Share

Chapter 2

Pinagalitan ako ni Manang Janet dahil sa kapalpakan ko sa unang araw ng trabaho. Wala akong nagawa kundi yumuko na lang at pakinggan ang mga masasakit niyang salita dahil kasalanan ko rin naman. Nagtatrabaho ako dito at kailangan kong pagbutihin kasi dito nakasalalay ang pag-aaral ko at ang gamot ni Nanay.

Sadyang nagulat lang ako sa taglay na itsura ni Senyorito. Walang ganoong itsura sa bayan namin kaya hindi ako sanay. Para talaga siyang diyos para sa akin. Literal na diyos kasi ang hirap abutin.

"Hoy!"

Napaigtad ako ng bahagya dahil sa panggugulat ni Ate Gina. Matamlay ko siyang nginitian kaya sinundot niya ako sa tagiliran ng pabiro.

"Iniisip mo si Senyorito? Ang gwapo hindi ba?" nanunudyong sabi niya kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Nakakahiya Ate Gina, nagkamali ako sa unang araw ko," nahihiyang sabi ko sabay yuko.

"Huwag mo ng isipin iyon. Mabuti at hindi ka nasisante dahil maganda yata ang mood ni Senyorito kanina. Pero hindi ko talaga makalimutan ang malagkit niyang tingin sayo! Naku! Mag-ingat ka, Feigh. Huwag kang padadala sa karisma ng amo natin kung sakali."

Napalunok ako ng mariin sa sinabi ni Ate Gina. Alam kong imposible naman wng mga sinabi niya pero tumango pa rin ako. Imposible namang mapansin ako ni Senyorito. Marami naman siguro ang kakilala nitong mayayaman at magagandang mga babae.

"Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Magtrabaho na tayo dahil baka pagalitan tayo ni Manang Janet," sabi niya sabay tawa kaya natawa na lang rin ako ng mahina saka pumasok na rin sa loob ng mansyon para tumulong.

Ilang ulit akong pinagsabihan ni Tiya Mila na mag-ingat kaya ingat na ingat rin ako. At malaking tulong na hindi ko na ulit pang nakita ang amo namin sa buong araw na iyon.

"Luke Montero," mahinang sabi ko sa buong pangalan ng amo namin na siyang sinabi ni Ate Gina kanina.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sarili kong kama dito sa loob ng quarters namin. Ang mga kasamahan ko ay tulog na habang ako ay dilat na dilat pa rin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog gayong pagod na pagod ako sa trabaho.

Dahan-dahan akong tumayo nang makaramdam ng uhaw saka walang tunog na lumabas. Nakasuot lang ako ng isang malaking t-shirt na hanggang gitna ng hita ko saka manipis na shorts na palagi ko ring suot kapag natutulog. 

Mabilis akong nakaramdam ng lamig kaya madali akong pumasok sa pinto mula sa likod papunta sa kusina ng mansyon. Dahan-dahan akong lumapit sa malaking refrigerator upang kumuha ng tubig pero bago ko pa mabuksan iyon ay natanaw ko ang isang bulto ng lalaki na papalapit kaya nataranta ako.

Unti-unting lumapit ang bulto na nakikita ko kaya naging malinaw sa akin kung sino siya. Napaawang ang mga labi ko saka nanlaki rin ang mga mata ko nang makita si Senyorito na parang modelong naglalakad papalapit sa refrigerator na katabi ko lang. Tanging hapit na hapit na boxer shorts lang ang suot niya.

Kita ko ang magandang hubog ng katawan niya at para akong nawalan ng kakayahang huminga dahil dito.

Nang tuluyan siyang makalapit ay nagtama ang mga mata namin. Naamoy ko rin ang matapang na amoy niya na nakakaadik. 

"Ma-Magandang gabi po, Senyorito," kabadong bati ko sabay yuko at atras palayo sa refrigerator na binuksan niya.

Sandali siyang napa sulyap sa loob ng refrigerator saka muli niya ulit itong sinara na walang kahit anong kinukuha. Muli kong nakita ang magandang hubog ng katawan niya. Ang tiyan niya ay tila kay sarap hawakan dahil sa mga parang pandesal na nakadikit dito.

Nang-init ang pisngi ko nang unti-unti kong binaba ang tingin sa pang-ilalim na parte ng katawan niya.

"What are you doing here?" tanong niya gamit ang malamig at malalim na boses kaya napalunok ako saka napatingin sa mga mata niya.

I saw him watching me like a hawk again. Ang itim niyang mga mata ay nakatutok sa akin na parang gustong-gusto niya akong kainin sa mga oras na ito.

