Share

KABANATA 8

KABANATA 8

Hindi ako mapakali sa kwarto ko dahil paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko 'yong sinabi ni Levi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan ako at naiinis at marami pang iba.

He said he likes me. Pinaglalaruan niya ba ako? Sa limang taon na sinusulyapan ko siya mula sa malayo ni isang tingin ay hindi niya ako sinulyapan. While I was waiting for his glance he was lauhing with his friends. I was so pathethic for admiring him from afar. At ngayong alam ko na ang buo niyang pagkatao syaka niya ngayon sasabihin na gusto niya ako? 

Hindi ko alam kung bakit at paano at ayaw ko nang malaman pa. Ang dapat kong gawin ngayon ay umiwas dahil maaaring ako ang next target niya. Imposibleng nagsauli lang siya ng purse ko ay gusto niya na ako!

Napabangon ako sa aking higaan nang pumasok si mama sa kwarto ko. Kunot na kunot ang noo ko nang makita ko siyang ayos na ayos. Ano na namang meron?

"Bumangon ka diyan Astrid! Bilis! May fine dining ang company ngayon," excited niyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit nawala na ang dati kong saya sa tuwing nalalaman kong may mga gatherings sa kompanya. Kung noon ay excited ako, ngayon naman ay halos katakutan ko ang pag-attend.

"Ikaw na lang muna Ma. Masama pa ang pakiramdam ko," usal ko at muling humiga sa kama ko. 

"May lagnat ka?" May pag-aalala sa boses ni mama at mabilis na hinawakan ang noo ko.

"Hindi ka naman mainit ah?" Tanong niya sa nagtatakang boses.

"Just go without me Ma. Tutulog na ako," sabi ko sa malungkot na boses. Nagtalukbong ako ng kumot at buti na lang hinayaan na ako ni mama. Nagpaalam muna si mama bago ko narinig ang kanyang pag-alis. Napabuntong hininga ako at napatitig sa ceiling ng kwarto ko.

Anong gagawin ko? Paano kung kulitin ako ni Levi? Kaya ko ba talagang umiwas? 

Kinuha ko ang aking phone at nag-scroll na lang sa socmed. Naaaliw na ako sa iba't-ibang memes na nakikita ko nang bigla na lang may nag chat sa akin. Dumagundong nang malakas ang dibdib ko nang makita ang pangalan ni Levi.

Napalunok ako at binuksan 'yon.

Leviticus Galford:

Your mom is here. Where are you?

Kumunot ang noo ko. Nasa fine dining siya? Napabuntong hininga ako at piniling hindi mag reply pero halos tumalon ang puso ko sa biglang pag ring ng cellphone ko. It was an unknown number. 

"Hello?" Tanong ko pagkatapos ko itong sagutin.

"Hindi ka sumama sa mother mo?" Napakunot ang noo ko dahil pamilyar ang boses nung lalaki.

"Who's this?" tanong ko. Narinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya.

"This is Levi," he answered. Nanlaki ang mata ko. What?

"At bakit ka tumatawag sa akin?!" Inis kong tanong. 

"Masama bang tumawag? I am just curious kung bakit wala ka dito-"

"Pakielam mo? I told you! Tigilan mo na ako!" Malapit nang mapigtas ang pasensya ko.

"Hindi pa ba malinaw ang lahat sa'yo-"

"Wag mo nga akong lokohin! Nagsauli ka lang ng purse ko gusto mo na ako? Sira ulo ka ba?" Inis kong sinabi. 

"Bakit? Ano ba dapat para magkagusto ka sa isang babae? Friends muna? Gano'n ba ang gusto mo?"

"Wala kang pakielam sa gusto ko!"

"Bakit kailangan ko pang dumaan sa friends kung alam kong gusto kita?"

May kung anong dumaang kuryente sa aking katawan. Kakaiba ang tibok ng puso ko ngayon. Para akong nasa isang makipot na daan at konting konti na lang ay mauubusan na ako ng daan paalis.

"Bakit mo ako gusto?" Diretso kong tanong. Natahimik siya sa kabilang linya.

"May dahilan ba dapat para magustuhan kita?" Balik tanong niya.

"Oo! Kailangan!" Halos isigaw ko 'yon.

"You turned me on. Does it mean that if I got turned off I'll stop liking you?" 

Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit kahit ako ay naguguluhan. Gusto kong kumawala dahil kilala ko na ang tunay niyang pagkatao. Gusto kong lumayo but my stubborn heart don't want it. Parang nasa loob ng isang labanan ang isip at puso ko.

"You're that kind of guy," I said and ended the call. Muli siyang tumawag pero pinatay ko na ang phone ko. 

Kinabukasan ay tahimik akong kumain na mag-isa. Tulog na tulog pa si mama sa kwarto niya. Maagap akong pumasok sa school. Wala pa sina Chloe at Hannah sa room nang dumating ako kaya naman binaba ko na muna 'yong bag ko sa aking upuan at muling lumabas para bumili ng yogurt sa cafeteria.

