Share

Chapter 8

Pinahid ko ang luha at pinakalma ang sarili. Nang kumalma naman ay nagpasya na rin akong umalis sa lugar at naglakad-lakad nalang, nagbabakasakaling may malapit na convenience store.

Sa halos sampung minuto kong paglalakad ay may nakita na din ako. Pumasok at bumili ng pweding maiinom. Hindi rin nagtagal ay nagbayad na ako saka umalis at nag para ng tricycle papuntang university. Doon nalang ako magbibihis at mubuti nalang naisipan kong magdala ng extra pang damit at mga kakailanganin ko sa school. 

Hindi rin naman nagtagal ay nasa tapat na ako ng university at bumungad sa'kin ang malaki nitong pulang gate.

"Good morning Mira!"

Masiglang bungad sa akin ni Kuya Levi. Guard dito sa university. 

"Good morning din po kuya."

Masigla ko ring sagot sa kanya at hindi naman nawala ang ngiti nito nang mabalingan ko siya ng tingin.

Pinagmasdan ko siya kung paano ngumiti at nang dahil do'n ay lumitaw ang kanyang nag iisang dimple sa pinsgi nito. Sa katunayan ay bata pa si kuya Levi, 3 years lang ang agwat namin sa isa't isa. No'ng una ko ngang pasok sa unibersidad na ito ay inakala kong isa siyang estudyante rito, kung 'di lang dahil sa suot niyang uniform ay aakalain mo talagang nag-aaral ito dito.

Marami rin talagang nahuhumaling kay kuya Levi dahil bukod sa gwapo ito, kilala rin itong matalino sa unibersidad na pinapasukan. Ang alam ko ay gabi ang shift niya rito bilang gwardya ngunit dahil sa maaga nilang break, nag shift ito sa araw.

Matapos naming mag-usap ay nag paalam na ako't gaganyak na sa loob and he just wish me joy for another day. 

Sa masiglang bungad sa'kin ni kuya Levi, I no longer has the reason to feel the pain. Kung ano man ang nangyari kanina, mananatili lang sa lugar na'yon ang nararamdaman ko. 

I smiled for the new day that God let me to live. 

Pakanta-kanta pa akong tumungo sa corridor ng mga teachers gaya ng nakasanayan ko ng gawin. Ang peaceful pag ganito ka tahimik sa school. Wala pa kasing halos estudyante ang meron dito dahil eight o'clock pa naman at darating sina Miko ay ilang minuto naman mula ngayon.

Mabilis kong nilinis ang dapat na linisin at pagkatapos ay cinompile ko ang mga files na inutos ng dean, tumungo na din ako papuntang office.

Bago pumasok ay kumatok muna ako.

"Come in! Hindi 'yan naka lock."

Sigaw naman ng tao sa loob kaya hinay-hinay kong binuksan ang pinto at pumasok.

"Ahm, hello. I'm here to put these files."

Bungad ko pagkapasok ngunit wala man lang akong nakitang tao dito.

Did I hear it right kanina na may tao dito? Baka kasi guni-guni ko lang iyon. 

Para ma kumpirma ay tumungo ako sa mga shelves dito. Office ito ng dean kaya't may mini library din dito. Sa likod nito ay ang table kung saan ko palaging inilalagay ang mga bagong files na naka tuka kong gawin. 

"Oh you must be Almira?"

Napa sigaw at napahawak ako sa dibdib ko nang may bigla palang sumulpot sa likuran ko. I turned my back only to find out that I didn't know this person in front of me.

"Did I scare you?"

He said worriedly at tinignan ako sa mata nito.

"A-ah, hindi naman sir, nagulat lang po."

I nod and he just chuckles.

"No need to call me sir, I'm at your age I guess. Anyway, are you here to put that in the table?"

Turo naman niya sa table na pinagpatungan ko sa tinutukoy niya.

"Obviously."

I smirked.

"Woah, sungit."

He whispers at bigla nalang itong lumapit sa'kin. 

