Leana’s POV
“Passion or practicality? Isipin mo Leana na mahirap lang tayo. Isipin mo kung ang tatahakin mong daan ay kaya kang buhayin o hindi. Anak, sa mundong ito, mga mayayaman lang ang may choice.”
Para akong sinampal ng katotohanan dahil sa sinabi ni mama. Gusto kong mag amok, gusto kong umiyak, gusto kong magalit sa mundo at sabihing napaka unfair nito pero anong magagawa ko kung ito lang ang meron kami?
“Alam ko po, mama.”
Hindi ko naitago ang pagpiyok ng boses ko dahil sa sama ng loob. Tumikhim ako at ngumiti upang sa ganon ay maipakita ko sa kanila na okay lang ang lahat.
“ Kahit hindi ko na po i-pursue yung passion ko. Pangako ko na iaahon ko kayo sa hirap.”
Napatingin ako kay mama at papa. Nandon ang saya at pagmamalaki sa mga mata nila. Isasantabi ko na lang ang pangarap ko para sa kanila.
My parents grew up in a poor family and I want to give them the life they deserve.
“Mag nursing ka anak ha? Masyado kasing matagal kapag doktor kaya 'yun na lang.” Nakangiting ani mama.
Imposibleng maging doktor ako. Kaya ko namang tiisin ang napakahabang kurso na 'yun pero ang totoo, wala kaming pera. Masyadong magastos ang pagiging doktor.
Ngumiti ako ng malapad at tumango.
“Kahit takot ako sa dugo, kaya ko ‘yun. Ako pa.”
Pinilit kong maging positibo upang sa ganon ay hindi sumama ang loob nila.
“Ano na ulit yung strand na kukunin mo next year anak?” tanong ni papa.
“STEM po.”
Pero gusto ko sa HUMSS.
“Mag-aral kayong mabuti ni Chance. Kayo lang ang inaasahan namin mga anak.”
Napatingin ako sa kapatid ko. Isang taon ang agwat namin. Nasa Grade 10 ako at Grade 9 naman siya.
“Opo,” sabay pa naming sagot.
Napatingin siya sa akin at inasar ako gamit ang mga tingin. Napangiwi naman ako at inambaan siya ng suntok.
“Oh ano?” hamon ko.
“Ang panget panget mo.”
“Kung panget ako, ano ka pa? Tae?” mataray na saad ko.
Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain dahil papasok pa ako sa school. Lunch break namin at dahil ayokong gastusin ang allowance ko, umuwi ako para rito mag lunch.
“Bakit dito ka nag lunch ngayon ate?”
“Wala naman akong kasamang kumain sa labas edi umuwi na lang ako.”
“Ha! Walang kaibigan!”
Nanlaki ang mga ko.
“Humanda ka sakin mamaya,” pagbabanta ko at nag make face lang siya.
Nag-uusap sina mama at papa kaya tumahimik na kaming dalawa.
Pumasok sa isip ko ang pinag-usapan namin kanina.
Hindi ko talaga maiwasang maisip kung bakit kailangan pa naming maging kapos sa pera. Bakit kami pa? Nakakapagod makita sina mama na problemado sa pagbu-budget. Lalo pa at sabay kaming nag-aaral ni Chance.
Bahagya akong napangiwi dahil sa naisip ko. Ayokong magpalamon sa lungkot kaya uminom na ako ng tubig saka tumayo.
“Aalis ka na?” tanong sa akin ni papa.
“Opo, pa. Hoy, Chance. Mauuna na ako. Ang tagal mo.”
“Sige. Ang aga pa kaya. Una ka na.”
Nagpaalam ako sa kanila pagkatapos ‘nun.
Isinukbit ko ang bag sa likuran ko at sumakay sa tricycle para magpunta sa school.
Pagkatapos kong makababa ay napangiwi pa ako dahil sa itsura ng school namin. Kung bakit kasi kailangan pa na sa private school kami mag-aral? Sina mama talaga, oo. Edi sana iwas gastos.
I hate being poor. I can’t do the things I want. I can’t buy the things I want. I belong to a middle-class family but I know that we’re on the verge of poverty.
Hindi naman sa hindi ako kontento sa mga bagay na meron ako. Nasasaktan lang ako dahil 'yung ibang parents dyan, hindi problema kung saan kukuha ng pera. Samantalang sina mama, sabay na problemado. Hindi deserve nina mama ang ganon.
