Share

Chapter 15

ALLYANA'S POV

Nang mahimasmasan ako ay nagpasiya akong bumalik na lamang sa hotel. Hindi ko alam pero, matapos akong bigyan ng panyo nang lalaking iyon ay gumaan ang pakiramdam ko. Tila ba, nawala kung ano mang masakit kanina sa dibdib ko. Napabuntong-hininga na lang ako.

Nang makapasok ako sa hotel ay biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita ko ang pangalan ni Chelsea. Kaya naman, agad ko itong sinagot.

"Hello, 'Cous?"

"Oh ano? Buhay ka pa ba? Nakakaya mo pa ba ang kabaliwan ng dalawang iyon?" bungad nito sa akin.

Napaikot ko na lang ang mata ko, dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang at hindi ako ganoon ka-sensitive sa kanya, dahil sa kadaldalan niya. Minsan naiintindihan ko na rin si Keane kung bakit naiinis siya kay Chelsea. Ngunit, nasanay na naman ako sa pinsan ko ito, kaya binabaliwala ko lang kung ano mang lumalabas sa bibig niya.

"Of course, I'm still alive," sagot ko naman sa kanya.

"Tsss, mabuti naman at buhay ka pa. Dito ri
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status