Share

Chapter 2

Leana’s POV

Pagpasok ko sa classroom ay agad akong napangiti dahil sinalubong ako ng malamig na paligid dahil sa bukas na aircon.

 Inilibot ko ang paningin ko at tanging isang tao lang ang narito bukod sa akin. Hindi ko alam kung anong pangalan niya eh. Hindi siya transferee. Nakikita ko na siya dati pa rito sa loob ng school. Isang buwan pa lang naman nagsimula ang klase kaya siguro ay nahihiya pa siyang makipag kaibigan kaya madalas ay tahimik lang siya at nag-iisa.

Napatingin siya sa akin at nanigas ako mula sa kinatatayuan ko dahil sa tila naiinip na mga mata niya. At dahil makapal ang mukha ko, ngumiti ako ng malapad at kumaway.

 “Hello!” masiglang pagbati ko at wala akong nakuhang tugon kundi isang tipid na ngiti bago siya tumungo ulit sa Ipad niya.

 Mahiyain talaga… 

Umupo ako sa pwesto kong sobrang layo mula sa kanya at nilabas mula sa skirt ko ang isang mini pocket note at ballpen para isulat ang ideya na naisip ko kanina.

 At dahil pagod ang utak ko dahil sa pagsusulat kanina, wala akong ibang magawa. Ayoko namang mag cellphone. 

 Sinundan ko na lang ng tingin ang lalaking kasama ko at pinanood ang galaw niya para sakaling maaliw ako.

 Ang kalma naman niyang kumilos… 

Tumingin siya sa kawalan at hindi ko maiwasang mamangha dahil ang kalma niyang gumalaw pero ramdam ko na medyo cold ang awra niya.

 Ganyan ba talaga kapag mahiyain? Hindi kasi ako mahiyain kaya hindi ko alam. 

 Sa hindi ko malamang dahilan ay pumasok sa isip ko ang isang character mula sa novel na sinusulat ko. Parang nakikita ko tuloy yung character ko sa classmate kong ‘to. Grabe! Kuhang-kuha niya yung paraan ng pag-kilos nung karakter ko.

Naaliw ako sa panonood sa kanya hanggang sa nainip na ako dahil sa nakakabinging katahimikan.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kanya. Nakita ko pa ang pagsunod ng mga mata niya sa akin at kitang-kita ko ang pagtataka roon. Ngumiti ako ng tipid bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

“Hi!” isang malapad na ngiti ang binigay ko sa kanya.

Natigilan pa siya at tinitigan ako sa mukha na para bang sinisigurado kung siya ba ang kausap ko.

Tumingin pa siya ng bahagya kaliwa’t kanan kahit obvious naman na kaming dalawa lang ang nandito.

“Ikaw ang kausap ko.” Natatawang saad ko at wala naman akong nakitang ibang reaksyon sa mukha niya kundi pagkainip.

“Anong ginagawa mo kanina?” 

Feeling close talaga ako.

“Nothing. Nag Ipad lang,” tugon niya.

Bahagya pa akong napanguso. 

Ganitong-ganito talaga yung character ko sa libro ko eh!

“Ang boring 'no?”

“Hindi naman.”

Ay? Grabe ah.

“Bored ako eh. By the way, I’m Leana.” 

Ngumiti siya ng tipid.

“Ang dami mong sinabi bago pakilala ah?” 

Nanlaki ang mga mata ko.

“Ay, sorry.” 

“I’m just kidding. I’m Nico.”

“Marunong ka pa lang magbiro? Akala ko hindi eh.”

Suminghal siya ngunit napangiti rin kalaunan.

Hindi ko maiwasang maaliw dahil sa ngiti niya.

“Alam mo, feeling close ako pero wala akong pakialam. Kakausapin pa rin kita.” 

“Sure.” Tumango siya.

Napangiti ako ng malapad.

“Sure ka?” Paninigurado ko pa.

“Oo.”

“Sure?” Pangungulit ko.

“Oo nga.”

“Weh?”

Naging blangko na ang ekspresyon niya kaya natawa ako.