"W-wala po, Senyorito," nanginginig na sagot ko. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko habang nakatingin sa mga mata niya.

Ilang sandali pa ay bumaba ang tingin niya sa katawan ko kaya napahawak ako ng mahigpit sa dulo ng malaking t-shirt na suot. Amoy na amoy ko ang bango niya at parang gusto kong pumikit para mas lalo siyang maamoy.

Ilang sandali pa ay napapikit nga ako dahil bigla siyang lumapit. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko kaya mas nanginig ako sa kaba. Dumikit na rin sa akin ang katawan niya kaya nanghina ako ng tuluyan.

Napaatras ako para lumayo kaso napasandal ako sa island counter dahil doon. Nanlaki ang mga mata ko saka muling napabaling sa kanya. I saw him smirking like a villain.

"Senyo-rito," utal na sambit ko habang nakatingin sa mga mata niyang tila nag-aapoy.

Takot ako at kabado sa mga oras na ito pero hindi ko alam kung bakit may humahalong galak sa akin. Dahan-dahan kong nilagay ang dalawa kong palad sa walang damit niyang dibdib para itulak siya palayo ngunit hindi ko rin nagawa.

He smirk soundly. Tila tuwang-tuwa siya sa mga nangyayari ngayon habang ako ay hindi na alam ang gagawin.

"Aalis na po ako," mabilis at kabadong sabi ko pero hindi ko naman alam kung paano umalis sa gitna ng mga braso ng amo ko. Nakakulong na ako ngayon sa gitna ng dalawa niyang bisig at sobrang lapit na namin sa isa't-isa.

Wala akong naaamoy na alak mula sa kanya kaya sigurado akong hindi siya lasing. Pero anong ginagawa niya? Bakit siya ganito? Ganito ba siya sa mga katulong dito sa mansyon?

Biglang may kumalabog na kung ano sa likuran at dahil doon ay napabaling siya dito. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tumakas ang nagawa ko naman. Tumakbo ako palabas sa pintuan sa likuran at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Manang Janet.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong niya sa akin kaya napalunok ako. Ang kaba ko kanina ay mas nadagdagan pa ngayon.

Nakita niya ba ang mga nangyari?

"Nauhaw po ako," mabilis na sabi ko saka mabilis siyang nilagpasan.

Hingal na hingal ako nang bumalik sa quarters. Ramdam na ramdam ko pa rin ang kakaibang init sa leeg ko kung saan kanina tumatama ang hininga ng amo namin. At hanggang ngayon ay nandito pa rin sa ilong ko ang taglay niyang bango.

Mabilis akong humiga sa kama na para sa akin saka nagtalukbong ng kumot. Mariin akong pumikit para pilitin ang sariling matulog pero hindi ko kaya. Pabalik-balik sa isip ko ang magandang hubog ng katawan niya at kung gaano ito kainit nang dumikit sa akin kanina. Hindi ko maipagkakailang magandang lalaki siya pero normal lang ba iyon?

Nakatulugan ko ang pag-iisip sa bagay na iyon at nagpapasalamat ako dahil maaga pa rin akong nagising kaya hindi ako napagalitan.

"Feigh, ihatid mo ito sa kwarto ni Senyorito," biglang sabi ni Manang Janet kaya nanlaki ang mga mata ko.

Nakita ko ang isang tasang kape na hawak niya kaya kahit gusto kong tumanggi ay alam kong hindi pwede kasi nagtatrabaho lang ako dito. Pinili kong iwan ang pagpupunas ng mga plato para sundin ang utos niya.

"Saan po ang kwarto niya?" mahina at magalang na tanong ko.

"Sa itaas, ang unang kwarto na makikita mo ay iyon na 'yon," simpleng sabi niya kaya napatango naman ako saka kinuha ang kapeng dadalhin ko.

Ayaw ko sanang makita ang Senyorito dahil sa kahihiyang nangyari kagabi pero hindi ko maiiwasan.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa itaas at biglang napalitan ng mangha ang kaba ko. Tunang ngang kay laki ng mansyon na iyo. Ang hagdanan ay madulas at sobrang laki. Nakakapagod umakyat pero ang ganda.

"Senyorito," mahinang tawag ko nang makarating ako sa unang pinto na nakita ko.

Walang sumagot galing sa loob kaya kumatok ako ng ilang ulit pero wala pa rin. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko saka napatingin sa kape. Kung babalik pa ako sa kusina para magtanong ulit kay Manang Janet ay baka pagalitan niya ako.

