Share

Chapter 7

Author: Affeyly
last update Last Updated: 2022-08-10 06:52:43

Gulong-gulo ang isip ko at ayaw kong magulo pa ito lalo sa mga oras na ito. Ayaw kong isipin ang mga sinabi niya pero kusa itong kumakatok sa isipan ko kaya hindi ko magawang kalimutan. Hindi ako makapaniwala na napanaginipan niya ako at alam kong kamunduhan rin iyon.

I don't like this. May parang koneksyon kami na hindi ko matukoy at hindi ko alam kung gusto ko ba o hindi. Nagtatrabaho ako dito at gusto ko sanang magtrabaho ng tahimik. Pero paano kung mayroon ng mga ganito?

"Kanina ka pa hinahanap ni Manang Janet. Sana ka pa galing?" pabulong na tanong sa akin ni Tiya Mila nang pumasok ako sa kusina kaya napalunok ako ng mariin.

Kinalma ko muna kasi kanina ang sarili ko sa labas bago ako magpasyang bumalik dito sa kusina.

"Sorry po," sabi ko kaya napabuntong hininga si Tiya Mila na parang siya ang hirap na hirap.

"Feigh, umayos ka naman. Hindi mo na hawak ang oras mo diyo kasi nagtatrabaho tayo. Malalagot tayong pareho kapag patuloy kang aasta ng ganyan," sabi niya pa kaya napalunok ako bago tumango.

"Ayusin niyo na ang lamesa sa garden. Doon kakain si Senyorito ngayong umaga," masungit na utos ni Manang Janet kaya ako na ang napresente at si Ate Ann dahil kami ang walang ginagawa.

Sabay kaming pumunta sa garden at mabilis naming nilinis ang lamesang gawa sa salamin na nakakatakot upuan kasi baka mabasag. Ingat na ingat ako habang naglilinis at si Ate Ann naman ay nag-aayos ng malaking vase na nasa gilid lang malapit sa table. 

Bumabati sa amin ang mga hardinero at gwardya habang nagtatrabaho kami kaya si Ate Ann ay todo bati naman pabalik. Napangiti na lang ako sa inasta niya kasi para siyang teen ager kung umusta pero na ako nagsalita pa.

"Feigh, ilang taon ka nga ulit?" tanong niya sa akin matapos niyang kumaway-kaway sa mga gwardiya.

"Twenty po," magalang na sagot ko kaya napasinghap siya ng mahina dahil sa gulat.

"Ang bata mo pa pala. College ka na?" tanong niya ulit kaya tumango ako at ngumiti ng may panghihinayang para sa pag-aaral na pilit kong tinalikuran kasi kailangan kong maging praktikal sa mga gagawing desisyon. Praktikal para tumulong muna bago abutin ang gusto ko.

"Opo, natapos ko po ang 1st year ko at 2nd year na sana ako ngayong taon pero mag-iipon po muna ako," mahinang sabi ko kaya tumango-tango naman siya.

"Tama 'yan, kita mo 'tong mansion na 'to? Ang sarap manirahan na ganito tapos may mga katulong ka na isang utos mo lang susunod kaagad. Ang sarap maging mayaman kaya magtapos ka ng pag-aaral," sabi niya na sinang-ayunan ko naman kaagad dahil iyon rin ang gusto ko sa buhay.

Hindi ko man mabigyan ng ganito karangyang buhay si Nanay at Tatay pero gusto ko na kahit paano ay makaahon rin kami sa kahirapan. Iyong tipong hindi kami namomroblema ng pera araw-araw. At hindi namin kailangang mabaon sa utang para lang makakain ng tatlong beses sa isang araw. 

Kaya kailangan kong magsumikap para kahit paano ay magawa ko iyon ng paunti-unti.

Habang naglilinis ako ay salita naman ng salita si Ate Ann na parang aliw na aliw. Ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito kasi si Ate Gina at Tiya Mila ang lagi kong kasama kaya ngayon ko lang rin nalaman na masaya pala siyang kasama. Mataas ang pangarap niya sa buhay kaya halos halikan niya ang mga naglalakihang vase na nakatayo sa gilid.

"Dolyar ang halaga nito! Ang ganda hindi ba? Kasing laki ko na!" natutuwang sabi niya sabay yakap sa vase na halos kasing tangkad nga lang siya kasi maliit siya.