Hindi ko tuloy ma pursue ‘yung passion ko dahil sa kakapusan ng pera.
Why does it have to be me? Why us? I have plenty of dreams but I can’t seem to make them come true because we’re struggling financially. I’m obviously lying when I say that I’m content with my life because the truth is, I'm not.
Ang dami-dami kong tanong sa isip. Parang sasabog ang ulo ko. Ang bigat na nga ng dibdib ko dahil sa sama ng loob at ultimo pati ulo ay nagiging mabigat dahil sa dami ng mga iniisip.
Nape-pressure ako dahil laging sinasabi nina papa na kailangan ay ganito ako at kailangan ay ganyan. Hindi talaga pwedeng pumalpak ako dahil kami lang ng kapatid ko ang inaasahan nila.
Napadaing ako at napairap. Nakakainis! Ayoko ko nang isipin yun.
Nagpunta ako sa library at umupo sa pinakasulok na table. Nilabas ko ang laptop ko at tinitigan iyon habang hinihintay na tuluyang bumukas.
“Hoy, mahirap.”
Kumunot ang noo ko dahil sa dalawang pares ng kamay na pumatong sa notebook na nasa tabi lang ng laptop ko. Tumingala ako at agad na napangiwi dahil sa nakita.
“Ano na naman ba, Bradley? Vino?” nasusuyang tanong ko.
“Short ka ba sa cash ngayon? Kaya ka naming bigyan. Dodoblehin namin iyang allowance mo. Ano ba naman kasi 'yan? Pang isang araw lang namin iyang pang isang linggo na allowance mo.”
Napasinghal ako dahil sa sinabi ng Bradley na ‘to.
“Pake mo?” pangbabara ko.
“Gawin mo 'tong assignment namin dali.” Inilapag niya sa harapan ko ang dalawang bond paper.
“Okay.” Ngumiti ako at nakita ko ang pag ngisi nila.
Nakangiti kong kinuha ang bond paper at pinunit iyon sa harapan nila. Nawala ang mga ngisi nila kasabay ng pagkawala ng ngiti sa mukha ko.
“Close ba tayo para mag pagawa ka ng assignment sa akin? Hindi ko kailangan ng pera niyo okay?”
Natawa ako dahil sa masama nilang tingin.
“Makakaalis na kayo.” pagtataboy ko.
“At sino ka naman para paalisin kami?” Yumuko si Vino at sinubukan akong takutin.
Tinusok ko ang noo niya at pwersahang pinaatras.
“You’re invading my personal space.”
“ Feeling matalino.” Bulong ni Bradley.
“ Aba, matalino naman talaga ako Bradley. Hindi tulad mo. Pwede ba? Umalis nga kayo rito.”
Inambaan ko sila ng suntok at hindi ko inaasahang mapapaatras sila. Naglakad ako papalapit at natawa nang agad silang umalis.
Mga walang magawa sa buhay.
Napailing na lang ako at hinarap muli ang laptop.
Ganito ang mga eksena ko sa school. Maraming spoiled brats dito at kadalasan ay pinagti-tripan nila ang mga kagaya ko. Maraming nabu-bully pero ako ay hindi. Hindi ako natatakot pumatol sa kanila.
“Hi, Leana!”
Napatingala ako muli at nakita ko ang isang schoolmate ko na maganda ang pagkakangiti sa akin.
“Hello!” Kumaway ako pabalik.
“Mag-aaral ka na naman? Ang sipag mo ah.”
“Hindi ako mag-aaral. May ita-type lang ako.”
“I won’t disturb you then. Bye! Have a nice day!”
Napangiti ako.
Kung may bullies, may mga mababait naman. Sikat ako rito sa school dahil active ako sa mga extra-curricular activities.
Ayoko na ng istorbo! Please lang, hayaan niyo kong manahimik dito!
Napakamot ako sa ulo ngunit agad ding gumanda ang mood dahil sa document na kinalalagyan ng chapter sa on going na novel ko.
Writing is my passion. I feel so happy and alive when I write.
Bata pa lang ako ay mahilig na ako sa kahit na anong uri ng pagsusulat. Mapa-essay, poem, short stories, script… mahilig ako sa mga iyon. Lalo na sa pagsusulat ng novel. Kapag nagsusulat ako, tila nakakapasok ako sa mundong ginagawa ko.
Kapag nagsusulat ako, nailalabas ko lahat ng mga iniisip at saloobin ko. Wala akong pakialam kung ako lang ang nakakabasa sa mga ginagawa ko. Ang mahalaga ay nage-enjoy ako.
