TWO YEARS LATER...  "Please, Adrian," pakiusap ng may edad na lalaki sa kabilang linya. "Ako na lang ang tingnan mo. Ayokong ibigay sa iba ang trabahong ito," dugtong pa nito.  Hindi kaagad nakapagsalita si Adrian.  "Hindi madali ang pinagagawa mo sa akin, Papa," sagot niya.  "Huwag mo na lang personalin, trabahuhin mo lang," nagpupumilit pa ring sabi nito. "Kahit para sa akin na lang, Adrian," pagmamakaawa nito.  Bumuntong hininga si Adrian.  "Alam mong ayoko ng ganyang trabaho, 'Pa. Mas gusto ko pa sa field. Naiinip ako pag ganyan." katwiran nito.  "Iyan ba talaga ang dahilan mo? O umiiwas ka lang?" seryosong tanong ng nasa kabilang linya.  Umiling si Adrian na parang nakikita siya ng tiyuhin niya.  "Wala akong dapat iwasan. Hindi ko lang linya ang inaalok ninyo sa aking trabaho," sagot niya.  "I will give you a week to think about it, Lt. Col. Adrian Drake Rodriguez," biglang nag-iba ang tono nito at naging seryoso.  "Papa-" hindi na nito hinintay pa ang sagot niya at pi
 Last Updated : 2025-10-26
Last Updated : 2025-10-26