my heart that in any minute now, it would explode…

Ramdam na ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo at panlalamig sa aking mga kamay. Ramdam na ramdam ko rin ang pagkaka-isa ng kabog sa aming dibdib.

“Kahit ilan pang mga babae ang mayakap ko, there’s no way they could make me feel at ease the way we hugged.”

He said sweetly between our hugs. Hindi ako maka kibo sa inasta niya’t sinabi at lalong-lalo na hindi ako maka hinga!

Humiwalay siya kaunti sa akin ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang daloy ng kuryente sa aming mga balat dahil hindi niya pa rin nilalayo ng kusa ang katawan niya. Bagkus ay lumapit pa siya at hinawakan ang magkabilang kong braso.

I saw your smile earlier and something’s not good. Are you okay?”

Tanong niya pa at tila ba umurong ang dila ko nang ma tingnan ko siya sa mata. His eyes felt concerned yet I saw it sparkled.

“O-okay ako. Oo okay lang ako. So, let’s go?”

Sabi ko sabay hiwalay sa kanya dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako sa kilig na dinala niya. But before I could take a step, hinawakan nya uli ang braso ko at pinadausdos ang kamay nya sa kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. Tumingin ako sa kanya ng may pagkabigla at ngumiti lang ito, wala na akong nagawa nang magsimula na syang maglakad nang nakapulupot ang kamay namin sa sa isa’t-isa.

Damn ano ito..Ano na naman itong nararamdaman ko?

Sabi ko sa utak ko, pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil ganito naman kasi talaga kami minsan. Hindi ko na namalayan ang minuto na lumipas, napagtanto ko nalang na pumapalakpak na ako sa pagtawag ng grupo nina Sam.

Okay, there’s just a little technical error with their music. But before they could start, sino ang gustong kumanta on stage?”

At dahil sa sinabi ng MC ay napa ‘awwww’ ang audience dahil excited na silang makita ang performance nila Sam.

Alam kong excited na kayo sa performance nila pero hindi pa ata na fi-fix ang error. But to keep this program entertaining, let’s have a game! This game is simple, may itatanong ako na related sa mga kaganapan ngayon dito sa school. Oh iyong mga marites ninyong friend alam nila ito!”

Excited naman nyang sambit at nagsitawanan lang din ang mga tao.

At kung sino naman ang makakasagot ng tanong ko ay pipili kayo ng kung sino man na nandito sa crowd para kumanta dito on stage!”

At dahil nga sa sinabi ng MC ay napa hiyaw ang lahat kasama na kami ni Grey doon.

Okay, Let’s start!”

“Ito, sigurado akong alam niyo itong lahat! What’s the current song that goes viral because of the confession posted on our confession page? In 1 2 3 Go!”

Pumikit ako at walang pag-aalinlangang nag taas ng kamay at ganoon din si Grey kaya tumingin ako sa kanya at sinabing..

Ahhh ayaw mo magpatalo talaga haa, mas nauna kaya ako sa’yo mag taas ng kamay!”

Sambit ko at hindi naman din sya nagpatalo at kinuha nya ang kamy kong nakataas at ipinirme ito sa baba kaya nagulat ako.

Oh ayan kamay ko na ang nakataas, ikaw wala hahaha.”

Sabi nya at noong magsasalita na sana ako ay bigla akong nabingi sa lakas ng cheer ng mga katabi ko at naka tingin kay Grey. Ano bang na miss ko habang nakikipag harutan ako kay Grey? Nagulat na lamang ako ng tatawa-tawa s’yang umalis sa tabi ko at umakyat sa stage.

At narinig ko na naman ang mga sigawan ng lahat. Napa ngiti na lamang din ako dahil hindi man ako ang tinawag para maka sagot sa tanong kanina para mapakanta ko si Grey ay someone did it for me na pala.

Oh wow Greyy, Okay this is your time to shine. Let’s give a hand for the performance of Grey!!”