“Joke lang. Ganito lang ako kapag may bagong kakilala.”

Hindi siya nagsalita pabalik.

“Bakit nga pala mag isa ka?” 

“Gusto ko lang.” 

“So mahiyain ka?” walang hiyang tanong ko.

“Hindi. I’m just quiet.”

“Halata nga.” 

Tumango tango ako.

“Hindi ka ba maiinis sakin? You see, madaldal ako. Baka ayaw mo sa mga madadaldal.”

“Sabi mo kahit feeling close ka ay kakausapin mo pa rin ako. Ano pang silbi ng tinanong mo?” 

“Ano ba! Ang prangka mo!” 

Napakamot ako sa ulo.

“Nico, I bet ayaw mo sa mga small talks.”

“Oo, ayaw ko.”

Dahil naturingan akong madaldal at feeling close, nakipag-usap na ako sa kanya ng tuloy tuloy. Ganito ako sa mga tao kaya marami akong nakakasundo. Hindi talaga ako mahiyain dahil sinanay ako nina mama at papa noong elementary na makihalubilo sa mga tao para raw hindi ako mahirapan pagtungtong ng highschool.

Ako lang naman ang maraming daldal. Sumasagot naman itong kasama ko pero napaikili. Hindi pa siya nakakaabot sa three sentences! Dahil tahimik siya at kaming dalawa lang ang nandito, tanging ang boses ko lang ang naririnig naming dalawa.

“Hindi kita classmate last year. Anong section mo?” 

“Section 2,” sagot niya.

“What are your hobbies, Nico?”

 Napahinga ako ng malalim. Ako lang talaga ang nagbubuhat sa usapan naming ito.

“I have a lot.”

Naantig ang interes ko.

“Really? Like what?”

Ngumiwi siya at halatang nahihiyang sabihin kaya naman ay nagsalita na ako.

“Nahihiya ka eh. Huwag mo na lang sabihin kapag ayaw mo. Ang daldal ko ‘no? Magsalita ka rin kasi baka mapanis laway mo.”

“Ang bilis mong mag iba ng topic. Pino-proseso pa lang ng utak ko ‘yang sinabi mo, may bago na naman.”

“Ganon?” 

Tumango siya.

“It’s because I’m having fun talking to you.”

“Huh? I don’t even talk that much.”

“You see, prangka ka at honest,” saad ko na ikinatigil niya sa paglalaro sa I.D niya.

“Fun 'yun para sa 'yo?” 

“Oo!”

Nagkibit balikat siya at sumandal sa upuan niya.

“Then talk. I don’t mind listening.”

“Listen lang?”

“Nakakapagod magsalita.”

Parang 'yung character ko…

“Share ko lang ah? Para may topic naman tayo.”

Tumango siya habang sinulyapan pa ako ng kaunti.

 “Alam mo ba yung librong I am a hero? Ang gandang libro ‘nun.”

“Nabasa ko na 'yun.”

“Talaga?!” Napakalakas na bulalas ko dahilan para mapaiwas siya.

“Yes. Maganda yung librong 'yun,” aniya.

“Totoo. Nakakainis lang kasi 'yung villain.”

“I don’t think so.”

Naantig ang interes ko.

“Villain ‘yun eh. Pinahirapan 'yung hero kaya bakit?” nagtatakang tanong ko.

“The villain in that book is just mistreated, that's why she became like that. She’s not a villain. She’s an anti-hero.”

Nakinig akong mabuti sa kanya dahil naantig ang interes ko dahil sa sinabi niya.

“I love villains more than heroes. They are the most relatable ones.”

“Oo nga naman 'no?” napaisip tuloy ako dahil sa sinabi niya.

“Villains make good points. If villains are evil, why do people have the same traumas as them? Why do people hurt just like them? If they’re bad because of it, then does it mean that the people who also had those kinds of traumas and those who experienced the same pain are considered evil too?”

Woah.

“Villains are just misunderstood.” 

“Na-speechless ako. Wait lang bro.” 

Narinig ko ang mahinang tawa niya.

The way he speaks his thoughts… It's so interesting.