Napatawa ako ng kaunti saka marahan na tumango. Hindi pa siya nakuntento sa sagot ko kasi hinila niya pa ako para lumapit sa kanya at dinikit sa malamig na vase. Matangkad ako kaya mas mataas ako sa vase hindi kagaya ni Ate Ann na pantay lang talaga sa vase ang tangkad niya.

"Bakit kaya bumibili ang mga mayayaman ng ganito? Ang dami na nito dito sa mansyon. Kung medyo maliit lang 'to nanakawin ko na saka ibebenta," natatawang sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Pagagalitan tayo Ate, tara na," suway ko sa kanya pero umiling lang siya.

"Hindi 'yan, tara sa loob may mas magandang vase doon na kulay ginto. Nakita mo na ba 'yon? Tara, ipapakita ko," excited na tanong niya at hindi na ako nakapalag nang higitin niya ako papasok sa loob.

"Ate Ann, baka hinahanap na tayo ni Manang Janet—"

 "Titingnan lang natin ang gintong vase, chill ka lang," sabi niya sabay turo ng vase na tinutukoy niya na nakalagay malapit sa hagdanan. Tumango naman ako kasi nakita ko na at nakakamangha nga talaga dahil halatang purong ginto ito ginawa.

 "Ang ganda nga po," sabi ko habang nakatitig sa vase na ginto. Mabilis naman akong hinila ni Ate Ann palapit dito at nang makalapit ay kaagad niyang niyakap ay vase. Natawa naman ako kasi para talaga siyang bata kung umasta.

"At iyan din, may mga kristal pa sa paligid," sabi ni Ate Ann sabay turo sa isang vase na katabi ng gintong vase. Nakita ko ang malaking vase na babasagin na may kumikinang na mga kristal sa paligid.

Kapag mayaman talaga kahit ano na lang ang binibili. Hula ko milyon-milyon ang halaga ng mga vase dito sa mansyon na ito. Nakakatakot hawakan dahil kahit buong buhay akong kumayod ay hindi ko mababayaran ang ganyan kapag nabasag.

"Tara, picturan mo ako sa vase na 'to!" excited na sabi niya sabay bigay sa akin ng cellphone na galing sa bulsa ng apron na kasama sa uniform namin. Ayaw ko sana kaso pumwesto na siya sa vase na babasagin kaya kinuha ko na lang ang cellphone niya para kuhanan siya ng picture.

"Gandahan mo!" tuwang-tuwa na sabi niya sabay talon-talon ng bahagya. 

"Ito na po," sabi ko sabay pakita sa kanya ng picture na kinuha ko. Tumalon siya sa tuwa nang makita ang picture at kaagad niyang inagaw sa akin ang cellphone. Sa sobrang excited niya ay napatalon muli siya ng maraming beses sa tabi ng vase kaya nasagi niya ito.

Gumalaw ang vase at akmang hahawakan ko ito para hindi tuluyang matumba kaso nasagi muli ng siko ni Ate Ann kaya nabingi na lang kaming pareho sa tunog nang matumba at mabasag ito sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko at saka napalingon kay Ate Ann na namumutla na ngayon.

"Jusko ko!" nanginginig akong tumingin kay Tiya Mila na siyang kakarating lang. Mukhang rinig na rinig ang basag hanggang sa kusina kaya lahat sila ay lumabas. 

"Ma-Manang Janet," nanginginig na tawag ko sa mayordomang nanlilisik ang mga mata at parang kabado rin.

 "Feigh, nabasag mo?" tanong ni Tiya Mila kaya kaagad akong umiling ng maraming beses para tumanggi kasi hindi naman talaga ako ang nakabasag. Pero hindi ko kasi pinigilan si Ate Ann kaya pareho kaming may kasalanan.

She's now already crying beside me so my tears formed too. 

"What happened?" a cold voice suddenly invades our ears. Lahat kami napatingin sa hagdanan kung saan kasalukuyang naglalakad ang may-ari ng mansyon na ito. Kunot ang noo niya habang nakatingin sa amin at nang magtama ang mga mata naming dalawa ay mas lalo napakunot ang noo niya.

Ito na nga yata ang dahilan para mawalan ako ng trabaho. 

"Senyorito," tawag ni Manang Janet dito sabay yuko kaya napayuko na rin ako kasi ilang saglit na lang ay tutulo na ang mga luha ko. Mabilis akong hinila ni Tiya Mila palapit sa kanya at mas lalo kong narinig ang mga hikbi ni Ate Ann.

