Napaangil si Luc at gusot ang mukhang umismid lalo na nang manlaki ang mga mata nito. Sabay pa silang napa-angil tatlo nina Ronther at Rhonen nang muli siya nitong tawaging na naman siya nitong bakulaw. Talagang inulit pa nito. Nakakainsulto na ang babaeng ito, ah.
Madilim ang anyo at padarag na tumayo si Luc bago mabilis ang mga hakbang na nilapitan ang antipatika at mahaderang babae. Nang tuluyan siyang makalapit rito ay siya namang pagtayo nito. At, dahil marahil sa dami ng nainom ay bahagya itong gumiwang at napahawak sa dibdib niya. Aalisin na sana niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang dibdib nang bigla nito iyong kapain at pisil-pisilin.
What the hell is she doing?
Nagsalubong ang mga kilay ni Luc at mas lalo pang umitim ang mga matang dati nang kasing dilim ng gabi. Ilang ulit pang kinapa-kapa at pinisil ng babae ang kanyang dibdib kaya hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng marahas na buntong-hininga. Damn it, but he is a werewolf. Taglay nila ang hormones na mabilis magpataas ng libido! And, this human girl is making him uncomfortable.
Tumingala ang babaebat pilit na idinilatbang mga matang halos nakapikit na dahil sa kalasingan. Nagtama kanilang mga paningin at napaawang ang mga labi ni Luc nang matitigan ang mga mata nito. Hell, but this woman carries the most beautiful eyes that he had ever seen. Her grayish eyes that was looking at him innocently, eyeing on him curiously. And, Luc could admit it or not, but he was fucking caught-off-guard by those eyes. At, dala marahil ng kalasingan ay mas lalong pumungay ang mga mata nito. Nakaawang ang mga labi nitong nakatitig sa kanya at tila takang-taka. Napalunok si Luc nang wala sa loob at pilit na umiwas ng tingin sa mapang-akit nitong mga labi. Ngunit kaagad ding nawala ang nadarama niya nang bigla siyang maramdaman ng mainit na pagguhit ng kung ano sa kanyang dibdib.
"What the fuck?!" Nag-iigtingan ang mga panga na angil niya kasabay ng pagyuko sa sariling dibdib.
Basang-basa iyon at umaalingasaw ang amoy ng pinaghalong alak at kinain ni babae. Damn it! Ang lakas ng loob nitong uminom at mamerwisyo ng iba.
"Fuck!" Muli niyang mura.
Mabilis na lumapit ang isa sa mga waitress ng bar at tarantang pinunasan ng tissue ang nasukahang damit ni Luc. Nilapitan naman ni Gayle ang babae at kaagad na inalalayan patungo sa comfort room. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ang ito nang bigla itong bumagsak. Mabilis itong sinalo ni Gayle at tila walang anumang binuhat. Pagalit namang binaklas ni Luc ang suot na damit na kaagad na napunit.
"Let me!" Singhal niya sa pobreng waitress na kaagad na nanginig ang katawan nang marinig ang dumadagundong niyang boses.
"Bring that bitch to my house, Roe!" Naka-angil na ani ni Luc sa lalaking kararating lang."I am not done with her yet!" Dugtong niyang muling napamura.
Sumasakit ang ilong niya dahil sa nakakahilong amoy ng suka ng babae. Dumikit din ang masangsang na amoy niyon sa katawan niya at dahil higit na matalas ang pang-amoy nilang mga taong-lobo kaysa mga tao ay amoy na amoy niya iyon.
Mabilis namang tumalima ang lalaking bagong dating at malaki ang mga hakbang na lumapit kay Gayle. Kinuha ni Roe ang walang malay na babae at tila walang anumang pinasan sa balikat bago lumabas ng bar.
"What are you planning to do, Luc?" Kunot-noo at nanunuri ang mga matang tiningnan siya ni Gayle.
Hindi pa rin maipinta ang mukhang tinalikuran niya ang pinsan at hindi pinansin. Ang mga costumer naman ng bar ay tahimik na tahimik at parang takot na makagawa ng ingay. Kilala nila si Luc. Sila ang pagbabalingan nito lalo pa at mainit ang ulo ng alpha.
