Share

Chapter 18

Bawat oras na lumilipas ay mas lalong dumaragdag ang sakit na nararamdaman ko. Avoiding him isn't easy. Pero umabot ang dilim at nakayanan ko. Nakayanan kong umasta na parang walang nangyari kasi iyon rin ang pinapakita niya. Pero sa loob-loob ko ay gusto ko ng sumigaw sa sobrang sakit. Gusto kong magwala at magmakaawa kasi ang sakit-sakit talaga. Pero hindi pwede. Ang tangi ko na lang na magagawa ay magtiis hanggang sa mawala ang nararamdaman kong 'to.

"Sa susunod na Sabado baka maaari kang umuwi muna sa kabilang bayan para bisitahin ang Nanay at Tatay mo," sabi ni Tiya Mila sa akin nang maabutan akong tulala habang nakaupo sa kama ko. Kaagad ko siyang nilingon saka nginitian ng pilit.

"Salamat po," mahinang sabi ko.

Ilang linggo pa lang akong nagtatrabaho dito pero ito na ang nangyari.

"Sahod na natin bukas. Iyon ang unang sahod mo at malaki-laki iyon. Ipapadala mo ba sa atin?" tanong niya ulit.

Napaawang ang mga labi ko dahil sa narinig. Nakalimutan ko na yata na may paparating ak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Joel Antonio
Kc nga pompok dating MO
goodnovel comment avatar
Alma Juezan
please continue the story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status