"What happened?" tuluyan na siyang nakalapit sa amin at napatingin siya sa basag na vase. Kita ko kung paano dumaan ang galit at inis sa mukha niya kahit pa na nakayuko pa ako ng bahagya.

"Senyorito, nabasag ng dalawang katulong ang banga na iyan," sumbong ni Manang Janet kaya napaawang ang mga labi ko para umalma kaso hindi ko na kayang magsalita pa dahil sa kaba at takot.

Mawawalan na nga yata ako ng trabaho. Ang sakit lang isipin dahil hindi man lang ako makakakuha ng pera na pwede kong maitulong sa mga magulang ko.

"F*ck! Do you know how much that costs?!" umalingawngaw ang malakas na boses sa buong mansyon kaya napatalon ako sa takot. 

"Pa-patawad po," umiiyak na sabi ni Ate Ann na lumuhod na talaga para magmakaawa. Pero sa nakikita kong galit sa mukha ng amo namin ay alam kong malabo na magpatawad pa siya.

Ito yata ang sinasabi nito na natatakot.

"Even if you sell your life it won't pay that vase," malamig na sabi ni Senyorito sa nakaluhod na si Ate Ann. Lumuhod na rin ako ng mabilis para magmakaawa dahil baka sakaling may awa rin siya para sa amin.

Humihikbi na rin si Tiya Mila at Ate Gina pero hindi sila nag salita.

"Sorry po, ibawas niyo na lang po sa sweldo namin ng paunti-unti," nanginginig na sabi ko sabay tinghala sa galit na amo kaya nahuli kong nakatitig siya sa akin ng mariin. Maluha-luha ko siyang tiningnan para magmakaawa pero hindi nawala ang galit sa buong mukha niya na parang gusto pumatay ng tao sa mga oras na ito.

Sadyang kay mahal yata talaga ng vase na nabasag. Kung ako ang nasa posisyon niya ay magagalit rin ako.

"Ibabawas sa sweldo? That's worth a million dollar, you think you can pay that?" malamig na tanong niya habang diretso ang tingin sa akin kaya nalula ako.

Milyon na dolyar? 

"Maawa po kayo, kailangan ko po ang trabaho na ito para sa pamilya ko. Maawa po kayo, Senyorito. Hindi ko na po uulitin. Maawa po kayo. Si Feigh po ang nakabasag ng vase. Maawa po kayo sa akin, Senyorito," sunod-sunod na sabi ni Ate Ann habang humahagulgol kaya nagulat ako nang isalin niya sa akin ang sisi.

Mabilis akong umiling pero hindi ko na nagawa pang depensahan ang sarili ko kasi tuluyan ng tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Hindi ako," mahinang sabi ko habang patuloy na umiiling sa mga pinagsasabi ni Ate Ann kasi pilit niyang binabaling sa akin ang lahat ng kasalanan. 

"Maawa po kayo. Huwag niyo po akong tatanggalin kasi hindi naman po ako anh may kasalanan," sabi pa ni Ate Ann. Gusto kong magalit dahil sa mga kasinungalingan niya pero naiintindihan ko siya dahil importante sa kanya ang trabahong 'to.

"You are fired. Pack your things and don't ever step on this land again," malamig na sabi ng amo namin kaya nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumingin dito. I saw him looking at Ate Ann.

Tanggal na rin ako.

"Senyorito—"

 "Hindi ko kailangan ng pagmamakaawa mo. Get out of my place now. I don't need a careless maid in my mansion," dagdag niya pa kaya mas lalong naglupasay si ate Ann sa kakaiyak.

Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon kay Ate Ann ay mabilis siyang bumaling sa akin. Kasalukuyan pa rin akong nakaluhod habang nakatinghala sa kanya kaya nagtama ang mga mata namin. Hindi ko na makita ang mapaglarong mga mata niya dahil puro na ito galit ngayon.

"Sorry," I mouthed so his jaw clenched.

"Feigh, follow me. We'll talk about your carelessness," malamig na sabi niya saka tuloy-tuloy na naglakad sa taas. Naiwan akong nakanganga dahil sa narinig mula sa kanya at hindi ito maproseso ng maayos sa utak ko.

Mag-uusap kami? Hindi pa ako matatanggalan ng trabaho?

"Feigh, kausapin mo na si Senyorito. Gawin mo lahat ng ipapagawa biya para huwag ka niyang tanggalin. Isipin mo na para sa Nanay at Tatay mo ito," sabi ni Tiya Mila saka ako tinulungan na tumayo kaya aligaga naman akong tumango.

