Dahil maaga siyang nagsara ng flower shop ay naisip ni Dawn na mag-ikot-ikot muna sa mall.
Wala naman siyang gagawin sa bahay at wala rin naman siyang daratnan doon.
Mula nang mag-asawa ang kapatid ay solo niya na ang bahay na dati ay inoukupa nila. Hindi pumayag si Greg na ito ang makisukob ng bahay sa kanila. Ayon dito, ito ang lalaki at kaya niya namang mag-provide ng bahay para sa pamilyang balak nilang buuin.
Tama naman ito sa kabilang banda, minsan lang ay hindi rin niya maiwasang malungkot. Nasanay na kasi siya na kasama niya ang kapatid.
Nang mapadaan siya sa isang window kung saan naka-display ang iba't-ibang mga gamit pang-baby, mula sa damit, feeding bottles, mga laruan, at kung anu-ano pa. Naalala niya ang kapatid.
Natutuwa siya at sa wakas ay buo na ang pamilya nito. Ilang buwan na lamang ay makikita na nila ang magiging anak nito at ni Greg. Hindi pa man ay excited na siya sa pamangkin.
Wala sa loob na dinala siya ng mga hakban
"SIS, ready na ba kayo sa pagsundo kila Mommy mamaya?""Sorry, ate, pero baka hindi ako makasama. Si Greg na lang. Sama talaga ng pakiramdam ko. Ito na yata 'yung sinasabi nilang morning sickness."Bakas sa tinig ni Toni ang pananamlay sanhi ng sama ng pakiramdam na nagdulot ng labis na pag-aalala kay Dawn."Are you okay? Nasaan si Greg?" nag-aalalang tanong niya rito.Sabi niya na nga ba at hindi magandang ideya na ilihim nito sa asawa nito ng pagbubuntis nito."Nasa kitchen, ate... nagluluto ng soup. Para raw mainitan sikmura ko.""You're crazy, sis. Bakit kasi ayaw mo pang aminin sa asawa mo, eh. Mamaya n'yan may mangyari pang masama sa inyo ng baby mo, walang kamalay-malay 'yang asawa mo." sermon niya rito sa malumanay na tinig.Ayaw niya nang dagdagan pa ang stress ng kapatid."Please, ate... ilang araw na lang naman, eh, kasal na namin.""Loka-loka ka talaga. Bahala ka. Just take care, okay? And, ako na lang ang su
AFTER the unexpected kiss, hayun sila at parang walang nangyari. Niyaya siya nito pabalik sa loob upang makihalubilo sa mga kaibigan niya, na halos ay kilala rin naman ni Art, through Greg."So, Art, kumusta? Kumusta naman ang super gwapo at always available na bestfriend ni Greg?" nakangiting tanong ni Carol na malagkit na nakatingin kay Art."Heto, gwapo pa rin." at sinundan iyon ng signature smile nito na siyang dahilan ng pagkahumaling dito ng mga kalahi ni Eba."OMG. That confident, huh?" naka-angat ang kilay na sabi nito ngunit naroon ang pilyang ngiti sa labi.She's obviously flirting with Art. Lihim na umikot ang mga mata niya."Your word, not mine." kibit-balikat na sagot naman ng malanding katabi niya."And... still available?"Kibit-balikat lang ang isinagot ni Art."I knew it." nakangiti pa ring ani Carol."Carol, stop interogating. Napaghahalata ka." nakangising tukso ni Xandrea, isa din sa m
"HI, Sweetheart." bungad agad ni Greg sa asawa nang iabot ni Dawn ang cellphone sa kapatid dahil sa pakiusap niya."Hi, how are you? Kumain ka na?""Yeah. Don't worry about me, okay lang ako." sagot ni Greg. "Ikaw, anong ginagawa mo?""Eto, mag-beauty rest daw ako, sabi ni ate." kwento niya sa asawa. "I don't really see the point of this set-up," maktol niya pa rito. "I mean, we're already married, you know? Bakit kailangan pang magkahiwalay tayo, the night before our church wedding?""Sweetheart, pagbigyan mo na ang parents mo. We owe this to them. Hayaan na natin na sila naman ang masunod this time." pagpapaunawa ni Greg sa asawa. "After all, sabi mo nga, we're already married. Isang gabi lang naman, then we're back in each other's arms again, forever.""Sweetheart, ang cheesy mo!" doon lamang bumalik ngiti sa mga labi ni Toni."I love you!""I love you, too!" abot ang ngiti niyang sagot. "Pero nami-miss na talaga kita."