Tahimik lang rin ang mga kaibigan nito at tila nakikiramdam sa susunod na mangyayari maliban kay Rhonen na halos umalog-alog na ang balikat sa katatawa. At, katulad ng inaasahan ng lahat, mabilis itong hinawakan ni Luc at mabagsik na inihagis sa dingding ng bar.
"What the hell?!" Sigaw ni Gayle na nanlilisik ang mga matang nakatingin sa dalawang lalaki. "You son of a shit, morons!" Gigil patuloy nito nang makitang nawasak ang pader na tinamaan ng katawan ni Rhonen.
"Fuck you!" Singasing ni Rhonen na hindi pinansin ang sigaw ni Gayle at mabilis na bumangon para gumanti kay Luc.
Nagpulasan naman ang mga naroroon sa loob ng bar. Ayaw nilang madamay sa nag-aaway na magkaibigan. Walang sinumang gugustuhing mapasama o mapagitna sa mga ito kapag nag-aaway.
Ilang sandali pa ay tila dinaanan na ng bagyong signal number five ang Chinks' N Blu dahil tuluyan nang nawasak ang mga pader nito. Nakangisi namang patuloy na pinagmasdan lang ni Rhonter ang dalawang kaibigan habang hawak ang boti ng beer. Nakasandal ang alpha ng GrayTails sa isang poste at tila walang anumang muling sumimsim ng alak. Ngunit kaagad nitong naibuga ang laman ng bibig nang biglang humagis si Rhonen sa sasakyan nito.
"Fuck!" Sigaw nitong kaagad na dumilim ang anyo. "My car! My fucking precious car, assholes!" Singasing nito at mabilis na hinagis ang hawak na bote ng beer.
Isang iglap lang ay hawak na ni Rhonen ang alpha ng BlackTails at sunod-sunod na pinakawalan ng suntok. Napatayo na si Griel nang makitang nakisali na rin si Rhonter.
"That's enough!" Sigaw nito at nilapitan ang dalawa para lamang makatanggap ng malakas na suntok mula sa nanggagalaiti pa rin sa galit na si Rhonter.
Yupi at wasak ang salamin ng sasakyan nito. At, sa lahat ng sasakyan nito ay ang pinakamamahal pa talaga nitong 1970 vintage black mustang ang minalas. Parang roller coaster ang nangyari dahil ang nagsusuntukan kaninang sina Rhonen at Luc ang siya namang umawat sa nagsusuntukang sina Rhonter at Griel.
Ilang saglit pa ay hawak na ni Luc ang nagwawala pa ring si Rhonter at hawak naman ni Rhonen ang nagpupunas ng dugo sa labing si Griel. Ngunit nang sandaling malingat si Luc ay mabilis kumawala si Rhonter mula sa pagkakahawak nito. Nilapitan nito si Rhonen at tila papel na inihagis sa itim na ducati.
"Fucking bastard!" Gigil na angil ni Luc bago mabilis na nilapitan si Rhonter.
"Shit, hold that idiot, Luc!" Sigaw ni Gayle.
Binigyan niya ng malakas na suntok sa panga ang nagwawalang alpha ng GrayTails na ikinatalsik naman ng huli. Gaganti pa sana si Rhonter kay Luc nang isang sipa sa mukha nito ang tumama. Gulat na napalingon si Ronther sa pinagmulan ng sipa at madilim ang anyong hinarap ito.
"You!" Angil nito.
"Yes, me!" Nakapameywang na tugon naman ni Gayle bago hinarap ang tatlo pang kapwa rin napatigil at pare-parehong duguan. "At kayo, ipagawa ninyo iyang bar ko na sinira ninyo. Mga walang-hiya kayo! Para kayong mga nakawala sa kural. Ang tatanda n'yo na pero para pa rin kayong mga bata kung mag-away!" Gigil na angil ni Gayle sa apat na sabay pang nagkatinginan.
"It was his fault." Sagot ni Luc at itinuro si Rhonen na kaagad namang napaangil.