"Si Ate Ann po paano?" tanong ko sabay tingin kay Ate Ann na umiiyak pa rin ng todo.

"Sarili mo ang isipin mo. Bilis!" sabi ni Tiya Mila saka tinulak na ako papunta sa itaas kaya wala na akong magawa kundi tumakbo paakyat dala ang sobrang lakas na kabog ng puso ko.

Hindi ko alam kung nasaan si Senyorito kaya pumunta ako sa harapan ng kwarto niya. Nakaawang ng bahagya ang pinto kaya sumilip ako ng dahan-dahan. Hindi ko na naisip pang kumatok dahil nakita ko siyang nakatayo sa balkonahe ng kwarto niya.

Napalunok ako saka dahan-dahan na pumasok kaya mabilis niya akong tiningnan. Nanuyo ang mga mata ko nang makita ang mga mata niyang walang kasing lamig.

"Senyorito," mahinang bati ko sa kanya.

"Are you willing to pay for what you broke?" tanong niya kaya napatango ako.

"Opo," sagot ko habang nakayuko ng bahagya kaya tumaas ng bahagya ang gilid ng labi niya.

"Good, come here," sabi niya kaya hindi ako nagdalawang isip na humakbang palapit sa kanya. 

Mas gugustuhin kong mabawasan ang sweldo ko dito kaysa mawalan ng trabaho dahil maghahanap ulit ako kung iyon nga ang mangyayari. 

Dahil sa bagal ng paglalakad ko at sa laki nitong kwarto niya ay parang nainip siya kaya sinalubong niya ako. And the next thing he did shocked me a lot.

"You'll pay then," nakagising sabi niya sabay bato sa akin sa malambot na kama na nasa likuran ko lang kaya bahagya akong napahiga dito. 

Anong klase ng bayad ang tinutukoy niya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Rosalina Perez
nakaka stress basahin pag tanga ang bida
goodnovel comment avatar
Nan
May pinag-aralan piro Tanga parin,mawawala sa sarili Kong makakita Ng pogi.
goodnovel comment avatar
Uldan D. Langres Azores
Sana mabasa ko chapter 8
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loving a Billionaire   Special Chapter

    Special Chapter"Baby, let's go home. Your Mom will scold us again later," natatawa na bulong ko sa anak nami na gustong-gustong tingnan ang mga bakang nagtatakbuhan dito sa Hacienda.I can't believe that she's three years old now. Ang bilis ng panahon. And she's growing up too bright. She's way far advanced than the kids her age. "Daddy, no!" she said while shaking her head so I laughed even more.Noon hiniling ko na sana maging kamukha siya ni Feigh. At ngayon kamukhang-kamukha nga niya ang Mommy niya. But she got my attitude. And it's so hard to deal with myself."Come on, mapapagalitan ako," sabi ko saka mabilis na siyang binuhat pabalik sa kotse. She pouted but after a while she nod."Daddy, I want ice cream," she suddenly murmured while I am driving our way back to the mansion. At tama nga ako na mapapagalitan na naman ako dahil kaagad kong nakita si Feigh na nakaabang sa hamba ng pinto.This little spoiled brat. Her Mom will scold me again."Mommy!" Anika shouted before running

  • Loving a Billionaire   Epilogue

    "Dude, Sam is so beautiful and her body d*mn! She's so f*cking hot! Make her your girl!" Gin said while laughing so I smirk before shaking my head.No way."She's good in bed. I don't repeat girls," sabi ko bago ko nilagok ang kaunting beer na natitira sa bote na hawak ko.I smirk as I fixed my tie. Nilapag ko ang bote ng beer sa lamesa ko saka inikot ang swivel chair para makita ko ang maganda tanawin sa labas ng building. I can't choose between city and province. Parehong maganda. But I don't need to choose where to stay. I have the money, so why choose right?Gin laughed so hard."And why? Kung si Sam lang naman hindi ko na papakawalan. She's hot, too bad she's crazy over you. Or don't tell me you like Daisy? In our province?""Tsk, I already tasted her," sabi ko. Not planning to f*ck her again.Girls, they are just a waste of time. I just need them to satisfy my needs. They become clingy and sweet which I hate. Kaya kapag kama lang, kama lang. I don't think I'd want the same girl

