Share

Chapter 3

Hingal na hingal ako nang makarating sa gilid ng malaking swimming pool. Naninindig pa rin ang mga balahibo sa buo kong katawan at nang-iinit ako. I am twenty years old and I am no innocent. Nag-aral ako kaya may alam ako sa mga bagay na iyon.

Pero bakit? Bakit niya ginawa ang bagay na iyon sa akin?

"Feigh!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Ate Gina sa hindi kalayuan at mukhang hinahanap ako. Pilit kong inayos ang sarili bago humarap sa kanya.

"Ate—"

"Nasa loob ka ng kwarto ni Senyorito nanggaling?" puno ng pagdududa na tanong niya kaya nanuyo ang lalamunan ko.

"Ah, hinatid ko ang kape niya," sabi ko ng hindi nauutal kaya tumango siya saka tumawa ng mahina.

"Akala ko kung ano na," natatawa na sabi niya kaya medyo naging kampante ang paghinga ko kasi naniwala siya. I told her the truth. Naghatid lang naman talaga ako ng kape pero may nangyaring bagay na ayaw kong ipagsabi. Hinding-hindi ko ipagsasabi.

Sabay kaming bumalik sa loob ng mansyon para tumulong sa mga gawain. At nag-agahan na rin kami sa kusina kasama ang iba pang mga katulong. Nakilala ko na rin ang driver na si Mang Ramon at ang hardinero na si Jose na apat na taon lang ang tanda sa akin.

 Matapos mag-agahan ay inutusan ako ni Manang Janet na maglinis ng mga gamit sa ikalawang palapag kaya mabilis ko naman siyang sinunod. Napatingin pa ako sa saradong pinto ng kwarto ng amo namin habang nagpupunas ng mga vases na wala namang dumi.

Nandito pa rin ang kaba sa akin dahil sa mga nasaksikan kanina. 

Kailangan ko bang sabihin kay Tiya Mila ang tungkol sa nangyari? 

Nagpatuloy lang ako sa paglilinis at sa gitna ng paglilinis ko ay bumukas ang pintuan ng kwarto. Sa sobrang gulat ko at napatago ako sa malaking vase. Nakita ko ang amo namin na lumabas habang nakasuot ng simpleng maong na pantalon at black na t-shirt saka boots na pangmayaman. He's simple but he's so hot.

Bawat galaw niya ay nagsusumigaw ng kapangyarihan at karangyaan. Napaawang ang mga labi ko habang sinisilip niya. He indeed look awesome. Seryoso ito at kung titingnan ay parang suplado. Hindi ko maisip kung siya nga ba talaga ang lalaking kasama ko kanina at kagabi. Dahil para talaga siyang suplado at mahirap lapitan.

Nang tuluyan na itong makababa ay doon na ako umalis sa pagkakatago. Wala sa sarili akong napangiti saka mas binilisan na lang ang paglilinis kahit wala naman talaga kahit anong dumi sa mga gamit na ito.

"Feigh, mag-ingat ka sa bagay-bagay dito sa mansyon kasi dolyar ang halaga ng bawat gamit dito. Makabasag ka lang ng isa ay siguradong mawawalan ka kaagad ng trabaho. Mabuti at pinalampas ni Senyorito ang pagkakamali mo noong una kaya sana mag doble ingat ka," sabi ni Tiya Mila nang magkita kami sa malawak na hardin nb mansyon.

"Opo," kabadong sagot ko.

"Mabuti naman, alam kong gusto mong tumulong sa nanay at tatay mo kaya pagbutihin mo. Alam mo bang hindi naaawa ang amo natin na magsisante ng mga trabahador? Ang pinalitan mo ay nakatapon lang ng kape at sisante kaagad," dagdag niya pa sabay himas sa buhok kong nakapusod ng malinis kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Po?" gulat na sagot ko naman.

Nakatapon lang ng kape sinesante na?

"Iyong amo natin ay hindi mabait, Feigh. Sa yaman niya ay kaya niyang maghanap ng mga trabahador kaya isang mali lang ay iiyak ka na lang kasi wala ka ng trabaho."

Napalunok ako ng dahan-dahan saka tumango kay Tiya Mila. Kung patuloy akong papalpak sa trabahong 'to ay siguradong mawawalan ako ng trabaho. 

Matapos akong pagsabihan ni Tiya Mila ay iniwan na niya ako kaya bumalik ako sa quarters namin kasi wala ng gagawin. Ganito pala talaga sa mga mayayaman. Pati mga katulong ay parang mayaman na rin kasi kaunti lang ang gagawin. Paglilinis lang ang trabaho ko at wala naman akong lilinisan kasi makintab ang lahat.

Hihiga na sana ako kaso lang ay pumasok si Manang Janet kaya mabilis akong gumayo kasi masamang tingin ang pinukol niya sa akin.

"Nandito ka para magtrabaho hindi para magpahinga kaya anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong niya kaya napalunok ako sa takot.

"Tapos na po kasi ang paglilinis—"

"Kung tapos na pinapagawa sayo ay humanap ka ng bagong gagawin. Huwag kang maghintay na utusan ka pa," dagdag niya at mabilis na lumabas kaya dali-dali rin akong sumunod na parang tuta.

Tulad ng sabi niya ay ako na mismo ang naghanap ng gagawin ko. Muli akong bumalik sa ikalawang palapag saka nagpunas ulit ng mga gamit. Habang nagpupunas ako ay may narinig ako na isang mahinang halinghing at ungol na nagpahinto sa akin sa ginagawa.

Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang may gawa niyon. Napalunok ako dahil sa takot kasi wala namang tao. Dahan-dahan akong lumapit sa kwarto ng amo namin na bahagyang nakaawang ang pinto. Hindi ko alam kung nandito siya sa loob pero nandito nanggagaling ang ungol at halinghing.

Dahan-dahan akong sumilip sa awang at napatakip ako sa bibig ko sa nakita. Our Senyorito is naked and a woman is between his thighs. Gumagalaw ang babae sa pagitan ng mga hita niya at ito ang humahalinghing at umuungol. 

Nanindig ang balahibo ko sa gulat. 

Are they having sex?

Aksidente kong nasagi ang pinto kaya tumunog ito ng malakas. My eyes widened when his black pair of eyes saw me. Nanlaki ang mga mata ko saka dahan-dahan na umatras lalo na at huminto ang babae sa ginagawa.

"Sorry, sorry, sorry, sorry," natatarantang sabi ko saka patakbong bumaba habang sobrang bilis ng kabog ng puso. Nanlalamig rin ako sa kaba.

Hindi ko inaasahang makakakita ako ng ganoon sa malapitan.

Hindi ako inosente, alam na alam ko ang ginawa nila. They are having sex! At bukas pa ang pinto! Nakita ng amo namin na nakita ko at hindi aksidenteng nakita ko kasi sumilip talaga ako dahil sa halinghing na narinig.

"Feigh, anong nangyari sayo? Nakakita ka ba ng multo?" puna ni Ate Gina nang maabutan akong tumatakbo sa hagdanan.

"Ate—"

"Feigh, let's talk," nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang mababa at seryosong boses mula sa likuran. Napatingin ako sa itaas at nakita kong pababa ang amo namin na tanging sweatpants lang ang suot. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya kinabahan na ako ng sobra.

Tatanggalan niya na ba ako ng trabaho?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cynthly Blase Tusay
Ang bobo mo Jusko ka bat ka naninilip alam mo namn na ganyan Ang nangyari
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status