Mabilis akong bumalik sa kusina dala ang puso na sobrang lakas ng kabog. Pagpasok ko sa kusina ay hindi sinasadyang nabagsak ko ang basket sa island counter kaya lahat ng mga kasamahan kong katulong ay napatingin sa akin."Feigh, mag-ingat ka," mabilis na sabi ni Tiya Mila kaya bigla akong bumalik sa matino kong pag-iisip."Sorry po," sabi ko sabay kuha sa basket at maayos itong pinatong sa tabi ni Manang Janet na kunot ang noo habang nakatingin sa akin. Na parang anumang oras ay pagagalitan niya ako."Kayo, huwag kayong pakalat-kalat malapit sa swimming pool. Gina pagsabihan mo ang mga hardinero na huwag lumapit sa swimming pool para hindi maka-istorbo kina Senyorito at mga kaibigan niya. Hindi natin gusto na mapagalitan tayong lahat," seryosong sabi niya kaya napalunok ako."Sige po, Manang Janet," sagot ni Ate Gina saka mabilis na lumabas ng kusina para pagsabihan ang mga hardinero na siyang inutos ni Manang Janet.Dahan-dahan akong lumapit sa malaking refrigerator. Akmang bubuksan
Gulong-gulo ang isip ko at ayaw kong magulo pa ito lalo sa mga oras na ito. Ayaw kong isipin ang mga sinabi niya pero kusa itong kumakatok sa isipan ko kaya hindi ko magawang kalimutan. Hindi ako makapaniwala na napanaginipan niya ako at alam kong kamunduhan rin iyon.I don't like this. May parang koneksyon kami na hindi ko matukoy at hindi ko alam kung gusto ko ba o hindi. Nagtatrabaho ako dito at gusto ko sanang magtrabaho ng tahimik. Pero paano kung mayroon ng mga ganito?"Kanina ka pa hinahanap ni Manang Janet. Sana ka pa galing?" pabulong na tanong sa akin ni Tiya Mila nang pumasok ako sa kusina kaya napalunok ako ng mariin.Kinalma ko muna kasi kanina ang sarili ko sa labas bago ako magpasyang bumalik dito sa kusina."Sorry po," sabi ko kaya napabuntong hininga si Tiya Mila na parang siya ang hirap na hirap."Feigh, umayos ka naman. Hindi mo na hawak ang oras mo diyo kasi nagtatrabaho tayo. Malalagot tayong pareho kapag patuloy kang aasta ng ganyan," sabi niya pa kaya napalunok
The soft mattress on my back did not comfort me. Nagbigay pa ito lalo ng kaba at takot sa akin kung bakit niya ako tinapon pahiga sa kama niya."P-Po?" kabadong tanong ko pero ngumisi lang siya saka unti-unti na lumapit sa akin. Itim na sando ang suot niya saka sweatshorts na kaya kitang-kita ang magandang built ng katawan niya. Napalunok ako ng dahan-dahan at may choice akong tumakbo paalis sa kama at tuluyang lumabas ng pinto kasi bukas naman ito pero hindi ko ginawa. Sa lalo niyang paglapit ay mas umakyat lang ako sa kama para lumayo ng kaunti.Namamawis ako ng sobra kahit hindi naman mainit at nanlalamig ako. Bahagyang nakabuka ang hita ko kaya umangat ang uniporme na suot ko. Saglit na tumingin ang mga mata niya sa hita ko pero kaagad rin niya iyong binalik sa mukha ko habang nakangisi.Dapat akong umalis ngayon at umiwas pero bakit ayaw ko? Bakit gusto ko ring manatili para malaman kung ano ang gusto niyang gawin?"This is the payment that I want," medyo paos na sabi niya saka m
Ayaw kong sundin ang sinabi niya kaso sinamaan niya ako ng tingin. Wala sa sariling napatingin ako kay Ate Gina na nakatingin na rin sa akin kaya awkward akong ngumiti dito. "Opo," sabi ko waka muling bumaling sa harapan kung nasaan siya. I saw him staring at me still. Tila may inis sa mukha niya kaya dahan-dahan akong yumuko habang paunti-unti na naglalakad paalis doon. Iniwan ko na si Ate Gina na wala naman yatang balak na umalis.Hindi ako sigurado kung saan ako pupunta. Kung sa quarters ba o sa kitchen para magpaalam muna kay Manang Janet. I sighed because I couldn't decide. Hindi ko gustong sumama kay Senyorito sa totoo lang kasi kabado ako kapag nasa paligid siya. Palagi kong iniisip na may gagawin kaming hindi maganda at ayaw ko iyon. I mean, I don't want it but I want it at the same time. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.Imbes na magpaalam muna kay Manang Janet ay pinili ko na dumiretso sa quarters para magbihis. At dahil wala naman akong mga magagandang damit ay ang luma