  • Loving a Billionaire   Chapter 59

    After Luke left I immediately called Ate Gina. Mabuti at napilit ko siyang umalis noong may tumawag para papuntahin siya sa plantation. Ayaw niya pa noong una pero napilit ko na maayos lang ako kaya umalis pero alam kong babalik rin siya kaagad.I couldn't think straight. Kabado ako ng sobra.Tama ba ang iniisip ko?It's not possible!Dahan-dahan ko na hinimas ang tiyan ko at iyon din ang pagpasok ni Ate Gina."Ate, pasuyo po," sabi ko kaagad kaya nagulat siya sandali."Sige naman, ano iyon?""Pwede po ba akong magpabili ng pregnancy test?" Biglang nanlaki ang mga mata niya at namutla pa siya dahil sa sinabi ko. Hindi kaagad siya sumagot pero kalaunan ay tumango na rin siya kaya bumuga ako ng hangin.Bakit hindi ko naisip kaagad?Bakit hindi ko naisip na hindi ako nadatnan ngayong buwan?Am I pregnant with Luke's child?Mabilis na umalis si Ate Gina sa kwartl dahil sa pinasuyo ko. Hindi ko maiwasang kabahan ng sobra-sobra at nanlalamig rin ang parehong mga kamay ko. Hindi ako makampan

  • Loving a Billionaire   Chapter 58

    The next morning I woke up so early. Kaagad kong kinusot ang mga mata ko saka hinila ang kapirasong comforter na tumatabon sa katawan ko. I am very naked right now, same as the man beside me. Nang bahagya ko siyang tapikin ay gumalaw siya. Pero hindi lumayo kasi mas yumakap lang siya sa akin. He's hugging me real tight and I can't help but to smile. "Luke, gising na," mahinang sabi ko pero isang mahinang daing lang ang sinagot niya."Aren't you tired?" paos at antok na tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin kaya napasimangot ako.I am so hungry."Luke, get up," sambit ko pero wala lang sa kanya iyon.Inis ko siyang tinalikuran. I thought he'd argue with that but he spooned me. Napasinghap ako sa ginawa niya. We are both naked for goodness sake.Nasa batok ko na ang hininga niya. Nakakakiliti. "Luke," saway ko."Hmmm," sagot ko.And I panicked when I felt his hand caressing my flat stomach up to my breasts. Nang matagpuan ng kamay niya ang dibdib ko ay kaagad niya iyong pinagla

  • Loving a Billionaire   Chapter 57

    Nothing happens. After we kissed I showered because someone called in his phone. Matapos kong maligo ay kaagad kong tiningnan ang mga damit na binili niya. I am not sure if he's the one who really bought this because everything looks amazing. At size ko lahat.Of course he knows my size!I chose the simplests one. The thin spaghetti strap dress below my knee. Napanguso ako dahil hindi ako sanay sa ganito pero wala akong choice kasi halos lahat ganito. Kung hindi dress ay pants naman. No shorts.Nang lumabas ako sa closet niya ay naabutan ko siyang nakaupo sa kama at tutok na tutok sa laptop. Wala pa rin siyang damit pang itaas. Mukhang naramdaman niya kaagad ang presensya ko kaya mabilis siyang lumingon sa akin. Nang magtama ang mga mata namin ay kaagad niyang sinara ang laptop niya."It's already lunch time," sabi niya saka mabilis na tumayao mula sa kama. Inisang hakbang niya ang pagitan namin saka mabilis niyang pinulupot ang braso niya sa baywang ko. He smirks before looking at

  • Loving a Billionaire   Chapter 56

    Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko nang makaramdam ako ng lamig. Ang una kong naaninagan ay ang makapal na comforter na nakabalot sa akin. My forehead creased and I immediately roamed my eyes around the room. Napalunok ako ng maalala ang mga nangyari.Galing sa pagmamasid sa buong paligid ay dumapo ang mga mata ko kay Luke. The bed is huge, probably his bed. Ang layo niya sa akin. "Luke," mahinang tawag ko sa kanya at hindi ako makapaniwala dahil kaagad siyang napamulat. Mahina ang pagtawag ko kaya hindi ko akalaing magigising siya kaagad."Your head is still hurting?" medyo paos na tanong niya habang papikit-pikit pa dahil sa biglaang pagkagising."No," mahinang sambit ko.He's too far from me. "Hug," mahinang sambit ko saka ako na mismo ang lumapit sa kanya. I felt him stiff because of what I did but I don't care.Inunan ko ang ulo ko sa isang braso niya saka siniksiia ko ang mukha sa dibdib niya. Hindi niya ako niyakap kagaya ng dati niyang ginagawa kaya napahinga ako ng m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status