Share

Chapter 4

"CASSANDRA, sara mo 'yan, may nakita ako'ng langaw na paikot-ikot d'yan kanina." nakangising sabi nito na sinundan ng nakakalokong kindat.

"Hrmp... p-pa'no ka nakapasok dito?" aniya nang makabawi, pasimple niyang isinara ang bibig at lumunok, agad niyang iniiwas ang nagkakasala niyang paningin dito.

Sino ba naman ang hindi mapapanganga, kung may aabutan ka'ng ganito kaguwapong nilalang na nakikialam sa kusina mo, habang hubad-baro ito at tanging apron niya lamang ang suot?

Hindi man lamang nakabawas sa masculinity nito ang kulay pink niyang apron, na may malaking sunflower na design sa harap. It only made him more sexy and delicious!

"Gosh, Dawn saan galing 'yon?" napapikit siya at napatapik sa noo sa naisip.

"Okay ka lang?" tila nakakaloko pa'ng sabi nito.

"Hrmp.. y-yeah. Nag--kape ka na ba?" alanganin siyang bumaling dito pero hindi tumitingin sa mga mata.

"Yeah. Kanina, bago ako umalis ng condo ko." tila relax namang sabi nito habang panay ang halo ng sinangag.

Nakita niyang dumukwang ito para kumuha ng bandehado sa itaas na cabinet. Muli na naman siyang napalunok at nag-iwas ng tingin, nang makita niyang nag-flex ang mga muscles nito sa likod.

Napapailing na dumeretso na siya sa cupboard para kumuha ng mug.

Ang aga-aga, nagkakasala ang mga mata niya.

Nang mapatingin siya sa drawer kung saan naroon ang mga kutsara niya ay natitigilang muli siyang nag-angat ng tingin dito.

Tila naman naramdaman nito ang pag-aalinlangan niya kaya't kunot-noong nilingon siya nito.  

"Ah... y-ung kutsarita sa-sana." nauutal niyang sabi sabay turo sa drawer na nasa harapan nito.

"Shit, Dawn! Stop stammering!" naiinis na sabi niya sa isip niya.

Tila nababasa naman nito ang nasa isip niya kaya't nakangisi pa ring umurong lamang ito at hindi umalis sa kinatatayuan.

Nang hindi siya kumilos ay ini-angat nito ang isang kilay na tila nagtatanong, "Ano na?"

Isa pa uling lunok ang ginawa niya bago lumapit na dito upang kumuha ng kutsarita. Sa kasamaang palad ay medyo depektibo nga pala ang drawer na iyon, mahirap iyong hatakin. Pinatingnan na niya iyon kay Greg at sinabi nitong lalangisan lamang daw iyon.

Isa pa uling hila ang ginawa niya, ngunit matigas talaga.

Nakangiting nakatingin lang sa kanya si Art at tila naaaliw pa sa ginagawa niya.

Inirapan niya ito at isa pa uling malakas na pwersa ang ginawa niya upang mahila ang drawer, at sa pagkakataong iyon ay nagtagumpay siyang mabuksan iyon.

Sa lakas ng pwersa ng paghila niya ay halos kalahati ng drawer ang lumabas. At dahil nga hindi umalis si Art sa harap ng drawer ay tumama sa harapan nito ang kamao niyang mahigpit na nakahawak sa drawer.

Narinig niya ang mahinang pag-igik nito kaya't agad siyang lumingon dito.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang nakayuko itong sapo-sapo ang harapan.

"Fuck!" mahinang daing nito. "Kung gusto mo lang mahawakan itong alaga ko, hindi ko naman ipagdadamot sa iyo, e. All you have to do is, ask!"

Muling nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Ang kapal mo!" aniyang hinampas pa ang braso nito.

Shit, ang tigas ng muscles niya.

"Ang sadista mo naman. Kinutusan mo na nga 'yong alaga ko, nanghahampas ka pa." nakangiwi pa ring sabi nito.

Pakiramdam niya ay nag-init ang pisngi niya sa naisip at sinabi nito.

