Share

Chapter 71

Leana's POV

Bigla akong nagising kaya naman ay agad kong kinapa ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. Alas dose pa lang ng madaling araw at ramdam ko ang pananakit ng ulo ko. Nakakaramdam ako ng mga pagpitik sa ulo ko at napakasakit nun. Senyales na hindi pa matagal simula nung nakatulog ako.

Bahagya ko pang sinabunutan ang sarili ko nang pumasok na naman sa isip ko ang nakita ko sa mall nung araw na iyon. Nandon muli 'yung kakaibang sakit na tulad ng naramdaman ko sa araw din na iyon. Parang nadadaganan ang dibdib ko sa sobrang bigat nito at tila mahirap din tuloy huminga.

Umupo ako sa kama at kumunot ang noo dahil sa dami ng sakit na naramdaman ko sa katawan. Sakit sa ulo dahil wala na naman akong ginawa kundi ang umiyak, sakit sa likuran dahil sa buong oras na nakahiga ako ay yakap yakap lang ang sarili, hapdi sa mga mata dahil sa sobrang pag-iyak.

Ni hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Basta ang alam ko ay nasaktan ako sa nakita ko nung araw na iyon. Hindi ko maint
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status