Nagtipa ako sa keyboard at hinayaang makalimutan ko pansamantala kung nasaan ako at mga iniisip ko. Pakiramdam ko ay nasa ibang mundo ako. Nararamdaman ko ang saloobin ng mga karakter ko sa libro at hindi ko masukat kung paano ako ‘nun pinapasaya.
Ang maganda rito sa pagsusulat ay kayang-kaya kong isulat lahat ng gusto ko. Walang pipigil sa akin dahil ako mismo ang author. Mahal na mahal ko ang pagsusulat dahil sa pamamagitan ‘nun ay kayang-kaya kong isulat ang mga bagay na wala sa akin sa totoong buhay. At kaya ko ring isulat ang mga bagay na gusto kong mangyari mismo sa akin
Dahil tahimik lang ang library, tanging ang tunog lang ng keyboard ang naririnig ko.
Hindi ko inintindi ang oras at hinayaan lang ang kamay ko na gawin ang silbi nito. Ang ilagay sa mga salita ang tila isang palabas na nakikita ko sa utak ko. Ganon naman lagi. Minsan ay absorbed na absorbed ako sa ginagawa ako to the point na tila pinapanood ko na lang ang mga karakter sa isip ko at kusang nagtitipa ang mga daliri ko.
Nag inat ako ng katawan at napatingin sa wrist watch ko.
May thirty minutes pa bago matapos ang lunch break. Napatingin ako sa sinusulat ko at saktong natapos ko na iyon kaya iniligpit ko na ang mga gamit ko at napagdesisyonang magpunta sa classroom para magpalipas ng oras.
Habang naglalakad ay abala lang ako sa pagiisip kung ano ang isusulat ko para sa next chapter.
I made a mental note when an idea came into my mind.
Hindi ko pwedeng pagkatiwaalan ang utak ko. Makakalimutan ko lang iyon. Di bale at isusulat ko na lang sa isang notebook mamaya pagdating ko sa classroom.
Napatingin ako sa hallway na dinadaanan ko at nakakita ng dalawang magkaibigan na masayang nagtatawanan. Napanguso ako at nakaramdam ng inggit. Sana all may best friend.
Marami akong kakila sa school dahil sikat nga ako pero wala akong permanenteng kasama. Ang dami kong naging kaibigan pero hindi nagtatagal iyon dahil kung hindi sila ang lumayo, ako ang lumalayo. Ewan ko ba, dahil sa dami ng mga naging pekeng kaibigan ko ay dumating sa punto na hindi na ako madaling ma attach sa mga tao sa paligid ko.
Nagkaroon ata ako ng commitment issues.
Tama na, Leana. Huwag mong hahayaang lamunin ka ng lungkot. Malakas ka diba? Hindi ka madaling sumuko.
Sa mundong ito, kailangan ay malakas ka dahil mahirap o mayaman man ang isang tao, may darating at darating na problema na sa tingin mo ay hindi mo kayang malagpasan. Hindi iyon totoo. Lahat ng problema ay may solusyon. Kailangan mo lang maging malakas emotionally, mentally o mapa physical man.
Pinalaki nila akong malakas kaya hinding-hindi ako magmumukmok dahil lang sa problema sa pera.
Tinapik tapik ko pa ang pisngi ko upang sa ganon ay mawala ang kung ano mang negatibong emosyon na nararamdaman ko.
Pero hanggang kailan ako magiging malakas? Malakas nga ba ako o pinepeke ko lang ang lahat? Hindi ko na alam.
Ang daming problema. Hanggang kailan ako magiging malakas kung tila habang mas tumatagal ay napupunta ako sa ibaba?