"Ang bastos mo talaga! Kasalanan mo rin naman, ayaw mo kasi'ng umalis d'yan, kita mo'ng may kukuhanin, e. Saka ang oa mo, ha. Hindi naman masyadong malakas 'yon." defensive niyang sabi.

"Ako pa bastos? E, ikaw nga 'tong pasimpleng nananantsing diyan." anitong hindi na nakayuko pero hawak pa rin ang harapan. "'Pag ako nabaog, sayang naman ang lahi ko." pilyo na ang pagkakangiti nito.

Ipinaikot niya ang mga mata.

"Yabang talaga." aniyang kumuha na ng kutsarita at itinuloy ang pagtitimpla ng kape.

Ito naman ay nakita niyang inaayos na ng mesa.

"Pa'no ka nga ba nakapasok dito?" aniyang naupo na sa hapag dala ang tinimplang kape. 

"Bukas ang pinto mo." balewalang sabi nitong naupo na rin at nagsalin ng sinangag sa sariling plato.

Maang siyang napatingin dito na ngingiti-ngiti. "'Wag mo 'kong pinaglololoko, Art, sigurado ako'ng isinara ko ang pinto ko bago ako natulog kagabi."

Lalo lang lumapad ang ngisi nito kahit nag-uumpisa nang kumain.

"Paano nga?" pilit pa rin niyang matalim na ang tingin dito.

"Kumain ka na nga, masamang pinaghihintay ang pagkain." nakangisi pa rin ito.

"Art..." may warning na ang boses niya.

Nag-angat ito ng tingin at nakita niya ang naglalarong kapilyuhan sa mga mata nito. 

"Hiniram ko kay Toni ang susi niya."

"Ano?! At ibinigay niya sa'yo? Just like that?!" mulagat na tanong niya.

"Siyempre, hindi. Sabi ko naiwan ko 'yong cellphone ko dito kagabi pagkahatid ko sa'yo. At sabi ko, kailangan ko'ng makuha 'yong phone ko ng maaga. At para hindi na kita istorbohin sa pagtulog, hiniram ko 'yong susi niya. Sabi ko iiwan ko na lang dito sa bahay mo." nakangisi pa rin ito.

Napanganga na naman siya sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwalang ibinigay ng kapatid ang susi dito.

"At hindi man lang siya natakot na baka gawan mo 'ko ng hindi maganda!? I can't believe this! Urgh, Toni, how could you?" sinabi niya ang huling salita na tila sarili na lang ang kausap. 

Muli, ay lumapad ang ngisi nito.

Gustong-gusto na niyang kalmutin ang mukha nito upang mabura ang nakakalokong ngising nakapaskil doon.

"'Tong gwapo ko'ng 'to? Alam niyang hindi ko kailangang mamilit kung gusto ko rin lang ng babae." anitong nakangisi pa rin.

Luminga-linga siya sa paligid.

"What is it?" kunot-noong tanong nito.

"Wala naman ako'ng makitang bukas na bintana, 'di ko alam ba't ang hangin yata sa kusina ko." naka-angat ang kilay na sabi niya.

Muli ay ngisi ang isinagot nito sa kanya. Ibinaba ang hawak na kutsara't tinidor, at seryoso nang tumingin sa mga mata niya.

"Don't worry, Cassandra. Kung may mangyayari man sa atin, sisiguraduhin ko'ng gusto mo rin iyon. I'm never a selfish lover, Cassandra. I'll make sure you'll scream my name, not in protest, but because of unbearable pleasure." halos paanas na sabi nito na nagpatayo ng mga pinong balahibo niya sa batok.

Naka-ilang lunok na siya ngunit tila hindi pa rin siya maka-apuhap ng tamang salitang maaari niyang ipanlaban sa mga sinabi nito.

Alam niyang lahat ng sabihin niya ay may sagot ito, at more or less, alam niyang talo siya kapag usapang kahalayan ang laban. Wala sa loob na humigop na lamang siya ng kape, at dahil nga wala siya sa sarili, nakakimutan niyang mainit pa iyon, kaya't agad din niyang naibaba nang mapaso siya.