W-wait? What is he doing? 

Habang papalit siya ay naamoy ko na ang kanyang pabango, that smell.. It's a smell of someone I really know.

He looked at me intently in the eyes and I just gulped. This jerk! What is he trying to do?

"W-what are you doing?"

Even how I sounded frustrated in my mind but my voice betrayed me! 'Di ko makilala ang sariling boses because I sounded differently!

The man didn't answer me, instead patuloy niyang inilalapit ang kaniyang mukha at nararamdaman ko na ang kaniyang hininga nang magsalita ito.

"Obviously, trying to kiss you."

He smirked and because of that I kicked him down there. Nakita ko kung paano siya umungol sa sakit and I just smiled.

"Tsk, 'yan ang napapala mo. Jerk."

I walked away at aalis na sana sa lugar na 'yon nang mahawakan niya ang kamay ko. Mabilis ko naman itong hinablot at hinarap siya.

"What? Hindi pa ba sapat 'yong patid ko at hinabol mo pa ako? How dare you trying stealing a kiss from someone you didn't even know?!"

Galit ko pang sabi.

"That's why I chased you, I'm just trying to get these files from the table. Naka harang ka kasi kanina. And I didn't want to kiss you, as if I will."

He said between his breaths at hindi ako makapaniwala sa naging rason niya. As if I will buy that excuse? 

"Ha! Sa tingin mo maniniwala ako? I just saw it from my own eyes! You're trying to kiss me!"

Giit ko pa sa kanya at natawa lang siya na mas ikinagalit ko pa. How dare he! Laughing on me? Ha!

"Look, sorry if you misinterpreted my actions. But I didn't really trying to kiss you. It's just naka harang ka kanina."

He looked at me sincerely in the eyes. At sa pagkakataong 'yon tila natauhan ako. Kasi baka totoo nga ang sinabi niya, baka guni-guni ko lang talaga ang paglapit ng mukha niya sa'kin, but I really need confirmation!

"What about 'yong mukha mo? Bakit mo nilapit sa'kin? That's the reason why I assumed you trying kissing me!"

Giit ko pa and he just nod.

"Ahh, 'yon. Akala ko kasi gusto mo akong halikan dahil naka tingin ka sa lips ko kanina kaya ako na ang lumapit."

He grinned at sinapak ko lang siya sa naging rason nito.

Nakakahiya ka Almira! Bakit ba kasi sa lahat ng napansin mo sa kanya kanina ay ang labi pa nito!

Before I could wish myself to be gone because of embarrassment. He just laugh.

"Just kidding. I just want to tease you."

Hindi pa rin nawawala ang paghalakhak niya at inirapan ko lang siya. Bago paman din siya makapag salita ay nilisan ko na ang office at diretsong naglakad.

Nakakainis! Sino ba kasi ang taong 'yon? If I know, excuse niya lang 'yon para talaga hindi ko siya mabuking! Psh.

Nang hindi pa rin mawala ang inis sa mukha ko ay nagpasya na muna akong pumunta ng cr at do'n nalang muna magpalipas ng sama ng loob. For sure ilang minuto rin mula ngayon ay dadating na sila Miko kaya mabuti nang humarap sa kanila ng hindi ganito ang naging mukha ko.

After minutes matapos naman akong lumabas ng cr ay sakto ring tumawag si Miko kaya pumunta na'ko sa stage kung nasaan sila.

"Oh, Mira's here."

Rinig kong saad ni Miko at 'di rin nag tagal we executed the plan na rin.

"Sino nga 'yong makakasama kong mag decorate Miko?"

Tanong ko bago umalis.

"Sina Ametheist, Raf and Leo. They're not part of SSC but they're volunteers from different departments. They'll be here soon, magkita nalang kayo kung saan mag de-decorate."

He smiled and tap my right shoulder to wish me a good luck.

Napasyahan ko na rin namang pumunta na sa lugar at bigla namang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko ito.

"Good morning! Nasa school kana?"

