KABANATA 7
Hindi ako mapakali. Lumalagpas lang sa kabila kong tainga ang mga sinasabi ni ma'am sa unahan. Para ako ritong kiti-kiti dahil hindi na ako mapakali.
"You look constipated," Levi chuckled beside me pero pabulong. Huminga ako nang malalim. Pinangako ko sa sarili kong hinding hindi na ako magkakagusto sa lalakeng katulad ni Levi. Hind siya 'yong mga tipo ko. I want a guy who's gentleman. Para bang prince charming na nakikita ko sa mga fairytales pero mukhang walang gano'n sa totoong buhay!
"Why don't you accept my request on social media? I didn't know you're such a snobber?" He whispered. I clenched my jaw as I stared at the teacher in front of me. Bakit ba ngayon pa siya lapit nang lapit sa akin ngayong na realize ko nang pangit pala ang ugali niya?
Kung kailan lumalayo ako at ayaw ko na siyang makita tsaka pa naging ganito!
"Don't talk to me," I whisperee back para maiwasan ang pagkakapansin sa amin ng teacher. Ayaw kong mapagalitan nang dahil lang sa kanya!
"You hate me that much huh? Bakit? Akala mo ba ay gagawin ko sayo 'yong nakita mo doon sa garden-"
"Shut up!" Hindi ko na namalayan na napalakas ang boses ko. Lahat ng mga kaklase ko ay napatingin sa akin. Nanlalaki naman ang mata ng teacher sa akin habang si Chloe at Hannah ay nag-aalala.
"You want me to shut up Miss Wadler?" Mataray na tanong ni ma'am. Agad akong kinabahan. I heard Levi's chuckles beside me while I am very nervous. Mabuti na lang ay pinagsabihan lang ako ng teacher at sobrang nakakahiya 'yon. Para akong napunding ilaw dahil sa hiya kaya naman dire diretso ang labas ko nang matapos ang klase.
"Hoy girl! Anong drama yung 'shut up!' mo sa gitna ng klase?" Tanong ni Chloe habang natatawa. Kumunot ang noo ko at mabilis na naglakad. Buti na lang ay nakakasunod silang dalawa sa akin.
"Kinukulit kasi ako ni Levi!" Inis kong sinabi.
"Yung crush mo-"
"Pwede ba Chloe! Hindi ko siya crush!" Putol ko sa kanya.
"Ay edi...ex crush na lang? Bakit? Anong sinabi niya?" Tanong ni Chloe pero may ngisi sa mga labi.
Napasimangot ako dahil hindi ko talaga gusto ang mga nangyayari. Magsasalita na ulit sana ako habang kami'y patuloy na naglalakad sa pathway nang may bigla na lang may humarang sa amin. At gano'n na lang ang bigla ko nang makita ko si Levi na preskong presko na nakapamulsa sa harapan ko habang nakatingin sa akin. Masyado siyang matangkad kaya halos mapatingala pa kaming tatlo.
"Hello girls...pwede ko bang makausap ang inyong kaibigan?" Tanong niya kina Chloe at Hannah. Yung dalawa naman ay sabay na tumango. Nanlaki ang mata ko at sobrang nadismaya.
Siniko ko si Hannah at Chloe at umiling iling dahil gusto kong bawiin nila ang tango nila at magdahilan na lang na may pupuntahan kami na hindi nila ginawa! I feel so betrayed when they both leave me with Levi!
Bwisit!
"Ano na naman?!" Inis na tanong ko. Sinadya kong taasan ang boses ko para marinig nang mga estudyante sa malapit sa amin. Alam ko namang maraming fan base itong si Levi dahil bukod nga sa gwapo ay matalino din siya! Kilala din siya sa pagiging...tahimik at misteryoso 'yon naman pala isang napakalaking jerk at heartbreaker! Ilan na kayang babae ang napaiyak ng lintek na ito?
"Bakit ba lagi kang high blood? Hindi naman kita inaano ah?" Inis na rin niyang balik. Napamaang ako. Kita mo nga naman itong lalakeng ito. Siya na nga ang nang-abala...siya pa ang galit?
"At ikaw pa ang galit? Eh kung tumabi ka na lang kaya sa daan ko nang ako'y makaalis na?" Sarkastiko kong sinabi. Nagtaas siya ng kilay at nanlaki ang mata ko nang bigla niya na lang akong inakbayan habang nakatingin ang mga kapwa estudyante namin! Damn it! Baka ako na ang maging next target ng mga fan girls niya? Shit! Sinasadya niya ba ito?