"No. It was you and Rhonter's fault!" Pasinghal na sagot rin nitong tiningnan pa ng masama si Rhonther.
"You fucking assholes!" Angil naman ni Rhonter. "You fucking broke my precious car! What do you expect me to do? Clap my hands and praise you to death?!" Sarkastiko at gigil pa ring asik nito kay Rhonen na nagkibit-balikat lang.
"You broke my ducati too. We're even!" Balewalang sagot naman ni Rhonen.
Bago pa man muling makasagot si Rhonter ay muli itong humagis dahil sa malakas na suntok mula kay Griel.
"And now, we're even too." Walang anumang ani ng alpha ng WhiteTails na bahagya pang nakangisi.
"Freaking immatures!" Asar na angil ni Gayle sa kanilang apat.
Tila naman walang anumang sabay pang nagkibit-balikat ang mga ito at nagtinginan lang.
"Damn, man! You broke my car." Reklamo ni Rhonter. "That was one of my precious possession." Ani pa nitong bakas sa tinig ang panlulumo.
"Fuck, but you broke my ducati too, idiot!" Sagot naman ni Rhonen.
Ipinilig ni Luc ang ulo na naalog yata sa lakas ng suntok ni Rhonin. Tinapik niya ang balikat ni Griel at nagpaalam. May kailangan pa siyang harapin.
"Bring my car." Bilin niya kay Rhonen at inihagis dito ang hawak na susi. Sinalo naman iyon ng alpha ng BlackTails at nagkibit-balikat.
"Need a ride?" Tanong ni Griel kay Ronther na napangisi.
"Hell, yeah! I'm not on the mood to run right now."
"Ano'ng balak mo ngayon?" Seryosong tanong ni Griel sa kanya.Kasalukuyan na silang nasa loob ng mansyon. Si Abbey naman ay sinamahan ni Gayle sa kuwarto nito para magpahinga.Katulad ng madalas mangyari ay nanghina na naman ang babae pagkatapos nitong magshift at idagdag pang malayo-layo rin ang tinakbo nila.Nasapo ni Luc ang noo at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ano nga ba ang plano niya ngayong nagkagulo na lahat? Tiyak niyang hindi palalagpasin ni Akella ang pagpatay niya sa kapatid nito. Ngayon ay kailangan na rin niyang paghandaan ang magiging atake nito."Bahala na, Griel. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ako uurong sa anumang laban." Tiim ang anyong sagot niya.Napailing si Griel dahil sa sagot niya. Kilala siya nito na walang inu-urungang laban pero sa pagkakataong ito ay batid nila pareho na dehado siya kapag sabay-sabay ba umatake ang grupo ni Akella at ang organisasyong nasa likod ni Abbey magi
"Ano'ng balita?" seryosong tanong ni Callehan sa kaharap.Isa ang lalaki sa matapat niyang kasama. Marami na silang nalagpasang pagsubok simula pa nang una silang nagkakilala."Mukhang tama ka. Hindi kayang saktan ni Montego si Rashida." tugon nito.Napatango siya at napangisi. Mukhang umaayon ang lahat sa kanyang mga plano. Ilang araw na rin niyang pinasu-subaybayan ang bawat kilos ng alpha ng RedTails. At katulad ng inaasahan, nakamantyag nga ito sa bukana ng Lexus sa buong magdamag kasama ang alpha ng WhiteTails. It seems like his old friends never change, huh. At kilala niya si Luc, walang makakapigil dito kapag may gusto itong gawin sukdulang kalabanin nito ang lahat. He was his friend tho. Kabisado na niya ang likaw ng bituka nito pati ng tatlo pa nitong kaibigang sina Griel, Ronther at Rhonen."Kung ganoon ay maghanda ka. Anumang sandali ay mapapalaban tayo." aniya rito sa sery
