MasukHalos manigas si Jonathan sa kaniyang kinatatayuan, at hindi niya magawang harapin si Regina. Because at the end of the day despite Regina's annoying attitude, despite him being disappointed to her, she knew that she's right and she have every rights to be mad."Please deny it," she begged.He looks up, as if the strength he needs are there and he needs to take it. Saka niya hinarap si Regina na halos kaniyang pagsisihan. Her tears are falling from her eyes, he can feel her pain. Bato man siya sa sarili niyang nararamdaman, ngunit hindi siya manhid sa nararamdaman ng mga taong nasa paligid niya. Guilt are all over his body. He sympathize her, and he knew it's his fault. Hindi man niya mahal si Regina kagaya ng pagmamahal nito sa kaniya, malaki pa rin ang pagpapasalamat niyang mahal siya nito. Ayaw niya pa rin itong masaktan."Walang namamagitan sa amin ni Simone, Regina," he said bitterly. "But you deserve the truth. I have feelings for her, but she denies me, and she tells me she's l
Chapter 23:"Gaga! Nakakaloka ka!" nanggigil na komento ni Carol kay Simone matapos niyang ikuwento rito ang nangyari sa kanya ngayong araw. Kung paano niya pinigilan si Jonathan sa pagtatapat sana nito ng nararamdaman at sa pagpapaalam niya rito. Walang dinatnan si Simone sa bahay pagkauwi niya. Hindi niya rin alam kung saan nagpunta ang kuya niya at ang asawa nito. Mabuti na lang at may dala siyang duplicate ng susi kaya nakapasok pa rin siya. Sa labas ng bahay ay naroroon si Carol at siyang sumalubong sa kaniya. Tila hinihintay talaga siya nito upang makibalita sa kung bakit siya sinundo ng tauhan ni Jonathan. Tanging paghinga lang ng malalim ang naisagot ni Simone sa kaibigan, habang nakatanaw sa malayo. Sa Kanilang anggulo ay kita niya ang mabagal na paglubog ng araw sa likod ng mga malalayong kabahayan, ang kulay kahel na kalangitan na unti-unti nang nagpapalit ng kulay. Tila ibang-iba ang awra ng kapaligiran ngayon ni Simone. Dati ay laging nakabukas ang TV habang maingay
Pagkaalis ni Jonathan ay hinarap niya kaagad si Lohan. "Tita Sisi, 'di ba po may papa na po kami? Bakit sabi po ni Mr. Clark daddy daw po namin siya?" Humikbi si Lohan sa tanong na iyon. Pinagsalitan niya ng tingin ang kambal. Si Lindsay ay bahagya lang tumungo. Hinaplos niya ang ulo ni Lohan saka pinaupo sa tabi ni Lindsay upang madali niyang makausap ang kambal nang sabay. Bahagya siyang ngumiti upang pagaanin kahit papaano ang kanilang pag-uusap. "Hindi porque daddy ninyo si Mr. Clark ay ibig sabihin hindi ninyo na papa ang Papa Samuel ninyo. Kaya hindi dapat kayo umiiyak, dahil maswerte pa kayo dahil dalawa ang ama ninyo. Dalawa ang magmamahal sa inyo, ayaw ninyo ba iyon?" "Pero hindi ko po maintindihan..." Parang pinipiga ang puso ni Simone nang makita niya ang pagpatak ng luha nito, maski si Lindsay na tinanggap naman na si Jonathan ay nakikitaan pa rin ng sakit at lungkot sa mga mata. Pinupunasan na kaagad nito ang mapupulang mga mata bago pa tumulo nang tuluyan ang kaniya
Chapter 22:Ang mataray at nakataas na kilay ni Regina ang sumalubong kay Simone pagkarating nila ni Lorenzo sa mansion.Hindi naman siya nag-e-expect ng masayang pagsalubong sa kaniya, alam naman niyang mainit ang dugo ng mga ito sa kaniya, pero bilang polite ay sana naman hindi manlang nito masyadong ipahalata iyon, tutal naman ay sila ang may kailangan sa kaniya ngayon, kaya nga siya ipinasundo, hindi ba?Ganoon pa man ay binalewala na lang iyon ni Simone. Wala siyang panahon makipagtalo. "Nasaan ang mga bata?" Umirap si Regina. "Nasa kuwarto, nag-iinarte. Hindi mo naman kami sinabihan na brat mo palang pinalaki 'yong mga bata." Nanliit ang mga mata ni Simone dahil sa tono ng pananalita ni Regina. May halong paninisi at panunuya, panghuhusga. "Hindi namin gano'n pinalaki ang mga bata. Kahit sinong bata naman ay maguguluhan sa mga nangyayari ngayon, kaya nga nakiusap ako sa inyong ako muna ang kakausap sa mga bata, 'di ba?" Kanina sa byahe ay sinabi na sa kaniya ni Lorenzo kung
Chapter 21:Unang umaga na wala sa bahay sina Lindsay at Lohan, pakiramdam ni Simone ay masyadong tahimik ang bahay. May kasama naman siya pero pakiramdam niya ay mag-isa siya.Mula nang isilang ang kambal ay kasama niya na ang dalawa, kaya naman hindi niya ma-imagine ang mga susunod pang araw na wala ang mga ito.Gusto niya sanang kumustahin ang dalawa, ngunit wala namang gadgets ang dalawang bata, hindi rin naman siya kumuha ng contact ni Jonathan kaya hindi niya rin alam kung saan maaring tumawag.Ngunit sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung papayag din si Jonathan na makausap nila ang mga bata, knowing na galit ito sa kaniyaMula sa iniinom na kape ay napatingin siya kay Samuel nang pumasok ito sa dining area para kumuha ng tubig sa refrigerator.Pinanood niya muna ang kuya niya at pinakiramdaman.Kagabi kasi nang huli silang nagkausap bago ito nagkulong sa kuwarto nila ni Melanie ay sobra pa rin nitong lungkot. Pakiramdam daw nito ay nabigo nito si Colleen dahil nakuha ni Jona
Chapter 20:Sa gabing iyon ay buong magdamag ngang sinamahan ni Jonathan ang kambal, doon na siya natulog. Sinundo pa siya ni Regina dahil gusto sana nito siyang makatabi, pero tulog na siya kaya wala na itong nagawa.Kinabukasan lang sila iniwanan ni Jonathan nang magising siya ng umaga. Tulog pa ang dalawa at sinamantala niya na iyon upang maayos muna lahat ng mga dapat niyang ayusin sa kaniyang opisina sa bahay.Sakto rin namang maaga ang kaniyang secretary at na-dropped na ang mga papers na pinakukuha niya.Binilin niya na rin kay Yaya Jennie na tawagin siya kapag gising na ang kambal at pakakainin na ng breakfast, nang sa ganoon ay makasabay siya sa mga ito.He's trying his best to focus on what he's reading, but he is still distracted by remembering what happened last night.Halos isang oras umiiyak si Lindsay, tumahan lang ito nang kinausap niya nang maayos."Si Mama lang po ang kayang tumanggap sa akin kahit mahirap po akong algaan at buhatin, kahit abnormal po ako, kaya po na