Leana’s POV Pagpasok ko sa classroom ay agad akong napangiti dahil sinalubong ako ng malamig na paligid dahil sa bukas na aircon. Inilibot ko ang paningin ko at tanging isang tao lang ang narito bukod sa akin. Hindi ko alam kung anong pangalan niya eh. Hindi siya transferee. Nakikita ko na siya dati pa rito sa loob ng school. Isang buwan pa lang naman nagsimula ang klase kaya siguro ay nahihiya pa siyang makipag kaibigan kaya madalas ay tahimik lang siya at nag-iisa. Napatingin siya sa akin at nanigas ako mula sa kinatatayuan ko dahil sa tila naiinip na mga mata niya. At dahil makapal ang mukha ko, ngumiti ako ng malapad at kumaway. “Hello!” masiglang pagbati ko at wala akong nakuhang tugon kundi isang tipid na ngiti bago siya tumungo ulit sa Ipad niya. Mahiyain talaga… Umupo ako sa pwesto kong sobrang layo mula sa kanya at nilabas mula sa skirt ko ang isang mini pocket note at ballpen para isulat ang ideya na naisip ko kanina. At dahil pagod ang utak ko dahil sa pagsusulat
Nico’s POV Leana and I never talked before and I am really not expecting that she would talk to me as if we were even close. I know her because she’s popular at school but I didn’t bother talking to her. She seemed out of reach back then. Or maybe not. Maybe it’s just me that is so aloof with people. Kitang-kita ko ang confidence na nag-uumapaw sa pagkatao niya kahit pa nakikita ko lang siya sa hallway, events o kaya sa classroom. At napakadaldal niya. Hindi ko inaasahang lalapitan niya ang tulad kong tahimik. Sabi niya masaya raw akong kausap eh halos hindi nga ako nagsasalita. She’s really annoying dahil tila hindi siya napapagod kakasalita pero hinayaan ko lang siyang magsalita sa harapan ko dahil naantig ng personalidad niya ang interes ko. Ibang-iba rin ang paraan niya ng pag-iisip kaysa sa akin kaya gusto kong malaman kung ano ang pananaw niya sa mga bagay bagay. “Hello? Nico?” Nabalik ako sa realidad dahil sa boses ni Leana. Napatingin ako sa kanya at winawagayway niya an
Leana’s POV “What are you doing?” Napalingon ako kay Nico na abala sa panonood sa mga kilos ko. Nginitian ko siya at tumaas naman ang magkabilang kilay niya. “Hinahanap ko lang 'yung character chart na para sa isang character ko.” Tumango siya at bumalik sa pagpipindot sa Ipad niya. Nasa canteen kami at dapat ay mag-isa lang siya pero nagkataong nakita ko siyang nakaupo sa isang table mag-isa kaya nilapitan ko na. Sumandal ako sa upuan at inilibot ang paningin at natigilan dahil sa nanunuksong tingin ng mga kaklase ko mula sa ibang table. Pinanlakihan ko sila ng mga mata pero hindi natigil ang panunukso nila. Akala nila siguro ay may gusto ako rito kay Nico pero ang totoo ay hindi. Gusto kong maging malapit sa kanya para mas makita at malaman pa ang personalidad niya. Parehas kasi sila ng ugali ng isa sa mga characters ko at dahil hindi naman ako introvert, mahirap isulat. Hindi ako kontento sa imahinasyon ko at sa tingin ko ay parang may kulang pa rin kaya nilapitan ko ‘tong
Leana’s POV “Huy, ate. Sigurado ka ba sa gagawin mo?” nag-aalangan na tanong sa akin ni Chance. “Oo. Bakit?” “Gagamitin mo 'yung tao para lang realistic ang maisulat mo sa novel mo?” kunot na kunot ang noong aniya. “Anong masama roon?” “Aray!” Napasigaw ako dahil sa biglaan niyang pagbatok sa akin. “Tanga ka, ate. Paano kapag na attach sa 'yo 'yung tao tapos bigla kang lalayo? Ang gagawin mo?” “Kung mangyayari 'yun, makaka-move on din 'yun panigurado.” Nakita ko ang hindi pagsang-ayon sa mukha ng kapatid ko. “Alam mo naman siguro 'yung pakiramdam ng nagagamit diba ate? Naranasan mo 'yun ng paulit ulit kaya alam mo kung gaano kasakit. Tapos gagawin mo 'yung kinaayawan mo sa ibang tao?” Natigilan ako dahil tama ang sinabi niya. “Mas malala naman 'yung ginawa nila sa akin,” nag-iiwas ng tingin na sagot ko. “Oo, mas malala pero ate naman… Inuulit mo lang 'yung ginawa sa 'yo nung mga dating naging kaibigan mo. Anong ginawa nila? Diba nakipag-kaibigan sila sayo tapos nung nakuha