"Look at them...they are glaring at you," he whispered. Tumayo ang balahibo ko sa bulong niya na iyon. Para akong nakahaplos ng isang kuryento at dumaloy ito sa buong katawan ko.
"B-Bitawan mo ako!" I squirmed and tried to elbow him pero nakakaiwas siya.
"Accept my friend request first or just give me your number," he said. Nagtiim bagang ako. Hindi ako makapaniwala na nangyayari ito ngayon. Para akong pinaglalaruan ng tadhana!
"At bakit ko naman gagawin 'yon?!" Inis kong tanong.
"Kung hindi mo gagawin ang sinabi ko...bago ka pa makalabas ng school na ito ay magulo na ang buhok mo dahil sa daming gustong sumabunot sayo..." mala demonyo niyang bulong. Napahigit ako ng hininga. This is ridiculous! Napatingin ako sa paligid at tama nga siya. Halos lahat ng babae'ng nakatingin sa akin ay masama na ang tingin! Parang ano mang oras ay susugurin nila ako!
"Fine!" Napipilitan kong sinabi at hinugot ang aking phone sa aking bulsa. I manipulated my phone to my social media. Inalis niya ang pagkakasampay ng braso niya sa aking balikat at pinanuod ang ginagawa ko sa aking phone. Nang matapos ay plastic akong ngumiti sa kanya.
"Tapos na po senyorito-"
"Not yet," he cut me off at mabilis na hinigit ang phone ko mula sa aking kamay at nilabas ang kanya para i-save ang number ko! Halos hindi ko nasundan ang mga pangyayari dahil sa bilis nito. Sa huli ay nakangisi na siya sa akin habang binabalik ang phone ko.
"Bakit mo ba ito ginagawa?! Base sa mga naaalala ko nag-sauli ka lang naman ng purse ko tapos bigla ka na lang susulpot sa kung saan-saan tapos-"
"Are you dumb or stupid?" Napamaang ako sa tanong niya. Nakakainsulto 'yon at parang gusto ko siyang sampalin. Ito ang malaking ebidensya na hindi ko na dapat talaga siya magustuhan.
"Ano?!" I advanced to him because I am so triggered. Ngumisi siya at napaatras ako nang yumuko siya para lumapit sa aking tainga para bumulong.
"You have to be ready from now on because I'll pursue you no matter what..." he trailed off. Mas lalo siyang lumapit habang ako naman ay pigil na ang hininga.
"...I like you...that's why." He whispered more before he left me dumbfounded.
EPILOGUE (THE FINAL CHAPTER) “Levi…I told you…I am just…paying my debt and after this we’re nothing but strangers, right?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Something happened to us back on the yacht, but it feels like it was all nothing to her. Yes! Sinabi ko sa kanya na ang tangi ko lang dahilan kung bakit ginagawa ko ang lahat ng ito ay dahil sa utang nila sa daddy ko. But fuck! Ayaw ko ng lokohin ang sarili ko. Ginawa ko ang lahat ng ito hindi dahil gusto ko ring ibalik ang sakit na pinaranas niya sa akin noong iniwan niya ako. Ginawa ko ang lahat ng ito dahil hanggang ngayon…mahal na mahal ko pa rin siya. Hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso at isipan ko. Hanggang ngayon lahat ng parte ng katawan ko siya lang ang hinahanap. It was fucking ridiculous. To love someone like this is so ridiculous. Hindi ko nga namalayan na lahat pala ng ginagawa ko ay para sa kanya. I earned the highest position in my grandfather’s company para hindi ako mapasunod ng lolo ko sa pag
EPILOGUE (Part 5)Hindi ko kayang palipasin ang buong gabi na galit sa akin si Astrid. Hindi ko makakayang hayaan siyang mag isip ng masama sa akin. Maaaring tinago ko ang lahat ng ito at hindi sinabi sa kanya pero hindi magbabago na mahal na mahal ko siya.Kaya lang kahit anong gawin ko pakiramdam ko hindi umaayon sa akin ang panahon. Hindi ako nakatiis na kausapin si Astrid. Pumunta ako sa kanyang bahay at nadatnan ko roon si Nellen Wadler at dahil alam niyang may alam ako sa relasyon niya sa aking ama agad siyang nag isip ng masama sa akin.“Levi! Tigilan mo ang anak ko! Ito ba ang plano niyo ni Leslie? Sinabi kong ‘wag niyong idamay ang anak ko! Ako ang nagkamali! Babayaran ko kung ano man ang ginastos ni Vincent kay Mr. Chua! Tigilan niyo na ‘to!”She knows my mom’s plan. Marahil ay kinompronta siya ni Mommy at sinabi ang detalyeng ‘yon. Now she thoughts that I have a bad intention with her daughter. Wala rin naman akong pakialam sa per ana pinambayad ni daddy sa utang nila ang g