Rodan...iyon ang nabasa ni Abbey sa karatulang nakalagay sa gilid ng kalsada. May pasangang daan sa labas ng Wulfgrim at pinili niyang kumanan kung saan napansin niyang tila mas madawag ang mga puno. Naisip niyang kagaya ng Wulfgrim, baka sa bungad lang din ganoon at kapag nasa sentro na siya ay maayos rin ang Rodan. Ngunit hindi kagaya ng Wulfgrim na pakiramdam niya na tila hinahatak siya ng lugar. Kabaliktaran ang nararamdaman niya sa Rodan. Habang papasok siya sa lugar at palayo nang palayo sa pasangang daan ay bigla siyang nakaramdam ng takot. Nanindig ang mga balahibo niya at parang gusto niyang bumalik. Malayo na ang nararating niya at natatanaw na rin niya ang mga kabahayan.Simula nang madiskubre niyang isa siyang chimera ay luminaw na rin ang paningin niya. Kaya niyang makita ang isang bagay kahit gaano pa ito kaliit at natatanaw niya na parang malapit lang ang isang lugar kahit na malayo. Ayon kay Ziv
Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Abbey habang patamad na nakadapa sa kama. Hindi pa uli sila nag-usap ni Luc simula kahapon. Hindi naman niya masisi ang lalaki kung galit ito sa kanya. Hindi siya nag-ingat. Sa kagustuhan niyang i-please ito ay nakaperwisyo pa siya. At, muntik pa niya itong saktan."What now, Abbey?" Pabulong na kausap niya sa sarili bago tumihaya.Wala pa siyang isang linggo roon pero ang dami nang nangyari. Maraming nagbago lalo na sa kanya. Hindi niya pa rin lubos na matanggap ang pagiging halimaw niya. Akala niya kapag pumunta siya sa Wulfgrim ay matatagpuan niya kaagad si Callehan at magiging maayos na ang lahat. Pero mali siya dahil mas naging magulo ang sitwasyon. Mas naging komplikado.Natatakot siyang hindi na siya makabalik sa dati niyang buhay. Paano kung dahil sa pagiging halimaw niya ay makasakit siya ng inosenteng tao or worst ay makapatay siya? Hindi na niya alam kung paano at saan mag
Matapos masigurong maayos na ang kalagayan ni Abbey ayon kay Ziva ay niyaya ito ni Luc sa kanyang opisina. May gusto siyang malaman dito. Iniwan nilang natutulog ang babaeng tila naubusan ng lakas at ipinagbilin na lamang niya kay Kimmy na silip-silipin dahil umalis ang pinsan niyang si Gayle para bisitahin ang café nitong kasalukuyan pa ring ginagawa."Mukhang napapalapit na ang loob mo sa kanya, ah." Kaagad na untag ni Ziva nang makapasok sila sa opisina niya.Taas ang kilay na tiningnan niya ito bago umupo sa couch na naroroon."What are you talking about?" Kunot-noo niyang tanong sa kaibigang doctor.Umupo si Ziva sa tapat niya at tinitigan siyang mabuti na tila ba inuuri ang kanyang kabuoan. "Are you falling for her?" Nananantiya at out of the blue na tanong nito.Napa-angat naman si Luc mula sa pagkakasandal at tila napapantastikuhang tinapunan ng hindi makapaniwalang tingin si Ziva na titig na titig pa rin sa kanya.
Gulat na napalingon si Abbey sa namumula sa galit na si Luc. Nawala sa loob niya ang nabitawang kawali."What the hell are you doing?!" pasigaw pa ring tanong nito sa kanya.Awang naman ang mga labi at namumutlang napatanga siya sa kaharap na lalaki. Madilim ang anyo nito at tila anumang oras ay gusto na siyang tirisin.Hindi alam ni Abbey kung paano siya magpapaliwanag. Nalulon na yata niya ang kanyang dila dahil sa labis na tensyong nararamdaman sa mga sandaling iyon. Napakalaki naman kasi ng anger issue ng lalaking ito. Gwapo nga sana at fafable pero palagi namang may topak."S-sorry..." medyo nabubulol na turan niya nang mahamig ang sarili sa pagkabigla at takot."Sorry? Is that all you can say now? Ano ba kasi ang naisipan mo?!" singhal nito sa kanyang ang mga mata ay nakatutok sa sunog na mga pancakes na nasa harap nito.Aba naman, sumusobra naman yata