Nakita niyang kagat nito ang pang-ibabang labi sa pagpipigil ng tawa.

Shit! Bakit ba parang biglang uminit ang pakiramdam niya?

Parang gusto niya itong sawayin, at sa halip ay siya na lamang ang kumagat sa mapupulang labi na iyon. "Urgh.. Dawn, ano ba 'yang pinag-iiisip mo? Maghunos-dili ka, may boyfriend ka, remember? Erase, erase, erase!" bulong ng matinong bahagi ng utak niya.

"Kumain ka na, mamaya mo na ituloy 'yang pagpapantasya mo sa akin." anitong patuloy lang sa pagkain at hindi tumitingin sa kanya. 

Tiningnan niya lang ito ng matalim at pabuntong-hiningang nagsalin na ng pagkain. Hindi niya na alam kung paano siya nag-umpisa at natapos kumain.

Pagkatapos ay isa-isa na niyang niligpit ang mga pinag-kainan nila at dinala sa lababo.

"Ako nang bahala rito, sige na, doon ka na lang maghintay sa sala, or... wala ka ba'ng ibang gagawin? Baka nakaka-abala na ako." aniyang nakatalikod dito at naghuhugas na ng pinggan.

Hindi niya ugaling pagtagalin ang pinag-kainan sa lababo, turo iyon ng mommy niya sa kanilang magkapatid, iyon daw ang pinagmumulan ng ipis at kung anu-ano pang insekto at peste sa kusina.

Nagulat pa siya nang tumayo ito sa gilid niya at nakahalukipkip na isinandal ang pang-upo sa tiles na karugtong ng lababo niya.

Sa ganoong posisyon ay kitang-kita ang tambok ng pang-upo nito.

At take note, naka-apron pa rin ito hanggang ngayon. Kitang-kita niya ang malalim na uka mula sa ibaba ng likod nito papunta sa matambok nitong pang-upo.

Wala sa loob na napalunok na lamang siya at nag-concentrate na lamang sa paghuhugas ng pinggan.

May pakiramdam siyang kung laging ganito ay matutuyuan siya ng laway sa kalulunok. 

"Finished, eye-raping me?" pilyo na naman ang ngisi nito.

"Ka-kapal mo talaga. Saka puwede ba, magbihis ka na nga? Feel na feel mo 'yang apron ko, baka maiuwi mo 'yan" aniyang inirapan ito.

"Alam mo kung bakit ayaw ko pa'ng hubarin 'to?" huminto ito ng sandali at matiim siyang tinitigan, saka tila nang-aakit ang boses na nagsalita. "Dahil na-i-imagine ko na suot mo 'to, habang nakayakap sa katawan mo ang mga straps na 'to, at nakahakab sa dibdib mo ang telang 'to na ngayon ay nakadikit naman sa akin. I can even smell your scent through the fabric of this apron. I can't help but imagine, that it's you, that's embracing me. Really, Cassandra, just imagining it makes my friend down there, really hard."

Muli ay napahugot siya ng hininga at nanlaki ang mga mata sa intensidad ng sinabi nito. 

"Art!" namumulang angil niya rito. "I-i think, this is too much. Binabastos mo na 'ko." pinilit niya ang sariling bumaling dito.

Tila naman nagulat ito sa sinabi niya. Tumayo ito ng tuwid at hinarap siya.

Hinawakan siya sa magkabilang balikat at pilit na iniharap dito. Hinawakan nito ang baba niya at iniangat ang mukha niya upang magpantay ang paningin nila. Hinawakan siya sa magkabilang pisngi at...

"That's not true. I'm sorry, kung iyon ang nararamdaman mo." napapikit siya nang halikan siya nito sa noo. "Look, hindi ako sanay sa ganito. Believe it or not, ikaw pa lang ang babaeng nakasama ko ng ganito katagal and still, fully clothed. I am not a maniac, alam ko'ng iyan ang iniisip mo," umangat ang gilid ng labi nito na hindi niya alam kung pagngiti o pagngiwi. "And i'm not conceited, as well. But usually, they initiated it. Sino ba naman ako para magdamot?" sa pagkakataong iyon ay nakangiti na ito.