Hindi na ako gumawa pa ng tunog o kahit anong galaw habang nasa loob kami ng kotse niya. Pinakikiramdaman ko ang sitwasyon at masasabi ko na galit talaga siya sa hindi ko malamang dahilan. Kaagad akong nakaramdam ng lungkot dahil dito kasi inakala ko na kahit kaunti ay magiging maayos ang araw na ito. Pero mali pala ako.May nagawa yata akong mali sa paningin niya. Napahiya ko ba siya? O masyado akong nag-inarte sa mga kabayo kanina?Dahil sa matindi kong pag-iisip ay huli ko na namalayan na nasa tapat na pala kami ng mansyon niya. Kaagad akong sumulyap sa kanya para magtanong pero nang makita ko ang malamig niyang mga mata na diretso sa akin ay parang umatras na lahat ng katanungan sa isip ko."Stay here," sabi niya sa malamig na paraan kaya biglang may kumirot sa dibdib ko sa mga oras na iyon.Kahit naguguluhan ay marahan akong tumango saka ngumiti ng maliit.Gamit ang nanginginig na kamay ay tinanggal ko ang seatbelt na suot habang siya ay tahimik na diretso lang ang tingin sa hara
He started walking while still carrying me like a baby. Todo ang kapit ko sa kanya kasi ayaw kong mahulog. And I want to feel his hot body against my burning skin. Hindi ko na kaya pa ang mga nararamdaman ko sa oras na ito. "Sh*t," mahinang mura niya ulit at sabay kaming natigilan nang may pumutok sa labas.My eyes widened in shock. At hindi ako nakapaghanda noong binaba niya ako. I am still topless so I quickly picked my shirt before wearing it again."Ano 'yon?" natatarantang sagot ko kaya tiningnan niya ako bago suya umiling."I'll go check," sabi niya at mabilis niya akong iniwan doon habang nakaawang ang mga labi. Gusto ko siyang sundan pero imbes na gawin iyon ay tahimik na lang akong bumalik sa quarters. Namataan ko pa na may mga gwardyang nagtatakbuhan kaya mas binilisan ko ang paglalakad pabalik ng quarters. Saktong pagbukas ko ng pinto ng quarters ay tumambad sa akin sila Tiya Mila, Ate Gina, Ate Andeng at Manang Janet na mukhang biglang nagising dahil sa putok."Feigh! Sa
Sa kabila ng sakit na nararamdaman ay nagawa kong ipakita sa mga kasama na maayos lang ako. Pero matapos kumain ang agahan ay muli akong nakaramdam ng kaba dahil sa naalalang sinabi ni Senyorito kanina. Hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi. Hindi ko alam kung iiwas ba ako o patuloy na lulusong sa apoy na gawa niya."Feigh, hanap ka ni Senyorito sa taas," sabi ni Tiya Mila nang pumasok siya sa kusina kaya napatalon ako ng bahagya sa gulat.Bigla ring bumilis ng tibok ng puso ko na parang mawawalan ako ng hangin."P-po?" nanginginig ma sagot ko. Nag-umpisang magpawis ang mga kamay ko sa kaba."May ipapagawa yata sa iyo. Sa kwarto raw niya ka pumunta," normal na sabi ni Tiya Mila kaya napalunok akong muli ng mariin."Mabilisan mo na, huwag mong paghintayin si Senyorito," biglang singit ni Manang Janet kaya dumoble ang kabang nararamdaman ko ngayon."Bilisan mo, baka high blood na 'to," bulong ni Ate Gina kaya dali-dali akong lumabas ng kusina.Nang makarating ako sa hagdanan ay bigl
Dumaan ang ilang araw at ilang linggo ay hindi pa rin umuuwi ang Senyorito. Si Manang Janet ang umastang parang may-ari ng buong mansyon ay siya ang nag-utos sa amin ng kung ano-ano. Wala akong ibang magawa kundi sumunod. Matamlay ang buo kong katawan sa bawat araw na lumilipas at pilitin ko mang maging masigla ay hindi ko talaga magawa."Ayusin niyo ang paglilinis. Saka ikaw, Feigh, dalhan mo ako ng juice dito, ngayon na," striktang utos ni Manang Janet habang siya ay komportableng nakaupo sa couch at halos humiga na."Opo," sabi ko saka mabilis na sinunod ang utos niya.Lahat kami ang abala sa paglilinis ng mga sahig kahit wala namang dumi kasi pinakuskos ni Manang Janet ang bawat sulok. Sobrang kintab na ng mga tiles pero hindi pa siya kunteto kaya halos mamatay na kami sa pagod pero wala ni isang nagreklamo. Rinig kong pinalinis niya rin ang lahat ng mga sasakyan sa garahe na hindi ginagamit."Bruha, feeling may-ari," biglang sabi ni Ate Gina na sumabay sa akin kasi inutusan rin si