“Pero naisip ko lang ‘no. If it weren’t for villains, heroes would be nothing,” aniya.

“And if it weren’t for heroes, villains would win,” sabat ko.

“Do you think all villains are evil?” tanong niya.

“Hindi. For me, villains and heroes are both trying to make the world a better place from their own perspectives. I don’t know. ‘Yun ang naisip ko.” Nagkibit balikat ako.

At napunta na kami sa usapang villains at heroes. Ewan ko ba at nagkasundo kami sa topic na 'yun. I guess he prefers deep talks huh?

“As a kid, I looked up to the heroes and wanted to be like them. And as a teenager, I understood the villains.”

He’s really interesting…

Magkaibang-magkaiba rin kami ng ugali at paraan ng pag-iisip. Iyan ang napansin ko habang pinag-uusapan namin 'yung tungkol sa villains kanina.

“Napansin ko, marami ka ng nabasang mga libro. Mahilig ka magbasa 'no?” tanong ko dahil halos lahat ng mga paborito kong libro ay nabasa na niya rin.

“Nagbabasa naman ako minsan. Mas gusto ko ang panonood,” sagot niya.

Marami na kaming napag-usapan pero ramdam ko pa rin ng pagka-ilag niya. Inaasahan ko na iyon dahil ngayon lang niya ako nakilala.

“Talaga? Anime?” 

Bumilog ang bibig ko dahil sa pagtango niya.

So this guy watches anime.

“How about you? Do you watch anime too?” 

May nakita akong kuryosidad sa mga mata niya at mayroong konting kislap dito. Excited ba siya?

“Hindi eh. Mas gusto ko k-dramas.”

 “Oh.”

Nawala na yung excitement sa mga mata niya.

Sa loob ng ilang taon ay ngayon na lang ulit ako na curious sa mga tao sa paligid ko. Ngayon  na lang ulit na gusto kong makilala ng lubos ang isang tao. Noon kasi ay wala akong pakialam sa iba. Hindi ako nag-aabalang kilalanin sila ng husto pero ngayon, itong si Nico ay curious na curious ako sa pagkatao niya.

Ang tahimik niya at cold pero sa tingin ko ay interesting siya.

“Alam mo, ang ganda mong kausap. Kukulitin ulit kita ha?” 

Tinabingi ko ang ulo ko at nginitian siya.

Kumurap pa siya bago umayos ng upo.

“I’m not fun to be with.”

“Anong hindi? Oo kaya! Sa tingin mo magtatagal ako kapag hindi ko gusto yung pinag-uusapan natin?” 

“Ikaw lang naman ang panay salita sa ating dalawa.”

“Nakakarami ka na talaga Nico!” Bulyaw ko at natatawa naman siyang inilapit ang mukha niya sa akin.

“Feeling close ka diba?” Ngumisi siya at umirap naman ako.

“Oo na! Ugali ko ‘to eh! Anong magagawa ko diba?!”

“You’re so loud.” Bulong niya.

“Narinig ko 'yun!”

“Malamang. Sinadya ko eh.”

“Grabe to oh! Ang sama mo!”

“Malayo ba ako para kailangan mong sumigaw?” supladong aniya.

“Napaka suplado mo ‘no?” 

Sininghalan niya lang ako at tumingin sa kawalan.

Totoo nga ang sinabi niya. Hindi siya mahiyain. Tahimik lang talaga siya.

“Mapang-asar ka rin pala,” saad ko.

“Hindi ako ganito sa lahat ng oras.”

“Ano 'yun? Nauubos iyang social battery mo?” 

Tumango siya.

“Introvert ka.”

Parang siguradong sigurado na saad ko.

“Yes, I am. And I prefer being alone.”

“Aalis na ba ako?” pagbibiro ko at napatingin naman siya sa akin.

Natawa ako dahil sa guilt na nakikita ko sa mukha niya.

“Huwag kang ma guilty dyan. Hindi naman ako na offend. Tsaka, hindi kita titigilan /no.”

Tumaas ang kilay niya.

“Kasi simula ngayon, guguluhin ko ang payapang buhay mo.” 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status