Share

KABANATA 61

KABANATA 61

Tulala ako habang nakatitig sa mahimbing na natutulog na si mama. Paulit ulit na nag eecho sa akin ang sinabi niya. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang gagawin. I wanna tell her the truth that I can’t leave Levi pero…ayaw ko rin namang ipilit ang gusto ko gayong ganito ang kalagayan niya.

Naagaw ng pagvibrate ng phone ko ang atensyon ko. Nang ilabas ko ito ay nakita ko ang pangalan ni Levi.

Levi:

You okay?

I bit my lower lip as I read his text. My eyes watered. Halos makalimutan kong nasa labas nga pala siya at nag iintay. Huminga ako ng malalim at pilit inayos ang sarili bago tuluyang lumabas. Nakita ko roon si Levi na nakaupo sa isang bench at nakatitig sa kanyang phone.

“Levi…” tawag ko sa kanya. Mabilis siyang nagtaas ng tingin sa akin. Wala na dito si Aling Gina. Marahil ay may pinuntahan. Umupo ako sa kanyang tabi. Mabilis niya namang hinagilap ang aking kamay.

“Is everything fine?” masuyo niyang tanong. Tumango ako at ngumiti kahit pa bumibigat na naman ang dibdib ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status