Agad namang umingay ang paligid at nakisabay na rin ako sa mga chumi-cheer sa kanya ng naka ngiti. Nang nakuha na nya ang guitar na ibinigay sa kanya ng MC at nagsimula na rin itong mag strum. Agad namang tumahimik ang lahat.

Unang tatlong strum nya palang sa guitar ay alam ko na anong kakantahin nya, at mas lalo pa ngang umingay ang crowd nang magsimula na syang kumanta. Kinanta nya lang naman ang current song ngayon na sumikat dahil sa nag post sa page ng confession.

Nang mag chorus na ay sumabay na ang lahat at tinataas ang kamay habang kumakanta.

’cause I’m in love every single time I see you

And I feel heaven when I see you smile, smile

wishing that one day you’d be mine, mine”

Nang tumingin ako sa stage ay naka tingin na pala sa akin si Grey. Ngumiti ako at ngumiti rin sya pabalik, pero mas nagulat ako nang iniba nya ang lyrics sa bridge na part at diretsahang tumingin sa aking mga mata.

I heard of a love comes once in a lifetime

so I’ve never known anybody like you

and it’s so good that I’ve never dreamed nobody like you

surely now you are that love of mine”

Sa buong minuto na lumipas ay nakatingin lang ako sa kanya habang nakanta at nakapikit. Ang ngiti ko kanina ay kusang nawawala dahil I don’t know what to feel. It’s just a song that he put another lyric to it but why do I feel different when I assumed that the song is for me?

Yumuko ako at pinahid ang luhang nagbabadyang kumawala.

Hanggang kalian pa ba ako masasaktan ng dahil sa’yo Grey?

Woww! What a great performance Grey! Once again let’s give a hand for Grey from the Department of Law!”

Nang malapit na siya sa kinaroonan ko ay dali-dali ko naman pinahid ang mga luha sa mata.

Binibiro lang naman sana kitang kumanta pero sineryoso mo naman.”

Tukso ko pa kunwari sa kanya nang makalapit sya, tumawa sya pabalik at ginulo kunti ang naka lugay kong buhok.

Cebuanians are you ready for the dance performance of PAC!!!?”

Dahil sa excited na tanong ng MC ay agad naman na nagsigawan ang lahat.

Okay seems like kanina pa kayo reading-ready kaya naman let’s give it up for the Dance Performance of our PERFORMING ARTS GROUP!!!”

Agad naman kaming nagsipalakpakan ni Grey nang makitang nagsi form na sa kani-kanilang choreo sina Sam.

Woooohhh!! Go Sammm!!”

Cheer ko pa nang magsimula silang sumayaw. People were hyping in every beat of music they jive. Noong una ay akala ko tapos na ang performance nila dahil nagsi exit na ang iba nilang kasama pero may pahabol pa pala at laking ngiti ko nang si Sam at ‘yong isang lalaki na lang ang nasa stage at pinatugtog na nga ang sexy music. Dahil doon ay mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng tao.

Ang ganda mo Saaamm!!! Be minneeee!!”

Sigaw ko pa at natawa na lang sa akin si Grey seeing how I always react everytime sasayaw sa harap ko si Sam. She saw and heard me so she winked at me dahilan upang mas maghiyawan ang mga lalaki na nasa tabi ko na ipinagtataka ko dahil mga babae naman ang katabi ko kanina.

Sa kaka sigaw nga nila ay hindi nila namalayan na natatapakan na ng isang lalaki ang paa ko, at first ay hindi ko nalang pinansin dahil hindi ko naman din naramdaman ang sakit pero ngayon ay parang nararamdaman kong may mahapdi na sa paa ko kaya pagsasabihan ko na sana sila na huwag masyadong malikot pero nagulat ako nang hinila ako ni Grey at pumagitna sya sa lalaki kong katabi.

