 Mag-log in
Mag-log in
NAKABIBINGING katahimikan ang namagitan sa loob ng sasakyan sa pagitan nilang dalawa. Seryosong nagdadrive ito habang si Ceryna naman ay nagkunwaring busy sa paggamit ng cellphone. Magsasalita lamang si Ceryna pag ituturo niya ang lilikuan dito. Walang balak magpahatid si Ceryna hanggang sa entrance ng subdivision na tinitrhan nila. "Sa may kanto mo na lang ako ibaba," kaswal na sabi niya at inayos na ang sarili. Sinukbit ang bag at binitbit na ang paper bag na pasalubong sa anak. Tahimik na iginilid nito ang sasakyan bago sa sinabi niyang kanto na hindi gaanong nakakasagabal sa mga dadaan. "Salamat," wika niya na hindi tinitingnan ang mukha nito. Bubuksan na lamang niya ang pinto ng sasakyan nang maramdaman niya ang pagpigil nito sa braso niya. Napalingon siya dito at nagtama ang kanilang mga mata. "I'm Adrian, at least you know my name by now." sabi nito at inabot ang ilang hibla ng buhok niya upang iipit sa likod ng tenga niya. Napalunok si Ceryna at tumango. Bakit
HINIHINTAY lamang ni Ceryna na makatulog ang lalaking estranghero at balak na niyang umalis sa lugar na iyon. Nagkunwari siyang tulog upang huwag nang magkaroon pa ng pagkakataong magkakilala sila ng mas higit pa. Pinakiramdaman niya ito habang mahigpit na nakayakap sa kanya na para bang ayaw na siyang pakawalan pa. Nang sa palagay niya ay mahimbing na itong natutulog ay unti unti niyang inalis ang mga braso nitong nakayakap sa baywang niya. Mag-aalas otso na ng gabi at tiyak na kanina pa tumatawag ang yaya ng anak niya. Sana lang ay hindi din maisipan ni Anthony na tawagan siya at icheck kung nakauwi na siya ng bahay. Nang maisip niya ang mga ito ay hindi siya mapakali. Ngayon siya nakaramdam ng guilt para sa asawa at anak. Pero wala siyang pagsisising nadarama sa ginawa niya. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng taong nagtataksil? Tahimik siyang nagbihis pero ang mga kilos niya ay may pagmamadali. Hinahanap niya ang underwear niya ngunit hindi niya iyon matagpuan. Napatigil siya n
HINDI alam ni Ceryna kung paano sila humantong ng estrangerong ito sa apat na sulok ng silid na iyon. Ang alam lang niya ay ang kagustuhang palayain ang damdaming tinago niya ng dalawang taon na nag-umpisa lamang sa isang gabing hindi malilimutan. It was her first. He was her first in everything. And its always hard to forget the first time. But this time, it's different. She was married. And it's forbidden. Why does her life have to be so unfair? Paanong sa loob ng nakaraang dalawang taon ay ngayon lamang ulit sila nagkita? Bakit kung kailan na hindi na siya malaya? Kahit naman siya ay hindi na umasa na muli pa silang magkikita. Pero sadyang mapanadya ang tadhana, dahil heto siya ngayon, nagpapakalunod sa mga halik at haplos ng lalaking dalawang beses pa lamang niya nakikita. NANG makita ni Adrian ang nagpakilala sa kanya ng "Faye" dalawang taon na ang nakakaraan, walang pag-aalinlangan niyang hinintuan ito. He knew that it was her. At alam niyang nakilala din siya nito. Ang da
SAKTONG alas tres ng hapon nang lumabas siya ng flower shop ni Celeste at dumeretso na sa malapit na mall. Hindi na siya nagpahatid pa sa kapatid dahil marami pa itong aayusing bulaklak na gagamitin bukas ng umaga kaya kailangan din nitong tapusin kaagad. Ilang oras din siyang naglibot sa loob ng mall pero wala din siyang nagustuhan bilin para sa sarili. Sinadya lang talaga niya sa mall ang ni-request ng anak niyang laruan. Pauwi na rin siya at nag-aabang ng taxi nang tumunog ang cellphone niya. Dali-dali niya itong sinagot sa pag-aakalang baka ang yaya ng anak niya ang tumatawag. Pagtingin niya sa screen ay si Anthony pala. Sinagot niya ang tawag nito. "Hello, Ceryna," bungad nito. "Yes, Anthony," tugon niya at tumingin tingin sa mga nagdadaang taxi. "Huwag mo na akong hintayin mamaya. Baka gabihin ako ng uwi." wika nito. "Okay, sige. Ingat ka," sabi niya. Hindi na ito sumagot at naputol na ang linya. Saktong may humintong taxi sa harap niya ngunit naunahan naman siy
"SIGURADO ka ba na magcocommute ka na lang pag-uwi?" tanong ni Anthony kay Ceryna. "Hindi ka magpapasundo sa driver?" dugtong pa nito habang nadadrive at nilingon siya. "Hindi na. Pag hindi busy si Celeste mamaya, baka magpahatid din ako sa kanya sa bahay," tugon niyo. "Okay, don't forget your promise to your son," paalala nito nang malapit na sa flower shop ni Celeste. "I won't," sagot niya at sinukbit sa balikat ang bag na dala. Hininto ni Anthony ang sasakyan sa mismong harap ng shop ni Celeste. "Drive safely," sabi niya at humarap kay Anthony at humalik sa pisngi nito. "See you later," tugon nito at nginitian si Ceryna. Tumango lamang si Ceryna at dahan-dahang bumaba ng sasakyan. Kumaway pa ito sa kanya bago pinasibat ang sasakyan. Pagpasok niya sa loob ng flower shop ay may ilang mga costumer na ang nandoon. Hinanap ng mga mata niya si Celeste. "Nasaan si Celeste?" tanong niya sa isang staff nito. "Nasa stockroom po, Ma'am. Nagchecheck po ng mga stocks roon." tug
NASA mini bar silang dalawa ni Ricardo at inaya siya nitong uminom ng brandy pampatulog. Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na rin si Mitch nang makapagpahinga saglit. Habang silang tatlo ay nagkwentuhan pa hanggang sa magpaalam na si Claire sa kanilang dalawa na magpapahinga na. Tila tinaon naman ni Ricardo na makaalis ang asawa bago siya nito ayain sa mini bar at mag-usap. "Parang kelan lang gatas ang pinaiinom ko sa iyo, hanggang sa naging juice at softdrinks... ngayon heto na tayong dalawa nag-one on one pa tayo sa brandy," natatawang sabi ni Ricardo habang tinitingnan ang basong may laman ng alak. Nilagok ni Adrian ang laman ng baso niya. Gumuhit ang pait at init nito sa lalamunan niya. Hindi siya palainom at wala siyang hilig sa alak. Nakakinom lang siya pag may okasyon o hindi naman kaya ay sa katulad ng pagkakataong ito. "Minsan lang naman ito, 'Pa," sabi niya at sinalinan ang baso niya. "Welcome home, son," aniya nito at tinitigan ang alaga. "Thank you," n