Inis na pinalis niya ng mga kamay nito sa mukha niya.

Okay na e, na-to-touch na nga siya sa mga sinasabi nito. Hayun at hinaluan na naman ng kalokohan.

Natatawang hinigpitan lamang nito ang kapit doon.

"Seriously, natatakot din ako sa nararamdaman ko. I know, I'm not capable of this feeling, this is all new to me. Plus, the fact that you're off limits. Papatayin ako ni Greg 'pag pinakialaman kita." muli ay naroon na naman ang pilyong ngisi na ewan ba niya kung bakit nabibighani siya.

"And don't forget that I have a boyfriend." Nakita niyang umasim ang mukha nito pagkabanggit niya sa salitang boyfriend.

Tumingala ito at bumuntong-hininga.

Nakita niya ang paggalaw ng adam's apple nito nang lumunok ito.

"Yeah." anito nang muling tumingin sa kanya. "I won't deny the fact that I want you, college pa lang tayo pinagnanasaan na kita," hinampas niya ito sa dibdib at yumuko, ngumisi na naman ito bago siya hinalikan sa noo. "But I'm afraid, hanggang doon lang ang kaya ko'ng ibigay. Ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo, I'm not capable of loving, Cassandra. I am not the type of sugar-coating my words, and say I love you, just to get into your pants. Sa una pa lang alam na ng babae kung ano lang ang aasahan nila sa akin, or rather.. na wala silang aasahan sa akin."

"I think, we should stop this." aniyang pilit binaklas ang mga kamay nitong nakahawak pa rin sa mukha niya, at bahagyang lumayo rito. "Okay, magsisinungaling ako sa iyo kung sasabihin ko'ng hindi kita gusto. Alam naman nating high school pa lang ako, crush na kita." napayuko siya nang sabihin iyon.

Nang makita niyang papalapit na naman ito ay nag-angat siya ng tingin at itinaas ang kanang kamay para pigilan ito.

Agad naman itong huminto at tila natitigilang nakatitig lang sa kanya.

"Wait..." nakataas ang kamay na sabi niya. "We both now that this is wrong, iyong nandito ka lang, with me, we're alone, having this conversation, I feel like, I'm cheating with my boyfriend. And I feel bad about it. You know what's worst? I'm happy... I'm happy being this close to you, I'm happy being with you." muli ay napayuko siya pagkasabi niyon.

Hindi na niya ito napigilan nang lumapit ito sa kanya at ikulong siya sa mga bisig nito.

"Shh... I'm sorry." at muli ay isang marahang halik sa noo ang ipinagkaloob nito sa kanya. "I know this is all my fault. I should have listened to the warning signs, but instead, I get passed through it. I'm sorry."

Itinukod niya ang mga palad sa dibdib nito at marahan itong itinulak palayo.

"I think, we're better off as friends." namimikig ang lalamunang sabi niya rito. 

 "Nah.." umiiling pa'ng sabi nito. "I don't think so. I don't make women my friends, 'cause i'll ended up fucking them."

Again, the oh-so-familiar grin.

"Art..!" angil niya rito. Puro kalokohan talaga.

"I'm serious, Cassandra. We can never be friends, especially you!" anitong matiim na nakatitig sa mga mata niya. "Goodbye, Cassandra." isa pa uling halik sa noo bago ito tuluyang lumayo sa kanya.

Hinubad nito ang suot na apron sa mismong harapan niya nang nakatitig sa mga mata niya. Ipinatong iyon sa ibabaw ng mesa at kinuha ang t-shirt nitong nakasabit lang sa sandalan ng upuan at naglakad na palabas ng kusina habang isinusuot pa ang t-shirt nito.

Napahinga na lamang siya ng malalim at tila tinakasan ng lakas nang marinig niya ang tunog ng papaalis nang sasakyan nito.

FROM : Toni

Ate, Art came here kaninang umaga, hiniram 'yong susi ko. Galing na ba siya diyan?