EPILOGUE (Part 4)Pinilit akong kausapin ni daddy ngunit pilit akong umiiwas. Hindi ko siya kayang kausapin. Pakiramdam ko sa oras na magharap kami mag-aaway lang kaming dalawa. Mas lalo lang lalaki ang gusot sa pagitan naming dalawa.Ngunit wala na akong nagawa nang sabihan ako ni lolo isang araw. Magkakaroon raw ng family gathering at exclusive lang ‘yon para sa aming pamilya. Kaya naman nagpaalam ako kay Astrid tungkol doon. Ngunit hindi ko inasahan na kaming tatlo lang ang uupo sa family gathering na ‘yon.“Where’s grandpa?” I asked as I sat down on my seat.“He decided not to go. He wants us to settle our problem on our own,” sambit ni daddy. Nanatili namang tahimik si mommy.“I wonder kung kaya mong i-settle ang problema ng pamilya?” sarkastiko kong tanong. Hindi ko matiis na mapuno na naman ng galit. I remember the scene I witnessed in his office. Dad sighed problematically. Isang diretso kong ininom ang isang baso ng wine sa aking harapan.“I am trying my best to fix this fami
EPILOGUE (Part 3)Nabitin ako dahil sa babaeng ‘yon. Hindi ko alam kung anong ginagawa no’n doon at kung bakit siya naninilip sa ginagawa namin. Napailing na lang ako. Marahil kahit inosente ang babaeng ‘yon kuryuso pa rin siya sa mga ganoong bagay.“Levi,” natigilan ako nang tawagin ako ni daddy. Napatingin ako sa kanya at napansin ko ang pangbabaeng purse sa kanyang kamay. Kumunot ang noo ko doon.“Schoolmate mo si Astrid ‘di ba?” he asked. My brows furrowed. “Who’s Astrid?” nagtataka kong tanong. Nakita ko ang pagsimangot niya sa akin. “My secretary’s daughter. Naiwanan niya yata itong purse sa table nila. Give it to her,” he said. Napatitig ako sa purse na iyon. How did he know na sa anak talaga ‘yon ng secretary niya?“How did you know it was her?” I asked. Napatitig siya sa akin. Lumikot ang kanyang mata at basta na lang kinuha ang aking kamay at pinahawakan sa akin ang purse.“I just know. Ibigay mo na lang. Baka mahalaga ‘yan kay Astrid,” he said and left. Napatitig ako sa pur
EPILOGUE (Part 2)Lumipas lang ang ilang araw binalik ni daddy ang sasakyan ko pero kahit ganoon hindi ‘yon ang naging dahilan ng pagbabago sa gawi ko. I enjoy my life this way. Ito lang ang paraan para makalimutan ko kung anong klase pamilya mayroon ako.When I turned eighteen, I didn’t think twice but to enjoy being at legal age. Dahil doon ay malaya na akong makakalabas pasok sa bar nang hindi nagbubulaan sa aking edad. Dad always scolds me about that pero wala na naman siyang magagawa kundi ang hayaan ako dahil hindi ko rin naman siya susundin. At alam niyang hindi na uubra sa akin ang mga punishment niya.“Levi, we have a gathering later—”“I don’t want to attend, Mom.” mabilis kong pagtanggi. Medyo may hang over pa ako sa party kagabi kaya wala akong gana mag breakfast ngayon at mas lalo pa akong nawalan ng gana nang marinig ‘yon kay Mommy.“Your grandparents will be there…” she added, still trying to convince me. I continued finishing my plate like I did not hear anything. My g