Nico’s POV I wish I could go back to the times when everything was equal when it comes to me and my siblings. I wish I could go back to the times when I was still not aware of everything. Now that I grew up, I saw the toxicity of my family. It was full of competition. It’s not just the pressure that it gives me but it also makes me question my worth in this family. I want to be a kid again. Tahimik lang akong kumakain kasama ang pamilya ko at tulad ng nakasanayan, nagku-kwento ang mga kapatid ko sa parents namin tungkol sa mga achievements nila. Ang dami nilang achievements samantalang ako, wala man lang akong maipagmamayabang. “Ikaw, Nico. How’s school?” Napalingon ako kay mommy na nagsalita. “School is fine, ma. I’m doing great.” “Are you sure kuya?” Agad na kumunot ang noo ko dahil sa komento ng nakababatang kapatid ko. He’s a year younger than me. Nilingon ko siya at nandon na naman ang mga tingin niyang tila ba sinasabihan ako na walang silbi. Hindi ko siya sinagot at na
Leana’s POV Nagkatinginan kami ng kapatid ko at sabay ding umasim ang mukha dahil sa mga magulang namin. Paano ba kasi? Napaka PDA. Alam ko naman na mahal na mahal nila ang isa't-isa pero…. Hindi ako komportable sa nakikita ko! Ang awkward kaya! Respeto sa mga single! “Ate, tara na,” yaya niya sa akin. “Teka lang. Magpaalam pa tayo.” Pinadyak niya ang paa niya hudyat na naiinis na siya. “Huwag na! Eh paano ba ‘yan, para silang gagawa ng panibagong kapatid!” Nanlaki ang mga mata ko hinampas siya. “Gago, ang lakas ng boses mo.” Tumawa siya at napangiti naman ako habang nagpipigil ng tawa. Naiiling kong kinuha ang cellphone ko at nag-text kay mama na mauuna na kami. “Tara na ate… nandidiri ako!” Pabulong na sigaw niya. Binatukan ko siya at hinatak na siya para hindi na siya magreklamo. “Ma! Pa! Una na kami!” Sigaw ko at naglakad kami palabas ng bahay para sumakay ng tricycle. Habang nasa tricycle kami ay palihim kong tinignan si Chance. Nagpigil ako ng tawa dahil sa itsura n
Nico’s POV “Nicolo!” She’s using that damn nickname again! I hate it. I said, my name is Nico! Just Nico! "What?” inis na tanong ko. Ayaw ko namang pagtaasan siya ng boses dahil baka masaktan ko ang loob niya. Mukha pa naman siyang masaya. “Wala akong activity sa club namin ngayon. Gusto mong tumambay?” Uuwi na ako eh pero gusto ko rin namang tumambay muna kasama ‘tong maingay na stupid na ‘to. “Where?” “Sa field. Gusto mo?” “Ang layo.” “What? Hindi ‘yan. Ang tamad mong maglakad ah. Halika na! Ano ‘yan, mag-isa ka rito sa classroom? Ang lonely nun.” “Why can’t we just stay here?” angal ko. “Alam mo, hindi ka pa ba pagod kakaupo buong maghapon sa chair mo? Tara na!” Hinatak niya ako patayo. Why am I letting her do this to me in the first place? I can just shove her away! Stupid me. What if I get attached to this girl? “Mainit doon Leana.” “Upo tayo sa ilalim ng puno.” Ang dami niyang naiisip na paraan. Wala akong nagawa kundi tumayo at isukbit ang bag ko sa likuran k
Leana’s POV Please, someone, come comfort me. Napayakap ako sa sarili ko habang pinipigilan ang sarili ko mula sa paghikbi. Narito ako sa medyo madilim na parte ng eskinita para walang makakita sa pag-iyak ko. Pakiramdam ko ay napakawalang silbi kong anak. Pakiramdam ko ay panganay nga ako pero wala naman akong maitulong kina mama. Kanina lang ay pinanood ko na naman kung paano mag-usap sina mama at papa at pera na naman ang problema. Hindi ko kayang makita ang mga reaksyon nila. Nasasaktan ako ng sobra. Gustong-gusto kong sumigaw pero anong magagawa ng pagsigaw ko? May lalabas bang pera mula sa malakas na sigaw ko? Wala. Mauubos lang ang boses ko. Pagod ako mula sa pagtu-tutor at galing sa eskwelahan tapos ‘yun ang madadatnan ko sa bahay. Grabe naman ang realidad. Masyado kang mapanakit. Ano bang gagawin ko para may maitulong man lang ako? Maghahanap ba ako ng trabaho? Pero ano naman? Paano ko sasabihin kina mama na gusto ko silang tulungan? Gusto kong magmadali. Gusto kong mak