Chapter 6:Nanlalaki ang mga mata ni Simone nang harapin siya ni Jonathan. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito, ang alam niya ay si Lorenzo o ang iba pang tauhan lang nito ang pakikisuyuan nitong magdala ng mga papeles na ipinangako sa kaniya, o hindi kaya ay tatawagan siya para bumalik sa building at siya mismo ang kumuha. Ngunit nandito sa harapan niya mismo si Jonathan, at hindi niya ngayon alam kung anong magiging reaksyon. Suminghap si Carol at tumabi sa kaniya. Doon pa lang siya nakabawi sa kaniyang gulat, maging si Jonathan ay napakurap din na tila ay napatitig sa kaniya. "Dala niya raw ang mga hinahanap mong papeles, pero 'wag kang mag-alala, pinapaalis na namin siya." Panic at kaba ang nasa tono at boses ni Carol habang ibinubulong iyon sa kaniya. Alam kasi nito na hindi naging maganda ang huling pag-uusap nila ni Jonathan, kahapon niya lang iyon naikuwento sa mag-inang Carol at Lucille, kaya naman ganoon na lamang ang pagtataboy nila kay Jonathan nang abutan niya. Dahi
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-07-10 อ่านเพิ่มเติม