Napangiti na lamang ako sa nabasa. Grey is really that unpredictable person, minsanan lang 'yan nag te-text sa akin. Ang alam ko ay kapag worried siya sa akin at kapag alam niyang hindi ako okay. Pero these days, lagi siyang nag paparamdam. 

Hays. Hindi ko mabasa kung ano ang takbo ng utak niya pero 'yan din ang dahilan kung bakit ako lalong nahuhulog at mas nakikilala ko pa siya sa gano'n. Marami akong alam tungkol kay Grey, pwede nangang magpa quiz siya at laruin namin 'yong 'how well do you know Grey' paniguradong maiperfect ko pa. Pero one thing I didn't know and didn't sure of is his real feelings towards me. 

Ang hirap kasi mag predict at mag assume kung nakikita niya rin ba ako na hindi lang bilang isang kaibigan. Pero kahit na ganoon, Grey is Grey. The man that I love and will always stay with that word. 

Marami na akong naiisip tungkol sa lovelife ko at hindi ko napansing may nabunggo pala ako pagkadating na pagdating ko sa covered court. Late ko nang na realize that it was her. Oo nga pala, na mention siya sa'kin kanina ni Miko.

"Tss, hindi ko rin gustong makita ka kaya 'wag kang mag assume na nag volunteer ako dahil gusto kitang tulungan. As if naman. Tiyaka hanggang ngayon ang tanga mo pa rin knowing na hindi mo naman alam kung sino ang binubunggo mo."

I saw her brows raised in frustration. 

"I'm sorry for that. Okay lang naman na mag back out ka, hindi ka din naman pipilitin namin kung ayaw mo. Kasi kung pipilitin ka pa namin, ano pa ang silbi ng 'voluntary' hindi ba?"

I smiled at her at diretsong gumanyak sa loob. Hindi ako nagkakamali na ando'n na pala lahat ng makakasama ko. 

Pagkapasok ko naman ay isa-isa silang lumapit sa'kin at nagpakilala.

"Hello, so you must be Almira? Glad to meet you. I'm Rafael, Raf nalang for sure because why not? Para sabihin mo na pangalan pa lang ay maganda na."

Natawa ako at nag awra pa siya ng matapos makipag shake hand sa kanya. 

Lumapit naman ang isa at gano'n din ang dating. Mga bekebels pala 'tong dalawa na 'to. 

"Hello, I'm Leo. Lei nalang for short, remember L-E-Y ang pagka pronounce. Say it LEY, not LAY, okay?" 

I chuckled.

"Yes haha, hello I'm Almira. LEY."

Spenicify ko talaga ang pagka pronounce ng name niya at ngumiti naman siya dahil do'n.

"We know you. I mean, who wouldn't? Lagi kang tinatanghal na winner every event na sinasalihan mo."

Ani pa ni Leo na sinang-ayunan naman ni Raf.

"Ano ba kayo, kahit nga ako hindi alam bakit lagi akong nananalo."

I chuckled.

"Nako iba talaga kapag mga matatalino, ang ha-humble! Well hindi naman lahat."

Si Leo.

"By the way, nakita mo ba isang kasama natin? She's so mataray. Naka lunok ata 'yon ng bakal. Ini-expect ko pa naman ang bait no'n."

Sabi pa ni Raf while nilalabas ang mga gamit sa bag na nilagyan.

"Sino? Si Amy? She's just like that pero mabait naman 'yon."

Tukoy ko pa sa babaeng nabangga ko kanina. Nagsimula na rin akong tulungan si Raf sa pag seseparate sa mga kailangang gamitin. Habang si Leo naman ay nag start ng ihanda ang tables. 

"Oh? Close kayo? Eh ang alam ko lang palagi kayong magka kompetensya. Rinig na rinig nga ang balita sa department nila na kaya lang daw siya sumasali sa mga event na sinasalihan mo ay naiingit lang daw 'yon sa'yo."

I just sighed.