HINDI pa man naimumulat ni Dawn ang mga mata niya ay tunog na ng cellphone niya ang bumulabog sa kanya.Pakapa-kapang inabot niya iyon sa mesita sa tabi ng kama niya at hindi pa rin iminumulat ang mga matang sinagot ang tawag."Good morning, darling!" bungad sa kanya ng tinig na unti-unti nang nakakabisado ng sistema niya.Wala sa loob na napangiti siya."Morning, aga mo, ah.""Sino'ng kasabay mong pumunta sa simbahan mamaya?" masuyong tanong nito."Hmm... I think, 'yung mga bridesmaids. Sa bridal car yata sasakay sila Mommy.""Sunduin kita? Sabay na tayong pumunta.""'Wag na, okay lang ako. Baka hassle pa sa'yo.""Of course not. Basta sunduin kita, ha?" giit nito na nakapag-pangiti sa kanya."Kulit lang?"Tinawanan lang siya ng binata."Won't argue with that. Kaya kung ako sa'yo, 'wag ka nang tumanggi, kukulitin lang kita.""Wala na kong sinabi." nakangiti pa ring sabi na lamang niya. "Got to
LAKING pasasalamat ni Dawn nang pagdating nila sa reception ay nagdadatingan pa lamang din ang ibang bisita.Hindi pa naman pala sila masyadong huli. Magaling kasing humanap si Art ng alternatibong mga daan, tila alam nito ang mga papasukan kung saan hindi sila maiipit ng traffic.Naka-alalay pa ito sa siko niya habang papasok sila sa pinagdarausan ng reception.Lahat ng makasalubong nila ay pawang mga nakangiti sa kanya, na siyempre pa ay ginagantihan niya ng matamis ding ngiti. Halos lahat naman ng naroon ay kakilala niya, dahil bukod sa kapatid niya ang bride, kaibigan naman niya ang groom. Kaya't pareho siyang involve sa mundong ginagalawan ng mga ito.Kapansin-pansin naman ang extrang tamis ng ngiti at paghanga sa mga mata ng mga kadalagahan sa t'wing mapapadako ang tingin ng mga ito kay Art, na malugod din naman nitong ginagantihan ng matamis na ngiti. Palihim na naiiling na lamang siya.Dahil siya ang maid of honor, at bestman naman si Art,
ANGELOHi, Hon.DAWNHi...ANGELOI have a surprise for you.DAWNWhat is it?ANGELOOpen the door.DAWNWhat? Why?ANGELOJust open it, Honey.DAWNOkay.PABUNTONG-HININGANG bumangon si Dawn sa kama, tinungo ang pinto ng kwarto niya at bumaba upang tingnan kung ano ang sinasabi ng kasintahan.Isang linggo na siyang nagkukulong sa bahay.Dalawang linggo na matapos ang kasal nina Greg at Toni. Nakaalis na rin pabalik sa ibang bansa ang mga magulang niya. Dahil sa restaurant business ng mga ito roon ay hindi maaaring magtagal ang mga ito sa Pilipinas. Ipinangako na lamang ng mga ito na dadalaw sa oras na manganak na ang
"DAMN IT!" mahina ngunit mariing sambit ni Art sabay hampas sa manibela.Dalawang linggo niyang tiniis na hindi magpakita sa dalaga. Iniisip niyang iyon ang mas makabubuti para sa kanila. Aaminin niyang nasaktan siya nang sabihin nitong mahal pa rin nito ang kasintahan.Sabi niya sa sarili niya, bakit ba niya ipipilit ang sarili niya sa isang taong iba ang minamahal?Kaya't pilit niya itong iniwasan. Maging sa mag-asawang Greg at Toni ay hindi na rin muna siya nagpakita. Ayaw niyang makarinig ng kahit na anumang tungkol dito. Pilit niyang inabala ang sarili sa trabaho, halos ay ayaw niyang may mababakanteng oras.Sa gabi naman ay laman siya ng iba't-ibang bar sa Metro Manila.Ilang kababaihan na rin ang nagtangkang lumapit sa kanya. Ngunit bago pa lamang niya hahalikan ang mga ito ay agad nang pumapasok sa isip niya ang naka-irap na imahe ni Cassandra. Agad siyang gumagawa ng paraan para makaiwas.Parang nakakaloko lang.Nakaka-gago l
"CASSANDRA..."Bahagya pang napitlag si Dawn nang marinig ang boses ni Art. Kanina pa siya nakatitig sa tasa ng kape sa harapan niya. Pilit niyang itinatanong sa sarili kung tama ba ang ginagawa niya. Alam niyang tila siya gamo-gamong hindi mapigilang lumapit sa apoy. Alam niyang madadarang siya, ngunit wala siyang ginawa upang pigilan iyon.Nang mag-angat siya ng tingin dito ay napalunok siya nang makitang wala itong suot na pang-itaas, at tanging boxer shorts lamang ang suot nitong pang-ibaba. Nagpupunas ito ng basang buhok gamit ang twalyang ibinigay niya rito."Art!" nanlalaki ang mga matang halos ay pasigaw niyang sabi rito. "Bakit ganyan ang hitsura mo?""Why? Ano'ng problema sa hitsura ko?" patay malisya ito na patuloy lang na nagpupunas ng ulo habang nakatingin sa kanya.Naaamoy pa niya ang shampoo at sabon niya na ginamit nito na lalong nagpabuhol-buhol ng takbo ng utak niya.Shit! Bakit ba ang sexy ng amoy ng sabon at shampoo ko nu