Hinawakan nya sa braso ang lalaki dahilan upang matigilan ito at kinausap, gusto ko sanang marinig kung ano ang sinabi ni Grey dahil mas lumakas pa ang sigawan ng mga tao nang matapos ang performance nina Sam. Pag lingon ko sa katabi ko ay nagsi alisan agad ang mga lalaking kinausap niya.

Saan sila pupunta? Tyaka bakit ka pumagitna eh ico-confront ko na sana sila?”

Tanong ko pa sa kanya nang tumingin sya sa’kin ng nag aalala.

Is your feet okay? Sa susunod kasi wag kang basta-basta tumatabi sa kung sino lang. Buti nga’t paa lang ang naapakan sa’yo.”

Sagot nya pa ng naka simangot na hindi ko na naman mabasa kung ano ang laman ng utak nito at ganito na lamang mag react. Hindi na ako naka sagot sa kaniya nang dumating si Sam sa tabi namin at inaya kaming umalis dahil maingay uli ang crowd. May mag peperform kasi uli.

Wala ka pa ring kupas kong makapag react tuwing sumasayaw ako Mira ah?”

Puna naman ni Sam habang naglalakad kami at tatawa-tawa syang nagpupunas ng pawis. Agad ko din naman syang inabutan ng tubig.

Wait, what happened pala to your feet?”

Habol nya pang tanong, but before I could utter a word ay may bigla na lamang huminto sa harap ko. Na recognize ko agad ito dahil sya lang naman ang naka apak ng paa ko kanina.

Sorry, hindi ko namalayan na naaapakan ko na pala paa mo.”

Aniya sabay abot sa akin ng malaking bulak, bandage, alcohol at m-milk shake?

A-ahh, thank you, sana maging maingat ka na sa susunod.”

Puna ko pa at kukuhanin ko na sana ang bigay nya pero una na itong nakuha ni Grey at itinira nya sa kamay ng lalaki ang milk shake nyang dala. Tumingin naman ako sa kanya at wala lang itong emosyon. Umalis naman kaagad ang lalaki after kunin ito ni Grey.

Another bakod ulit Grey noh? Ano ba ‘yan sana pala tinotoo ko ang kiss kanina sa sayaw para hindi ako matameme sa inyong dalawa! Kaloka!”

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya dahil muntik pala sila mag kiss kanina at hindi ko man lang iyon nakita!

Kinulit nang kinulit ko si Sam about doon sa guy na naka duo nya sa sayaw habang nililinis ni Grey ang pasa ko sa paa. I felt awkward kaya pilit ko nalang kinukulit si Sam.

Nako ha wag Mira dahil may jowa ‘yon. Anyway, tara punta tayo sa mga booths! Super excited na ako ma try ang weeding booth baka doon ko ko pa makilala ang makakapag patameme sa akin!”

Excited nya pang sabi at tinawanan lang namin sya ni Grey dahil alam namin na as if she would dareto have that kind of relationship sa kung sino-sino lang.

She wouldn’t dare to betray her parents. Kaya ayaw pa daw ni Sam mag boyfriend dahil once na syang binalaan ni tita na kapag nagpa ligaw ito ay si tita na mismo ang maghahanap ng mapapangasawa nito. Yes, walang tanong-tanong asawa agad. Kumbaga Sam couldn’t dare to have an arrange marriage thing.

Sa kalagitnaan naman ng pag-iisip ko ay may bigla na lamang humablot sa aking braso, dahilan upang makaladlakad ako sa kung sino mang humablot sa’kin.

Wait, sino ka ba? Aray ha, nasasaktan ako!”

Sigaw ko pa pero parang wala lang itong naririnig at patuloy ito sa paglalakad. Nakita kong agad naman na humabol sa amin si Grey at Sam.

Sobrang bilis ng pangyayari at ang tangi ko na lang narinig sa kasama ko ay

I’m sorry Mira, inutusan lang akong gawin sa’yo ito.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status