"One yogurt please," I said to the counter. Naglabas ako ng wallet para maghanda nang pambayad kaso lang bago pa ako makapaglapag ng pera ay may kung sino na ang unang nagbigay. Lumingon ako dito at nagsimula na namang magwala ang puso ko nang makita si Levi. Freshly looking with his uniform, he looks dashing in the morning. Amoy na amoy ko ang panglalaki niyang pabango.

"I'll pay for it," he said to the counter.

"Thank you sir," the girl said and accepted the money. Bumuntong hininga ako.

"Wait Miss! Ako po ang magbabayad-"

"Tss. Instead of playing hard to get you should've been grateful for it. Someone treat you for a yogurt right?" Levi said beside me. Pumikit ako nang mariin. Pinapakalma ang sarili ko.

"Pwede ba Levi? Anong akala mo sa akin? Walang pera?" Nauubos na ang pasensya ko. Tumaas ang kilay niya at namulsa sa harapan ko.

"I know you have money but I just want to treat you-"

"Hindi ko kailangan ng pera mo," malamig kong sinabi at kinuha ang yogurt kasunod ng bayad ko bago umalis doon. Dire diretso ang lakad ko habang ramdam ko ang pagsunod niya sa akin. I sipped in my yogurt and tried so hard to walk faster but because Levi is much taller than me of course he would always keep up with me.

"In the next gathering of the company you should come. You've been attending the gatherings before," he said while walking beside me. 

"Sa tingin mo magkakaroon pa ako nang ganang um-attend kung lagi kong naaalala 'yong ginawa mo doon sa garden?" Iritado kong sinabi.

"Let's just forget about that and-" hindi ko na narinig ang sinasabi niya nang makapasok na ako sa room namin. Hindi na ako muling lumingon at umupo na lang sa upuan ko. Nando'n na si Chloe at Hannah at alam kong napansin nila si Levi na nakasunod sa akin kanina.

"Anong meron? Bakit magkasama kayo?" Tanong ni Chloe. 

"He said he likes me," nagkibit balikat ako. Halos mabilaukan sa sariling laway ang dalawa dahil sa sinabi ko.

"What?" Sabay nilang tanong. Bumuntong hininga ako at nilapag ang yogurt sa desk ko.

"I think he's playing with me. Hindi niya ako napapansin noon pero nang isauli niya 'yong purse ko and finally see me naging type niya ako. Maybe this is his way to hook girls," I said.

"You're right Astrid. Naaalala kong may nabanggit sa akin 'yong kakilala ko na nagkita lang sila sa isang bar noon at mula noon ay bumuntot na sa kanya si Levi. And Levi left her the moment she gave in," Hannah said. Kinabahan ako sa sinabi niya. It was like a threat and warning for me. It is a slap to me that Levi is really a jerk. He is not a prince charming I always dream about him. 

"You're in a big trouble Astrid. What if...you're heart decided to give in? We know how you liked him for five years and-" pinutol ko si Chloe.

"Hindi ako mahuhulog sa patibong niya Chloe. I told you guys. The moment I saw him doing that dirty deed it was the moment I lost my feelings to him," I said confidently. Tiningnan ko 'yong dalawa at nakita ko ang pagdadalawang isip nila sa sinabi ko. 

Natapos ang klase nang tahimik at sa bawat paghakbang ko patungo sa gate ng school ay ang bawat tibok ng puso ko na nangangamba na baka makita ko si Levi. Natatakot ako. Alam kong hindi dapat ako matakot dahil alam kong hindi ako magpapaloko pero...habang tumatagal mas lalo kong nararamdaman ang pagkatalo ko.

I waited for a taxi to come in a waiting shed. Tumaas ang tingin ko sa makulimlim na langit. Napabuntong hininga ako. Wala akong payong. 

Ilang minuto na ang lumilipas pero wala pa ring taxi na dumadaan, bumubuhos na rin ang malakas na ulan kaya naman susugod na sana ako sa ulan nang bigla na lamang tumigil ang isang magarang kotse sa harapan ko!

Nanlaki ang mata ko nang dahil sa biglaang pagtigil ng sasakyan sa harapan ko tumilapon sa akin ang maduming tubig sa kalsada! Ramdam ko ang pagtalsik ng tubig sa aking mukha at buong damit!

Ramdam ko ang lamig sa buo kong katawan. Nang tiningnan ko ang sasakyan ay halos manlaki ang mata ko nang makita si Levi sa loob ng sasakyan! He was in the backseat because he has a driver on his own. 

"Sinasadya mo ba 'to ha?!" Sigaw ko. Napatingin sa akin ang mga tao sa paligid ko. Mukha na akong basang sisiw! Damn it!

"I was approaching you nicely but you turned me down. Now my final resort is to catch your attention rudely, and I think I got successful," he said and smirked. I baled my fist. 

"Damn you! You cannot have my attention-"

"You want to get in?" He asked. Kung pwede lang siyang bugahan ng apoy ginawa ko na.

"At sa tingin mo sasakay pa ako sa'yo? Look what you did to me? I look like a fucking mess!" Iritado kong sinabi. Humalakhak siya at pinasadahan ng tingin ang buo kong katawan.

"You look hot though," he said and winked. Napamaang ako. 

"Let's go manong," He said to his driver. Hindi na ako nakapagsalita dahil humarurot na ito paalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status