"Ang chismosa mo talagang bakla ka. Saan mo naman nalaman iyan aber? Eh ang layo ng department natin sa kanila. Bakit sa'yo nakarating eh wala namang gano'ng usap-usapan sa department natin."

Sabat pa ni Leo.

"Leo baka nakakalimutan mong may Archi akong mga kaibigan?"

Pilosopo pang tugon ni Raf. 

After that conversation ay nag-iba naman sila ng topic at tahimik lang ako sa gilid nang magsimula ng mag decorate. 

I can't tell them nor the people inside the campus na Amytheist is my first degree cousin. Kung may nakakaalam man ay mga piling tao lang. Kahit si Sam ay hindi ito alam. Hindi naman sa hindi ko gustong ipaalam dahil kaaway ang tingin ko kay Amy. 

Ang totoo ay hindi. Never ko siyang trinato na kaaway o ka kompetensiya man lamang. It's just that ayaw kong i compare siya ng mga tao sa'kin lalo kapag nalaman nilang magka dugo kaming dalawa. Dahil alam ko ang pakiramdam ng maikompara ka. 

Amytheist is my chidhood best friend nang sina mama pa ang kasama ko. Nagpaalam ako sa kanya ng maayos bago ako nagpunta sa Siargao, and syempre as best friends, we did that 'pinky promise' thing together. 

We promised each other na kahit anong mangyari walang magbabago sa'min. But she failed to show me that promise, when I came back here in Cebu kasama si Grey, never na niya akong kinausap. Na disappoint ako no'ng una oo pero kwinestyon ko din ang sarili ko kung worth it bang ma disappoint ako. Kasi minsanan lang ako nakakapag text sa kanya no'n gamit ang cellphone ng Lola ko.

So I tried reconciling with her dahil bago ko pa nakilala si Grey, siya ang unang tao na nagparamdam sa'kin na pwede palang maging masaya kahit bata ka lang. 

With that thoughts, It reminded me of her, of how I saw that smiles and laughter of hers. Hindi ko ide-deny that I miss seeing her smiles. I just wished that one day, makikita ko rin 'yong mga ngiti niya ulit. 

Kahit kasi gaano at ilang beses niya akong ipagtabuyan hindi ako mapapagod na ipaglaban ulit ang relasyon naming dalawa. Ano pa't naging pinsan ko siya kung susukuan ko rin lang siya. Kahit ano pang sabihin ni Amy sa'kin I still want her to be my cousin.. Also as my best friend. 

I close my mind sa mga bumalik na memories sa'kin kasama si Amy dahil tinawag na ako ni Leo upang magpatulong sa'kin. Hindi rin naman nagtagal ay iniluwa ng pinto ang kanina ko pang iniisip. 

"Oh buti nakabalik kana Amy, nabili mo ba lahat?"

Tanong pa ni Raf and she just nod. 

After preparing the things na binili ni Amy ay nagsimula na rin naming i decorate lahat ng dapat gawin. 

As part of the SSC, sinabi ko na sa kanila kung ano lang dapat gawin. We decided na tatlong booths lang ang ilalagay dito sa covered court which dito gaganapin ang weeding booth, photo and love letters booth. The booths has no connection with the event but Miko suggested that it will be boring kung ang lahat ng booths ay for sports lang. So we decided to split it. Sa isang gym ay ang mga sport booths and dito naman sa court gaganapin ang dinedecorate namin.

"Mira, paki kuha nga 'yong box do'n sa bandang likod ng table. Mas maganda kasi 'tong photo booth pag may twist. Lalagyan natin ng kunting horror theme sa loob."

Sigaw pa ni Leo kaya agad-agad naman akong lumapit sa box na sinabi niya.

Akmang bubuhatin ko na sana 'to nang may kamay na dumapo dito at walang pasabing binuhat ito papunta kina Leo.

Wait.. 

Is he the guy in the office an hour ago? But what the hell he's even doing here? At inagaw niya talaga sa akin ang pagbubuhat sa box ha?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status