EPILOGUE (Part 1)Leviticus Galford“Paano mo nagawa sa ‘kin ‘to, Leslie?!” isang galit na boses ang narinig ko na nagmumula sa second-floor ng aming malaking bahay. Holding my robot toy, I followed where the noise coming from, and I saw dad and mom. Dad looks furious while mom was crying miserably.Noon hindi ko nauunawaan ang tagpong ‘yon. Nasanay na ako sa madalas na pag aaway ng magulang ko kaya hindi na ito bago. Pero sa lahat ng pag aaway nila ito ang pinakamalala. Rinig na rinig sa buong bahay ang pagkabasag ng mamamahaling figurine dahil sa galit ni daddy.“I trusted you! I’ve been faithful to you tapos ito ang igaganti mo?!” may hinanakit at galit sa boses ni daddy. Hindi nila alam na pinapanuod ko sila at malinaw na naririnig ang kanilang mga sinasabi. Kung alam nilang nandito ako paniguradong magkukunwari na naman silang masaya.“I-I’m…sorry, Vincent! Hindi ko…sinasadya! Please…listen to me…ikaw ang mahal—”“Wag mong sabihing ako ang mahal mo matapos kitang makitang may kah
KABANATA 65Hindi ako makatingin kay Levi habang lumalabas ako ng sasakyan niya. Nagpalipas kami ng buong gabi sa loob ng kanyang sasakyan malapit lang sa dagat at madaling araw pa lang ay hinatid niya na ako pauwi. Ayaw ko na sanang maalala ang mga nangyari kagabi pero sa bawat ngisi niya naalala ko ang bawat detalye!Damn it! Dahil sa kanya nabalot na ng lumot ang isip ko!“Una na ako…” paalam ko sa kanya nang makalabas na ako at hawak na ang pinto ng kanyang sasakyan para maisarado ito. He smiled at me. Nakakainis! Alam ko naman na gwapo siya pero bakit hanggang ngayon nagugulat pa rin ako sa mga ngitian niyang ganyan?“Set a date for me to officially meet your mom, alright?” he informed me. Tumango ako sa sinabi niya at tuluyan nang sinarado ang pinto ng sasakyan niya. Napag usapan nga namin kanina ang tungkol diyan. Gusto niyang makausap ng maayos si mama. Alam ko naman na hindi maganda ang tingin ni mama sa kanya dahil sa nangyari noon.Huminga ako ng malalim at pumasok na sa ba
KABANATA 64R18Magkahawak kamay kami habang naglalakad sa dalampasigan. Hawak-hawak namin sa kabilang kamay ang aming sapatos kaya malaya naming nadadama ang pinong buhangin sa aming paa. Madilim na ang paligid pero dahil sa ilaw na nanggagaling sa mga lamp ay maliwanag pa rin sa aming mata ang aming nilalakaran.Pinagmasdan ko ang magkahawak naming kamay ni Levi. Kahit sa simpleng haplos lang kanyang kamay sa akin ay para na akong nililipad sa langit. Masyadong malakas ang epekto sa ‘kin ni Levi at sa ngayon parang hindi ko na talaga siya kayang pakawalan.“You’re being silent. You’re thinking something else?” he asked, breaking my thoughts. Tumaas ang tingin ko sa kanta. Madilim na ang kalangitan ngunit para sa aking mata nagningning ang kanyang mukha.“Nasa’n na ang mommy mo?” tanong ko. Alam kong ayaw niyang pag usapan ang tungkol sa mommy niya pero hindi ko mapigilang macurious.“I told her to leave us alone,” sambit niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa kanyang sina
KABANATA 63Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa harapan ng malawak na dagat. Ilang oras na rin akong nakatambay dito ngunit hindi ako nagsasawang pagmasdan ito. Tinitigan ko ang araw na malapit nang lumubog. Nagkulay kahel ang kalangitan at sumalasamin sa dagat ang kulay nito.Napakaganda nitong pagmasdan ngunit bakit puro kalungkutan ang nararamdaman ko? Naalala ko noong kababagong lipat lang namin dito sa Legazpi. I was sorrowful and painfully suffering emotionally. Ang tangi ko lang takbuhan ay ang dagat at tahimik na kinakausap si papa.Hindi ko inaasahang nandito na naman ako, nasasaktan at tahimik na hinihiling na sana’y buhay pa ang aking ama. At muli na naman akong bumabalik sa marami kong what ifs.What if papa never died? What if he stayed with us? What if mom didn’t fall in love with Mr. Vincent Galford? Magtatagpo kaya ang mundo namin ni Levi? Mamahalin ko kaya siya ng ganito?Hindi ko alam kung bakit kung ano pa yung nagpapasaya sa’yo ‘yon pa ang napakahir