To : Toni

"Yeah. Next time sis, huwag mong ipinahihiram sa iba ang susi ng bahay ha.. Goodness, Toni... paano kung hindi pala mapagkakatiwalaan 'yong pinahiram mo ng susi?

From : Toni

Ate, relax okay? Si Art lang 'yon. Hind siya magiging bestfriend ng asawa ko kung masama siyang tao. You're overreacting.

To : Toni

Whatever. Basta, next time, 'wag mo nang gagawin 'yon, ha.

From : Toni

Okay, okay... sorry na. But really, ate, alam ko namang wala siyang gagawing masama sa iyo kaya nagtiwala ako. Hindi ko gagawin 'yon kung ibang tao siya.

 To : Toni

Sige na, lusot ka na.

From : Toni

At ate, may goodnews ako.

To : Toni

What?

From : Toni

Hmm.. i'm pregnat!

To : Toni

Really?! Oh my God! congrats, sis. alam na ba ni Greg? Sila mommy?

From : Toni

Nope. Wala pa'ng nakakaalam, ikaw pa lang.

To : Toni

Oh my Gosh, sis! I'm so excited!

From : Toni

Thank you, ate.. me too.

To : Toni

Bakit hindi mo pa sinasabi sa asawa mo?

From : Toni

I wanted to surprise him, on our wedding. Gusto ko lang may mapaglabasan ng excitement, kaya sinabi ko sa iyo.

To : Toni

Do you think that's a good idea? I mean, you should take a rest. Hindi ka na puwedeng magpagod, paano mo ipaliliwanag sa asawa mo? Nag-aasikaso kayo ng kasal n'yo, and that's stressful.  Sabi nila first trimester is critical, halos two months pa bago ang kasal n'yo.

From Toni

Don't worry ate, mag-iingat ako.

To : Toni

Hay nako, sis.. hindi ako agree diyan sa desisyon mong ilihim 'yan sa asawa mo.

From : Toni

Please, ate. Promise mag-iingat talaga ako.

To : Toni

Bahala ka na nga. Basta kung kailangan mo ng tulong about your wedding, call me ha. Don't stress yourself, and of course, the baby. Nagpa-check up ka na ba? Gusto mo bang samahan kita?

From : Toni

Sige. Magpapa-schedule ako sa OB, tapos text kita.

To : Toni

Okay. Mag-iingat ka ha. alagaan mong mabuti 'yang pamangkin ko.

From : Toni

Of course. Thank you, ate.

"ANONG pinaalam mo kay Greg? Buti pumayag na hindi siya kasama?"

Papunta sila ngayon ng kapatid sa OB para magpa-check up.

Nagkibit ito ng balikat. "Sabi ko kasama kita at sasamahan magpa-check-up." balewalang sabi nito.

"Ha?! Lukaret ka talaga. Ano naman papa-check up ko?" naiiling na lang siya sa kalokohan ng kapatid.

"Sabi ko, nagpapa-alaga ka sa OB, kasi nagtataka kayo ni kuya Angelo kung bakit hindi pa kayo nakakabuo." anito at sinabayan ng bungisngis. "Imagime, ate, he even suggested na magpa-alaga rin ako sa OB mo." tawa ng tawang sabi nito.

"Ano?! Maria Antoinette!! Luka-luka ka talaga!" nanlalaki ang mga matang sabi niya.

"Okay lang 'yan, two months lang naman, then, sasabihin ko na 'yong totoo, pati, na ako, at hindi ikaw ang totoong nagpapa-check up." nakangiti pa rin ito sa sariling kalokohan.

"Ano'ng reaksyon ng asawa mo? Naniwala naman?" naiiling pa rin siya.

Pasalamat talaga ang kapatid at buntis ito, kung hindi ay baka kanina niya pa ito binatukan. 

"Wala. Nagkatinginan lang sila ni Art." kaswal na sabi nito at nagkibit pa ng balikat.

Halos mapigtas ang leeg niya sa biglang pagbaling niya rito.

"ANO?!"  

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Darlene Rosales Jimena
mganda Ang kwento...️...️...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status