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at nagulat ako dahil hindi ito naka-lock. Pumasok ako ng dahan-dahan sa malaking kwarto at nakumpirma ko na ito nga ang kwarto ni Senyorito dahil sa nakakaadik na amoy na naamoy ko sa kanya kagabi.

Napatingin ako sa kulay itim na kama na magulo pa. Sobrang laki ng kwarto at halos mas malaki pa ito sa kabuuan ng bahay namin sa kabilang bayan. Nagpalinga-linga ako para hanapin ang amo pero hindi ko siya nakita kaya dahan-dahan kong nilapag ang kape sa center table ng living room set dito sa loob.

Aalis na dapat ako kaso naging kuryuso ako sa mga bagay-bagay na nandito. Napatingin ako sa malaking painting sa ibabaw ng kama. He looks like a rough boss in that portrait. Napangiti ako ng maliit saka dahan-dahan na lumapit sa kama para ayusin iyon. Matapos kong ayusin ang kama ay naglakad ako palapit sa pinto para lumabas kaso biglang bumukas ang pinto sa hindi kalayuan kaya nanlaki ang mga mata ko't napabaling doon.

Bumilis ang kabog ng puso ko nang makita si Senyorito na basang-basa pa. At ang mas nakakagulat at wala siyang suot na kahit ano. Literal siyang hubo't hubad sa harapan ko ngayon. 

Kaagad akong nanginig at pilitin ko man ang sarili kong huwag siyang hagurin ng tingin ay hindi ko nakayanan. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang malaking bagay sa pagitan ng mga hita niya.

"You again," matamang sabi nito sa akin kaya mabilis akong tumalikod. Pinihit ko ang doorknob para buksan kaso sa pagkakataranta ko ay nakalimutan ko na kung paano.

"Diyos ko po," kabadong sabi ko habang pilit na binubuksan ang pinto kaso ayaw.

"Do you know what I hate the most? Ayaw na ayaw kong may pumapasok sa kwarto ko na kahit sino. Hindi ka pa nila pinagsabihan?"

Nanginginig ako sa takot lalo pa noong sinabi niya iyon. Masisisante na talaga ako nito.

"Sorry po, sorry po, sorry po. Hindi ko po alam. Hinatid ko lang po ang kape," takot na takot na sabi ko habang sa pinto lang nakaharap.

Hindi ko alam kung tinakpan niya na ba ang hindi ko dapat makita pero kahit ganoon ay nakita ko na! Kitang-kita ko na kanina!

Napatalon ako sa gulat nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Pinaghalong init at lamig ang palad niya kaya nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. He caressed my right arm  motion and heat spread all over my body quickly.

"Senyorito," nanginginig na sabi ko pero matunog lang itong ngumisi.

Tila gusto kong makita ang reaksyon niya kaya dahan-dahan akong humarap. He's still naked. Hindi man lang nag-abalang takpan ang pang-ibaba niyang katawan. Kitang-kita ko ang mga hindi dapat nakikita ngayon. At gusto ko mang umiwas pero paano? Hindi ko rin magawa kasi para akong nahipnotismo.

"Feigh right?" tanong niya gamit ang medyo paos na boses.

He's still caressing my arm. Gusto kong sumigaw ay magwala kasi biglang nag-init ang buo kong katawan at hindi ko alam kung bakit. 

"O-opo," nanginginig na sabi. Gusto kong umalis pero parang ayaw ko rin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Nanindig ang balahibo ko at hindi ako mapakali. Siya naman ay tila walang problema kung makadikit sa akin. Parang wala lang sa kanya na kitang-kita ko na ang lahat ng parte ng katawan niya na dapat ay tinatago lang.

"Senyorito, handa na po ang agahan ninyo," nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang nagsalita sa labas.

Biglang bumalik ang lakas ko kaya naitulak ko siya para lumayo sa akin. Dali-dali kong binuksan ang pinto at sa pagkakataong ito ay nakisama naman ito. Gina's shocked face welcomed me.

"Feigh?" gulat na tanong niya pero mabilis lang akong tumakbo pababa habang pawis na pawis dahil sa mga nangyari.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin sa mga nangyari. Bakit siya ganoon? Bakit siya ganoon sa akin? Hindi ito normal, alam ko! Pero bakit ganito? Bakit ganyan? Bakit ganyan siya at ako naman ay parang hinayaan ko rin?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Barbara Manianita
palagay ko? subrang tanga at bobo ng kabaro kong bida hysst
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status